"Am I too late for this drama?" sagot ng isang boses babae na bigla na lamang sumulpot sa harapan ng dalawa. "M-Mom???" utal na sagot ni Julian habang mabilisan naman na pinunasan ni Alexa ang kanyang mga luha at umakto na tila walang nangyari. "How are you, lovers? Sorry for interrupting you, but I'm glad na bumalik na pala kayo... I guess you enjoyed staying not any longer in the Philippines?" nakangiting sabi ni Mrs. Evans at hinawakan ang likod ng dalawa habang nakapwesto ito sa pagitan nila. "I hate seeing you two quarrels like that. C'mon, let's get inside," dagdag ng ginang, ngunit ang tinginan ng dalawa ay tila nagkaka-ilangan. --- Habang nasa gitna ng hapag-kainan ay palihim na sinusulyapan ni Julian si Alexa na noo'y hindi rin komportable na nakaupo sa harap ng hapag-kainan. "Oh, Alexa... taste this, masarap din ito, anak," kalmadong sagot ni Mrs. Evans. "S-Salamat po..." tipid na sagot ni Alexa sabay kuha ng pagkain na inabot ni Mrs. Evans sa kanya. "So, Juli
Halos kabado ako nang wala akong marinig na sagot sa ina ni Julian dahil sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Eros. "S-Sorry po kung... naitanong ko ang bagay na iyon, tita," sagot ko at halos mapapikit ako dahil sa kagagahan ko. "Don't be sorry, dear... Kahit na napakapasaway ni Eros, mahal na mahal ko pa rin sila ni Julian. Sadly, he's not with me for years... Oh! Siya nga pala, iha, saan kayo nag-stay ni Julian nung nasa Pilipinas kayo?" tanong ni tita, at hindi nga ako nagdalawang-isip na sabihin ang totoo. "Amh... sa Tagaytay po, tita. Nabanggit din po sa akin ni Julian na iyon daw po ang family house niyo..." sagot ko, ngunit hindi ko alam kung bakit tila may konting kumakabog sa dibdib ko. "Oh, wow! Last vacation ko doon ay anim na taon na ang nakakalipas. Nakaka-miss umuwi ng Pilipinas... Pero based sa text message ni Eros, nagkita-kita na raw kayo?" sagot ni tita, at tila may bahid ng saya ang boses nito. "Amh... Opo, tita," tipid kong sagot. "So, how do you find Er
"Brent... I'm sorry," mahina kong sagot, ngunit nakita ko kung paano tinanggap ni Brent ng buong-buo ang paumanhin ko. Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin, at ganoon din ako sa kanya. "One call away lang ako, Alex. Kapag may problema ka, nakahanda akong makinig, and I promise you na hangga't hindi ka ikinakasal, patuloy pa rin akong aasa," mahinang sabi nito malapit sa tainga ko. Napapikit na lamang ako. Nagambala ang emosyonal na usapan namin ni Brent nang biglang sumigaw ang ina ni Julian, na tila hinahanap na kami. Bigla akong kumawala sa pagkakayakap ni Brent at mabilis na naglakad papunta sa loob. Hindi ko na muling sinulyapan si Brent, na noo'y tipid ang mga yapak habang nasa likuran ko at sumusunod papunta sa loob. ----------------- 6PM Gabi na at nababagot na'ko kakahintay kay Julian kaya nagdesisyon akong umuwi na lang at nagsimulang magpaalam sa mommy ni Julian. Laking gulat ko nang kusang magboluntaryo si Brent na ihatid ako pauwi. "Ahm, h-huwag n
Habang papalapit ang sasakyan sa direksiyon namin ni Brent ay patuloy pa rin namin na inaaninag kung sino ang paparating, at nang tumigil ang sasakyan sa tapat namin ay labis akong nagulat nang dahan-dahan itong lumabas mula sa kotse. Si Veronica... At anong ginagawa niya dito dis-oras na ng gabi? "Oh, sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala ko," sagot ni Veronica at napangisi ito. "Are you following us?!" biglang sagot ni Brent at tila parehas kaming hindi komportable na makita si Veronica. Pasimple akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa kanya dahil baka kung ano pa ang isipin ni Veronica. "Oo, sinusundan ko kayo, and I think... Wala ka rin pa lang pinagkaiba sa'kin Alex, akala mo kung sino kang matino iyon pala...sinusumpong ka din ng pagiging makati." Sarkastiskong sagot ni Veronica habang nakakrus ang mga braso at bahagyang nakasandal ang likod sa sasakyan nito. Parang sasabog ako sa galit sa mga maling akusasyon niya sa'kin. Tatablahin ko na sana nang mabilisan ak
