Unang dampi ng sinag ng araw sa mukha ni Alex at kaagad siyang napabalikwas nang maalala niya na ngayon na pala ang araw ng pagsampa ni Sam sa barko. Medyo late na siya nagising at tila hindi na niya naabutan ang kaibigan. >Good morning Alexa sorry sis di na ako nakapagpaalam sa'yo, pero umaasa pa rin ako na sana susunod ka. Mami-miss kita Lexx! Take care always! Samantha
"So attractive..." bulong ni Julian ngunit nagambala ang eksenang iyon nang mag-ring ang cellphone niya at madali niya itong kinuha sa bulsa niya. "Hello? Oh, bakit napatawag ka?" sagot ni Julian sa kabilang linya, at dahil sa lakas ng boses nito'y napansin iyon ni Alex nang umahon ito upang kunin ang cocktail drinks niya. Sinundan niya ng tingin si Julian na noo'y masayang nakikipag-usap sa kabilang linya. Lumapit siya ng bahagya upang marinig kung sino ang kausap nito ngunit tinawag siya ng mommy ni Julian. "Iha c'mon let's take a picture, I think we found the perfect spot para ma- share ko sa social media ko," ngiting sagot ng ginang at mabilis naman na bumalik si Alex sa pool. Ngunit sinulyapan niya pa muli si Julian bago ito tumabi sa ginang. ******* Samantala, busy pa rin si Julian sa pakikipag-usap sa mobile phone nito, hanggang sa magulat siya nang sumulpot si Alex sa harapan niya at nakasuot lamang ito ng puting bathrobe ngunit kitang-kita pa rin ang mga malul
Taming the Casanova Billionaire "Anak ng... ang bigat mo naman!" reklamo ni Alex habang inaakay ang isang lasing na lalaki papunta sa kwarto nito. Bilang isang staff sa cruise ship, sanay na si Alex sa iba't ibang klase ng tao; mayayaman, mahihirap, mababait, at mga suplado. Ngunit ngayong gabi, parang nalampasan ng lalaking ito ang lahat ng naranasan niya. Ang gwapo niya, oo, pero bakit naman parang katumbas ng limang sako ang bigat niya. Hinihingal si Alex habang halos hilahin ang lalaki sa pasilyo. Mabagal ang kanilang galaw dahil halos kalahati ng bigat ng katawan ng lalaki ay nakaasa sa kanya. "Kung hindi lang bahagi ng trabaho ko 'to, ewan ko na lang," bulong niya sa sarili, pilit pinipigil ang pagkainis. Pagdating nila sa pintuan ng kanyang deluxe suite, huminto si Alex sandali para kumuha ng lakas. Kinuha niya ang susi mula sa bulsa ng lalaki at binuksan ang pinto. Nang bumukas ito, napanganga siya. Ang kwarto ay tila mula sa isang magasin—marmol na sahig, malalambo
Taming the Casanova Billionaire Ang unang sinag ng araw ay banayad na dumampi sa mukha ni Alex mula sa bintana ng silid. Napayakap siya sa malambot na unan, ngunit ang kakaibang lamig sa paligid ay nagpapaalala sa kanya na hindi ito ang sariling kabina niya. Nang tuluyan nang magising ang kanyang diwa, napatingin siya sa paligid. Napansin niya ang eleganteng dekorasyon ng silid. Puno ng mga malalambot na kurtina, mamahaling muwebles, at ang malawak na tanawin ng dagat mula sa bintana. Ngunit isang bagay ang nagpatigil sa kanya. Sa kanyang tabi ay may lalaking mahimbing pang natutulog at walang saplot, nakabalot lamang ng kumot at nakadapa itong natutulog. Napabalikwas siya ng upo, ang kanyang puso’y tila nagtatatalon sa kaba. “Ano’ng nangyari kagabi?” bulong niya sa sarili, ngunit hindi niya matandaan ang mga detalye. Napapikit na lamang siya at sinubukang alalahanin ang mga pangyayari kagabi, at nang maalala nito'y napatapik siya sa magkabilang pisngi niya dulot ng kahihiyan,
Taming the Casanova Billionaire Nakadaong na sa baybayin ng Greece ang cruise ship kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Alex. Tumigil ito sa isa sa pinakakilalang seaport, kung saan tanaw ang magagandang tanawin ng lungsod at mga luntiang bundok sa di kalayuan, mga makikinang na skyscrapers, at ang malaparaisong karagatan. Halos lahat ng pasahero ay excited na bumaba mula sa barko, kabilang na si Alex at ang kanyang mga kasama sa kabina. Habang naglalakad sila papunta sa lungsod, abala ang kanyang mga kaibigan sa pagkuha ng mga litrato. Ang bawat sulok ng Greece ay tila ginawa para sa perpektong larawan. Ang asul at puting bahay sa Santorini, ang makasaysayang mga templo, at ang makulay na pamilihan na puno ng mga lokal na produkto. Si Alex naman ay tahimik lamang, nakatingin sa malayo habang hinahawakan ang kanyang malaking sumbrero upang protektahan ang sarili mula sa araw. Suot niya ang simpleng puting summer dress na humahaplos sa kanyang tuhod, perpektong bumagay sa tana
