"Anong kailangan mo?" tanong ko sa gwapong nilalang este multong ito.
"Nakikita mo 'ko?!" gulat na tanong niya.Napa-roll eyes na lang ako at pagkatapos ay napabuntong hininga."Hindi ba halata?" tanong ko rin sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit iyon mismo ang laging tinatanong sa akin ng mga multo sa tuwing kakausapin ko sila. Like, hindi ba obvious na nakikita ko kayo? Hindi ko naman kayo kakausapin at papansinin kung hindi ko kayo nakikita.Nang hindi siya tumugon ay napaunat-unat na lang ako ng aking katawan."Alam mo, umuwi ka na. Bago pa magbago ang isip ko na ibigay ka kay Tenshi," bored na wika ko at nagsimulang maglakad ulit."Sino si Tenshi?"Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig iyon mula sa kaniya.Napatingin ako rito at pagkatapos nangunot ang aking noo. Pinakatitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa."Multo ka ba talaga?!" nagtatakang tanong ko sa kaniya.Imposible na hindi niya kilala si Shi no Tenshi dahil kapag humiwalay na ang iyong kaluluwa sa iyong katawan ay awtomatiko na kilala mo na kung sino ang susundo sa iyo at iyon ay ang mga grim reaper."Multo na ba ako?" tanong din nito sa sarili.Napatampal na lang ako ng noo."Alam mo, sinasayang mo lang talaga oras ko," sabi ko rito at pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na ulit ako sa paglalakad.Napahilamos na lang ako sa aking mukha nang maramdaman na sumusunod pa rin ito sa akin.Padabog ko siyang hinarap."Ano bang kailangan mo sa akin?" Inis na tanong ko sa kaniya."Tulungan mo 'ko," sagot niya."Pasensya na. Hindi kita matutulungan. Grim reaper lang ang tanging makakatulong sa iyo," tugon ko sa kaniya, pagkatapos ay tinalikuran ko ulit siya.Nanlaki ang aking mga mata nang hawakan niya ako at sapilitan na iharap sa kaniya."Tulungan mo 'ko na hanapin ang katawan ko," saad pa nito.Imbes na magpokus sa kaniyang sinasabi ay mas nagpokus ako sa kamay niyang nasa braso ko.Agad kong winaksi ang kaniyang kamay."Hindi nga kita matutulungan!" sigaw ko rito at saka dire-diretsong tumakbo papunta sa bahay.Nanginginig ko nilabas ang susi sa bag at halos hindi ko ito ma-shoot sa butas dahil sa panginginig.Mabuti na lang at pinagbuksan ako ni Mama ng pinto."Ano bang nangyayari sa iyo?" Nagtatakang tanong ni Mama."Wala po, Ma," sagot ko."Wala, e, halos namumula ka at nanginginig ka?" Nagtatakang tanong pa rin niya.Umiling-iling na lang ako.H*****k ako sa kaniyang pisngi at pagkatapos ay patakbo akong umakyat sa aking kwarto.Mabilis kong hinagis ang sarili sa kama at napatingin sa braso na hinawakan ng lalaking multo na iyon.Iyon ang unang beses na may humawak sa akin na multo at may hinawakan akong multo."How could that be possible?" I asked to myself.Akala ko ay hindi ako pwedeng hawakan ng mga multo pwera na lang kung ang intensyon nila ay ang manakit...?Agad kong nilabas ang kwintas na binigay sa akin si Tenshi at tinawag siya."Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin."Sa tingin ko ay humihina na ang proteksyon ng kwintas na ito," seryosong sagot ko sa kaniya."Paano mo naman nasabi?" tanong din niya sa akin.I gulped. "Wala...""May nangyari ba na ayaw mo ipaalam sa akin?" tanong nito.Umiling-iling ako. "Pagod lang siguro talaga ako."He just ruffled my hair and then disappeared again."Why I didn't said the truth...?" I murmured and asked myself.Lulutasin ko ito na ako lang mag-isa, iyon ang sisiguraduhin ko.Nangunot naman ang aking noo nang maalala ang sinabi ng lalaki."Nagpapatulong siya para hanapin ang katawan niya?" tanong ko sa sarili.Normal lang naman sa mga bagong kaluluwa na hanapin ang katawan niya pero sa lahat ng nakasalamuha ko ay iba ang pakiramdam ko sa kaniya.Ano namang