Averill's POV:
Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay sabay kaming dumiretso sa bahay.Bago ko pa buksan ang pinto ay natigilan ako at napatingin kay Silas."Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.Napailing-iling na lang ako bilang sagot.Sana lang ay wala ngayon sa kwarto ko si Shi no Tenshi dahil may gusto pa akong sabihin kay Silas na hindi ko nasabi kanina...Pabukas ko ng pinto ay agad kong naamoy ang luto ni Mama."Ma, nandito na ako," sabi ko dahil ayaw kong magulat siya kapag lumabas siya sa kusina.Nilapag ko muna sa sala ang bag ko at saka agad na nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matapos makita roon si Mama.Niyakap ko siya nang patalikod ngunit agad din akong natigilan nang sikuhin niya ako kaya napasimangot naman ako."Nagluluto ako, Averill," aniya."Sige, Ma," sabi ko at akmang lalabas na ng kusina nang matigilan dahil nagsalita siya."Bakit late ka na yata umuwi?" tanong nito sa akin at humarap sa akin na tila may pagdududa.Humarap din ako sa kaniya upang maayos na sagutin ang kaniyang tanong."Late na po kasi natapos ang pakikipag-usap ko sa last costumer," paliwag ko sa kaniya."Ay, sus! Baka may kalandian ka na roon sa trabaho mo, ha," pagbibiro ni Mama.Pilit na lang akong ngumiti. "Alam mo namang hindi ako ganiyan, Ma." Kamot-batok na wika ko.Hindi na ito sumagot pa kaya kinuha ko na ang aking bag at saka dumiretso sa aking kwarto.Ang kaninang lungkot na gusto ko ilabas ay tuluyan na ngang nagpakita.Kahit na biro lang iyon at may pagkakasarkastiko ay nasaktan pa rin ako sa sinabi ni Mama.Hindi naman ako ganoong klaseng tao...Natigilan lang ako nang makita si Silas na inosenteng nakatingin sa akin habang nakaupo sa aking kama.Pilit akong ngumiti sa kaniya at saka nagtungo sa closet para kumuha ng damit pantulog."Mas mabuting huwag ka na lang ngumiti kung pilit lang naman ang iyong pinapakita sa akin. Gusto kong maging komportable ka sa akin, Avery," mahabang sabi niya sa aking likuran.Natigilan naman ako sa pagpunta sa banyo dahil doon.Sa hindi malamang dahilan ay biglaan na lang akong napangiti dahil sa kaniyang mga sinabi."I'll try to be comfortable with you," saad ko habang hindi nakatingin sa kaniya at saka dire-diretsong pumasok sa banyo.Saglit lang ako sa banyo dahil naghilamos na lang naman ako at saka nagpalit ng damit.Hindi muna ako magha-half bath dahil sobrang lamig ng tubig.Paglabas ko ay nakita ko siya roon na nakaupo pa rin sa kung saan ang pwesto niya kanina.Lumapit ako sa kaniya at saka umupo sa tabi niya.Napatingin ako sa kay Silas nang maramdaman napatingin din siya sa akin."Speak up," sabi ko dahil ramdam kong kanina pa siya may gustong iusal na salita dahil kanina pa tila nanginginig ang kaniyang mga bibig."Ayaw ko. Baka dahil sa sasabihin ko ay hindi ka na talaga makipagkaibigan sa akin," seryosong wika niya at sunod-sunod na umiling.Napabuntong hininga naman ako at saka napatingin sa mga paa ko at saka nag-Indian sit."Hindi ba't gusto mo na tulungan kita sa paghahanap ng katawan mo?" tanong ko sa kaniya at tumingin ulit dito.Nagdadalawang isip naman siyang sumagot na pinagtaka ko.Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit niya ako laging hinahabol-habol at linalapit-lapitan?"Oo..." bulong niya, "Pero ayaw ko naman na tulungan mo ako ng labag sa loob mo o napipilitan ka lang."Natawa naman ako sa kaniyang sinabi kaya hindi ko naiwasan na guluhin ang kaniyang buhok."Payag na ako sa gusto mo," saad ko rito."Talaga?!" masayang sigaw niya.Tumango-tango ako at natawa ulit dahil sa kaniyang ekspresiyon."Pero sa isang kundisyon," pahabol ko pa.Agad naman nagbagsakan ang kaniyang mga balikat kaya mas lalo akong natawa."Ano nama 'yon?" tanong niya."Hindi ba at nakita mo na ang grim reaper na sinasabi ko?" Imbes na sagutin ang kaniyang katanungan ay tinanong ko rin siya.Tumango siya bilang tugon. "Oo naman. Pareho sila ng leader mo. Mukhang nakakatakot."I giggled. "Mabait naman si Shi no Tenshi.""Shi no Tenshi?" tanong nito."Oo. Siya ang grim reaper na magsusundo sa iyo kapag nahanap mo na ang katawan mo... payag ka ba?" tanong ko sa kaniya.Inabot ng ilang minutos bago siya sumagot at tila nagdadalawang isip pa siya.Wala man kasiguraduhan ay tumango rin ito."Sige. Basta hahanapin natin katawan ko, ha!" sigaw pa niya sa akin.Taas-noo akong tumingin sa kaniya. "Ako pa ba? Wala ka bang tiwala sa akin?""Mayroon," mabilis na sagot niya sa aking biro kaya natigilan naman ako.Mabilis akong napatikhim at humiga sa aking kama."Matutulog na ako," pagpapaalam ko sa kaniya."Pwede ba akong matulog sa tabi mo?" tanong nito.Nangunot ang aking noo dahil sa kaniyang tanong."Natutulog din pala ang mga multo?" tanong ko sa kaniya."Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng antok ngayon," wika niya.Tumango na lang ako at saka tinapik ang parte ng aking kama kung saan ay malawak at pwedeng-pwede siyang humiga."Hindi ka naman siguro tatagos sa ilalim ng kama habang tulog ka, 'di ba?" biro ko rito.Napailing-iling na lang siya. "Tignan natin..."Tumagilid ako at saka pinagmasdan ang bawat galaw niya. Nang tuluyan na siyang mapahiga ay napangiti ako."Congrats. Hindi ka nahulog," natatawang sabi ko rito.Ngunit natigilan ako nang magtama na naman ang aming mga paningin dahil nakatagilid na rin siya kaya dali-dali akong tumalikod mula sa kaniya."Good morning," bati ko rito habang nakatalikod."Sleep tight," bati rin niya pabalik.Matapos niya iyon sabihin ay tuluyan na nga akong nilamon ng antok hanggang sa hindi ko na nakayanan pa at hinayaan na lang na lamunin ako nito."Hmmm..." ungol ko dahil bigla kong naramdaman ang pagyakap ng unan ko sa akin.Napamulat lang ako ng aking mga mata nang maramdaman na tila hindi na malamig ang paligid.Pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang dibdib ni Silas at doon ko lang naramdaman ang kamay niya na nasa ulo ko na nagsisilbing unan.Ang isa pa niyang kamay ay nakayakap sa akin habang nasa ilalim ng kumot kaya hindi ko na rin naramdaman ang lamig ng umaga.Babalik na lang sana ako sa tulog at hahayaan ito nang marinig ang sigaw ni Seya."Ahh!" sigaw niya kaya dali-dali akong napabangon dahil na rin sa gulat at pag-aalala.Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa akin pala siya nakatingin.Dali-dali naman siyang pinuntahan nila Kuya, Ate, at Mama habang ako ay nanatili lang sa aking kama.Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagtulog."Anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Elias sa kaniya.Nanginginig naman akong tinuro ng bata na pinagtaka ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama na mas lalo kong pinagtaka habang nagtataka rin na tumingin sa akin sina Ate at Kuya."Bakit?" naguguluhan na tanong ko kay Seya."Tita Vivi, nakita ko po kanina na parang may katabi ka sa ilalim n
