"Sweetie, naka-ready na ba lahat ng gamit natin?" saad ni Julian at niyakap niya mula sa likod si Alex na noo'y patapos na sa pag-iimpake. "Almost done, Sir..." aniya ng dalaga habang nakangiti. Ngunit nang ayusin pa niya ang ibang gamit ni Julian ay labis na nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita nito ang isang tila pamilyar na underwear. "Julian? Bakit nandito 'to?!" sigaw ng dalaga habang hawak niya ang underwear gamit ang kanyang dalawang kamay at itinaas pa ito. "Oh!" bulalas ni Julian at mabilisang hinablot ang underwear. Tinapunan siya ng nakakainis na tingin ni Alex habang hinihintay ang paliwanag nito. "Amh..." bulalas niya at napabasa siya ng labi. "I... I secretly got it noong naglaba ako ng damit sa apartment mo," utal niyang sagot, "dahil... kapag na-miss kita, at least maalala kita... d-dahil diyan," dagdag pa nito at nangasim ang mukha dahil sa kahihiyan. Halos mapanganga si Alexa sa narinig niya. "Sabog ka ba?! Hindi naman akin 'yan eh! Kay Sam 'yan
Alexa's POV Pagdating namin sa lugar kung saan nakapark ang private plane ni Julian, napansin kong tila hindi siya mapakali. Panay ang tingin niya sa mobile phone niya, at nang makita niya ang piloto ng eroplano, mabilis niyang ibinulsa ang telepono. May tanong na gustong kumawala mula sa bibig ko—sino kaya ang inaabangan niya? Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka isipin niyang sobrang tsismosa ako. Nang maipasok na ang mga gamit sa loob ng eroplano, napansin kong sobrang tahimik at seryoso si Julian. Habang pa-takeoff na ang eroplano, mas pinili niyang manatili sa pilot cabin. Napaisip tuloy ako—galit ba siya sa akin? O baka may ibang dahilan kung bakit parang iniiwasan niya ako. Pakiramdam ko, parang ako lang ang tao sa malawak na espasyo ng eroplano. Bored na bored ako, kaya sinuot ko ang headphones ko at nagpatugtog ng mga pop music. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog Third person P.O.V. Habang mahimbing na natutulog si Alexa, tahimik na lumapit
"Aleexxxx!!!" Biglaang sigaw ni Sam nang makita ang kaibigan na pababa sa sasakyan ni Julian, tila may halong lungkot ang mga ngiting sumalubong sa kaibigan. "Hmmp! Na-miss kita sobra," saad ni Sam habang mahigpit ang pagkakayap nito kay Alexa, "Grabeng pagkasabik naman 'yan Sam, isang buwan lang naman akong nawalay sa'yo eh," pabirong sagot ni Alexa habang nakayakap din ito pabalik sa kaibigan. At nang matapos ang sabik na yakapan nila ay napatingin si Sam kay Julian na noon ay nasa loob lamang ng kotse at tila walang planong bumaba. "O' kamusta naman kayo ni Julian sa Pilipinas? Tsaka...parang nalugi ang mokong na 'yon oh," tinuro ni Sam ang direksiyon kung saan naka-parking ang sasakyan ni Julian gamit ang kanyang nguso. Napabuntong-hininga si Alexa at hinawakan ang braso ng kaibigan sabay sabing, "pumasok na tayo sa loob Sam, mukhang napilitan lang naman 'yan na ihatid ako dito eh, at isa pa marami akong gustong aminin at tanungin sa'yo." Saad ni Alexa at mabilisan na
Taming the Casanova Billionaire "Anak ng... ang bigat mo naman!" reklamo ni Alex habang inaakay ang isang lasing na lalaki papunta sa kwarto nito. Bilang isang staff sa cruise ship, sanay na si Alex sa iba't ibang klase ng tao; mayayaman, mahihirap, mababait, at mga suplado. Ngunit ngayong gabi, parang nalampasan ng lalaking ito ang lahat ng naranasan niya. Ang gwapo niya, oo, pero bakit naman parang katumbas ng limang sako ang bigat niya. Hinihingal si Alex habang halos hilahin ang lalaki sa pasilyo. Mabagal ang kanilang galaw dahil halos kalahati ng bigat ng katawan ng lalaki ay nakaasa sa kanya. "Kung hindi lang bahagi ng trabaho ko 'to, ewan ko na lang," bulong niya sa sarili, pilit pinipigil ang pagkainis. Pagdating nila sa pintuan ng kanyang deluxe suite, huminto si Alex sandali para kumuha ng lakas. Kinuha niya ang susi mula sa bulsa ng lalaki at binuksan ang pinto. Nang bumukas ito, napanganga siya. Ang kwarto ay tila mula sa isang magasin—marmol na sahig, malalambo
