Sa gitna ng aming pagkain ay napatikhim ako kaya lahat sila ay nalipat ang mata sa akin.
"May gusto ka ba sabihin?" tanong sa akin ni Ate.
Uminom muna ako ng tubig bago magsalita.
"Sa susunod na linggo ko malalaman kung pasok ba ako o hindi. Na-interview ako kanina," wika ko.
Natahimik naman sila sa aking sinabi.
"Sana sinabi mo kanina nang mas maaga, e 'di sana hindi na ako nagsayang pa ng laway," pagpapagalit sa akin ni Mama.
Napasimangot naman ako sa kaniyang sinabi.
"E, pinutol mo ang aking sasabihin kanina," saad ko.
"At sumasagot ka pa?" pagbabanta sa akin ni Mama habang nanlalaki ang mga mata kaya mas lalo akong napasimangot.
Ayaw na lang aminin na nagkamali rin siya, e! Sobrang taas naman kasi ng pride ni Mama.
Natigil lang sa pagsigaw sa akin si Mama nang sawayin siya ni Ate gamit ang mga mata at tinuro ang bata na tahimik na kumakain sa tabi ni Ate.
Napabuntong hininga naman ako.
Sana naman hindi mamana ni Seya ang pagiging rapper ni Mama paglaki niya.
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lang lumitaw si Shi no Tenshi mula sa kung saan at sa tabi pa mismo ni Seya niya napili na umupo!
Pinandilatan ko siya ng mga mata ngunit isang inosenteng tingin lang ang binigay sa akin nito.
Sinubukan niya pagmasdan ang bata kaya habang kumakain kaya hindi naalis ang tingin ko sa kaniya at halos hindi na rin ako mabusog-busog.
Nang mahalata ko na tila hindi na komportable sa pagkain si Seya ay konti na lang ay itapon ko na 'tong tinidor na hawak ko kay Tenshi.
Jusko! Humanda ka talaga sa akin mamaya. Hihintayin talaga kita.
"T-Tita Vivi, bakit po kayo ganiyan makatingin sa akin? May problema po ba?" Natatakot na tanong ng bata kaya natigilan naman ako.
Sunod-sunod akong umiling.
"Wala. Walang problema, Seya. Kumain ka na lang diyan." Ngiting wika ko at pasimpleng pinanlakihan ng mata ang katabi niya na hindi naman niya nakikita.
Siniko naman ako ni Kuya para sawayin na natatakot ang bata sa akin.
Grabe naman! Hindi naman ako mukhang multo, ah? Mas nagmumukha pa nga akong anghel, e...
Nang matapos kumain ay agad akong nagtungo sa lababo upang maghugas.
Sa kalagitnaan ng aking paghuhugas ay napapikit ako.
Heto na naman po sila! Nagsisimula na naman makipaglaro kahit na ayaw ko naman.
Wini-wish ko na sana dumating na si Shi no Tenshi ngunit walang dumating. Marahil ay umalis na pagkatapos namin kumain dahil alam niyang hihimayin ko na naman siya.
Hindi ko naman kayang pitikin ang aking mga daliri dahil puno ito ng sabon.
"Huwag mo na lang pansinin, Avi," pakanta-kantang wika ko pero deep inside ay gusto ko nang ihambalos ang mga batang multo na nasa likuran ko.
Jusko! Kung wala lang talaga si Seya sa sala ay kanina ko pa pinagsabihan ang mga batang 'to.
Ang ingay nila at saka ang kulit!
Napatalon ako sa gulat at muntik pang mabasag ang baso, mabuti na lang at nahawakan ko kaagad dahil may isang lumitaw na bata mula sa platong nasa lababo.
"Hahahahaha," rinig kong tawanan nilang tatlo.
Napakapit na lang ako sa lababo at napapikit.
Bro, bigyan mo 'ko ng mahabang pasensya, parang awa mo na! Bata 'yan, Avi, tandaan mo. Bata 'yan...
Pagmulat ko ng aking mga mata ay hindi na ako na sorpresa nang bumungad sa akin ang tatlong bata na nasa harapan ko habang hawak-hawak ang mga ulo, ganoon na rin ang mga kamay.
