Chapter 171 Aquinas Massacre Kinabukasan…Nang iminulat ni Serena ang kanyang mga mata…Napakasama ng pakiramdam niya. Halos tatlong araw na siyang ganito ang nararamdaman kapag nagigising tuwing umaga.Masakit ang ulo… Na halos nahihilo siya.At ang tiyan niya parang may kung anong maasim para nga magsuka siya.Wala naman siyang sakit…At wala naman naging mali sa pagtulog niya. Naging mahimbing ang tulog niya at sadyang kailangan lang niya magising dahil nga hindi naman niya kayang matulog ng buong araw.Ano pa nga ba ang mali, pwera nga sa situation niya na ayaw siyang pauwiin ni Gabriel.At ang tungkol sa binata… Wala na ito sa tabi niya.Napabuntong hininga siya.Bakit niya hinahanap ang lalaking iyon?Napalunok laway na lamang siya. Pakiramdam talaga niya masusuka siya dahil nga… sumasakit ang ulo niya.Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.Nang may narinig siyang pumasok kaya napamulat ulit siya. Sa akalang si Gabriel…Mga katulong ito.“Si Gabriel?” agad niyang tanong sa
Chapter 172 Want Him to be Happy? Tapos nang kumain si Serena na hindi man lamang niya nakalahati ang pagkain na nasa pingan. Pero sa tingin naman niya sapat na iyon para i-ulat nito kay Gabriel na maayos siyang kumain ng agahan.Ngunit naghahanap siya ng maaring gawin dahil wala ang kanyang tutor at sinabing kasama din ito sa nagaganap na misa para sa angkan ng Aquinas.Bakit hindi na lang din siya sinama ni Gabriel? Talagang ayaw ata nito gumawa ng desisyon na pagsisihan nito at talaga namang gagawa si Serena ng paraan para makatakas siya kung meron man ngang pagkakataon.Halos kating-kati na ang mga kamay niya na gumawa ng ilang gawain ng bahay. Katulad na lang ng pagluluto. Naalala niya tuloy ang ginawa niyang pagkain para kay Gabriel. Magagawa sana niya ulit iyon kung hahayaan siya nito makalabas sa silid pero hindi nga pwede.Mahigpit na pinagbabawal ni Gabriel.Yung mga katulong sa dami nito sinigurado na ang bawat sulok ng silid walang alikabok. Hindi rin siya pinapansin ng m
Chapter 173: You’re Mine Halos mamula ang mukha ni Serena sa sobrang saya niya dahil nagawa niyang makalabas sa silid dahil sa pananakot niya sa mga tauhan ni Gabriel.Nang biglang…“Saan ka pupunta?”Ang boses na iyon…Upang matigilan siya…Lalo na ng mga tauhan na nasa likuran niya.Sa pag-angat niya ng kanyang paningin kaagad na tumama sa matulis na titig ni Gabriel sa kanya. Matipuno ang hakbang na ginagawa nito ngunit hindi maitatangi na hindi ito natutuwa sa nakikita ngayon.Napa-urong siya.Biglang hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya.Ito na ata ang sinasabi ng mga katulong sa kanya na hindi nga biro ang isa Aquinas.Nang malapit na ito sa kanya pilit niyang magpaliwanag… “A-ano Gabriel…”Nang pinutol yun ng isang nakakatinag na tugon ng binata.“Pasok!”Bulyaw kung bulyaw. At kusa ang mga paa ni Serena ang lumapit sa pinto at pumasok. Pero hindi niya masarahan ang pinto dahil ipinangako niya sa mga katulong at tauhan na siya ang bahala sa mga ito. Malilintikan k
Chapter 174 Enough Hindi makapagsalita si Gabriel dahil sa nangyari.At ng matauhan siya…“Serena!”Kaagad niyang hinubad ang damit niya saka sinundan ang dalaga. Naabutan niya na patuloy parin ito nagsusuka.May masama ba itong kinain?“Serena…” nilingon siya ng dalaga. Naluluha ang mga mata nito dahil sa pagsusuka. Para bang mas nahirapan ito magsuka kesa nga noong nahilo siya dahil mabilis na pinatakbo ni Gabriel ang sasakyan.“Sa tingin ko… Hindi maganda ang timpla ng tiyan ko ngayon. May sira yata yung pinakain mo sa akin kagabi. Uggggh!” Dahil masusuka na naman nga si Serena.“Ano bang inihanda nila sayo kagabi?”“Tsk. Pagkain pangmayaman. Di sanay noon ang tiyan ko.” Saka nga hinugasan ni Serena ang kanyang bibig. “Ang ayoko sa lahat yung nagsusuka ako.”Kuha nito ng hand towel at napapunas nga.“Ang sama sa pakiramdam. Nakakapanghina.” harap ni Serena kay Gabriel. “Kung pwede kasing umuwi na ako. Yan tuloy naging dagdag pa ako sa kailangan mong pakainin dito sa pamamahay mo.