Taming the Casanova Billionaire Ang unang sinag ng araw ay banayad na dumampi sa mukha ni Alex mula sa bintana ng silid. Napayakap siya sa malambot na unan, ngunit ang kakaibang lamig sa paligid ay nagpapaalala sa kanya na hindi ito ang sariling kabina niya. Nang tuluyan nang magising ang kanyang diwa, napatingin siya sa paligid. Napansin niya ang eleganteng dekorasyon ng silid. Puno ng mga malalambot na kurtina, mamahaling muwebles, at ang malawak na tanawin ng dagat mula sa bintana. Ngunit isang bagay ang nagpatigil sa kanya. Sa kanyang tabi ay may lalaking mahimbing pang natutulog at walang saplot, nakabalot lamang ng kumot at nakadapa itong natutulog. Napabalikwas siya ng upo, ang kanyang puso’y tila nagtatatalon sa kaba. “Ano’ng nangyari kagabi?” bulong niya sa sarili, ngunit hindi niya matandaan ang mga detalye. Napapikit na lamang siya at sinubukang alalahanin ang mga pangyayari kagabi, at nang maalala nito'y napatapik siya sa magkabilang pisngi niya dulot ng kahihiyan,
Taming the Casanova Billionaire Nakadaong na sa baybayin ng Greece ang cruise ship kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Alex. Tumigil ito sa isa sa pinakakilalang seaport, kung saan tanaw ang magagandang tanawin ng lungsod at mga luntiang bundok sa di kalayuan, mga makikinang na skyscrapers, at ang malaparaisong karagatan. Halos lahat ng pasahero ay excited na bumaba mula sa barko, kabilang na si Alex at ang kanyang mga kasama sa kabina. Habang naglalakad sila papunta sa lungsod, abala ang kanyang mga kaibigan sa pagkuha ng mga litrato. Ang bawat sulok ng Greece ay tila ginawa para sa perpektong larawan. Ang asul at puting bahay sa Santorini, ang makasaysayang mga templo, at ang makulay na pamilihan na puno ng mga lokal na produkto. Si Alex naman ay tahimik lamang, nakatingin sa malayo habang hinahawakan ang kanyang malaking sumbrero upang protektahan ang sarili mula sa araw. Suot niya ang simpleng puting summer dress na humahaplos sa kanyang tuhod, perpektong bumagay sa tana
Taming the Casanova Billionaire Habang nagkakagulo sa loob ng bar ay gayon naman ang katahimikan sa pagitan nina Alex at Julian. Napatingin si Alex sa mga kamay nito, hindi pa rin 'yon binibitawan ni Julian habang nakatingin ito sa ibang direksiyon. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alex na palihim na palang ngumingiti ang binata at tila'y sinasadya pa nito na huwag munang alisin ang kamay niya dito. Maya-maya pa at napakunot ang noo ng dalaga saka pwersahang inalis nito ang palad sa pagkakahawak ni Julian, "Aba, ayos ka ha...bakit mo 'ko dinala dito?!" malditang tanong ni Alex. Julian just answered her again with a mischievous smile. Napaatras si Alex at tila naiilang kahit pa napaka-appealing ng mga tindig ni Julian. "K-kung may binabalak ka....wag mo ng subukan, kung hindi sisigaw ako?!" pananakot ng dalaga ngunit tila hindi nagpatinag ang binata at tumawa ito ng kaunti at ipinasok ang mga kamay sa pocket ng mamahaling jeans niya na made by Secret Circus. " Oh c'mon sweetie.
