"Ganito kasi," pagpapatuloy pa niya, "bago ang araw na dumating ang Lola ko, niyaya ako nila Kaycee at Jelle na sa hagdan na lang daw dumaan. Pumayag naman ako dahil malaki ang tiwala ko sa kanila ngunit pagdating namin sa mismong fifth floor ay agad nila akong tinulak sa hagdan. Muntik pa akong malaglag hanggang sa ground floor, mabuti na lang at nakakapit ako kaya hindi ako namatay pero hindi ko makakalimutan ang mga ngisi nilang dalawa noong araw na iyon."
Agad na nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan, kasama na ang balahibo ko sa batok."Sa tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit nila ako nilipat sa ibang department. Natatakot sila na mademanda ang kumpaniya nila," paliwanag nito."Kailan nangyari ang paghulog nila sa iyo?" tanong ko sa kaniya."Isang linggo matapos ang anibersaryo nila," paliwanag niya.Nang mag-ring ang bell ay bababa na sana ako nang pigilan niya ako."Mag-skip ka muna. Kailangan ko masabi sa iyo ang lahat dahil hindi ako sigurado kung magkakausap pa ba tayo hanggang bukas," paliwanag niya.Tumingin muna ako sa entrance ng rooftop bago humarap sa kaniya at tumango."May nalaman ako..." bulong niya."Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya."Pareho silang naging girlfriend ng team leader ng AB department," sagot nito.Nangunot ang aking noo. "Ano namang connect noon?"Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Hindi ko alam pero kung iintindihin mo nang mabuti ay may koneksyon sila sa isa't isa.""Multo na rin ba si leader?" kinakabahan kong tanong.Natawa naman siya sa aking tanong kaya napasimangot naman ako."Funny ka rin pala," wika nito at biglang sumeryeso ang mukha."Hindi," sagot nito.Napatango-tango naman ako sa kaniyang sinabi."May nabalitaan ako na lagi raw may namamatay matapos ang isang linggo ng anibersaryo ng pagkamatay ng dalawa," kwento pa niya sa akin."Natigil lang 'yon nang dumating ako. Dahil siguro riyan sa proteksyon," aniya at tinuro pa ang proteksyon na nasa kamay ko.Tinaas niya ang kaniyang kamay at pinakita rin ang bracelet niya."Pero may naging conclusion ako matapos masagap ang mga balita," saad nito."Ano?" tanong ko sa kaniya."Sa tingin ko ay naghahanap sila Kaycee at Jelle ng mga susunod pang biktima dahil hindi nila matanggap ang pagkamatay nila. At ang biktima na napipili nila ay 'yong katabi lagi ni team leader," paliwanag niya, "kaya nga sabi ko sa iyo ay parang konektado ito kay leader."Napahawak na lang ako sa aking baba at saka napatango-tango."May punto ka," saad ko, "pero paano kung ginagawa nila 'yon dahil nagseselos lang silang dalawa?""Isa rin 'yon sa posibleng maging dahilan," wika niya.Sandaling nanahimik kaming dalawa at saka pinapakiramdaman ang isa't isa kung magsasalita ba kami."Pero—""Kapag—"Natigil kami dahil sa sabay naming pagsasalita.Tumango siya at tinuro ako. Senyas para ako muna ang unang magsalita."Pero paano kung lapitan ako ulit ng dalawa? Anong gagawin ko?" tanong ko sa kaniya.Napabuntong hininga siya at animo'y hindi rin alam ang gagawin. "Siguro naman ay sapat na ang proteksyon pero kung pinipilit ka na talaga nila na lapitan ay suhestiyon ko na lumipat ka na lang sa ibang kumpaniya."Siguro ay nag-stay lang siya rito dahil sa taas ng sweldo pero para sa akin, kahit anong taas ng sweldo kung ganito naman ang mangyayari ay mas pipiliin ko na lang maglako ng mga isda."Kapag lumapit ulit sila sa iyo, ibang mukha na ang makikita mo," seryosong wika pa niya."Huh?" naguguluhan kong tanong dito."Dahil sa