Chapter 175 Aquinas Clan Tawang-tawa si Serena ng lumabas sa pinto ng silid ni Gabriel. Pakiramdam niya kasi sa simpleng sinabi ng binata naisahan niya ito.Nang...“Serena!”Natigilan man ang siya sa paglalakad at lumingon sa tumawag sa kanya… Isang pilyong belat ang itinugon niya dito.“Hayaan mo ako. Ngayon lang naman ito.”Saka nga kumaripas ng takbo si Serena kahit nga hindi niya alam kung saan papunta ang hallway na iyon.Ang Aquinas Manor dinaig pa ang isang kastilyo sa sobrang laki nito.Nagtaka kung bakit hindi siya sinundan kaagad ni Gabriel kaya malayang nagawa niyang maglakad-lakad sa hallway. May mga katulong siyang nasasalubong kaagad naman ito nagugulat at hindi makapagsalita. Dahil ayaw niyang madamay ang mga ito ngumingiti na lamang siya sa mga ito saka nagpatuloy sa paglalakad.Natigilan siya sa isang floor length na bintana at tumanaw sa labas… Napakaganda ng nasa labas. Oo katulad din ng nakikita niya sa may terrace ng silid ni Gabriel na hindi niya aakalain na ta
Chapter 176 Trust Over Challenge “Gabriel…”Nang bigla ngang binuhat ni Gabriel si Serena na parang isang sakong bigas.“Gabriel naman!” hampas niya sa likod nito. “Sinabi mong maari na akong lumabas!”“Tsk. Wala akong sinabi na maari kang lumabas.”“Meron. Sabi mo labas.”Ngumisi si Gabriel. “Ibaba mo na ako. Maglalakad na lang ako mag-isa!”Ngunit hindi nakinig ang binata.“Nakaka-inis ka. Malinaw yung dinig ko na pinapalabas mo ako.”“Alam mo ang ibig sabihin noon Serena. Hindi itong ginagawa mo.”“Pero sinabi mong labas. Hindi ba? Bitawan mo nga ako.” Na muli niyang pinaghahampas ang likod ng binata.Oo siya na itong magaan na madali lang mapasan ng ganito.Hindi siya ibinaba ng binata hangang sa nakarating sila ng pinto at pinagbuksan iyon ng utusan. Saka naman sila pumasok.“Bitawan mo na ako!”“…”Tinulay ni Gabriel ang distansya ng kama at doon nga siya ibinagsak.Sa pagbagsak niya… Kaagad nagtama ang paningin nilang dalawa kaya naman kaagad siyang napabangon-upo dahilan upa
Chapter 177 His Silent Grief Kaagad naman inutos ni Gabriel kay Agatha ang kasunduan nila ni Serena. Walang makiki-alam sa laro nila… At higit sa lahat walang tutulong kay Gabriel. Halos nasa labas na ang lahat ng tauhan at mga katulong ng Aquinas Manor. Deactivated din lahat ng CCTV. At sa loob ng sampung minuto kailangan mahanap ni Gabriel ang dalaga.Wala sanang oras si Gabriel para sa ganoong klaseng laro ngunit kung ito naman ang paraan para magkaroon siya ng matiwasay na oras pagkatapos ng laro, hindi niya uurungan.Iniharap ni Gabriel kay Serena ang laptop. Ito ang pipili ng kanta, ang oras na siyang papalipasin para makapagtago siya at pagkatapos ng kanta saka naman magsisimula ang binata na hanapin at habulin siya hangang mahuli niya ito.“Hmmm… Yung dapat matagal… three minutes o sobra. Sa wala pa akong tour sa bahay mong ito.” habang naghahanap na nga ng kanta si Serena.“Heto… A Thousand Years.” saka umangat ang paningin ng dalaga kay Gabriel na nakaabang naman ito sa kan