Taming the Casanova Billionaire Habang nagkakagulo sa loob ng bar ay gayon naman ang katahimikan sa pagitan nina Alex at Julian. Napatingin si Alex sa mga kamay nito, hindi pa rin 'yon binibitawan ni Julian habang nakatingin ito sa ibang direksiyon. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alex na palihim na palang ngumingiti ang binata at tila'y sinasadya pa nito na huwag munang alisin ang kamay niya dito. Maya-maya pa at napakunot ang noo ng dalaga saka pwersahang inalis nito ang palad sa pagkakahawak ni Julian, "Aba, ayos ka ha...bakit mo 'ko dinala dito?!" malditang tanong ni Alex. Julian just answered her again with a mischievous smile. Napaatras si Alex at tila naiilang kahit pa napaka-appealing ng mga tindig ni Julian. "K-kung may binabalak ka....wag mo ng subukan, kung hindi sisigaw ako?!" pananakot ng dalaga ngunit tila hindi nagpatinag ang binata at tumawa ito ng kaunti at ipinasok ang mga kamay sa pocket ng mamahaling jeans niya na made by Secret Circus. " Oh c'mon sweetie.
Taming the Casanova Billionaire Panibagong araw na naman para kay Alex, at dahil kabilang siya sa mga junior crew ng Brilliance of the Seas ay isa siya sa mga cabin crew na nabigyan ng pinakamahabang leisure time kasama pa ang ibang crew members. Habang humihigop ito ng tea ay tahimik itong pinagmamasdan ang magandang view na malapit lamang sa tinutuluyan nilang apartment. Naputol ang moment na 'yon nang may kumatok sa pintuan niya. " Lex! Alex? woohoo...girl may delivery ka oh, dali." Excited nitong sagot habang nasa labas ng pintuan. Na-curious naman ang dalaga saka niya mabilisang binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya si Sam, dala ang isang napakalaking paper bag na may tatak na Dior at sa kabila naman ng braso nito ay isang dambuhalang bouquet fresh flowers at nagkataon na 'yon pa ang pinakapaborito niyang bulakbulak. May kaunting saya ang bumalot sa mukha ni Alex at hindi niya namamalayan na nawiwili na siya at mabilisan naman itong iniabot ni Sam sakanya. "Aww, naka
TAMING THE CASANOVA BILLIONAIRE 'That beauty......is my future wife.' Hindi maiwasan ni Alex na mailang dahil sa agaw pansin nitong ganda at habang naglalakad siya ay panay naman ang tinginan ng ibang bisita; may mga na-amazed ngunit ang ilang kababaihan ay tila hindi naman natutuwa dahil nasapawan sila ng isang Alexandra Villamor. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay hindi nito maiwasan na makaramdam ng hiya dahil hindi niya lubos akalain na gano'n pala kagarbo ang business party na dadaluhan niya kasama ang kaibigan. Mahinhin itong naglakad patungo sa entrance ng hotel at sa likuran naman nito'y si Sam na panay ang pag-kaway sa mga bisita, tanda ng pakikibagay nito at pagiging jolly niya sa mga nakakasalamuha niya. "Uy Sam..Huwag kana umeksena diyan, bilisan mo," sagot ni Alex at panay ang senyas sa kaibigan. "Wait lang naman Lex... I'm still enjoying the moment, you know, lalo marami palang mga gwapo at ang babata na foreign businessmen dito, yay! sasarap!" sagot