proteksyon na 'yan, ay diyan mo na makikita ang totoong itsura nila o kahit sino pang multo na nagpapanggap bilang tao," paliwanag nito sa akin.Tumango-tango naman ako at tila mas nadagdagan pa ang kaba. Ang puso ko ay tila hinahabol ng sandamakmak na kabayo sa bilis ng tibok ng puso ko."Hangga't maaari rin ay huwag kang sasakay sa elevator ng mag-isa lalo na't ikaw pala ang napili nilang target," paliwanag pa nito.Napalunok ako ng sarili kong laway matapos niya iyon sabihin."It's like surviving on my own. There's 25% chance to survive," I said to her.Hinawakan niya ako sa aking balikat at saka diretso akong tinignan sa aking mga mata."Kaya mo 'yan! Makaka-survive ka," wika niya, "pero dahil alam na ng mga employee na ikaw ang next target, sigurado akong lalayuan ka nila.""Paano 'yan?" kinakabahan kong tanong, "paano kaya kung sa hagdan na lang ako dumaan?""Nababaliw ka na ba?!" sigaw niya sa akin, "mas malaki ang tiyansa na mamatay ka roon dahil sa kanila. Dahil sa kanila ay namatay ako kaya gawin mo naman ang lahat para mabuhay ka!"Natigilan ako at saka napatingin sa aking mga kamay.Tama... tama siya ng sinabi."Sasamahan kita sa pagkuha mo ng gamit sa AB department office. Basta 'pag lumapit sila sa iyo ay 'wag mo silang pansinin o 'wag mo lalapitan. Naiintindihan mo ba?" seryosong wika niya.Tumango-tango naman ako bilang tugon.Magkahawak kamay kaming pumasok sa elevator. Pagpasok namin ay doble-dobleng kaba ang naramdaman ko at nadagdagan pa iyon nang magpatay-sindi ang ilaw.Halos hindi ko bitawan ang kamay ng babaeng kasama ko dahil sa takot. Tila bumalik ulit ang takot ko noong unang beses kong makakita ng multo...Pagbukas ng elevator ay wala ng nakikitang empleyado na kahit isa sa hallway dahil oras na ng trabaho.Mabilis akong pumasok sa office namin at pagpasok ko ay roon sumalubong sa akin si Kaycee at Jelle.Natigilan ako nang makita ang too nilang itsura. Mas lalo tuloy akong napatago sa likod ng kasama ko.Puro duguan ang kanilang mga mukha at warak na warak na. Ang mga kamay nila na bali-bali na. Ang tiyan nilang nakabukas at konti na lang ay lumaylay na sa lupa ang kanilang mga bituka. Ang mga mata nila na lumuwa na rin at ang mga pisngi nila na sobrang payat na.Napatakip ako ng aking bibig na dahilan para mawala ang ngiti nila sa kanilang labi.Muntik na akong masuka dahil sa aking nakikita.Hindi sila nagmumukhang multo! Mas nagmumukha silang bangkay na naagnas na.Seryoso silang napatingin sa akin."Saan ka nagpunta, Averill? Bakit late ka na?" ngiting tanong sa akin ni Jelle.Siguro kung wala ang bracelet na ito ay magugustuhan ko pa ang mga ngiti niya, ngunit mas lalo lang akong kinilabutan dahil sa mga ngiti niya.Dahil sa kaniyang pagngiti ay lumabas ang kaniyang ngipin na halos hindi na nakakabit sa kaniyang mga gilagid at halata mong malapot ang kaniyang mga laway at tumulo pa ito mismo sa sahig.Sasagot na sana ako nang higpitan ng babae ang kamay ko at dali-dali niyang kinuha ang bag ko at saka binigay sa akin."Aalis na ako," mabilis kong sagot at saka dire-diretsong naglakad palabas.Halos patakbo naming pinuntahan ang elevator habang magkahawak pa rin ang mga kamay.Pagkapasok namin sa elevator ay halos mapasigaw ako dahil hindi ko inaasahan na sila Kaycee at Jelle ang bubungad pagtalikod namin.Dali-daling sinara ng babaeng kasama ko ang elevator at bago pa ito tuluyan na sumara ay sunod-sunod kong narinig ang napakalakas nilang mga sigaw na halos magpabingi sa akin.Agad din akong napabitaw sa babaeng kasama ko dahil hindi ko na nakayanan ang ingay kaya tinakpan ko ang aking mga tainga.Nilibot ko ang aking paningin at saka napatingin sa ilaw nang magpatay sindi na naman ito.Susubukan ko sana hawakan ang babaeng kasama ko kaso nanlaki ang mga mata ko at nagtataka akong nilibot ang buong elevator dahil bigla siyang nawala at ako na lang ang mag-isa rito.Nang tuluyan nang mamatay ang ilaw sa elevator ay napahawak ako sa railings ngunit hindi ko pinikit ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang pagbaba ng el