"Ay, hindi siya natakot," malungkot na wika ng batang babae.
"Sayang," wika naman ng isang lalaki.
"Okay na 'yan. Ang mahalaga ay nagulat natin siya," masayang wika ng lalaki na nanggulat sa akin kanina.
"Ako? Matatakot? Sa rami-rami ng multo na nakasalamuha ko ay may mas nakakatakot pa sa inyo, 'no!" Gusto ko isigaw sa kanila ang mga katagang 'yan ngunit baka matakot na naman si Seya sa aking inaakto.
"Sa bata na lang kaya tayo makipaglaro?" tanong ng batang babae at tinuro si Seya.
Nanlaki naman ang aking mga mata.
"Sige!" sigaw ng dalawang batang lalaki.
Dali-dali kong pinunasan ang aking kamay at pinitik ang mga daliri. Wala pang isang segundo ay dumating na agad si Shi no Tenshi.
"Miss me—" Natigilan siya nang makita ang tatlong bata.
Napukpok ko naman ang kaniyang ulo dahil doon. Sa wakas ay nakaganti na rin ako!
Balak pa sana ako nitong gantihan ngunit agad kong nginuso ang tatlong bata na nagbabalak na tumakas.
"At saan kayo pupunta?" tanong niya sa kanila.
"Please, po! Huwag niyo muna kami kuhanin," pagmamakaawa ng babae.
"Pasensya na, bata, pero dapat ay matagal na kayong nasa lugar kung saan dapat kayo nababagay," seryosong wika ni Tenshi at nilabas ang isang pinto.
Paglabas niya noon ay agad na nabakas sa mga mukha ng bata ang takot.
Hindi na nagsayang pa ng oras si Tenshi at agad na binuksan ito.
"Ahh!" sigaw nila.
"Huwag po!" sigaw ulit nito.
"Argh!" sigaw ng batang lalaki na nanggulat sa akin.
Agad silang hinigop nito at mabilis din naman itong nagsara.
Gulat akong napatingin sa kaniya.
"Sa dagat ng apoy?" gulat na tanong ko sa kaniya.
Ano bang mabigat na kasalanan ang ginawa ng tatlong batang iyon para mapunta sila sa dagat ng apoy?
Hindi ba't masyado pa yata silang bata...?
Tumango naman si Shi no Tenshi. "Noong nabubuhay pa sila ay ni-r*pe nila ang walang awang batang babae na pipe. Nagnakaw din sila na hindi baba sa 100,000 peso. Ilang beses nilang pinaglaruan na tila laruan ang mga pusa hanggang sa mamata—"
Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig dahil tila hindi ko na kaya sikmurain ang lahat.
Napahawak ako sa aking bibig at hindi na naiwasan na maiyak dahil sa lungkot at pagkadismaya.
"Paano magagawa ng mga bata 'yang sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya habang pinipigilan ang paghikbi dahil baka mahalata nila Mama na nasa sala.
"Dahil sa impluwensiya rin ng nasa paligid nila," paliwanag niya sa akin.
"They're too young and yet they did so many crimes..." I whispered.
Hinawakan niya ang aking balikat. "Huwag kang mag-alala. Habambuhay nilang pagbabayaran ang kanilang mga ginawa sa dagat ng apoy."
"Nadidismaya ako at nanghihinayang, Tenshi..." I whispered to him.
He hummed. "Ganoon talaga. Wala ka ng magagawa pa. Kung ano ang mga masasamang bagay na ginawa mo sa lupa, ay kailangan mong pagbayaran sa dagat ng apoy."
"Averill, tapos ka na ba riyan sa hugasin mo?" Natigilan kami sa pag-uusap nang magtanong si Mama.
Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha.
"Hindi pa, Ma!" sigaw ko upang marinig niya.
"Ay, jusmiyo! Ano namang ginagawa mo riyan? Nagsasayang ka pa ba riyan ng sabon at tubig, ha? Kanina pa riyan, ah?" sunod-sunod na rap na naman sa akin ni Mama.