gagawin niya sa katawan niya kapag nahanap ko?Napaismid ako dahil sa aking naisip. "As if naman na tutulungan ko siya," wika ko sa sarili.Dire-diretso na akong natulog kahit na hindi pa nagpapalit ng damit.Alam kong mapapagalitan na naman ako ni Mama kapag nakita niya ako na ganito pero pagod na ang katawan ko para kumilos pa.Nagising na lang ako nang maramdaman ang sunod-sunod na halik ng kung sino.Pagmulat ko ng mata ay napangiti ako nang makita si Seya."Good morning, Tita Vivi," bati nito."Seya, dito ka lang muna sa baba. Pagod si Tita Vivi mo!" rinig kong sigaw ni Ate."You can go downstairs and eat breakfast with your Mommy," ngiting wika ko sa kaniya."How about you, Tita?" she asked."I'm already full besides I need more sleep than food," paliwanag ko sa kaniya."Why are you tired? Where did you go?" sunod-sunod na tanong pa ng bata.I brushed her hair using my hands."Tita Vivi works until dawn, that's why Tita needs to sleep, okay?" I explained to her.Nangunot ang kaniyang noo kaya natawa naman ako."But why do you need to work until dawn? Isn't it too much and overworking?" she asked.I shook my head. "Maiintindihan mo ang sinasabi ko kapag lumaki ka na.""But, Tita! I'm already a big girl," she shouted and pouted that made me laugh more."I know..." I whispered and ruffled her hair."Seya, let's go. Tita needs more sleep," wika ni Ate pagpasok sa kwarto ko."Okay, Mommy," she said and kissed me on the forehead."Sleep tight, Tita," she said."I will," ngiting wika ko rito.Nang makalabas si Seya ay tumingin sa akin si Ate na pinagtaka ko."Magbihis ka na kung ayaw mo makirinig na naman ng sermon ni Mama," sabi nito.Natawang napailing-iling na lang ako dahil sa kaniyang sinabi kaya dali-dali akong nag-half bath at saka nagpalit ng damit.Matapos ay sinara ko rin ang aking veranda upang hindi marinig ang ingay mula sa labas at hindi tumagos ang sinag ng araw.Ni-lock ko rin ang pinto upang makatulog ako ng mahimbing.Napabuntong hininga na lang ako at saka niyakap ulit ang unan na katabi ko.Maya-maya pa ay tuluyan na nga akong nakatulog."Argh!" sigaw ko at nagdabog nang magising ako dahil sa ring ng alarm clock ko."Gusto ko pa matulog," bulong ko sa sarili at agad na pinatay ang alarm.Napangiti ako nang unti-unti ko ulit maramdaman ang antok."Averill Mae Fuentes! Gumising ka na!"Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ang sigaw ni Mama."Five minutes pa, Ma!" sigaw ko."Isa! Hindi mo bubuksan 'tong pinto? Wawarakin ko talaga 'to," sigaw ni Mama.Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil doon.Labag man sa loob ay binuksan ako ang pinto."Kumain ka na roon ng tanghalian mo," saad ni Mama."Anong oras na ba, Ma?" tanong ko sa kaniya."Alas kwatro na," saad nito at saka dali-dali na pumasok sa aking kwarto."Ang kalat-kalat na naman ng kwarto mo! Babae ka ba talaga, ha? Dinaig ka pa ni Clara—"Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod niyang sasabihin dahil dumiretso na ako sa baba.Napa-roll eyes na lang ako nang hanggang sa makababa ako ay si Clara pa rin ang bukang-bibig niya.Nakita na ba niya ang kwarto ni Clara para ipagkumpara kami sa isa't isa?Ayos lang sana kung sa mga pinsan ko niya ako pinagkukumpara pero hindi, e!Natawa si Ate nang makita ang aking itsura kaya sinamaan ko naman siya ng tingin."Si Clara na naman ba?" tanong ni Ate.Tumango ako. "Lagi naman.""Tita!" sigaw ni Seya at saka lumapit sa akin.Agad ko siyang binuhat at saka hinalikan sa pisngi."Kumusta po ang tulog mo?" tanong niya sa akin."Iyon, bitin na bitin," sarkastikong sagot ko.Agad naman akong pinanlakihan ng mata ni Ate kaya napabuntong hininga naman ako."Ayos lang naman ang pagtulog ko. Huwag ka ng mag-alala