Agad na nanginig kalamnan ko dahil sa pagiging seryoso niya."N-nagsasabi naman ako ng totoo..." bulong ko, sapat na para marinig niya.Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga balikat ko at ngumiti sa akin."Nagbibiro lang naman ako," sabi nito.Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaniyang sinabi.Alam kong mahirap magsinungaling sa tulad niya dahil talo niya pa ang Nanay ko dahil bawat detalye sa pagkatao ko ay alam na alam niya."Sige na. Bumaba ka na roon para makakakain," wika niya sa akin.Tumango naman ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Bawat pagdaan ko sa pagbaba ng hagdan ay sinisilip ko ang bawat sulok para mahanap si Silas.Natigilan lang ako nang makita si Seya na nasa baba ng hagdan at nakangiti sa akin.Ngumiti rin ako sa kaniya at dali-daling bumaba."Seya," tawag ko sa kaniya at niyakap siya. Niyakap din naman niya ako pabalik kaya gumaan ang aking pakiramdam.Pagharap ko rito a
Napa-roll eyes na lang ako. Napaka-baduy talaga kausap! Imbes na sagutin ang tanong ay tatanungin din ng isa pang tanong."Malamang. Kung gusto mo na hanapin natin ang katawan mo ay dapat alam ko kung saan ka nagpupunta para naman mahanap kita agad kapag nahanap ko na ang katawan mo," mahabang paliwanag ko sa kaniya at saka naupo sa sofa na hindi kalayuan sa pwesto niya."Nagpunta lang ako sa kusina niyo kanina. Balak ko lang sana takutin ang Mama mo kaso nga lang ay hindi pala siya nakakakita ng multo," tila malungkot pa na wika niya.Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na lumapit sa kaniya at saka piningot ang tainga."Aray! Aray!" sigaw niya.Mabilis ko rin naman na tinigil ang pagpingot dahil naaawa rin naman ako rito.Kaluluwa na nga, sasaktan ko pa? Ayaw ko nang madagdagan pa ang sakit na naramdaman nila noong pagkamatay nila."Bakit mo 'yon ginawa?" nagtatakang tanong ko habang dinuro-duro siya.Ngumuso pa ito. "Gusto ko lang
Pagpasok ko sa kumpaniya ay nagtaka ako dahil walang leader na sumalubong sa akin gaya ng nakasanayan ko.Pagpasok ko sa elevator ay agad lumaki ang aking tainga nang marinig ang bulungan ng iba."Absent daw ba si team leader ngayon?" tanong ng isang babae."Sinong leader?" tanong ng kasama niya."Iyong nasa AB department," sagot nito."Ah, nabalitaan kahapon na may nakakita raw na magkasama sila ng may-ari ng kumpaniya noong uwian na natin, ah?" wika naman ng kasama niya.Nagtaka ako dahil tila natigil sila sa pag-uusap kaya hindi na naiwasan na mapatingin ako sa kanila.Silang dalawa ay pareho na nakatungo at animo'y nahihiya.Tinignan ko ang kanilang ID at mukhang kabilang sila sa C department.Siguro ay nakita nila ang ID ko kaya bigla silang natigilan sa pag-uusap.Humarap ulit ako sa pinto ng elevator at nag-iwan ng mga salita bago ito tuluyang magbukas."Huwag kayong mag-alala.
"Babae ba ang may-ari ng kumpaniya?" agad kong tanong sa kanila at doon ay tuluyan na ngang nawarak ang plato at lumabas na ang kunot sa noo ni Jelle.Sinasabi ko na nga ba... nagseselos siya.Napatakip ako ng aking mga bibig nang biglaan siyang mag-walk out."Pasensya na, Averill, sa naging akto ni Jelle," paghingi ng tawad ni Kaycee."Ayos lang," ngiting tugon ko sa kaniya."Sundan ko lang siya, ha?" pagpapaalam nito.Tumango na lang ako bilang tugon.Matapos nilang mawala sa aking paningin ay agad akong napatingin sa kanilang pagkain.Napalunok na lang ako sa aking nginunguya at muntik pa akong mabulunan, mabuti na lang ay may tubig akong nabili.Paano ba naman kasi ay halos hindi ginalaw ni Kaycee ang kaniyang pagkain at kabaliktaran naman noon ang kay Jelle na parang ni-torture pa ang mga ito.Matapos kumain ay dali-dali kong niligpit ang mga kalat namin. Ganoon na rin ang basag na plato.