Unang dampi ng sinag ng araw sa mukha ni Alex at kaagad siyang napabalikwas nang maalala niya na ngayon na pala ang araw ng pagsampa ni Sam sa barko. Medyo late na siya nagising at tila hindi na niya naabutan ang kaibigan. >Good morning Alexa sorry sis di na ako nakapagpaalam sa'yo, pero umaasa pa rin ako na sana susunod ka. Mami-miss kita Lexx! Take care always! Samantha
"So attractive..." bulong ni Julian ngunit nagambala ang eksenang iyon nang mag-ring ang cellphone niya at madali niya itong kinuha sa bulsa niya. "Hello? Oh, bakit napatawag ka?" sagot ni Julian sa kabilang linya, at dahil sa lakas ng boses nito'y napansin iyon ni Alex nang umahon ito upang kunin ang cocktail drinks niya. Sinundan niya ng tingin si Julian na noo'y masayang nakikipag-usap sa kabilang linya. Lumapit siya ng bahagya upang marinig kung sino ang kausap nito ngunit tinawag siya ng mommy ni Julian. "Iha c'mon let's take a picture, I think we found the perfect spot para ma- share ko sa social media ko," ngiting sagot ng ginang at mabilis naman na bumalik si Alex sa pool. Ngunit sinulyapan niya pa muli si Julian bago ito tumabi sa ginang. ******* Samantala, busy pa rin si Julian sa pakikipag-usap sa mobile phone nito, hanggang sa magulat siya nang sumulpot si Alex sa harapan niya at nakasuot lamang ito ng puting bathrobe ngunit kitang-kita pa rin ang mga malul
Pilit pa din na pinipihit ni Julian ang doorknob ng comfort room at tila para itong tigre kung umakto. "Hey Alex open the door please! I can't stand this ano...matigas na Alex please!" Pagmamakaawa nito ngunit tinatawanan lamang siya ng dalaga. "Ah bahala ka maghintay diyan!" Sagot ni Alex at napahagikgik pa ito. Pilit pa din na tinutulak ni Julian ang pintuan nang biglang napalakas ata siya ng pagkakatulak at mabilisang bumagsak ang pintuan na ikinagulat naman ni Alex na noo'y walang ng suot na ni isang saplot sa katawan. "Damn...that was so...fast..." Sagot ni Julian ngunit ang paningin ay nakatuon sa katawan ni Alex. "Hoy! bakit mo sinira!" sigaw ni Alex ngunit diretsong pumasok si Julian at hinapit ang balakang sabay halik sa mga labi nito, tila nalulunod si Alex sa mga halik na iyon at parang may diin at malalim na kung humalik si Julian hindi gaya noon. Pagkatapos ay mabilisang ipinasok ni Julian si Alex sa loob ng shower room at sinarado ang sliding door nang may k
Sa unang sikat ng araw, biglang napadilat si Julian sa tunog ng alarm clock. Kagat-labi niyang sinimulan ang umaga. Agad siyang tumayo at dumiretso sa salamin at tanging boxer short lamang nito ang kanyang suot, tumitig sa marka sa kanyang dibdib. Sa isang mabilis na galaw, kinuha niya ang bote ng liquid foundation sa gilid ng mesa at maingat na tinakpan ang mga marka. "Paulit-ulit na lang," bulong niya sa sarili habang pinapahid ang produkto. "Ayokong may makakita nito... lalo na siya." Nang makuntento na siya, nagbuntong-hininga at nag-ayos ng buhok. Habang lumalabas ng kwarto, naamoy niya ang mabangong halimuyak na nanggagaling sa kitchen area. Pagbaba ni Julian ay tumambad sa kanya si Alex, nakatayo sa harap ng cooking area at nakasuot ng maluwag na shirt at short. Hindi mapigilan ni Julian na mapangiti habang pinagmamasdan ang likod nito. "Good morning, hmmm I think I smelled something delicious." Sagot ni Julian at mabilisang hinalikan ang batok ni Alex at niyakap ang dalag
Ngunit sa kalagitnaan ng eksena ay biglang napalingon ang dalawa nang pumasok si Julian. "Dad, w-what is happening here?" nagtatakang sabi ni Julian nang makita ang mga nagkalat at basag na bote sa sahig. "Amh...buti naman at maaga kang nakauwi ngayon. Kailangan ninyong mag-usap na mag-asawa Julian. Kung hindi pa ako napasugod dito ay hindi ko malalaman na may nangyayari na pa lang hindi maganda sa pagitan ninyong mag-asawa," malamig na sagot ng kanyang Ama. "Dad, wala ka dapat ikabahala. Okay kami ni Veca, at isa pa Honey, bakit ganyan ang itsura mo, anong nangyari dito?" wika ni Julian na tila pilit inililihis ang mabigat na sitwasyon. Ngumisi lamang si Veca at tila bahagya pa itong napangiti ng sarkastisko. "You're asking if anong nangyari dito? Huwow! Mag-tu-two months na tayong kasal Julian, pero bakit hindi ko pa rin ramdam na kasal tayo!?" sambit nito at tila may tama na ng alak ang paraan na pagsasalita ni Veca. "Maybe you should talk about this matter na kayo lang
