Chapter 166: He Gone Again Kung dati rati mahalaga ang bawat patak ng segundo para kay Serena ngayon naman halos lumilipas ang oras na walang kabuluhan ang ginagawa niya.Nagsasayang siya ng oras…At mahirap iyon sa kanya.“Ano ba ang ginagawa ni Gabriel sa akin?” tanong niya sa refleksyon niya sa salamin. “Sinabi ko naman sa kanya na hindi ako maghahabol dahil sa nangyari sa amin. Saka pinatawad ko na siya at hindi ako magsusumbong sa kahit na sino… Wala ba siyang tiwala sa akin? Ayaw ba niya maniwala sa akin? Inis naman oh,”“Tsk. Ano ba kasi ang inaalala mo?” na halos parang malalaglag ang puso ni Serena dahil ang nasa likuran niya ngayon ay si Gabriel.Napaharap siya dito.“Nanaginip ba ako o nakauwi ka na?” Ngunit ang itinugon ni Gabriel ay iling na medyo hindi nga nito nagustuhan ang narinig kay Serena.Tumalikod na lamang ang binata na siyang sinundan nga ito ni Serena.“Gabriel… Kailangan ko umuwi sa amin. Eh nag-alala na sila sa akin lalo na si tatay. Alam mo naman na may sa
Chapter 167: Her TutorWala nagawa sa buong maghapon si Serena kundi manuod ng mga pelikula na halos humapdi ang kanyang mga mata sa kakaiyak o kaya mamaos ang lalamunan niya dahil sa kakatawa. Gustong-gusto niya yung nakukuha ang emosyon niya… Wag lang ang matakot siya.Oo, sa lahat ng pelikula, horror genre ang kinakatakutan niya. Noon sinubukan niyang manuod ng mga nakakatakot at sa huli siya itong nahirapan na halos isang linggo siya hindi makatulog ng maayos.At ayon na din sa habilin ni Gabriel kay Agatha, may tatlong bagay na ipinagbabawal kay Serena.Bawal manuod ng balita…Bawal gumamit ng mga communication device…At higit sa lahat bawal siyang lumabas sa silid na iyon.Napabuntong-hininga na lang si Serena.Ang iniisip na lamang niya…Ang mga preso nga pwede humingi ng parole… Siya pa ba? Hindi nawawalan si Serena na balang araw nga magsasawa din si Gabriel sa kanyang presensya. Ngunit paano naman ito magsasawa sa kanya kung palagi naman itong wala.“Miss Serena.” napalingo
Chapter 168: Buy Sometime Dahil pumayag si Serena na turuan siya tungkol sa sining, ayun buong maghapon pinakilala ni Lexie kay Serena ang lahat ng tao sa likuran ng kasaysayan ng sining. Halos napapahikab si Serena dahil nakaka-antok iyon…Saka kalian pa siya nacurious sa mga taong nasa likuran ng mga sikat na painting?‘Isang painting lang ang sobrang mahal… Hindi naman yun makakain?’Dahil nahihiya ang tutor niya na sitahin siya… Namalayan na lamang ni Serena nakatulog siya.“Leonardo Da Vin— Miss Serena?”At nang magising si Serena, naramdaman niya kaagad ang hilo ulit. Naalala niya tuloy noong unang sumakay siya sa sasakyan ni Gabriel…At sa tingin niya… Masusuka siya.Kaya dumiretso ng banyo at inilabas ang sama ng loob ng tiyan niya.Ang pinaka-ayaw niya sa lahat… Ang magsuka. Kasi feeling niya napakahina ng katawan niya.May masama ba sa kinain niya? O masyado ba siyang magalaw kaya bigla na lang may kailangan na ilabas ang kanyang tiyan?“Miss Serena… May problema po ba?” ta