"Ganito kasi," pagpapatuloy pa niya, "bago ang araw na dumating ang Lola ko, niyaya ako nila Kaycee at Jelle na sa hagdan na lang daw dumaan. Pumayag naman ako dahil malaki ang tiwala ko sa kanila ngunit pagdating namin sa mismong fifth floor ay agad nila akong tinulak sa hagdan. Muntik pa akong malaglag hanggang sa ground floor, mabuti na lang at nakakapit ako kaya hindi ako namatay pero hindi ko makakalimutan ang mga ngisi nilang dalawa noong araw na iyon."Agad na nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan, kasama na ang balahibo ko sa batok."Sa tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit nila ako nilipat sa ibang department. Natatakot sila na mademanda ang kumpaniya nila," paliwanag nito."Kailan nangyari ang paghulog nila sa iyo?" tanong ko sa kaniya."Isang linggo matapos ang anibersaryo nila," paliwanag niya.Nang mag-ring ang bell ay bababa na sana ako nang pigilan niya ako."Mag-skip ka muna. Kailangan ko masabi sa iy
Halos patakbo naming pinuntahan ang elevator habang magkahawak pa rin ang mga kamay.Pagkapasok namin sa elevator ay halos mapasigaw ako dahil hindi ko inaasahan na sila Kaycee at Jelle ang bubungad pagtalikod namin.Dali-daling sinara ng babaeng kasama ko ang elevator at bago pa ito tuluyan na sumara ay sunod-sunod kong narinig ang napakalakas nilang mga sigaw na halos magpabingi sa akin.Agad din akong napabitaw sa babaeng kasama ko dahil hindi ko na nakayanan ang ingay kaya tinakpan ko ang aking mga tainga.Nilibot ko ang aking paningin at saka napatingin sa ilaw nang magpatay sindi na naman ito.Susubukan ko sana hawakan ang babaeng kasama ko kaso nanlaki ang mga mata ko at nagtataka akong nilibot ang buong elevator dahil bigla siyang nawala at ako na lang ang mag-isa rito.Nang tuluyan nang mamatay ang ilaw sa elevator ay napahawak ako sa railings ngunit hindi ko pinikit ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang pagbaba ng el
Nagising ako nang maramdaman ang init ng araw sa aking balat. Hindi lang iyon ang nagpagising sa akin, kun'di ang umagang rap din ni Mama."Bakit hindi pa umuuwi ngayon si, Mae? Naku! Malilintikan talaga siya sa akin," rinig kong wika ni Mama mula sa baba.Umagang-umaga, ang ingay-ingay ni Mama. Mabuti na lang at hindi nagrereklamo mga kapitbahay namin.Agad na nilibot ng aking mga mata ang buo kong kwarto at napangiti nang makita si Silas na nakaupo sa aking mini sofa ngunit nakapikit ang kaniyang mga mata.Dahan-dahan akong bumangon sa kama at saka nilapitan siya. Nang makaharap ko siya ay yumuko ako para maitapat ang aking mukha sa kaniya.I smiled. Gano'n pa rin ang kaniyang mukha kahit na siya ay natutulog. Maamong-maamo pa rin ang kaniyang itsura.Napakagat na lang ako sa aking labi nang makita kung gaano kahaba ang kaniyang mga pilik mata.Sinubukan kong iangat ang aking isang daliri at saka hinawakan kung gaano kahaba ang kaniyang pilik mata."Uh—" Agad kong tinakpan ang akin
Averill's POVIt's been 5 years since then... Life is life until now, but thankfully because of everyone's hard work, it's now paid off. It's been a while since Am-Am trusted one of his hotels to me. It's because of him that I've been living a good life, I also owe him a lot. Back then, as a student, I dreamt of having a house that my home can live in... and now, it's finally not only a dream because we currently live in a first class residential subdivision still here in Biñan, Laguna. It's really a dream come true. Vince is the one who recommended it to me and that's the reason why we're neighbors now... or so I thought? "Vince..." Halos hindi na ako nagulat nang pagbaba ko ng second floor ay nakita kong prenteng nakaupo sa sofa sa living room itong si Vince. Hindi man lang niya ako binigyan ng pansin at tinaas lang ang tasa na hawak-hawak niya na animo'y nagyayaya na magkape rin ako. "Kapal talaga ng mukha mo, ‘no?" ani ko sa kaniya habang patungong kusina para magkape. "Siy
Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagbago ang buhay ko. Sinusubukan ko pa rin na kalimutan ang mga nangyari ngunit may pagkakataon talaga na bigla-bigla ko na lang ito maaalala."Huy! Nakatulala ka na naman," sigaw sa akin ni Vince.Tinarayan ko na lang ito at saka inayos ang tindig ko para salubungin ang mga customers.Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi na ulit kami nagkita ni Kuya mabango at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang panyo na pinahiram niya. Hanggang ngayon din ay wini-wish ko na magkita ulit kami para makapagpasalamat ako ng maayos sa kaniya at masauli na rin ang panyo niya.Isang linggo lang din matapos ng matindi kong break down ay tuluyan nang natapos ang hotel kaya itong si Vince ay todo trabaho para maturuan ako, at nang may sapat ng empleyado ang hotel ay tuluyan na itong binuksan para sa lahat."Vince, huwag mo nga akong guluhin! Hindi ba't naka-assign ka sa hotel sa Batangas?" naiiritang tanong ko sa kaniya.Natanong ko kasi noong nakaraang ar
Seya's POV:I was so happy when Tita Vivi went home with a gift for me, just like what she promised but she failed one of her promises.She promised that they will went home together but why I didn't saw Tito Silas?For some reason, my tears started to fall that even my self can't stop it."What happened?!" Grandma shouted and panicked. My Mom even joined her but I ignored them.I hugged the teddy bear that Tita Vivi gave to me and sat on the sofa. I cried silently and let my tears fell from my eyes."Anong nangyayari?" Tito Elias asked and seems so confused."Hindi ko alam!" my Mom shouted because she don't know what to do to calm me."Bakit naiyak si Seya at bakit gano'n ang ekspresiyon ni Averill?" Tito asked again."Hindi rin namin alam, Elias," Grandma answered."Tatanungin ko lang si Avi—""Don't bother her," I said that made them stared at me.Mommy approached me and hugged me."Why? What happened?" she asked.I sobbed again instead of answering her questions."T-Tito Silas isn
"Tell me the truth. Something happened the day you went to the hospital, right?" he asked.I looked at him surprisingly when he mentioned the hospital."How did you know that I went to hospital?" I asked to him."I have a strong hearing ability, Avery, so I heard what Tita said to you," he explained.Napatango-tango na lang ako at saka pinagmasdan ang mga bituin na nagsisimula nang magliwanag sa madilim na kalangitan."What happened? Since that day, you acted strangely," he said.Napalunok ako ng sarili kong laway at saka tumingin sa kaniya at saka pilit na ngumiti."I just wanted to make memories with you for the last time," I murmured.His eyebrows met. "What do you mean?""I finally found your body, Silas," I said and looked away to him.Napapikit ako matapos kong maramdaman ang nanlalamig niyang kamay na hinawakan ang baba ko at saka hinarap ang mukha ko sa kaniya."Can you tell me where is my body?" naiiyak na tanong niya.Napakagat na lang ako ng aking labi bago dahan-dahan na t
Napatingin ako kay Silas nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko."Ayos lang ba kung kasama mo ako? Paano kung sabihan ka nila na nababaliw na?" tanong niya sa akin."Huwag kang mag-alala dahil marami namang tao ngayon at saka huwag mo na 'yon problemahin. Magsaya ka na lang, okay?" sagot ko at saka nginitian siya.Nang magbago ang musika ay natigil ang lahat sa pagtalon. Kung kanina ay rock ang kantahan, ngayon naman ay romantic na.I intertwined my hands to his and smiled at him.Tinaas ko ang isang kamay ko gaya ng ginagawa ng iba. Pagtingin ko kay Silas ay hindi ko na naiwasan mapahagikgik dahil nakataas na rin pala ang kamay niya.Bawat lyrics ay sinasabayan naming lahat at bawat pagkanta namin ay siya namang pagsabay ng aming katawan sa pag-indayog.When I looked at him to check if he's still at my side, I was so surprised because I didn't expected that he's also looking at me.Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng mukha ko at para hindi niya mapansin