Chapter 178 Possessive Tiwala…Yun ang bagay na ibibigay ngayon ni Gabriel kay Serena.Oo, kailangan niya sumugal dahil ito ang mas makakabuti sa kanilang dalawa. Nahihirapan na din siyang makita na ang karapatan ng mahal niya ay isinasawalang bahala lamang niya mismo.Ngunit kung mabibigo man siya ni Serena hindi siya nito masisi kung lalo niya itong babakuran. Binibigyan na niya ito ng pagkakataon…At ang hiling niya sana nga hindi siya nito mabigo.Time stands stillBeauty in all she isDahil maninindigan siyang protektahan ito. Mamahalin niya ng buong katapatan kahit nga sariling buhay pa niya ang nakataya.Itong prinsipyong magmahal nang may katapatan ay natural na umiiral sa dugo ng Aquinas. Kita sa buong angkan kung paano nga sila nagmahal.I will be braveI will not let anything take awayWhat's standing in front of meEvery breath, every hour has come to thisAng pamilyang pinangalingan niya ni minsan hindi marunong makipaglaro ng damdamin.Seryoso sila.Seryoso kung magmaha
Chapter 218 Egg Cells? Abala si Serena na lagyan ng palaman ang kanyang tinapay habang nasa kapatagan. Sariwa ang hangin… at napakaganda ng paligid. Nililipad ang kanyang buhok… At sa pagkagat sana niya ng kanyang tinapay, biglang siyang nakakita ng mga-asawang kuneho.Nagtataka man kung bakit mayroong kuneho sa paligid niya… Bumangon siya dahil gustong-gusto niya makakita noon sa malapitan. Nilapitan niya ang mag-asawang kuneho, pero bigla itong tumakbo… Kaya hinabol niya. Hangang sa nakita niyang may mga kasama itong maliliit na kuneho…Napangiti siya.Yung pakiramdam na napakagaan ng ngiti niyang iyon.Hangang sa…Naghihintay siya sa may bus stop… Nang biglang umulan. Nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid niya… Habang siya manghang-mangha sa patak ng ulan. Nang bigla niyang hinubad ang suot niyang sapatos… At masayang nagtampisaw sa ulan.Yung pakiramdam na iyon… Sobra siyang nagagalak. Na tipong lahat ng bagay ay umaayon para sa kanyang kaligayahan. Walang katumbas ng pananabik an
Chapter 217 The Changes Hindi inaasahan ni Serena na kilala ni Venus ang kuya Ryan niya.“Akalain mo ang liit talaga ng mundo.” Natatawang sinabi ni Venus at bakas sa mukha nito na puno ng pang-aasar ang mababanat nito sa maghapon sa pamilya niya.“Kung ano man ang pinaplano mo itigil mo yan.”“Anong itigil? Nakakatuwa ngang isipin kapag naisakatuparan ko ang pangti-trip ko ngayon.”“Saan mo ba napulot ang taong yan Sera?” bumalik si Ryan na may dalang prutas at nilapag sa harapan nila. “Tsk. Di ko aakalain na makaka-apak yan dito sa bahay natin.”“Kuya.”“At bakit sa dinami-daming maaring maging kapatid mo yan pang gago, ha Serena?” Balik naman ni Venus kay Ryan na nakatitig dito.Nagkasalubungan ang paningin at wala ngang nagpatalo. Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Siguro nga talaga mayroong hidwaan.“Makapagsalita ‘to, baka nakakalimutan mo wala ka sa territoryo mo.”“Heh. Ikaw ata ang nakakalimot, isa kami sa sponsor ng foundation na nagbigay ng bahay na’to sa inyo. Kaka