Chapter 169 His Scent Bumaba si Gabriel sa sasakyan sinalubong siya ni Agatha at mga kasamahan nito. Kaagad na umangat ang paningin niya kung nasaan ang babaing gumugulo ng kanyang isipan habang nasa trabaho siya. Kung minsan natutulala na lang siya habang tinitignan ang bakas ng kinagat nito sa kanya.At habang lumilipas ang oras nawawala na rin ang bakas.“Kamusta siya?” tanong niya kay Agatha. Agad naman nakuha nito ang ibig niyang sabihin.“Nagsimula na si Miss Lexie na turuan si Miss Serena kung ano man ang ibigin niya. Medyo nga lang pabago-bago ang isipan ni Miss Serena sa nais niyang matutunan ngunit mas mabuti na iyon pangpalipas oras kesa nga wala siyang ginagawa.” habang naglalakad sila papasok ng Manor.Napatango si Gabriel.“Kumain na ba siya?”“Hindi pa. Sasabay na ba kayo maghapunan?”Tumango si Gabriel at nang nasa tapat na siya ng pintuan ng silid kaagad itong binuksan.Bumukas ang pinto at napalingon kaagad si Serena sa kanya. Bahagyang ngumiti ang dalaga sa kanya n
Chapter 170 Nothing to Worry Ngunit nagising si Serena halos lumampas na ang hating-gabi at ala una nga ng umaga. Pawis na pawis siya kahit nga malamig ang silid. Hindi rin niya maalala kung ano ang kanyang panaginip na ang dahilan kung bakit pawis na pawis.Pina-ilaw niya ang lampshade at napaupo bangon. Kinakalma ang kanyang sarili dahil hingal na hingal nga siya. Hirap din siya huminga na tila ba may kung anong sumasakal sa kanya.Nang biglang nagising ang katabi niya… Si Gabriel.“What’s wrong?” umangat ang paningin nito at kahit nga nanlalabo pa ang paningin, bumangon ang binata at tuluyan ngang pinailawan ang silid.Bago ito bumalik sa kanyang harapan kumuha ito ng maiinom na tubig at inabot sa kanya. Kaagad naman niya ito tinangap saka uminom na tila ba uhaw na uhaw siya.“I-isa pa.” Dahil naubos niya ang laman ng baso.Kinuha ni Gabriel ang baso na tinapunan niya ng titig si Serena. Naglalaro sa isipan kung kailangan ba niyang mabahala sa sitwasyon ngayon ng dalaga.“Hindi ak
Chapter 171 Aquinas Massacre Kinabukasan…Nang iminulat ni Serena ang kanyang mga mata…Napakasama ng pakiramdam niya. Halos tatlong araw na siyang ganito ang nararamdaman kapag nagigising tuwing umaga.Masakit ang ulo… Na halos nahihilo siya.At ang tiyan niya parang may kung anong maasim para nga magsuka siya.Wala naman siyang sakit…At wala naman naging mali sa pagtulog niya. Naging mahimbing ang tulog niya at sadyang kailangan lang niya magising dahil nga hindi naman niya kayang matulog ng buong araw.Ano pa nga ba ang mali, pwera nga sa situation niya na ayaw siyang pauwiin ni Gabriel.At ang tungkol sa binata… Wala na ito sa tabi niya.Napabuntong hininga siya.Bakit niya hinahanap ang lalaking iyon?Napalunok laway na lamang siya. Pakiramdam talaga niya masusuka siya dahil nga… sumasakit ang ulo niya.Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.Nang may narinig siyang pumasok kaya napamulat ulit siya. Sa akalang si Gabriel…Mga katulong ito.“Si Gabriel?” agad niyang tanong sa