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Silas. Hindi ko na siya masyadong nakausap pa dahil antok na antok na rin talaga ako kaya diretso akong nahiga sa kama nang hindi man lang nagpapalit ng damit."Bukas na lang ako magpapalit," bulong ko bago maramdaman ang antok at unti-unti nang nagsara ang mata ko.Nagising ako matapos maramdaman ang paglubog ng aking kama.Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagsalubong ang aking kilay matapos makita na sobrang lapit ng mukha ni Silas.Mabilis ko namang nilayo ang mukha ko at bumangon."Magandang umaga," ngiting bati niya."Good morning too," bati ko rin dito at saka nagpasiyang maligo na at magpalit ng damit para presko.Paglabas ko ng banyo ay agad ulit na bumungad sa akin si Silas na nakangiti kaya napahagikgik na lang ako at saka tumingkayad para maabot ang kaniyang buhok at. inayos ito.Napansin ko na na-estatwa siya kaya natigilan naman ako sa aking ginagawa."Are you okay?" I asked to him."Keep doing that to me," he said and poin
Natawa naman siya na kinailing-iling ko."Pero seryoso, bakit mukhang ang saya-saya mo yata ngayon?" tanong niya sa akin."Wala. Ang sarap lang talaga asarin ni Vince," sagot ko sa kaniya.Na-estatwa ako matapos ma-realize ang sagot ko.Why did I said that?"Sino si Vince?" tanong niya sa akin."Sige, maliligo muna ako," pagbabago ko ng topik at saka mabilis na naglakad papunta sa banyo.Malapit ko na sana maabot ang door knob nang bigla akong hawakan ni Silas sa aking baywang at saka binuhat ako at nilagay sa kaniyang balikat."Kyah!" sigaw ko dahil sa pagkakagulat at nagpapadiyak pa."Lower your voice if you don't want them to come here and see you in this kind of position," he said."Silas, put me down," utos ko sa kaniya."Uh-oh, I will not. Not until you say who's Vince," he said."He's just my friend, okay?" page-explain ko."Now, put me down," utos ko sa kaniya at may halong diin ang bawat salita."What kind of friend he is?" he asked.Napapikit na lang ako dahil sa inis at sa
After choosing that I will keep his body from him for awhile, one week had passed."May bisita ka, Averill!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba.Napakamot na lang ako sa aking buhok at saka labag sa loob na bumaba kahit na naka-pajamas pa ako.Alas otso na ng umaga pero gusto ko pa rin matulog. Paano ba naman kasi ay halos 'di na ako patulugin kagabi ni Silas dahil sa pagiging hyper niya! Mukhang masama rin yata sa mga multo ang ma-spoil ng sobra, ah?"Sino ba 'yan, Ma?" walang ganang tanong ko habang nakapikit na bumababa sa hagdan."Ang aga-aga, e!" reklamo ko at nang maramdaman na wala ng hagdan na aapakan ay minulat ko na ang mga mata ko.Napataas ako ng kilay matapos makita na si Am-Am pala ito at mukhang may kasama pa siyang isang lalaki na hindi ko naman kilala."Oh?" pagtataas ko ng kilay sa kanila.Napahagikgik naman si Am-Am samantalang ang kasama niya ay hindi na napigilan na matawa."May nakakatawa ba sa tanong ko?" seryosong tanong ko sa kanilang dalawa.Mabilis naman silan
"Wala pa masyadong nakakaalam ng lugar na ito bukod sa mga nakatira rito sa malapit," paliwanag ko, "kapag natuklasan na ito ng mga tao ay tiyak na malaki ang pagbabago na magaganap dito.""Sayang naman. Akala ko pa naman may mga chicks dito," aniya."Doon. Pumunta ka sa mga bahay-bahay, may mga sisiw sila," sarkastikong sabi ko.Bago pa man siya makapagsalita ay agad din naman siyang napingot ni Mama na kinatawa ko pa lalo."Anong chicks-chicks, huh?!" sigaw ni Mama."A-aray, Ma!" sigaw din ni Kuya.Napailing-iling na lang ako at saka nagpasiya na tumakbo papunta sa malaking puno para malimliman dahil tumataas na rin ang tirik ng araw.Mula rito ay narinig ko pa ang sigaw ni Mama. "Seya, halika! Magpapaaraw ka."Pinagmasdan ko ang buong parke at saka napangiti. Marami pang mga puno rito at dalawa pa lang ang bench na makikita sa parke isama mo na rin ang duyan na para sa mga bata.Dahil kakaunti lang ang laman ng parke ay mas lalo lang nakikita at nahahalata ang pagiging malawak nit