pa," malambing na saad ko sa bata.Napatango-tango naman ito. "Kumain ka na po.""Salamat," sabi ko kay Seya.Tahimik akong kumakain ngunit nabulabog iyon nang bumaba si Mama at pumuntang kusina."Ano ba 'to? Andami-raming hugasin! Wala man lang gustong maghugas. Ako na naman?! Wala talaga kayong awa sa akin," sunod-sunod na pagda-drama ni Mama.Napabuntong hininga na lang ako. "Ako na po ang bahala riyan, Ma.""Hindi, ako na!" sigaw niya at saka nagsimula na sa paghuhugas.Tignan mo 'to. Magrereklamo pero gagawin din pala.Halos hindi ako mabusog dahil habang naghuhugas siya ay tuloy-tuloy lang ang pagbubunganga niya."Ma, ako na nga riyan," sabi ko rito at saka nilagay ang plato ko sa lababo."Ako na!" tila galit pang saad nito.Napailing-iling na lang ako at pagkatapos ay nagtungo na ako sa sala.Binuksan ko ang TV at saka nanood ng mga palabas.Maya-maya pa ay narinig ko na naman ang pagbubunganga ni Mama."Nakahilata na naman kayo! Puro kain, tulog, ligo lang ang ginagawa niyo rito sa bahay," saad ni Mama.Napasandal na lang ako ng aking likod sa sofa at hinayaan siya.Alam kong ako lang naman ang pinapatamaan niya ng mga salita niya pero ginagamit niya pa rin ang 'niyo'. Dapat hindi na siya nahiya, dapat nilinaw niya mismo sa mukha ko na ang tamad-tamad ko.Pinatay ko ang TV nang hindi pa rin tumigil sa pagra-rap si Mama. Magtutungo sana ako sa taas pero natigilan ako."Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Mama."Maghahanda na po. Papasok na ako sa trabaho ko," sabi ko at diniinan pa talaga ang pagsasabi ng salitang 'trabaho'.Hindi na ito nagsalita pa kaya tuloy-tuloy na akong umakyat sa taas at saka nagbihis.Alas singko pa lang ng hapon at isang oras pa ang shift ko pero mas mabuti kung mas maaga ako aalis ng bahay dahil patuloy ko lang maririnig ang pagbubunganga sa akin ni Mama."Alis na ako, Ate," pamamaalam ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi."Good bye, Seya," pagpapaalam ko kay Seya."Where are you going, Tita Vivi?" she asked."At work," sagot ko."Then I'll wait for you," ngiting wika nito."You should sleep early," ngiting saad ko rin sa kaniya at saka hinalikan siya sa noo."Bye-bye!" sigaw nito.Kumaway pa ako bago tuluyang lumabas ng bahay."Pasok na ako, Ma," saad ko at saka agad na sinara ang pinto.Patuloy lang akong naglakad papuntang kanto dahil walang tricycle na nakaantabay dito sa street namin.Natigilan ako nang may maalala."Wala naman na siguro rito 'yong lalaki, 'di ba...?" bulong na tanong ko sa sarili.Bumuntong hininga ako at matapang na diretsong naglakad. Kahit na sinong tao o multo ay hindi ko pinapansin at dire-diretso lang ako. Baka kasi ay makasalubong ko na naman iyong gwapong multo...Nang makapunta sa kanto ay nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at mukhang hindi na niya ako nasundan.Nagpara ako ng jeep at saka sinabi kung saan akong lugar na bababa.Pagbaba ko sa tapat ng kumpaniya ay sakto rin na uwian ng ibang employee.Nagtaka ako dahil may nakita akong isang employee na kalalabas lang ng building at bagsak ang balikat. May nakita rin akong sumusunod sa kaniya ng multo.Madalas kasing nilalapitan ng mga multo ang ganitong mga tao, ang mga stress sa buhay o 'di kaya sa trabaho, dahil mas madali lang nilang makukuha ang lakas nito.Sila ang mga multo na matagal na rito sa lupa at hindi pa rin matanggap ang pagkamatay. Sila rin ay magaling sa pagtakas sa mga grim reaper na kukuha sa kanila.Tinapik ko ang babaeng employee nang makalapit ako sa kaniya. Halos mapatalon naman ito sa gulat kaya humingi agad ako ng tawad."Pwede ka bang yakapin?" Ngiting tanong ko sa kaniya.Naguguluhan man ay pumayag na rin siya.Thirty seconds of hugging a person can help to ease