Nagising ako nang maramdaman ang init ng araw sa aking balat. Hindi lang iyon ang nagpagising sa akin, kun'di ang umagang rap din ni Mama."Bakit hindi pa umuuwi ngayon si, Mae? Naku! Malilintikan talaga siya sa akin," rinig kong wika ni Mama mula sa baba.Umagang-umaga, ang ingay-ingay ni Mama. Mabuti na lang at hindi nagrereklamo mga kapitbahay namin.Agad na nilibot ng aking mga mata ang buo kong kwarto at napangiti nang makita si Silas na nakaupo sa aking mini sofa ngunit nakapikit ang kaniyang mga mata.Dahan-dahan akong bumangon sa kama at saka nilapitan siya. Nang makaharap ko siya ay yumuko ako para maitapat ang aking mukha sa kaniya.I smiled. Gano'n pa rin ang kaniyang mukha kahit na siya ay natutulog. Maamong-maamo pa rin ang kaniyang itsura.Napakagat na lang ako sa aking labi nang makita kung gaano kahaba ang kaniyang mga pilik mata.Sinubukan kong iangat ang aking isang daliri at saka hinawakan kung gaano kahaba ang kaniyang pilik mata."Uh—" Agad kong tinakpan ang akin
"Una ko siyang nakita na nakayakap sa iyo habang tulog ka," nakanguso niyang paliwanag kaya agad akong napaiwas ng paningin dahil sa kahihiyan.Wait... if she can see ghost too, then what if she tries to hold him? I just want to know if people can really touch ghost."Can I have a request?" I asked to her.She nodded. "What is it?"I gulped because of nervousness."Can you touch him? You can see him right?" I asked.Tumango ulit siya at nang susubukan na niyang hawakan si Silas ay agad kaming natigilan nang marinig ang sigaw ni Ate."Seya, let's eat. Go downstairs now," aniya."I'll go downstairs first, Tita Vivi. I'll wait for you," she said and waved at me.I waved at her too. "Let's talk again later, okay?" I asked and she nodded as response.After that, she ran out of the room.Matapos umalis ng bata ay agad kong tinignan si Silas."What?" nagtatakang tanong niya sa akin."Alam mo ba na nakakakita rin si Seya kaya niyakap mo ako no'ng nakaraan?" Taas-kilay na tanong ko sa kaniya.
"Alam mo, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa iyo," wika ni Mama sa akin."Ma, maniwala ka naman sa akin, oh," pagpupumilit ko pa at kaunti na lang ay iiyak na talaga.Pinipigilan ko lang na pumatak ang aking mga luha dahil nasa harap kami ng hapag kainan."Paano ako maniniwala sa iyo, Mae?!" sigaw nito, "ang multo, hindi ka na no'n mahahawakan pa, kaya pa'no mo nasabi na totoo 'yang sinasabi mo? Nasobrahan ka lang talaga sa panood ng mga kung anu-anong horror movies."Bago pa ako magsimulang magsalita ay nagulat ako nang biglang nagsalita si Seya."You're not sure of that, Lola," wika niya at saka tumingin sa akin at sa tabi ko.Napatingin naman ako kay Silas dahil doon. Pagtingin ko ay nagtama na naman ang paningin namin kaya mas lalo kong iniiwasan na maiyak.Kanina pa pala siya nandito. Nakalimutan ko na siya dahil sa tensyon naming dalawa ni Mama. Nakakahiya naman kasi... lahat ng problema ko sa buhay ay alam na alam niya at nakikita niya pa ang mga kadramahan ko sa buhay.