Taming the Casanova Billionaire Panibagong araw na naman para kay Alex, at dahil kabilang siya sa mga junior crew ng Brilliance of the Seas ay isa siya sa mga cabin crew na nabigyan ng pinakamahabang leisure time kasama pa ang ibang crew members. Habang humihigop ito ng tea ay tahimik itong pinagmamasdan ang magandang view na malapit lamang sa tinutuluyan nilang apartment. Naputol ang moment na 'yon nang may kumatok sa pintuan niya. " Lex! Alex? woohoo...girl may delivery ka oh, dali." Excited nitong sagot habang nasa labas ng pintuan. Na-curious naman ang dalaga saka niya mabilisang binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya si Sam, dala ang isang napakalaking paper bag na may tatak na Dior at sa kabila naman ng braso nito ay isang dambuhalang bouquet fresh flowers at nagkataon na 'yon pa ang pinakapaborito niyang bulakbulak. May kaunting saya ang bumalot sa mukha ni Alex at hindi niya namamalayan na nawiwili na siya at mabilisan naman itong iniabot ni Sam sakanya. "Aww, naka
"Aleexxxx!!!" Biglaang sigaw ni Sam nang makita ang kaibigan na pababa sa sasakyan ni Julian, tila may halong lungkot ang mga ngiting sumalubong sa kaibigan. "Hmmp! Na-miss kita sobra," saad ni Sam habang mahigpit ang pagkakayap nito kay Alexa, "Grabeng pagkasabik naman 'yan Sam, isang buwan lang naman akong nawalay sa'yo eh," pabirong sagot ni Alexa habang nakayakap din ito pabalik sa kaibigan. At nang matapos ang sabik na yakapan nila ay napatingin si Sam kay Julian na noon ay nasa loob lamang ng kotse at tila walang planong bumaba. "O' kamusta naman kayo ni Julian sa Pilipinas? Tsaka...parang nalugi ang mokong na 'yon oh," tinuro ni Sam ang direksiyon kung saan naka-parking ang sasakyan ni Julian gamit ang kanyang nguso. Napabuntong-hininga si Alexa at hinawakan ang braso ng kaibigan sabay sabing, "pumasok na tayo sa loob Sam, mukhang napilitan lang naman 'yan na ihatid ako dito eh, at isa pa marami akong gustong aminin at tanungin sa'yo." Saad ni Alexa at mabilisan na
Alexa's POV Pagdating namin sa lugar kung saan nakapark ang private plane ni Julian, napansin kong tila hindi siya mapakali. Panay ang tingin niya sa mobile phone niya, at nang makita niya ang piloto ng eroplano, mabilis niyang ibinulsa ang telepono. May tanong na gustong kumawala mula sa bibig ko—sino kaya ang inaabangan niya? Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka isipin niyang sobrang tsismosa ako. Nang maipasok na ang mga gamit sa loob ng eroplano, napansin kong sobrang tahimik at seryoso si Julian. Habang pa-takeoff na ang eroplano, mas pinili niyang manatili sa pilot cabin. Napaisip tuloy ako—galit ba siya sa akin? O baka may ibang dahilan kung bakit parang iniiwasan niya ako. Pakiramdam ko, parang ako lang ang tao sa malawak na espasyo ng eroplano. Bored na bored ako, kaya sinuot ko ang headphones ko at nagpatugtog ng mga pop music. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog Third person P.O.V. Habang mahimbing na natutulog si Alexa, tahimik na lumapit