"So attractive..." bulong ni Julian ngunit nagambala ang eksenang iyon nang mag-ring ang cellphone niya at madali niya itong kinuha sa bulsa niya. "Hello? Oh, bakit napatawag ka?" sagot ni Julian sa kabilang linya, at dahil sa lakas ng boses nito'y napansin iyon ni Alex nang umahon ito upang kunin ang cocktail drinks niya. Sinundan niya ng tingin si Julian na noo'y masayang nakikipag-usap sa kabilang linya. Lumapit siya ng bahagya upang marinig kung sino ang kausap nito ngunit tinawag siya ng mommy ni Julian. "Iha c'mon let's take a picture, I think we found the perfect spot para ma- share ko sa social media ko," ngiting sagot ng ginang at mabilis naman na bumalik si Alex sa pool. Ngunit sinulyapan niya pa muli si Julian bago ito tumabi sa ginang. ******* Samantala, busy pa rin si Julian sa pakikipag-usap sa mobile phone nito, hanggang sa magulat siya nang sumulpot si Alex sa harapan niya at nakasuot lamang ito ng puting bathrobe ngunit kitang-kita pa rin ang mga malul
Unang dampi ng sinag ng araw sa mukha ni Alex at kaagad siyang napabalikwas nang maalala niya na ngayon na pala ang araw ng pagsampa ni Sam sa barko. Medyo late na siya nagising at tila hindi na niya naabutan ang kaibigan. >Good morning Alexa sorry sis di na ako nakapagpaalam sa'yo, pero umaasa pa rin ako na sana susunod ka. Mami-miss kita Lexx! Take care always! Samantha
Habang papalapit ang sasakyan sa direksiyon namin ni Brent ay patuloy pa rin namin na inaaninag kung sino ang paparating, at nang tumigil ang sasakyan sa tapat namin ay labis akong nagulat nang dahan-dahan itong lumabas mula sa kotse. Si Veronica... At anong ginagawa niya dito dis-oras na ng gabi? "Oh, sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala ko," sagot ni Veronica at napangisi ito. "Are you following us?!" biglang sagot ni Brent at tila parehas kaming hindi komportable na makita si Veronica. Pasimple akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa kanya dahil baka kung ano pa ang isipin ni Veronica. "Oo, sinusundan ko kayo, and I think... Wala ka rin pa lang pinagkaiba sa'kin Alex, akala mo kung sino kang matino iyon pala...sinusumpong ka din ng pagiging makati." Sarkastiskong sagot ni Veronica habang nakakrus ang mga braso at bahagyang nakasadag ang likod sa sasakyan nito. Parang sasabog ako sa galit sa mga maling akusasyon niya sa'kin. Tatablahin ko na sana nang mabilisan akong p
"Brent... I'm sorry," mahina kong sagot, ngunit nakita ko kung paano tinanggap ni Brent ng buong-buo ang paumanhin ko. Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin, at ganoon din ako sa kanya. "One call away lang ako, Alex. Kapag may problema ka, nakahanda akong makinig, and I promise you na hangga't hindi ka ikinakasal, patuloy pa rin akong aasa," mahinang sabi nito malapit sa tainga ko. Napapikit na lamang ako. Nagambala ang emosyonal na usapan namin ni Brent nang biglang sumigaw ang ina ni Julian, na tila hinahanap na kami. Bigla akong kumawala sa pagkakayakap ni Brent at mabilis na naglakad papunta sa loob. Hindi ko na muling sinulyapan si Brent, na noo'y tipid ang mga yapak habang nasa likuran ko at sumusunod papunta sa loob. ----------------- 6PM Gabi na at nababagot na'ko kakahintay kay Julian kaya nagdesisyon akong umuwi na lang at nagsimulang magpaalam sa mommy ni Julian. Laking gulat ko nang kusang magboluntaryo si Brent na ihatid ako pauwi. "Ahm, h-huwag n
Halos kabado ako nang wala akong marinig na sagot sa ina ni Julian dahil sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Eros. "S-Sorry po kung... naitanong ko ang bagay na iyon, tita," sagot ko at halos mapapikit ako dahil sa kagagahan ko. "Don't be sorry, dear... Kahit na napakapasaway ni Eros, mahal na mahal ko pa rin sila ni Julian. Sadly, he's not with me for years... Oh! Siya nga pala, iha, saan kayo nag-stay ni Julian nung nasa Pilipinas kayo?" tanong ni tita, at hindi nga ako nagdalawang-isip na sabihin ang totoo. "Amh... sa Tagaytay po, tita. Nabanggit din po sa akin ni Julian na iyon daw po ang family house niyo..." sagot ko, ngunit hindi ko alam kung bakit tila may konting kumakabog sa dibdib ko. "Oh, wow! Last vacation ko doon ay anim na taon na ang nakakalipas. Nakaka-miss umuwi ng Pilipinas... Pero based sa text message ni Eros, nagkita-kita na raw kayo?" sagot ni tita, at tila may bahid ng saya ang boses nito. "Amh... Opo, tita," tipid kong sagot. "So, how do you find Er