Tumango na lang ako at hinayaan si Mama na maunang magsalita."Mae, kung ayaw mo na talaga pumasok sa kumpaniya, hindi na kita pipilitin," sabi ni Mama.Nagningning naman ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi."Pero... hindi ko mapapangako na magiging F.A ka pa. Mahal ang bayad sa training ng pagiging F.A, Mae, at wala tayong sapat na pera para roon," saad ni Mama.Kinuha ko ang kaniyang mga kamay at mahigpit ngunit maingat ko iyon na hinawakan."Ma, ayos lang. Hindi naman nagmamadali ang pagiging F.A ko. I'll take this process as a test to me. I'll work hard so that I can be as I want to be," I said to her.Hinawakan niya rin nang mahigpit ang mga kamay ko."Kaya mo 'yan," saad ni Mama bago bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko at mabilis na lumabas ng kwarto ko.Napatitig naman ako sa aking mga kamay at niyakap ito sa sarili.Iyon ang unang beses na hinawakan ni Mama nang mahigpit ang mga kamay ko. Iyon din ang unang beses na narinig ko sa kaniya ang ganoong mga kataga."I'll tr
Averill's POV:Kahit anong pilit ko kay Silas na sabihin kung ano ang sinabi sa kaniya ni Seya ay ayaw niya rin sabihin, gano'n din si Seya. Mas lalo tuloy akong na-curious kung ano ba talaga 'yon. Hays! Bakit kasi ayaw nila sabihin sa akin? Tungkol ba 'yon sa akin?Natigilan ako sa aking pag-iisip nang makita si Mama na nakapang-alis ang bihis."Saan ang punta, Ma?" tanong ko sa kaniya."Babalik din ako kaagad," saad niya at saka dire-diretsong lumabas sa pinto.Sinundan naman siya ng aking mata hanggang sa makalabas siya sa gate namin.Weird talaga ni Mama. Tinanong ko kung saan siya pupunta tapos 'yon ang isasagot niya?Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka inunat ang aking katawan dahil ito ay nangalay. Ngiti-ngiting umakyat ako sa aking kwarto at naligo. Matapos maligo ay nagsuot ako ng simpleng damit na pang-alis din.Paglabas ko ng pinto ng aking kwarto ay nagulat ako dahil bumungad sa akin si Silas."Ay, jusko po!" Sapo-sapo ang dibdib na sigaw ko.Kung hindi si Shi no Tensh
Natigilan ako at saka humarap ulit sa aking nilalakaran."Oo nga pala..." bulong ko bago mabilis na naglakad."Uy!" sigaw niya at saka hinabol ako.Nang magkapantay kami ay agad siyang nagsalita."Alam mo, mas kita ang tanawin sa bubong ng tricycle. Kay ganda ng mga ito kaya nag-enjoy rin ako habang nasa byahe tayo," paliwanag niya."Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya dahil hindi ko pa naman nasusubukan sumakay sa bubong ng tricycle."Oo. Gusto mo ba subukan? Sasamahan pa kita," saad niya."Gusto pero bawal. Baka maaksidente pa ako at saka bawal din naman talaga sumakay sa bubong ng tricycle habang umaandar ito," paliwanag ako sa kaniya.Saglit akong natigilan sa paglalakad nang matigilan din siya. Hinarap ko siya at saka ginawaran ng isang ngiti."Sabay nating gagawin 'yang gusto mo 'pag namatay na rin ako," ngiting sabi ko sa kaniya.Ngumiti rin siya sa akin ngunit kahit anong ngiting gawin niya ay hindi magawang maitago ng kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama
Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya roon o sarkastiko lang talaga.Hindi lang sa madaling araw ako binubulabog ng multo, Tenshi. Kun'di buong araw ko!Sarkastikong tinawanan ko ang kaniyang sinabi."Paano naman nila ako bubulabugin, e' madaling araw na ako umuuwi galing trabaho," saad ko sa kaniya."Ah, oo nga pala. May trabaho ka na. Iyon naman siguro ang dahilan kung bakit hindi mo ako tinatawag nitong mga nakaraang araw, 'di ba?" tanong niya sa akin na animo'y may pagdududa.Ngumisi ako at saka tinagilid ko ang aking ulo."Siguro oo, siguro hindi?" tanong ko rin sa kaniya upang mas lalo siyang maguluhan.Nangunot ang kaniyang noo dahil sa kalituhan."May nagawa ba akong mali?" tanong niya sa akin.I hummed. "Hindi ko rin alam."Napabuntong hininga na lang siya dahil sa aking sagot."Averill, sabihin mo nga sa akin. May problem ka ba sa akin?" seryosong tanong niya sa akin.Seryoso rin ako na tumingin sa kaniya."Oo, may problema ako sa