"Sweetie, naka-ready na ba lahat ng gamit natin?" saad ni Julian at niyakap niya mula sa likod si Alex na noo'y patapos na sa pag-iimpake. "Almost done, Sir..." aniya ng dalaga habang nakangiti. Ngunit nang ayusin pa niya ang ibang gamit ni Julian ay labis na nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita nito ang isang tila pamilyar na underwear. "Julian? Bakit nandito 'to?!" sigaw ng dalaga habang hawak niya ang underwear gamit ang kanyang dalawang kamay at itinaas pa ito. "Oh!" bulalas ni Julian at mabilisang hinablot ang underwear. Tinapunan siya ng nakakainis na tingin ni Alex habang hinihintay ang paliwanag nito. "Amh..." bulalas niya at napabasa siya ng labi. "I... I secretly got it noong naglaba ako ng damit sa apartment mo," utal niyang sagot, "dahil... kapag na-miss kita, at least maalala kita... d-dahil diyan," dagdag pa nito at nangasim ang mukha dahil sa kahihiyan. Halos mapanganga si Alexa sa narinig niya. "Sabog ka ba?! Hindi naman akin 'yan eh! Kay Sam 'yan
Habang nagyayakapan ang dalawa, hindi nila namamalayan na palihim na nagmamasid si Eros sa sulok. Gumuhit ang isang nakakaalarmang ngiti sa kanyang mga labi, tila may alam na ito tungkol sa nakaraan ng dalawa. "How... ironic... meeting the love of your life for the second time, Julian, pero hindi ako papayag na mabuhay kang masaya kahit pa isuko mo ang lahat para sa babaeng 'yan. I'll make you both suffer... hanggang sa halikan mo ang talampakan ko," mahina niyang sabi habang nakangisi at sinabayan ng paghithit ng sigarilyo. Maya-maya lamang, napagdesisyunan niyang istorbohin ang dalawa. He walked like a cool one and acted like he didn't know what happened. Nakasando lamang noon ng puti si Eros at suot ang boxer shorts nito, halos kitang-kita ang malaking dragon na tattoo sa likod niya. "It's already late at naglalampungan pa rin kayong dalawa dito," he said while staring at the sky full of stars, habang ang isang kamay ay nakahawak sa kahoy na rails ng balcony nila. Nagul
Nakita ko kung paano pigilan ng doktor at ng nurse ang nagwawalang babae. May edad na ito at simple lamang ang kanyang kasuotan. "Hayop ka! Ikaw ang may kasalanan! Kasalanan mo kung bakit nasa kritikal na kondisyon ang anak ko!" patuloy niyang sigaw habang walang tigil pa rin ang kanyang pagpupumiglas at pinagduduro ako. It's Alex's mother... Bahagya kong inayos ang aking pagkakaupo kahit maga ang mga binti at braso ko. "T-Tita..." sagot ko na may tinig na pagsisisi sa aking boses. "Huwag mo akong ma-tita-tita! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko! Na-comatose siya dahil din sa kapabayaan mo! Sana... sana ikaw na lang ang nalagay sa kritikal na kondisyon at hindi ang anak ko!" Halos tumagos sa dibdib ko ang mga binitawang salita ng ina ni Alexa. I just bowed my head at tila hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko, punong-puno ako ng pagsisisi. "Nagkaroon ng critical head injury ang anak ko! Kung hindi mo siya niyaya sa araw na 'yon, hindi sana matututunan ng an
Nang unti-unting inaabot ni Xarah ang laylayan ng kanyang damit, halata sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. Parang pinipilit niya ang sarili sa isang bagay na hindi niya lubos na gusto. "Xarah...you don't need to do that," mahina kong sabi, sinusubukang itago ang pagkabog ng dibdib ko. Alam kong mali ito. Ngunit tila bumulaga sa akin ang kagandahan ng hubog ng kanyang katawan. Kahit pa suot niya ang kanyang panloob, ang inosenteng aura niya ay higit na nangingibabaw. Parang bigla akong natauhan. "Sweetie, hindi ko intensyon na pilitin ka. Please, isuot mo ulit ang damit mo," sabi ko habang tumalikod, pilit na binibigyan siya ng espasyo. Sa loob-loob ko, kinakain ako ng pagsisisi. Tahimik siya sa loob ng ilang segundo bago marahang magsalita. "Julian... napagtanto ko na baka masyado akong naging maramot sa'yo and I'm sorry... sorry kung masyado akong naging mahigpit pagdating sa ganitong eksena. Laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Narinig ko ang pa