"Am I too late for this drama?" sagot ng isang boses babae na bigla na lamang sumulpot sa harapan ng dalawa. "M-Mom???" utal na sagot ni Julian habang mabilisan naman na pinunasan ni Alexa ang kanyang mga luha at umakto na tila walang nangyari. "How are you, lovers? Sorry for interrupting you, but I'm glad na bumalik na pala kayo... I guess you enjoyed staying not any longer in the Philippines?" nakangiting sabi ni Mrs. Evans at hinawakan ang likod ng dalawa habang nakapwesto ito sa pagitan nila. "I hate seeing you two quarrels like that. C'mon, let's get inside," dagdag ng ginang, ngunit ang tinginan ng dalawa ay tila nagkaka-ilangan. --- Habang nasa gitna ng hapag-kainan ay palihim na sinusulyapan ni Julian si Alexa na noo'y hindi rin komportable na nakaupo sa harap ng hapag-kainan. "Oh, Alexa... taste this, masarap din ito, anak," kalmadong sagot ni Mrs. Evans. "S-Salamat po..." tipid na sagot ni Alexa sabay kuha ng pagkain na inabot ni Mrs. Evans sa kanya. "So, Juli
Mabilisang ginising noon ni Sam ang kaibigan upang sabihin ang tawag na dumating galing sa manager nila sa cruise ship na pinagtatrabahuhan nila. "Lexx... sorry pero kailangan mo gumising!" tarantang sagot ni Samantha at niyugyog ang braso ng kaibigan na noo'y nag-iinat at humihikab. "Bakit..." bagong gising na sagot ni Alex habang kinukuskos ang mga mata at mabilisang inalis ang blanket sa mga binti nito. "Tumawag si Aswang..." nakuha pa'ng magbiro ni Sam, at ang tinutukoy nito ay ang malditang manager nila. "Ha? B-bakit naman ang aga niya yata nagparamdam?" sagot ni Alexa at tumayo na ito. "Hindi ko din alam kasi next month pa ang alam kong sampa natin sa barko, 'di ba?" muling tanong ni Samantha. "Oo, bakit, ano ba sabi?" tanong nito habang nagtitimpla ng kape. "Babalik na tayo bukas sa work... pero mukhang hindi ka pa ready? May message na ba sa'yo si Manager?" tanong ni Sam habang hawak nito ang mobile phone, at maya-maya pa'y nag-ring ang cellphone ni Sam malapit
"Aleexxxx!!!" Biglaang sigaw ni Sam nang makita ang kaibigan na pababa sa sasakyan ni Julian, tila may halong lungkot ang mga ngiting sumalubong sa kaibigan. "Hmmp! Na-miss kita sobra," saad ni Sam habang mahigpit ang pagkakayap nito kay Alexa, "Grabeng pagkasabik naman 'yan Sam, isang buwan lang naman akong nawalay sa'yo eh," pabirong sagot ni Alexa habang nakayakap din ito pabalik sa kaibigan. At nang matapos ang sabik na yakapan nila ay napatingin si Sam kay Julian na noon ay nasa loob lamang ng kotse at tila walang planong bumaba. "O' kamusta naman kayo ni Julian sa Pilipinas? Tsaka...parang nalugi ang mokong na 'yon oh," tinuro ni Sam ang direksiyon kung saan naka-parking ang sasakyan ni Julian gamit ang kanyang nguso. Napabuntong-hininga si Alexa at hinawakan ang braso ng kaibigan sabay sabing, "pumasok na tayo sa loob Sam, mukhang napilitan lang naman 'yan na ihatid ako dito eh, at isa pa marami akong gustong aminin at tanungin sa'yo." Saad ni Alexa at mabilisan na
Alexa's POV Pagdating namin sa lugar kung saan nakapark ang private plane ni Julian, napansin kong tila hindi siya mapakali. Panay ang tingin niya sa mobile phone niya, at nang makita niya ang piloto ng eroplano, mabilis niyang ibinulsa ang telepono. May tanong na gustong kumawala mula sa bibig ko—sino kaya ang inaabangan niya? Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka isipin niyang sobrang tsismosa ako. Nang maipasok na ang mga gamit sa loob ng eroplano, napansin kong sobrang tahimik at seryoso si Julian. Habang pa-takeoff na ang eroplano, mas pinili niyang manatili sa pilot cabin. Napaisip tuloy ako—galit ba siya sa akin? O baka may ibang dahilan kung bakit parang iniiwasan niya ako. Pakiramdam ko, parang ako lang ang tao sa malawak na espasyo ng eroplano. Bored na bored ako, kaya sinuot ko ang headphones ko at nagpatugtog ng mga pop music. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog Third person P.O.V. Habang mahimbing na natutulog si Alexa, tahimik na lumapit