Averill's POVIt's been 5 years since then... Life is life until now, but thankfully because of everyone's hard work, it's now paid off. It's been a while since Am-Am trusted one of his hotels to me. It's because of him that I've been living a good life, I also owe him a lot. Back then, as a student, I dreamt of having a house that my home can live in... and now, it's finally not only a dream because we currently live in a first class residential subdivision still here in Biñan, Laguna. It's really a dream come true. Vince is the one who recommended it to me and that's the reason why we're neighbors now... or so I thought? "Vince..." Halos hindi na ako nagulat nang pagbaba ko ng second floor ay nakita kong prenteng nakaupo sa sofa sa living room itong si Vince. Hindi man lang niya ako binigyan ng pansin at tinaas lang ang tasa na hawak-hawak niya na animo'y nagyayaya na magkape rin ako. "Kapal talaga ng mukha mo, ‘no?" ani ko sa kaniya habang patungong kusina para magkape. "Siy
Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagbago ang buhay ko. Sinusubukan ko pa rin na kalimutan ang mga nangyari ngunit may pagkakataon talaga na bigla-bigla ko na lang ito maaalala."Huy! Nakatulala ka na naman," sigaw sa akin ni Vince.Tinarayan ko na lang ito at saka inayos ang tindig ko para salubungin ang mga customers.Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi na ulit kami nagkita ni Kuya mabango at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang panyo na pinahiram niya. Hanggang ngayon din ay wini-wish ko na magkita ulit kami para makapagpasalamat ako ng maayos sa kaniya at masauli na rin ang panyo niya.Isang linggo lang din matapos ng matindi kong break down ay tuluyan nang natapos ang hotel kaya itong si Vince ay todo trabaho para maturuan ako, at nang may sapat ng empleyado ang hotel ay tuluyan na itong binuksan para sa lahat."Vince, huwag mo nga akong guluhin! Hindi ba't naka-assign ka sa hotel sa Batangas?" naiiritang tanong ko sa kaniya.Natanong ko kasi noong nakaraang ar
Seya's POV:I was so happy when Tita Vivi went home with a gift for me, just like what she promised but she failed one of her promises.She promised that they will went home together but why I didn't saw Tito Silas?For some reason, my tears started to fall that even my self can't stop it."What happened?!" Grandma shouted and panicked. My Mom even joined her but I ignored them.I hugged the teddy bear that Tita Vivi gave to me and sat on the sofa. I cried silently and let my tears fell from my eyes."Anong nangyayari?" Tito Elias asked and seems so confused."Hindi ko alam!" my Mom shouted because she don't know what to do to calm me."Bakit naiyak si Seya at bakit gano'n ang ekspresiyon ni Averill?" Tito asked again."Hindi rin namin alam, Elias," Grandma answered."Tatanungin ko lang si Avi—""Don't bother her," I said that made them stared at me.Mommy approached me and hugged me."Why? What happened?" she asked.I sobbed again instead of answering her questions."T-Tito Silas isn
"Tell me the truth. Something happened the day you went to the hospital, right?" he asked.I looked at him surprisingly when he mentioned the hospital."How did you know that I went to hospital?" I asked to him."I have a strong hearing ability, Avery, so I heard what Tita said to you," he explained.Napatango-tango na lang ako at saka pinagmasdan ang mga bituin na nagsisimula nang magliwanag sa madilim na kalangitan."What happened? Since that day, you acted strangely," he said.Napalunok ako ng sarili kong laway at saka tumingin sa kaniya at saka pilit na ngumiti."I just wanted to make memories with you for the last time," I murmured.His eyebrows met. "What do you mean?""I finally found your body, Silas," I said and looked away to him.Napapikit ako matapos kong maramdaman ang nanlalamig niyang kamay na hinawakan ang baba ko at saka hinarap ang mukha ko sa kaniya."Can you tell me where is my body?" naiiyak na tanong niya.Napakagat na lang ako ng aking labi bago dahan-dahan na t
Napatingin ako kay Silas nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko."Ayos lang ba kung kasama mo ako? Paano kung sabihan ka nila na nababaliw na?" tanong niya sa akin."Huwag kang mag-alala dahil marami namang tao ngayon at saka huwag mo na 'yon problemahin. Magsaya ka na lang, okay?" sagot ko at saka nginitian siya.Nang magbago ang musika ay natigil ang lahat sa pagtalon. Kung kanina ay rock ang kantahan, ngayon naman ay romantic na.I intertwined my hands to his and smiled at him.Tinaas ko ang isang kamay ko gaya ng ginagawa ng iba. Pagtingin ko kay Silas ay hindi ko na naiwasan mapahagikgik dahil nakataas na rin pala ang kamay niya.Bawat lyrics ay sinasabayan naming lahat at bawat pagkanta namin ay siya namang pagsabay ng aming katawan sa pag-indayog.When I looked at him to check if he's still at my side, I was so surprised because I didn't expected that he's also looking at me.Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng mukha ko at para hindi niya mapansin