Chapter 172 Want Him to be Happy? Tapos nang kumain si Serena na hindi man lamang niya nakalahati ang pagkain na nasa pingan. Pero sa tingin naman niya sapat na iyon para i-ulat nito kay Gabriel na maayos siyang kumain ng agahan.Ngunit naghahanap siya ng maaring gawin dahil wala ang kanyang tutor at sinabing kasama din ito sa nagaganap na misa para sa angkan ng Aquinas.Bakit hindi na lang din siya sinama ni Gabriel? Talagang ayaw ata nito gumawa ng desisyon na pagsisihan nito at talaga namang gagawa si Serena ng paraan para makatakas siya kung meron man ngang pagkakataon.Halos kating-kati na ang mga kamay niya na gumawa ng ilang gawain ng bahay. Katulad na lang ng pagluluto. Naalala niya tuloy ang ginawa niyang pagkain para kay Gabriel. Magagawa sana niya ulit iyon kung hahayaan siya nito makalabas sa silid pero hindi nga pwede.Mahigpit na pinagbabawal ni Gabriel.Yung mga katulong sa dami nito sinigurado na ang bawat sulok ng silid walang alikabok. Hindi rin siya pinapansin ng m
Chapter 173: You’re Mine Halos mamula ang mukha ni Serena sa sobrang saya niya dahil nagawa niyang makalabas sa silid dahil sa pananakot niya sa mga tauhan ni Gabriel.Nang biglang…“Saan ka pupunta?”Ang boses na iyon…Upang matigilan siya…Lalo na ng mga tauhan na nasa likuran niya.Sa pag-angat niya ng kanyang paningin kaagad na tumama sa matulis na titig ni Gabriel sa kanya. Matipuno ang hakbang na ginagawa nito ngunit hindi maitatangi na hindi ito natutuwa sa nakikita ngayon.Napa-urong siya.Biglang hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya.Ito na ata ang sinasabi ng mga katulong sa kanya na hindi nga biro ang isa Aquinas.Nang malapit na ito sa kanya pilit niyang magpaliwanag… “A-ano Gabriel…”Nang pinutol yun ng isang nakakatinag na tugon ng binata.“Pasok!”Bulyaw kung bulyaw. At kusa ang mga paa ni Serena ang lumapit sa pinto at pumasok. Pero hindi niya masarahan ang pinto dahil ipinangako niya sa mga katulong at tauhan na siya ang bahala sa mga ito. Malilintikan k
Chapter 218 Egg Cells? Abala si Serena na lagyan ng palaman ang kanyang tinapay habang nasa kapatagan. Sariwa ang hangin… at napakaganda ng paligid. Nililipad ang kanyang buhok… At sa pagkagat sana niya ng kanyang tinapay, biglang siyang nakakita ng mga-asawang kuneho.Nagtataka man kung bakit mayroong kuneho sa paligid niya… Bumangon siya dahil gustong-gusto niya makakita noon sa malapitan. Nilapitan niya ang mag-asawang kuneho, pero bigla itong tumakbo… Kaya hinabol niya. Hangang sa nakita niyang may mga kasama itong maliliit na kuneho…Napangiti siya.Yung pakiramdam na napakagaan ng ngiti niyang iyon.Hangang sa…Naghihintay siya sa may bus stop… Nang biglang umulan. Nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid niya… Habang siya manghang-mangha sa patak ng ulan. Nang bigla niyang hinubad ang suot niyang sapatos… At masayang nagtampisaw sa ulan.Yung pakiramdam na iyon… Sobra siyang nagagalak. Na tipong lahat ng bagay ay umaayon para sa kanyang kaligayahan. Walang katumbas ng pananabik an
Chapter 217 The Changes Hindi inaasahan ni Serena na kilala ni Venus ang kuya Ryan niya.“Akalain mo ang liit talaga ng mundo.” Natatawang sinabi ni Venus at bakas sa mukha nito na puno ng pang-aasar ang mababanat nito sa maghapon sa pamilya niya.“Kung ano man ang pinaplano mo itigil mo yan.”“Anong itigil? Nakakatuwa ngang isipin kapag naisakatuparan ko ang pangti-trip ko ngayon.”“Saan mo ba napulot ang taong yan Sera?” bumalik si Ryan na may dalang prutas at nilapag sa harapan nila. “Tsk. Di ko aakalain na makaka-apak yan dito sa bahay natin.”“Kuya.”“At bakit sa dinami-daming maaring maging kapatid mo yan pang gago, ha Serena?” Balik naman ni Venus kay Ryan na nakatitig dito.Nagkasalubungan ang paningin at wala ngang nagpatalo. Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Siguro nga talaga mayroong hidwaan.“Makapagsalita ‘to, baka nakakalimutan mo wala ka sa territoryo mo.”“Heh. Ikaw ata ang nakakalimot, isa kami sa sponsor ng foundation na nagbigay ng bahay na’to sa inyo. Kaka