Napakamot na lang ako sa aking ulo at saka tinuloy na lang ulit ang paghuhugas.
Masyado na naman akong nadala ng aking emosyon at nakalimutan ang aking kailangan gawin.
Matapos kong maghugas ng pinggan ay dali-dali akong umakyat papunta sa aking kwarto.
Pagsara ko ng pinto ay agad kong nakita si Shi no Tenshi na prenteng nakahiga sa kama ko.
"Hindi ka ba maghahanap ng mga kaluluwa?!" Inis na tanong ko sa kaniya.
"Hindi," wika nito at saka nilagay pa ang paa sa aking kama na animo'y nang-aasar.
"Wala ka naman pa lang ambag," wika ko sa kaniya.
"At least, nangunguna pa rin sa listahan ng mga grim reaper," mayabang ba sabi nito.
"Ay, sus! Pasalamat sa akin, 'no," proud ko rin na saad.
"Sino naman nagsabi na dahil sa iyo? May pakalat-kalat din akong clone ko na kung saan ay sila ang kumukuha ng mga kaluluwang ligaw," wika nito.
Napasimangot naman ako dahil sa kaniyang sinabi.
"E 'di, ikaw na!" sigaw ko sa kaniya at saka nagtungong veranda.
Ang ganda ng buwan...
Agad akong napaharap sa kaniya nang maramdaman na lumapit siya sa akin.
"Lagi mo ba suot-suot ang kwintas na binigay ko sa iyo?" tanong niya sa akin.
I hummed and nodded.
Napangiti ako nang hanginin ng hangin ang aking buhok kaya ang iba kong buhok ay napunta sa aking mukha.
Dali-dali ko namang tinanggal ang mga ito ngunit nagulat ako nang iipit niya ang iilang buhok na nasa aking mukha papunta sa likod ng aking tainga.
"Better," he whispered.
Tinapik ko naman siya dahil doon. "Ikaw, ha! Type mo talaga ako," biro ko sa kaniya.
Natawa ako sa sarili kong biro ngunit natigilan at nagtataka akong napatingin sa kaniya nang hindi man lang ito tumawa imbes ay pinagmasdan lang ako.
"Gano'n ba ka-boring joke ko," bulong ko.
Muli akong humarap sa kabahayan at doon ay unti-unti ko nang napapansin ang mga naglalakad na tao este multo.
"Bakit hindi mo sila kuhanin?" tanong ko sa kaniya habang nakatuon pa rin sa mga multong pakalat-kalat.
"Ang mga clone ko na ang bahala sa kanila," wika nito sa akin.
Nahampas ko naman siya dahil doon.
"Iuutos mo pa sa iba kung pwede naman na ikaw na? 'Tsaka nasa tapat mo naman na, duh!" sigaw ko sa kaniya.
"Hindi naman 'yon iba. Clone ko nga, e," saad pa nito.
"Parehas lang 'yon. Kaya gawin mo na!" utos ko rito.
Napabuntong hininga na lang siya at wala nang nagawa pa.
Sa isang pikit ko lang ay agad siyang nakapag-teleport sa gitna ng kalsada at kinuha sila isa-isa.
May iilan pa na sinubukan tumakas ngunit hindi sila nakawala sa paningin ko kaya agad din silang nahuli ni Tenshi.
Pagbalik niya rito sa tabi ko ay ramdam kong hinihingal siya.
Pambihira! Pwede rin pala mapagod ang mga grim reaper.
"For your information, hindi ako napagod. Sadyang nawalan lang ako ng lakas sa sunod-sunod na pagbukas ng pinto papunta sa kabilang mundo," paliwanag niya.
"Ikaw, ha! Iyan ka na naman. Binabasa mo na naman isip ko." Nagpapadyak na sabi ko sa kaniya.
"Hindi ko rin 'yon maiwasan dahil sakop ka ng kapangyarihan ko," saad niya.
"Ha?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala..." bulong niya.
"Ano nga?!" Inis na tanong ko sa kaniya. Baka hindi pa ako patulugin ng kursyudad ko, 'no.
