"Lex! Huy sandali lang naman...okay ka lang ba?!" Curious na tanong ni Samantha habang mabilis pa rin ang bawat yapak ng kaibigan habang nakahawak ang dalawang kamay sa shoulder bag nito. "Oo naman?! Bakit hindi ako magiging okay?" Pabalang nitong sagot habang mabilis pa rin ang paglakad niya. "Ayan kana naman sa isang yardang hakbang mo porket mas matangkad ka sa'kin, hindi ka okay talaga at sobrang halata..." pangungulit ng kaibigan upang siguraduhin kung nagsasabi nga ito ng totoo. "Alexandra Villamor tapatin mo nga ako? Nagseselos ka ba?" Walang preno ang bibig nitong tinanong ang kaibigan, at biglang napatigil si Alex mula sa paglalakad at seryosong humarap kay Sam. "Selos? Kanino? Doon sa babaeng kaharot ng Julian na 'yon?! Huh! Di hamak na mas maganda pa rin ako dun noh? Tignan mo pag nag-suot 'yon ng malabasahang damit wala ng appeal 'yon!" Sa tono ng pananalita ni Alex ay tila may tinatago nga itong hinanakit sa binata kahit pa ipagdiinan nitong wala siyang nararamd
Napakaripas ng takbo si Alex nang mapagtanto niya kung sino at kanino nanggagaling ang ugong na 'yon. Napabilis ang tibok ng kanyang puso habang mabilis na binuksan ang pinto, at ikinagulat naman ni Julian na kasalukuyang naghihintay sa labas. "Brent..." Bulong niya sa sarili nang makita ang binatang nakasuot pa ng helmet. Agad na tinanggal ni Brent ang helmet, at tila nagulat ito nang makita si Julian na nakatayo sa harapan ng pintuan ng apartment ni Alex. Sa mga sandaling iyon, labis na kaba ang bumalot kay Alex. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdib dahil siguradong mabibisto na siya sa sitwasyong pinasok niya. "Naku, patay..." mahina niyang bulong habang iniiwas ang mga mata kina Brent at Julian. Nagbaba ng tingin si Brent at ngumiti. "Julian? Wow... nandito ka rin pala," masaya nitong sabi habang tinatanggal ang suot na leather jacket. "Binibisita mo rin ba si Sam? Well, bro, that's romantic." Napakagat-labi si Alex. Hindi alam ni Julian na ang kaibigang si
They are about to kiss ng biglang tumunog ang telepono sa mesa na ikinabitin naman ng dalawa. "P-pwede mo na sigurong tanggalin ang mga braso mo dahil kailangan kong sagutin ang tawag." Malditang sagot ni Alex habang nakikipagtitigan kay Julian. Mabilisang sumunod si Julian at hinayaan niya ang dalaga na sagutin ang tawag mula sa telepono nito. Julian's P.O.V. Aaminin kong nabitin ako sa eksenang 'yon, papunta na eh kaso biglang nag-ring ang telepono ni Alex or should I say ang Aphrodite ko, at habang may kausap siya sa kabilang linya ay nagplano akong asarin siya, haha... "D*mn it feels so hot now..." sagot ko and I intentionally said it loud, maya-maya ay narinig ko mula sa kabilang linya ang boses ni Sam na tila nagtaka maybe? Kasi nga padilim na at hindi niya alam na kasama ako ni Alex. "Alex? Ba't may kasama kang lalake diyan? Jusko si Julian ba 'yon?!" sigaw ni Samantha mula sa kabilang linya at lalo akong napangiti when Alex started to act something strange at paran
"Gusto mo ba ulit makita kung pa'no magalit yan?" He added at ngumiti pa ito ng nakakaloko, "Manyak!" sigaw ni Alex at mabilisan itong bumangon at sa pagbangon nito'y hindi niya namamalayan na nasipa niya ang bayag ni Julian. "Ahh! D*mn!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit at kasalukuyang nakahawak sa pagkalalake nito, agad na nag-panic si Alex at hindi niya alam kung paano papakalmahin ang binata dahil halos hindi na ito mapakali. "H-halla! Hindi ko sinasadya! Uk*nnana metten!" Bulalas ni Alex sa wikang ilocano dahil taga Cagayan Valley ang tatay nito. "J-Julian okay ka lang ba? Ano masakit ba?!" Nag-aalalang sagot nito habang hinahaplos haplos ang likod nito, "Ahh... don't caress my back yung ano ko ang masakit..." Sagot ni Julian habang nakalagay ang unan sa private part nito at halos napayuko sa sakit. "H-ha...paano kung tapalan natin ng ice, cold compress natin para mawala yung sakit?!" Sagot ni Alex habang nagpa-panic pa rin. "Your touch is enough...but not m