Chapter 216 Venus Vs. Her Siblings “Ate, kakarating pa lang nila Ate Sera.” si Allison na nakiki-usap nga kay Rozzie. “Hayaan na muna natin sila magpahinga. Saka na lang din kapag andito na sila Mama at Kuya Ryan.”“Ewan ko lang Allison. Simple lang naman ang isasagot niya, nagawa pang pag-inartehan ako.”“Ikaw din po Ate baka magsisi ka.” Matalinghangang pagsawsaw ni Venus sa usapan. “Okey ka na ba Serena?”“Kung sino ka mang babae ka, hindi kita tinatanong. Wag ka ngang makisawsaw. Usapang pamilya ‘to. Oo malaki ang utang na loob ni Sera sa inyo dahil binigyan niyo siya ng trabaho, ngunit alam niyo ba ng dahil sa inyo malalagay sa alanganin ang pamilyang ito? Kayo ata ang dahilan kung bakit lumaki ang ulo niya.”“Sa may dahilan naman talaga na lumaki ang ulo niya kung si Liam lang naman ang itatapat.” Sagot kaagad ni Venus na napahawak na n
Chapter 215 Hearing His Name “Nasaan sila?” naitanong na lamang ni Serena kay Allison na inihanda nga nito sa mesa ang ginawang Mango Graham. Halata naman kasing nag-iisa lang ito.“Ah sila Ate, may mga pinuntahan lang pero mamaya pauwi na ang mga yun. Lalo na andito ka. Nga pala nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Kuya Ryan? Heto…” Abot ni Allison ng kutsara at binigyan din si Venus.“Ang galing niya Ate.”Ang balitang tungkol sa pagiging bayani ni Ryan matapos sumagip ito ng mga tao.“Mabuti at di siya napahamak. Pero masaya ako para sa kanya.”“Infairness may sinabi nga itong Mango Graham mo.” Si Venus. “Kunin kitang chef ng banda namin gusto mo?”Nanlaki ang mga mata ni Allison.“Talaga?!”“Oo naman kung gusto mo bakit hindi?”“Sige! Kapag nanganak na ako.”“Wait ma
Chapter 214 His Web Nakaramdam ng pagyugyug ng balikat si Serena kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.“Andito na po tayo sa village niyo.” Si Venus.Umangat naman ang paningin ni Serena… At kaagad naging pamiliar nga sa kanya ang paligid. Yung village kung saan inilipat ni Gabriel ang pamilya niya.Nang biglang nakaramdam siya ng panghihilo. Biglang sumakit ang ulo niya na para bang kurot… Ngunit nawala naman kaagad.“Ganto ha, sakyan mo na lang ang mga kwento ko kung hindi baka bigtiin tayo ni Gabriel kapag nabigo o nahuli tayo ng pamilya mo. Saka wag na wag kang magtatangka na magsumbong sa kanila. Di mo alam ang magagawa ng isang Gabriel Aquinas.”Ang huling mga salitang binitiwan ni Venus ay talaga namang seryoso at isa itong pagbabanta sa kanya. Yun nga, sino naman ang makakagawa ng bagay na kitang-kita nang talo na.Napabuntong-hininga na lamang si Serena