"Matulog ka na lang," wika niya.
"Hoy—" Natigilan ako nang agad siyang naglaho.
Iyon ang pinaka ayaw ko sa kaniya, e! Dadating ng walang pasabi, aalis ng walang paalam...
Napabuntong hininga na lang ako at napasimangot.
Saglit ko pang pinagmasdan ang kalangitan bago nagpasiya na matulog.
Ni-lock ko muna ang veranda at saka binaba na ang kurtina para magsilbing harang.
Binuksan ko lang ang aking mini lamp dahil hindi ako sanay na matutulog ng sobrang dilim ang kwarto.
Sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog ay nabulabog iyon nang may naramdaman akong sunod-sunod na yabag ng paa.
Hindi ko iyon pinansin ngunit napabuntong hininga na lang ako nang sunod nang narinig ang mga tawanan.
"Hindi ba kayo titigil?!" inis na tanong ko sa mga aninong nasa pader.
Kainis naman, oh! Kung kailan ang sarap ng tulog ko 'tsaka naman sila manggugulo.
"Yay! Gising ka na," masayang wika pa nito.
Pinikit ko ang aking mata at sinubukan na pahabain pa ang aking pasensya.
Hindi ko ba alam kung bakit sobrang ikli ng pasensya ko pagdating sa mga multong ito!
"Pansinin mo ko," wika pa niya at saka nag-ikot-ikot ulit.
Pipitikin ko na sana ang aking mga daliri upang tawagin si Shi no Tenshi ngunit agad siyang sumigaw.
"Huwag!"
Tumingin ako sa kaniya at napa-poker face.
"Matapos mong istorbohin ang magandang tulog ko, sa tingin mo ba madadaan mo ako sa 'huwag' mong 'yan, ha?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.
"Parang awa mo na!" sigaw pa nito.
Napatakip na lang ako ng sariling tainga.
"Sige. Bibigyan kita ng pagkakataon para makatakas. Pagbilang ko ng tatlo at nandiyan ka pa riyan, wala na akong magagawa pa..." bulong ko.
Pumikit ako.
"Isa..." pagsisimula ko sa pagbilang.
"Dalawa." Agad akong napamulat ng mata nang maramdaman na wala na ang presensya niya sa loob ng aking kwarto.
Agad kong pinitik ang aking kamay at agad ding dumating si Tenshi.
"May nangugulo na naman ba sa iyo?" Natatawang tanong nito.
Binigyan ko lang siya ng blankong ekspresiyon.
Alam na alam na niya kasi kapag tinatawag ko siya ng madaling araw.
Isa lang ang ibig sabihin noon, may multong mambubulabog sa akin.
"Nandito pa siya sa bahay, naglilibot-libot. Kuhanin mo na bago pa makatakas," bored na saad ko rito.
"Salamat," wika niya at saka agad na nawala sa paningin ko.
Dali-dali akong humiga at napangiti nang unti-unting naramdaman ulit ang antok.
Bago pa man ako tuluyan kuhanin ng dilim ay naramdaman ko ang pag-angat ng aking kumot at pagbulong ng kung sino.
"Sleep tight."
Nagising ako dahil sa rap ng aking mahal na Nanay."Tanghali na, Averill Mae Fuentes! Pero ikaw ay nakahilata pa rin. Ano? Mayaman?! Gumising ka na riyan," wika nito.Napatakip na lang ako nang mata nang buksan niya ang kurtina.Agad akong nagtaklob ng kumot para makatulog ulit."Wah!" sigaw ko nang hilahin niya pababa ang kumot."Gumising ka na, señorita. Tanghali na. Gumising ka na kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig," sarkastikong wika niya sa akin."Ma!" sigaw ko sa kaniya."Alas diyes na ng umaga, Mae!" sigaw nito.Wala na akong nagawa pa kun'di tumayo kahit na labag sa loob ko dahil kapag tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko ay alam kong galit na talaga siya.Halos hindi nga yata ako nakatulog dahil sa bwisit na multo na nanggulo sa akin kagabi, e!