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Silas. Hindi ko na siya masyadong nakausap pa dahil antok na antok na rin talaga ako kaya diretso akong nahiga sa kama nang hindi man lang nagpapalit ng damit."Bukas na lang ako magpapalit," bulong ko bago maramdaman ang antok at unti-unti nang nagsara ang mata ko.Nagising ako matapos maramdaman ang paglubog ng aking kama.Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagsalubong ang aking kilay matapos makita na sobrang lapit ng mukha ni Silas.Mabilis ko namang nilayo ang mukha ko at bumangon."Magandang umaga," ngiting bati niya."Good morning too," bati ko rin dito at saka nagpasiyang maligo na at magpalit ng damit para presko.Paglabas ko ng banyo ay agad ulit na bumungad sa akin si Silas na nakangiti kaya napahagikgik na lang ako at saka tumingkayad para maabot ang kaniyang buhok at. inayos ito.Napansin ko na na-estatwa siya kaya natigilan naman ako sa aking ginagawa."Are you okay?" I asked to him."Keep doing that to me," he said and poin
Natawa naman siya na kinailing-iling ko."Pero seryoso, bakit mukhang ang saya-saya mo yata ngayon?" tanong niya sa akin."Wala. Ang sarap lang talaga asarin ni Vince," sagot ko sa kaniya.Na-estatwa ako matapos ma-realize ang sagot ko.Why did I said that?"Sino si Vince?" tanong niya sa akin."Sige, maliligo muna ako," pagbabago ko ng topik at saka mabilis na naglakad papunta sa banyo.Malapit ko na sana maabot ang door knob nang bigla akong hawakan ni Silas sa aking baywang at saka binuhat ako at nilagay sa kaniyang balikat."Kyah!" sigaw ko dahil sa pagkakagulat at nagpapadiyak pa."Lower your voice if you don't want them to come here and see you in this kind of position," he said."Silas, put me down," utos ko sa kaniya."Uh-oh, I will not. Not until you say who's Vince," he said."He's just my friend, okay?" page-explain ko."Now, put me down," utos ko sa kaniya at may halong diin ang bawat salita."What kind of friend he is?" he asked.Napapikit na lang ako dahil sa inis at sa
After choosing that I will keep his body from him for awhile, one week had passed."May bisita ka, Averill!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba.Napakamot na lang ako sa aking buhok at saka labag sa loob na bumaba kahit na naka-pajamas pa ako.Alas otso na ng umaga pero gusto ko pa rin matulog. Paano ba naman kasi ay halos 'di na ako patulugin kagabi ni Silas dahil sa pagiging hyper niya! Mukhang masama rin yata sa mga multo ang ma-spoil ng sobra, ah?"Sino ba 'yan, Ma?" walang ganang tanong ko habang nakapikit na bumababa sa hagdan."Ang aga-aga, e!" reklamo ko at nang maramdaman na wala ng hagdan na aapakan ay minulat ko na ang mga mata ko.Napataas ako ng kilay matapos makita na si Am-Am pala ito at mukhang may kasama pa siyang isang lalaki na hindi ko naman kilala."Oh?" pagtataas ko ng kilay sa kanila.Napahagikgik naman si Am-Am samantalang ang kasama niya ay hindi na napigilan na matawa."May nakakatawa ba sa tanong ko?" seryosong tanong ko sa kanilang dalawa.Mabilis naman silan
"Wala pa masyadong nakakaalam ng lugar na ito bukod sa mga nakatira rito sa malapit," paliwanag ko, "kapag natuklasan na ito ng mga tao ay tiyak na malaki ang pagbabago na magaganap dito.""Sayang naman. Akala ko pa naman may mga chicks dito," aniya."Doon. Pumunta ka sa mga bahay-bahay, may mga sisiw sila," sarkastikong sabi ko.Bago pa man siya makapagsalita ay agad din naman siyang napingot ni Mama na kinatawa ko pa lalo."Anong chicks-chicks, huh?!" sigaw ni Mama."A-aray, Ma!" sigaw din ni Kuya.Napailing-iling na lang ako at saka nagpasiya na tumakbo papunta sa malaking puno para malimliman dahil tumataas na rin ang tirik ng araw.Mula rito ay narinig ko pa ang sigaw ni Mama. "Seya, halika! Magpapaaraw ka."Pinagmasdan ko ang buong parke at saka napangiti. Marami pang mga puno rito at dalawa pa lang ang bench na makikita sa parke isama mo na rin ang duyan na para sa mga bata.Dahil kakaunti lang ang laman ng parke ay mas lalo lang nakikita at nahahalata ang pagiging malawak nit