Chapter 216 Venus Vs. Her Siblings “Ate, kakarating pa lang nila Ate Sera.” si Allison na nakiki-usap nga kay Rozzie. “Hayaan na muna natin sila magpahinga. Saka na lang din kapag andito na sila Mama at Kuya Ryan.”“Ewan ko lang Allison. Simple lang naman ang isasagot niya, nagawa pang pag-inartehan ako.”“Ikaw din po Ate baka magsisi ka.” Matalinghangang pagsawsaw ni Venus sa usapan. “Okey ka na ba Serena?”“Kung sino ka mang babae ka, hindi kita tinatanong. Wag ka ngang makisawsaw. Usapang pamilya ‘to. Oo malaki ang utang na loob ni Sera sa inyo dahil binigyan niyo siya ng trabaho, ngunit alam niyo ba ng dahil sa inyo malalagay sa alanganin ang pamilyang ito? Kayo ata ang dahilan kung bakit lumaki ang ulo niya.”“Sa may dahilan naman talaga na lumaki ang ulo niya kung si Liam lang naman ang itatapat.” Sagot kaagad ni Venus na napahawak na n
Chapter 215 Hearing His Name “Nasaan sila?” naitanong na lamang ni Serena kay Allison na inihanda nga nito sa mesa ang ginawang Mango Graham. Halata naman kasing nag-iisa lang ito.“Ah sila Ate, may mga pinuntahan lang pero mamaya pauwi na ang mga yun. Lalo na andito ka. Nga pala nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Kuya Ryan? Heto…” Abot ni Allison ng kutsara at binigyan din si Venus.“Ang galing niya Ate.”Ang balitang tungkol sa pagiging bayani ni Ryan matapos sumagip ito ng mga tao.“Mabuti at di siya napahamak. Pero masaya ako para sa kanya.”“Infairness may sinabi nga itong Mango Graham mo.” Si Venus. “Kunin kitang chef ng banda namin gusto mo?”Nanlaki ang mga mata ni Allison.“Talaga?!”“Oo naman kung gusto mo bakit hindi?”“Sige! Kapag nanganak na ako.”“Wait ma
Chapter 214 His Web Nakaramdam ng pagyugyug ng balikat si Serena kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.“Andito na po tayo sa village niyo.” Si Venus.Umangat naman ang paningin ni Serena… At kaagad naging pamiliar nga sa kanya ang paligid. Yung village kung saan inilipat ni Gabriel ang pamilya niya.Nang biglang nakaramdam siya ng panghihilo. Biglang sumakit ang ulo niya na para bang kurot… Ngunit nawala naman kaagad.“Ganto ha, sakyan mo na lang ang mga kwento ko kung hindi baka bigtiin tayo ni Gabriel kapag nabigo o nahuli tayo ng pamilya mo. Saka wag na wag kang magtatangka na magsumbong sa kanila. Di mo alam ang magagawa ng isang Gabriel Aquinas.”Ang huling mga salitang binitiwan ni Venus ay talaga namang seryoso at isa itong pagbabanta sa kanya. Yun nga, sino naman ang makakagawa ng bagay na kitang-kita nang talo na.Napabuntong-hininga na lamang si Serena