Julian's POV Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang katotohanan na gusto kong sabihin kay Alexa, pero marahil ang Diyos ang nagdala sa amin sa landas na mayroon kami ngayon. Baka ito na ang tamang panahon. "Julian... s-sabihin mo sa'kin, ipaintindi mo sa'kin ang lahat... sino ka ba talaga sa buhay ko?" Muli niyang tanong na tila bawat salitang binibitawan niya ay pinipiga akong paaminin. At sa bawat pagsabi niya na wala siyang maalala ay tila isang tinik na nakabaon sa aking dibdib, ngunit ngayong gabi ay pipilitin kong ipaunawa sa kanya ang lahat upang manumbalik ang mga panahon na nasayang. --- COLLEGE ERA I was patiently waiting at the gate of my girlfriend's house. Her name is Xarah. Honestly, isang taon na kaming magkarelasyon, and I'm very surprised dahil napakainosente niya—tila wala pa talagang karanasan sa pag-ibig. Napansin kong bumukas ang pintuan nila, and there she is, parang batang napakawalan at kumakaway-kaway pa. I smiled back at binuksan ang door ng sasaky
Malalim na noon ang gabi, ngunit nakatambay pa rin sina Julian at Alexa sa balkonahe. Julian was hugging Alexa from behind, at taimtim nilang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. "May naaalala ka ba sa ganitong eksena, Alex?" sambit ni Julian habang nakahapit ang dalawang braso sa baywang ng dalaga, habang ang ulo niya ay nakasandal sa kanyang kanang balikat. "Meron," mabilis na sagot ni Alex, at biglang kumunot ang noo ni Julian, tila nabuhayan siya ng kumpiyansa na baka nga may naaalala ito. "Really? So tell me... ano ang naalala mo?" Julian said, dala ang mga sabik na ngiti nito sa dalaga. "Kung paano ka pasimpleng mang-tsansing..." aniya, at napatawa. Agad na napataas ng ulo si Julian, at tila batang nagtampo ang naging reaksyon nito. "C'mon, Alex. I'm serious..." wika ni Julian, na tila seryoso nga ito. "Ano ba kasi dapat ang maalala ko, ha?" muling sagot ni Alex, at ngayon ay nakaharap na ito kay Julian, habang hawak pa rin ng binata ang kanyang baywang. Tinitig
"Eros?!" I said in a confused voice. Right... my twin brother is here, but what is he doing here? "Oh, hi... baka wala na kayong balak umuwi sa mansion. It's getting dark," he said, his face calm yet carrying a hint of arrogance. "Are you following us?" I asked again, while Alexa stood silently behind me. He shook his head and stood straight before replying, "Why would I? Saka isa pa, familiar din naman sakin ang place na 'to, remember? Ito ang first playground natin before. I'm just wondering and also surprised that you brought Alexa here." His words seemed to carry a hidden meaning. Little did Eros know, I was watching the way he looked at Alexa. I know my twin, and yeah... this dude is totally a heartbreaker. I won’t let him mess with Alexa too. "That was before, Eros. It's not the same now," I said in a cold tone, unwilling to hear anything more about the past. "C'mon, Julian... I know na masama pa rin ang loob mo sa'kin dahil... Veronica chose me over you." His word