"B-Brent okay ka lang?!" nag-aalalang sigaw ni Alex nang biglang nakaramdam ng kakaiba si Brent na halos mapaupo ito. "Y-yes d-don't worry...I-I think we should go back Alex. I'm sorry...hindi na yata muna kita masasamahan na m-mamasyal..." usal ng binata habang nakahawak sa tiyan nito. "Brent ano ka ba? Iyan pa talaga ang una mong inisip, a-ano kaya mo ba? P-pupunta na ba tayo sa hospital?" sagot nito na dala ang pagka-panic sa tinig ni Alex. "Alex...relax...I-I'm okay," sagot ni Brent na pinipilit pa din na tumayo. "Hindi ka okay Brent, halika na, a-ako na magda-drive ng motor," sagot nito at inalalayan ang binata. "M-marunong ka ba?..." tanong ni Brent. "Oo, kumapit ka lang sa'kin, namumutla ka," muling sagot ni Alex habang naglalakad sila patungo sa motorsiklo ni Brent. Halos hindi maiwas ni Brent na titigan si Alex habang inaalalayan siya at patuloy lang sa paglalakad. Wala siyang kamalay-malay na napapangiti na siya sa pag-aalalang pinapakita ng dalaga. "K
Pagkatapos mamasyal nina Brent at Alex ay napagpasyahan ni Brent na sabihin ang magandang sorpresa nito sa dalaga. "Amh... Alex, hindi ko alam if papayag ka sa sasabihin ko pero, gusto ko sana na ipasok ka sa company namin ni Lola. Payag ka ba?" wika ng binata. "Brent... mukhang sobra-sobra na ang pagtulong na ginagawa mo sa'kin. Mahirap na at baka masanay ako niyan," nakangiting saad ni Alex."Alex...ayaw ko lang isipin mo na pinapabayaan kita. Gusto ko lang din naman na makatulong sa'yo. At habang nasa kumpanya kita ay siguradong safe ka doon, walang mangangahas na mang-away sa'yo," sinserong sagot ni Brent. "Kahit naman tumanggi ako Brent, for sure, kukulitin mo pa din ako. Sige, papasok ako sa company mo pero please lang hayaan mo na lang ako magtrabaho sa'yo. Hindi mo na kailangan na bayaran pa," aniya habang nakahawak sa kamay ni Brent. "Alex, huwag mong isipin ang mga effort na ginagawa ko sa'yo. Ginusto ko ang ganito dahil mahal kita. Pero bago ang lahat...nais ko munang m
Hanggang sa paatras abante na ito, na-feel ko din na hindi siya wild pagdating sa ganitong bagay. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha habang ginagawa niya ang paggalaw at nang malapit na kaming lab*san ay lubha akong nagulat nang biglang. "A-Alex? Hey," sagot ni Brent ngunit tila naririnig ko lamang ang boses niya na umaalingawngaw sa aking isipan. "Hmmm," muli kong ungol at napapakagat pa ako ng labi then suddenly. Napamulat ako, at mula sa harapan ko ay naroroon si Brent--nakatayo at pinagmamasdan akong nakahiga sa kama. Sh*t! Panaginip! Panaginip lang ang lahat! "B-Brent ka-kanina ka pa diyan?" mahiyain kong sabi sabay yuko. Namuo ang mga pilyong ngiti ni Brent habang nakapamewang ito. "Hmm... you're calling my name, while you were sleeping," mahina niyang sabi at kaagad kong kinuha ang unan at dahan-dahan kong itinakip sa mukha ko. "Well, maybe... it's time to wake up! Bangon na Alex, may pupuntahan tayo," muli niyang sabi at banayad na hinila ang i
Habang nasa gig si Brent ay wala siyang kaalam-alam na naparoon pala si Alex, suto nito ang kanyang mapang-akit na casual dress. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang binata na kumakanta habang naggigitara. "Ang ganda talaga ng boses," bulong nito sa sarili habang papalapit ito sa binata. Nang matapos ito kumanta ay kaagad itong bumaba at biglang napansin ang presensya ni Alex na noo'y nakatayo malapit sa kinaroroonan niya at nakikipagpalakpakan din. "Alex? Oh, I didn't expect na...na manonood ka pala ng gig ko and, wow, you look... gorgeous tonight," nakangiting sagot ni Brent kasabay ng paggawi ng tingin nito sa dalaga. "Amh, na-bored ako sa bahay mo eh, tsaka nagawa ko na lahat ng gawaing bahay pero...nababagot pa din ako, kaya nagdesisyon ako na puntahan ka dito," masayang sagot ng dalaga."Oh, tara doon tayo, wait lang kuha lang ako ng drinks natin," sagot ni Brent ngunit kaagad na hinawakan ni Alex ang kamay nito. " Kailangan natin mag-usap Brent," biglang sagot ni Alex n