Chapter 213 It Should Not Happened Naiyukom na lamang ni Serena ang kanyang kamay dahil parang hindi siya titigilan ni Venus.“Ang tanong, lumabas na ba si Bloody Mary?”Yan, pati mga santo na hindi niya kilala tinatanong sa kanya.“Sinong Bloody Mary?”“Bobols ka din, no? Yung IQ ni Big Boss pang universe ang dating yung iyo naman pang tuldok lang ng ballpen. Bloody Mary po, yung period mo?!”“Ganun ba. Hindi pa naman pero irregular po ako. At hindi po ako buntis.”“Kung ako sayo, patingin ka sa doktor para maconfirm. Balita ko kasi iwas ka sa doktor, bakit? May gustong itago kay Big Boss?”“Wala naman talaga akong tinatago sa kanya. Buti pa ako, ako itong tinatago niya.” ‘“Heh. Alam mo bang sa tingin ko…” Tinignan siya ni Venus mula ulo hangang paa… “Buntis ka. At siyam na buwan ka hindi dadalawin ng bloody Mary, kaya kung ako sayo dapat ihanda mo na ang sarili mo dahil balita ko lahi na ng mga Aquinas ang pagiging mga masungit. Ahaha.”“Ano ba! Tumigil ka nga. Hindi nga ako bunti
Chapter 212 Her Future Name “So, buntis ka nga?”“Huh?”“Buntis ka ba?” Ulit ni Venus dahil parang nabibingi nga si Serena.“Sinong may sabi na—. Hindi. At may nakain lang siguro akong masama kaya ako nagsusuka saka—.” Natigilan si Serena. “In denial ka pa.” putol nga ni Venus.Dahil biglang napapikit si Serena… At parang may kung ano na naman ang nais na ilabas ng bibig niya… Hindi ba… Isinuka na niya yung kinain niya kanina lang?Buntis siya?Possible ngunit… Hindi yun maari.“Wag mo akong pag-isipan ng ganyan. Saka nahihilo naman talaga ako sa mga gantong sasakyan.”“Hala. Nagagawa mo pa talagang tangihan si Big Boss… At ang performance niya? Haha. Tignan mo nga itong reply niya.”“Ewan ko sayo.”“May nangyari sa
Chapter 211 His Concern “…” Aangal pa sana si Serena ngunit lumapit na siya kay Gabriel para nga mapadali na ang lahat. At para ng manahimik na din ang binata at kahit siya hindi niya inaasahan na hahalikan niya ito sa pisngi.Saglit nga siyang natigilan…At nagkatitigan silang dalawa.Anong ginagawa niya?“Uhmmm… Alis na kami. Bye.” Walang emotion na sinabi niya ngunit ang hiya sa ginawa niya halatang-halata sa namumula niyang mukha. Kaya naman para siyang gansa na lumapit kay Venus at hinila ang kamay nito para tuluyan nga silang makalabas ng sala.“Problema nito… kunwari pa.” si Venus.“Shhh…” Awat ni Serena na parang kaagad nga silang naging malapit sa isa’t-isa.Dumating ang sasakyan sa harapan nila, at sa likuran nila nakasunod si Gabriel. Bago pa man sila makalapit sa sasakyan, si Gabriel itong n
Chapter 210 Her Husband? Mas naunang bumaba si Serena at kahit nga nakita na niya ang napakalaking bulwagan ng Manor, namamangha parin siya sa ganda. Yung mga painting at mga mamahaling porcelana… Ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na makaka-apak siya sa ganitong klaseng bahay.“Hello. Siguro naman satisfy ka na at agree ka dito sa damit ko ha.” Bati sa kanila ni Venus.Nanlaki naman ang mga mata ni Serena. Sa nakikita niya ngayon… Halos hindi niya makilala si Venus dahil ang palaging kasuotan nito yung para bang emo lang ang dating. Halos itim palagi ang suot nito. Nakasuot ito ng sunny dress with matching straw hat.Saan ang beach?Pero napakaganda nito.Walang-wala sa kanya. Kuko lang ata siya nito. Ang puti nito mas healthy pa kumpara sa kanya. Saka babaing-babae ang awrahan talaga.Medyo nga siya Natotomboy sa nakikita niya…Nakakaramdam ng insecurit