Pauwi na sana noon si Sam nang masulyapan niya ang rambolan na naganap malapit lamang sa tinutuluyan nito at dahil na-curious ito ay agad siyang pumunta doon at tumawid mula sa crossing line ng kalsada. Nakita niya kung papaano pagtatadyakan ng mga lokal na kalalakihan ang isang lalake, at nang makita ni Sam kung sino ito ay napabalikwas ito ng takbo palapit sa kanila. "Hey! stop that! or I'll call the cops! Do you want me to arrest you ha! I'm undercover! Shu! shu! shu!" Pagtaboy ni Sam at winagayway pa nito ang mga kamay na tila nambubugaw lang ng isang hayop. Nang lumingon ang lalake mula sa pagkakabugbog at mga galos sa mukha nito ay biglang napatakip si Sam nang makita niya ang katauhan nito. "B-Brent?!" sigaw niya at agad siyang napatakbo upang alalayan ang binata. "Go and help your weakened baby, next time don't mess up with my boys!" sigaw ng isa sa mga lalakeng dayuhan at doon lamang napagtanto ni Sam na ang mga lalaking 'yon ang na-encounter nila ng mga panahong nasa
Maagang nagising si Julian at tila naalimpungatan pa ito nang mapagtanto niyang wala siya sa kanyang sariling condo, napasulyap siya sa kanan nito at labis ang ngiting nadarama nang makita niyang mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Alex satabi nito. ''Maybe napagod kita kagabi kaya super himbing ng tulog ng Aphrodite ko,'' nakangiti nitong sagot saka hinaplos ang mga pisngi nito at mabilisang bumangon. Hindi muna binuksan ni Julian ang bintana dahil ayaw niyang magambala si Alex sa kanyang mahimbing na pagkakatulog, "What?!" mariin niyang pagtataka nang makita ang suot sa salamin, isang fitted na t-shirt na may disenyong cute na bunny at isang polyester na pajama, Napakamot siya sa batok nito saka napailing ng bahagya, "Well I think this is the first time na napasuot ako ng isang babae ng ganitong damit," muling sagot ni Julian habang nakangiti at napasulyap kay Alex. -------------- Transient Greece Maagang nagising si Brent at tila masakit pa ang ulo nito dala ng
Tahimik si Julian na lumabas sandali sa apartment ni Alex at mula sa gilid ay nakita niya ang sarili niyang sasakyan kaagad siyang pumunta saglit doon upang kunin ang isang paper bag na para kay Alex, Wala siyang pakialam kahit pagtinginan pa siya ng mga ilang lokal doon, may mga sumigaw na bumagay daw sakanya ang pantulog niya at ang ilan naman ay nagtatawanan, ngunit napangiti lamang si Julian at hindi pinansin ang mga ito. Pagkatapos niyang makuha ang paper bag ay nagmadali siyang isarado ang at i-locked ang kotse nito gamit ang wireless na controller nito. Nang akma na siyang papasok ay nasa sala na si Alex hawak hawak ang mga damit ni Julian at ang mas nakakahiya pa ay ang brief nito na hawak na ng isang palad ni Alex. "Oh-y-you should put that down baby..." sagot ni Julian at tila hindi siya komportable sa pagkakahawak ni Alex, at napakamot si Julian sa kanyang ulo na tila nawala ang angas nito. Hindi namamalayan ng dalaga na ang hinahawakan na pala niya ay ang br