Ang unang gabi nina Julian at Veca ay puno ng init, nang matapos sa pagligo ang dalaga ay mabilisan itong pumunta sa kama at naroroon naman noon si Julian at nakasandal sa headboard ng kama. "Hi Honey, do I look attractive tonight?" pang-aakit na sagot ni Veca. Suminghap ang binata at tila wala itong narinig habang nanonood lamang sa mobile phone nito. Napansin iyon ng dalaga at banayad na kinuha ang cellphone nito tsaka umupo sa tabi ni Julian. "You should take away that cellphone and focus on me Julian, this is our moment at sana naman huwag kang mag astang parang napipilitan," naiinis na sagot ng dalaga. "Veca... di'ba sinabi ko naman sa'yo, it takes time for everything, hindi pa ba enough sa'yo na kasal na tayo?" diin na sagot ni Julian. "It will never be enough Julian, kapag lagi ganyan ang trato mo sa'kin ay balak mapilitan akong gawin ang nararapat...kahit pa alam kong madami akong masasagasaan!" sagot ni Veca na tila may pagbabanta sa tinig nito. "Don't threaten me
"Hindi maaari...bakit ngayon ko lang ito napansin?" Anang ng matanda nang makita ang suot na singsing ni Eros. "Sa pagkakaalam ko, ang singsing na suot ni Eros ay pagmamay-ari ni Julian," nagtatakang tanong ng matanda at pilit na kinakalkyula kung paano napunta kay Eros ang bagay na iyon. "Dios ko, ano ba itong naiisip ko," muling bulong ng matanda kasabay ng pagtingala nito sa itaas. *** Nakaplano na ang lahat, natapos na din ang decorations ng wedding theme nina Julian at Veca. Nang nasa simbahan na ang lahat ay puspusan ang kasiyahan ng bawat isa.Habang galak na naglalakad si Veca sa altar ay ganon naman ang ngiting ipinupukol sa kanya ni Julian habang papalapit ito. "You've made the right decision son," Anang ni Mr. Evans na noo'y malapit lamang sa tabi ng kanyang anak na si Julian. Natuloy nga ang kasal ng dalawa at habang nagsasaya sila sa loob ng simbahan ay naroroon naman si Alexa at nakamalong ito at naka-shades. " Magsaya ka Julian, pero hindi ako papayag na
"Marry me..." Natameme ng husto si Alex at hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Brent. "B-Brent... seryoso ka ba sa pinaplano mo?" nagtatakang tanong ng dalaga. "I'm a hundred percent sure Alex, it's okay if you marry me para lang makaganti sa kanila. Kung iyon ang nararapat at tanging paraan then, let's do it. Alam kong mahirap para sa'yo ang desisyon na ito, pero mas lalo akong mahihirapan Alex kapag hinayaan mo lang sila sa ginawa nila sa'yo," sagot ni Brent sa dalaga. "P-Pero Brent...kapag nagpakasal tayo, baka mas lalo nilang isipin na ginagamit kita para makapaghiganti sa kanila. At isa pa, h-hindi ko maipapangakong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng kasal na ito," saad ng dalaga na tila ramdam pa din ang kaba sa kanyang dibdib. "Pinaghahandaan ko na iyan Alex, I'm not expecting in return, I just want to bring the real you, the new YOU. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko Alex kaya hindi ko hahayaan na tinatapak tapakan ka lang. Marry me for vengeance," muli
Kinaumagahan ay napansin ni Alex na hindi maganda ang pakiramdam ni Brent kaya kaagad niya itong nilapitan. "Brent? Okay ka lang ba? Ang init mo, sandali lang," saad ng dalaga at nang akma na itong tatayo ay hinawakan siya ni Brent. "D-Don't leave me..." may pag-nginig sa boses ng binata habang nagsasalita. "Stay...with me, please," muling dagdag nito habang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.Kaagad naman napaupo si Alex at hinawakan ang dalawang magkabilang kamay nito at kinumutan habang nasa sofa. "Hindi ako aalis Brent, pero hayaan mo na alagaan kita, hindi ako aalis," sagot ni Alex at habang hinahaplos ang buhok ng binata. At nang mapakiramdaman ni Alex na kumalma ang binata ay kaagad siyang kumuha ng mainit na tubig upang punasan ito. "Hay, kawawa ka naman, buti na lang nagkataon na nandito ako," bulong ni Alex sa sarili habang patuloy na inaasikaso si Brent. Pinagtyagaan niyang bantayan, pagsilbihan ang binata hanggang sa medyo bumaba ang init ng katawan nito. Gabi