Nagising ako nang may dumampi sa aking mukha na kung ano. Pagtingin ko ay isang nahulog na dahon.Nakatulog pala ako...Pagtingin ko ng oras ay nanlaki ang aking mga mata.Alas dos na ng hapon?!"Nalintikan na, oh," bulong ko sa sarili.Napakamot na lang ako sa aking buhok.Sigurado kasi ako na bunganga na naman ni Mama ang bubungad sa akin!Dali-dali akong nagpara ng tricycle para makauwi agad.Lagot talaga sa akin mamaya si Tenshi! Ni hindi man lang ako ginising at hinayaan pa ako matulog."Saan, miss?" tanong ng driver."Sa kanto lang," wika ko rito."Ay, may aksidenteng nangyari roon pero may iba pa namang daan," saad niya.Nangunot ang noo ko. "Hindi na. Ayos lang, ide-deretso mo na lang."Utot mo! Akala sigur
Isang linggo na ang nakalipas at ngayon na ang araw para makita kung nakapasa ba ako sa interview. Katabi ko sina Mama at Ate at sabay-sabay na humihiling na sana ay nakapasa ako. Gusto ko man tumawa dahil sa sitwasyon ni Mama ngunit hindi ko magawa dahil mas pinangungunahan ako ng kaba. Paano ba naman kasi ay dala-dalawa ang hawak niyang rosaryo tapos tuloy-tuloy pa ang pagdadasal kaya mas lalo akong kinakabahan dahil sa kaniya. "Ayan na!" sigaw ko nang lumabas ang isang notification sa aking laptop. Isa-isa kong tinignan ang mga pangalan ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi makita ang aking pangalan na nakalagay roon. Niyakap ako ni Mama. "Ayos lang 'yan, 'nak." Tumango-tango na lang ako at sinubukan pa rin ngumiti kahit na sobrang lungkot ko ngayon. Nagtaka ako dahil may lumabas ulit
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa gwapong nilalang este multong ito."Nakikita mo 'ko?!" gulat na tanong niya.Napa-roll eyes na lang ako at pagkatapos ay napabuntong hininga."Hindi ba halata?" tanong ko rin sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit iyon mismo ang laging tinatanong sa akin ng mga multo sa tuwing kakausapin ko sila. Like, hindi ba obvious na nakikita ko kayo? Hindi ko naman kayo kakausapin at papansinin kung hindi ko kayo nakikita.Nang hindi siya tumugon ay napaunat-unat na lang ako ng aking katawan."Alam mo, umuwi ka na. Bago pa magbago ang isip ko na ibigay ka kay Tenshi," bored na wika ko at nagsimulang maglakad ulit."Sino si Tenshi?" Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig iyon mula sa kaniya.Napatingin ako rito at pagkatapos nangunot ang aking noo. Pinakatitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa."Multo ka ba talaga?!" nagtatakang tanong ko sa kaniya.Impos
Gaya ng inaasahan ay madaling araw na naman ako nakauwi. At habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa lalaking multo na lumapit sa akin kahapon."Nandito pa kaya siya?" tanong ko sa sarili.Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming bahay.Napabuntong hininga naman ako."Mabuti naman at hindi na nangulit pa ang multong 'yon," bulong ko sa sarili."Ah!" sigaw ko nang bigla na lang lumitaw sa kung saan si Shi no Tenshi."Sinong multo?" tanong niya.Napukpok ko ulit siya sa kaniyang ulo dahil sa panggugulat sa akin."Aray!" sigaw rin nito."Alam mo, dahil sa iyo nawawala antok ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng bahay.Napapikit na lang ako nang harangin niya ang ak
"Kumain ka muna bago ka umalis," saad sa akin ni Ate at saka lumabas ng kwarto.Sinundan ko naman siya sa kaniyang paglabas habang ako ay nagsusuklay."Salamat, Ate, pero baka ma-late pa ako. Sa kumpaniya na lang ako kakain," sagot ko sa kaniya."Anong oras ba break time niyo roon?" tanong niya sa akin."10 pm," sagot ko."Oh, matagal-tagal pa pala kaya dapat lagyan mo muna ng pagkain 'yang tiyan mo," saad niya sa akin."Ayos lang ako, Ate," pagpupumilit ko pa.Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa pa sa kakulitan ko.Hinalikan ko sa pisngi si Ate bago umalis sa bahay at saka kinawayan siya.Pinitik ko ang aking kamay paglabas ko sa gate ng bahay para tawagin si Shi no Tenshi.Gaya ng inaasahan ay agad din siyang lumitaw mula sa kung saan."Pwede ba mag-request?" bulong kong tanong sa kaniya."Ano naman 'yon?" tanong niya."Bantayan mo muna At