Chapter 213 It Should Not Happened Naiyukom na lamang ni Serena ang kanyang kamay dahil parang hindi siya titigilan ni Venus.“Ang tanong, lumabas na ba si Bloody Mary?”Yan, pati mga santo na hindi niya kilala tinatanong sa kanya.“Sinong Bloody Mary?”“Bobols ka din, no? Yung IQ ni Big Boss pang universe ang dating yung iyo naman pang tuldok lang ng ballpen. Bloody Mary po, yung period mo?!”“Ganun ba. Hindi pa naman pero irregular po ako. At hindi po ako buntis.”“Kung ako sayo, patingin ka sa doktor para maconfirm. Balita ko kasi iwas ka sa doktor, bakit? May gustong itago kay Big Boss?”“Wala naman talaga akong tinatago sa kanya. Buti pa ako, ako itong tinatago niya.” ‘“Heh. Alam mo bang sa tingin ko…” Tinignan siya ni Venus mula ulo hangang paa… “Buntis ka. At siyam na buwan ka hindi dadalawin ng bloody Mary, kaya kung ako sayo dapat ihanda mo na ang sarili mo dahil balita ko lahi na ng mga Aquinas ang pagiging mga masungit. Ahaha.”“Ano ba! Tumigil ka nga. Hindi nga ako bunti
Chapter 212 Her Future Name “So, buntis ka nga?”“Huh?”“Buntis ka ba?” Ulit ni Venus dahil parang nabibingi nga si Serena.“Sinong may sabi na—. Hindi. At may nakain lang siguro akong masama kaya ako nagsusuka saka—.” Natigilan si Serena. “In denial ka pa.” putol nga ni Venus.Dahil biglang napapikit si Serena… At parang may kung ano na naman ang nais na ilabas ng bibig niya… Hindi ba… Isinuka na niya yung kinain niya kanina lang?Buntis siya?Possible ngunit… Hindi yun maari.“Wag mo akong pag-isipan ng ganyan. Saka nahihilo naman talaga ako sa mga gantong sasakyan.”“Hala. Nagagawa mo pa talagang tangihan si Big Boss… At ang performance niya? Haha. Tignan mo nga itong reply niya.”“Ewan ko sayo.”“May nangyari sa
Chapter 211 His Concern “…” Aangal pa sana si Serena ngunit lumapit na siya kay Gabriel para nga mapadali na ang lahat. At para ng manahimik na din ang binata at kahit siya hindi niya inaasahan na hahalikan niya ito sa pisngi.Saglit nga siyang natigilan…At nagkatitigan silang dalawa.Anong ginagawa niya?“Uhmmm… Alis na kami. Bye.” Walang emotion na sinabi niya ngunit ang hiya sa ginawa niya halatang-halata sa namumula niyang mukha. Kaya naman para siyang gansa na lumapit kay Venus at hinila ang kamay nito para tuluyan nga silang makalabas ng sala.“Problema nito… kunwari pa.” si Venus.“Shhh…” Awat ni Serena na parang kaagad nga silang naging malapit sa isa’t-isa.Dumating ang sasakyan sa harapan nila, at sa likuran nila nakasunod si Gabriel. Bago pa man sila makalapit sa sasakyan, si Gabriel itong n
Chapter 210 Her Husband? Mas naunang bumaba si Serena at kahit nga nakita na niya ang napakalaking bulwagan ng Manor, namamangha parin siya sa ganda. Yung mga painting at mga mamahaling porcelana… Ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na makaka-apak siya sa ganitong klaseng bahay.“Hello. Siguro naman satisfy ka na at agree ka dito sa damit ko ha.” Bati sa kanila ni Venus.Nanlaki naman ang mga mata ni Serena. Sa nakikita niya ngayon… Halos hindi niya makilala si Venus dahil ang palaging kasuotan nito yung para bang emo lang ang dating. Halos itim palagi ang suot nito. Nakasuot ito ng sunny dress with matching straw hat.Saan ang beach?Pero napakaganda nito.Walang-wala sa kanya. Kuko lang ata siya nito. Ang puti nito mas healthy pa kumpara sa kanya. Saka babaing-babae ang awrahan talaga.Medyo nga siya Natotomboy sa nakikita niya…Nakakaramdam ng insecurit