Habang busy na nag-aasaran at nag-u-u-magahan sina Julian at Alex ay biglang may kumatok sa pintuan, napatigil si Alex sa pagsubo at tumayo ito ngunit inunahan siya ng binata, "No, ako na...maybe si Sam na 'yon." Nakangiting sagot ni Julian at mabilisang binuksan ang pinto, at laking gulat niya nang bumungad ang isang taong hindi niya lubos akalain na mahahanap siya sa lugar na 'yon, "Veronica?" aniya ni Julian at may halong pagtataka, Ngumiti lang ang dalaga, ngunit biglang nag-iba ang postura niya nang makita ang awkward na suot ni Julian, at i-ginala nito ang paningin sa loob ng apartment. Natawa siya ng bahagya at napatakip sa labi. "Wow, what kind of fashion sense do you have, Julian? You surprised me! I thought you weren't into cheap clothing." Sagot ni Veronica na tila may halong pagkasarkastiko, "How did you find me here..." Walang kabuhay-buhay na tanong ni Julian sa dalaga, Tumikhim ito bago nagsalita, "Well...dahil siguro tama ang instinct ko na dito ako dadalh
[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f
[Alex P.O.V.] NANG MATAPOS ang mainit na eksena sa conference room ay nagdesisyon akong pumunta saglit sa female comfort room upang maibsan ang kabang kanina ko pa pinipigilan. Habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ay unti unting gumuhit ang mapaglarong ngisi sa aking labi. "Tama lang ang ginawa mo Alex. Huwag mo na hayaang tapak-tapakan ka pa nila. Pagkakataon mo na 'to para patunayan sa kanila na mali ang paraan ng panghuhusga nila sa akin noon." Ito na lamang ang mga binitawan kong salita habang inaayos ko ang aking postura. Ayaw ko ng magpaapekto sa lungkot. Hindi na ako papayag na muli pa nila akong maliitin. Habang nakatitig ako sa salamin ay kaagad akong nagulat nang may marinig akong sigawan ng mga bata mula sa labas ng comfort room. Sigaw ng masakit na pag-iyak. Nagmadali akong lumabas, at pagkabukas ko nga ng pinto ay bumungad sa akin si Veca na sinisigawan at sinasaktan ang mga bata. Sumagi sa isipan ko na baka ito na ang mga anak nila ni Julian,
[ Alex P.O.V.] BAGONG UMAGA, BAGONG YUGTO sa aking buhay. Marahan ko noon na inaayos ang aking sarili. Bumagay ba sa akin ang office suit na 'to? Alex magagampanan mo ba 'to? Ito na lamang ang naging tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa salamin. Kasalukuyan ngayon ako nag-s-stay dito sa mansion nina Brent, isa na rin itong hakbang para magpanggap kaming mag-asawa. Maya-maya lamang ay kumatok si Mrs. Magda at kaagad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto. "Good morning po," bati ko habang nakangiti. Mrs. Magda was stunned nang makita ang aking itsura. "Oh wow, very strong and sophisticated...ano, ready ka na ba? Huwag kang kabahan hija. For now, itu-tour muna kita sa loob ng company at ipapakilala sa mga board members at sa mga employees ko, cheer up hija, you can do this," ani Mrs. Magda na lalo pang nagpapalakas ng loob ko. "Hindi ko po maiwasan na kabahan." Saad ko. "C'mon hija, mawawala na ang kaba mo kapag ikaw na ang chairwoman okay? Halika, puntahan
[Alex P.O.V.] "Hey Alex... I heard that. Did you just say you love me?" pag-uulit ni Brent habang hawak ang aking mga kamay. Wala akong ibang naging tugon kung hindi ang isang matamis na ngiti at pagtango. After that ay nakita ko rin siyang bumulusok sa tuwa at niyakap niya ako ng mahigpit. "Final na iyan? Sure na ba iyan?" paninigurado niya. "Yes Mr. Moore, sure na sure." "Yes!" aniya. "Parang gusto ko na tuloy na pagkalapag ng eroplano sa bansang Greece ay idederetso na kita sa altar," sabik niyang saad. "Hmm, ikaw talaga. Bago ang lahat ng iyon, gusto ko munang magpalakas ka okay? Huwag kang mag-alala. Nasa tabi mo lang ako," saad ko habang hawak-hawak ng isang palad ko ang kaniyang pisngi. He immediately grab my waist at tila wala ng katapusan ang pagtitig sa akin ni Brent. Ngayon parang mas lumabas ang sweet na side na pag-uugali ni Brent at hindi ko maikakailang nakakaramdam ako ng kilig. "You know what mahal...parang nabunutan ako ng tinik nang pasimpl