Averill's POV:Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay sabay kaming dumiretso sa bahay.Bago ko pa buksan ang pinto ay natigilan ako at napatingin kay Silas."Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.Napailing-iling na lang ako bilang sagot. Sana lang ay wala ngayon sa kwarto ko si Shi no Tenshi dahil may gusto pa akong sabihin kay Silas na hindi ko nasabi kanina...Pabukas ko ng pinto ay agad kong naamoy ang luto ni Mama."Ma, nandito na ako," sabi ko dahil ayaw kong magulat siya kapag lumabas siya sa kusina.Nilapag ko muna sa sala ang bag ko at saka agad na nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matapos makita roon si Mama.Niyakap ko siya nang patalikod ngunit agad din akong natigilan nang sikuhin niya ako kaya napasimangot naman ako."Nagluluto ako, Averill," aniya."Sige, Ma," sabi ko at akmang lalabas na ng kusina nang matigilan dahi
Ang isa pa niyang kamay ay nakayakap sa akin habang nasa ilalim ng kumot kaya hindi ko na rin naramdaman ang lamig ng umaga.Babalik na lang sana ako sa tulog at hahayaan ito nang marinig ang sigaw ni Seya."Ahh!" sigaw niya kaya dali-dali akong napabangon dahil na rin sa gulat at pag-aalala.Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa akin pala siya nakatingin.Dali-dali naman siyang pinuntahan nila Kuya, Ate, at Mama habang ako ay nanatili lang sa aking kama.Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagtulog."Anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Elias sa kaniya.Nanginginig naman akong tinuro ng bata na pinagtaka ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama na mas lalo kong pinagtaka habang nagtataka rin na tumingin sa akin sina Ate at Kuya."Bakit?" naguguluhan na tanong ko kay Seya."Tita Vivi, nakita ko po kanina na parang may katabi ka sa ilalim n
Averill's POVIt's been 5 years since then... Life is life until now, but thankfully because of everyone's hard work, it's now paid off. It's been a while since Am-Am trusted one of his hotels to me. It's because of him that I've been living a good life, I also owe him a lot. Back then, as a student, I dreamt of having a house that my home can live in... and now, it's finally not only a dream because we currently live in a first class residential subdivision still here in Biñan, Laguna. It's really a dream come true. Vince is the one who recommended it to me and that's the reason why we're neighbors now... or so I thought? "Vince..." Halos hindi na ako nagulat nang pagbaba ko ng second floor ay nakita kong prenteng nakaupo sa sofa sa living room itong si Vince. Hindi man lang niya ako binigyan ng pansin at tinaas lang ang tasa na hawak-hawak niya na animo'y nagyayaya na magkape rin ako. "Kapal talaga ng mukha mo, ‘no?" ani ko sa kaniya habang patungong kusina para magkape. "Siy
Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagbago ang buhay ko. Sinusubukan ko pa rin na kalimutan ang mga nangyari ngunit may pagkakataon talaga na bigla-bigla ko na lang ito maaalala."Huy! Nakatulala ka na naman," sigaw sa akin ni Vince.Tinarayan ko na lang ito at saka inayos ang tindig ko para salubungin ang mga customers.Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi na ulit kami nagkita ni Kuya mabango at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang panyo na pinahiram niya. Hanggang ngayon din ay wini-wish ko na magkita ulit kami para makapagpasalamat ako ng maayos sa kaniya at masauli na rin ang panyo niya.Isang linggo lang din matapos ng matindi kong break down ay tuluyan nang natapos ang hotel kaya itong si Vince ay todo trabaho para maturuan ako, at nang may sapat ng empleyado ang hotel ay tuluyan na itong binuksan para sa lahat."Vince, huwag mo nga akong guluhin! Hindi ba't naka-assign ka sa hotel sa Batangas?" naiiritang tanong ko sa kaniya.Natanong ko kasi noong nakaraang ar
Seya's POV:I was so happy when Tita Vivi went home with a gift for me, just like what she promised but she failed one of her promises.She promised that they will went home together but why I didn't saw Tito Silas?For some reason, my tears started to fall that even my self can't stop it."What happened?!" Grandma shouted and panicked. My Mom even joined her but I ignored them.I hugged the teddy bear that Tita Vivi gave to me and sat on the sofa. I cried silently and let my tears fell from my eyes."Anong nangyayari?" Tito Elias asked and seems so confused."Hindi ko alam!" my Mom shouted because she don't know what to do to calm me."Bakit naiyak si Seya at bakit gano'n ang ekspresiyon ni Averill?" Tito asked again."Hindi rin namin alam, Elias," Grandma answered."Tatanungin ko lang si Avi—""Don't bother her," I said that made them stared at me.Mommy approached me and hugged me."Why? What happened?" she asked.I sobbed again instead of answering her questions."T-Tito Silas isn
"Tell me the truth. Something happened the day you went to the hospital, right?" he asked.I looked at him surprisingly when he mentioned the hospital."How did you know that I went to hospital?" I asked to him."I have a strong hearing ability, Avery, so I heard what Tita said to you," he explained.Napatango-tango na lang ako at saka pinagmasdan ang mga bituin na nagsisimula nang magliwanag sa madilim na kalangitan."What happened? Since that day, you acted strangely," he said.Napalunok ako ng sarili kong laway at saka tumingin sa kaniya at saka pilit na ngumiti."I just wanted to make memories with you for the last time," I murmured.His eyebrows met. "What do you mean?""I finally found your body, Silas," I said and looked away to him.Napapikit ako matapos kong maramdaman ang nanlalamig niyang kamay na hinawakan ang baba ko at saka hinarap ang mukha ko sa kaniya."Can you tell me where is my body?" naiiyak na tanong niya.Napakagat na lang ako ng aking labi bago dahan-dahan na t
Napatingin ako kay Silas nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko."Ayos lang ba kung kasama mo ako? Paano kung sabihan ka nila na nababaliw na?" tanong niya sa akin."Huwag kang mag-alala dahil marami namang tao ngayon at saka huwag mo na 'yon problemahin. Magsaya ka na lang, okay?" sagot ko at saka nginitian siya.Nang magbago ang musika ay natigil ang lahat sa pagtalon. Kung kanina ay rock ang kantahan, ngayon naman ay romantic na.I intertwined my hands to his and smiled at him.Tinaas ko ang isang kamay ko gaya ng ginagawa ng iba. Pagtingin ko kay Silas ay hindi ko na naiwasan mapahagikgik dahil nakataas na rin pala ang kamay niya.Bawat lyrics ay sinasabayan naming lahat at bawat pagkanta namin ay siya namang pagsabay ng aming katawan sa pag-indayog.When I looked at him to check if he's still at my side, I was so surprised because I didn't expected that he's also looking at me.Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng mukha ko at para hindi niya mapansin
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Silas. Hindi ko na siya masyadong nakausap pa dahil antok na antok na rin talaga ako kaya diretso akong nahiga sa kama nang hindi man lang nagpapalit ng damit."Bukas na lang ako magpapalit," bulong ko bago maramdaman ang antok at unti-unti nang nagsara ang mata ko.Nagising ako matapos maramdaman ang paglubog ng aking kama.Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagsalubong ang aking kilay matapos makita na sobrang lapit ng mukha ni Silas.Mabilis ko namang nilayo ang mukha ko at bumangon."Magandang umaga," ngiting bati niya."Good morning too," bati ko rin dito at saka nagpasiyang maligo na at magpalit ng damit para presko.Paglabas ko ng banyo ay agad ulit na bumungad sa akin si Silas na nakangiti kaya napahagikgik na lang ako at saka tumingkayad para maabot ang kaniyang buhok at. inayos ito.Napansin ko na na-estatwa siya kaya natigilan naman ako sa aking ginagawa."Are you okay?" I asked to him."Keep doing that to me," he said and poin
Natawa naman siya na kinailing-iling ko."Pero seryoso, bakit mukhang ang saya-saya mo yata ngayon?" tanong niya sa akin."Wala. Ang sarap lang talaga asarin ni Vince," sagot ko sa kaniya.Na-estatwa ako matapos ma-realize ang sagot ko.Why did I said that?"Sino si Vince?" tanong niya sa akin."Sige, maliligo muna ako," pagbabago ko ng topik at saka mabilis na naglakad papunta sa banyo.Malapit ko na sana maabot ang door knob nang bigla akong hawakan ni Silas sa aking baywang at saka binuhat ako at nilagay sa kaniyang balikat."Kyah!" sigaw ko dahil sa pagkakagulat at nagpapadiyak pa."Lower your voice if you don't want them to come here and see you in this kind of position," he said."Silas, put me down," utos ko sa kaniya."Uh-oh, I will not. Not until you say who's Vince," he said."He's just my friend, okay?" page-explain ko."Now, put me down," utos ko sa kaniya at may halong diin ang bawat salita."What kind of friend he is?" he asked.Napapikit na lang ako dahil sa inis at sa
After choosing that I will keep his body from him for awhile, one week had passed."May bisita ka, Averill!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba.Napakamot na lang ako sa aking buhok at saka labag sa loob na bumaba kahit na naka-pajamas pa ako.Alas otso na ng umaga pero gusto ko pa rin matulog. Paano ba naman kasi ay halos 'di na ako patulugin kagabi ni Silas dahil sa pagiging hyper niya! Mukhang masama rin yata sa mga multo ang ma-spoil ng sobra, ah?"Sino ba 'yan, Ma?" walang ganang tanong ko habang nakapikit na bumababa sa hagdan."Ang aga-aga, e!" reklamo ko at nang maramdaman na wala ng hagdan na aapakan ay minulat ko na ang mga mata ko.Napataas ako ng kilay matapos makita na si Am-Am pala ito at mukhang may kasama pa siyang isang lalaki na hindi ko naman kilala."Oh?" pagtataas ko ng kilay sa kanila.Napahagikgik naman si Am-Am samantalang ang kasama niya ay hindi na napigilan na matawa."May nakakatawa ba sa tanong ko?" seryosong tanong ko sa kanilang dalawa.Mabilis naman silan
"Wala pa masyadong nakakaalam ng lugar na ito bukod sa mga nakatira rito sa malapit," paliwanag ko, "kapag natuklasan na ito ng mga tao ay tiyak na malaki ang pagbabago na magaganap dito.""Sayang naman. Akala ko pa naman may mga chicks dito," aniya."Doon. Pumunta ka sa mga bahay-bahay, may mga sisiw sila," sarkastikong sabi ko.Bago pa man siya makapagsalita ay agad din naman siyang napingot ni Mama na kinatawa ko pa lalo."Anong chicks-chicks, huh?!" sigaw ni Mama."A-aray, Ma!" sigaw din ni Kuya.Napailing-iling na lang ako at saka nagpasiya na tumakbo papunta sa malaking puno para malimliman dahil tumataas na rin ang tirik ng araw.Mula rito ay narinig ko pa ang sigaw ni Mama. "Seya, halika! Magpapaaraw ka."Pinagmasdan ko ang buong parke at saka napangiti. Marami pang mga puno rito at dalawa pa lang ang bench na makikita sa parke isama mo na rin ang duyan na para sa mga bata.Dahil kakaunti lang ang laman ng parke ay mas lalo lang nakikita at nahahalata ang pagiging malawak nit