the pain that they felt.Matapos ko siyang yakapin ay napangiti naman siya."Maraming salamat," wika nito.Tumango na lang ako at saka napatingin sa multo na nasa likod niya na masama ang tingin sa akin.Sikreto kong tinapik ang aking daliri at agad naman dumating si Shi no Tenshi para kuhanin ito ngunit gaya nga ng inaasahan ay mabilis na nakawala ang multo.Napatingin naman sa akin si Tenshi ngunit tumango na lang ako habang hindi natingin sa kaniya dahil ayaw kong sabihin ng ibang tao na baka'y wala na ako sa katinuan.Maureen's POV;Pagkaalis ni Averill ay agad kong kinompronta si Mama."Ma, bakit ka naman gano'n makipag-usap kay Avi?" tanong ko sa kaniya.Hindi naman ito nagsalita at halata ring hindi ako pinapansin."Bakit ba lagi mong pinagkukumpara si Clara at Averill sa isa't isa? Magkaiba sila, Ma. Magkaibang-magkaiba," saad ko pa.Natigilan naman siya dahil sa aking sinabi."Wala kang alam, Maureen..." bulong nito at ramdam ko ang pagkariin sa bawat salita na binibitawan niya."Paano ko malalaman kung ayaw mo namang sabihin?!" tanong ko sa kaniya at hindi na naiwasan ang magtaas ng boses.Tumalikod na lang ito sa akin at saka dire-diretsong umakyat.Natigilan ako nang yakapin ako ng anak ko."Mommy, what happened? Are you angry?" she asked."No, baby. Your Lola and I just talked about something. I'm not angry, okay?"She nodded.Napabuntong hininga naman ako at napapikit.Ako ang naaawa para kay Averill...Gaya ng inaasahan ay madaling araw na naman ako nakauwi. At habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa lalaking multo na lumapit sa akin kahapon."Nandito pa kaya siya?" tanong ko sa sarili.Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming bahay.Napabuntong hininga naman ako."Mabuti naman at hindi na nangulit pa ang multong 'yon," bulong ko sa sarili."Ah!" sigaw ko nang bigla na lang lumitaw sa kung saan si Shi no Tenshi."Sinong multo?" tanong niya.Napukpok ko ulit siya sa kaniyang ulo dahil sa panggugulat sa akin."Aray!" sigaw rin nito."Alam mo, dahil sa iyo nawawala antok ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng bahay.Napapikit na lang ako nang harangin niya ang ak
"Kumain ka muna bago ka umalis," saad sa akin ni Ate at saka lumabas ng kwarto.Sinundan ko naman siya sa kaniyang paglabas habang ako ay nagsusuklay."Salamat, Ate, pero baka ma-late pa ako. Sa kumpaniya na lang ako kakain," sagot ko sa kaniya."Anong oras ba break time niyo roon?" tanong niya sa akin."10 pm," sagot ko."Oh, matagal-tagal pa pala kaya dapat lagyan mo muna ng pagkain 'yang tiyan mo," saad niya sa akin."Ayos lang ako, Ate," pagpupumilit ko pa.Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa pa sa kakulitan ko.Hinalikan ko sa pisngi si Ate bago umalis sa bahay at saka kinawayan siya.Pinitik ko ang aking kamay paglabas ko sa gate ng bahay para tawagin si Shi no Tenshi.Gaya ng inaasahan ay agad din siyang lumitaw mula sa kung saan."Pwede ba mag-request?" bulong kong tanong sa kaniya."Ano naman 'yon?" tanong niya."Bantayan mo muna At
Averill's POV:Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay sabay kaming dumiretso sa bahay.Bago ko pa buksan ang pinto ay natigilan ako at napatingin kay Silas."Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.Napailing-iling na lang ako bilang sagot. Sana lang ay wala ngayon sa kwarto ko si Shi no Tenshi dahil may gusto pa akong sabihin kay Silas na hindi ko nasabi kanina...Pabukas ko ng pinto ay agad kong naamoy ang luto ni Mama."Ma, nandito na ako," sabi ko dahil ayaw kong magulat siya kapag lumabas siya sa kusina.Nilapag ko muna sa sala ang bag ko at saka agad na nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matapos makita roon si Mama.Niyakap ko siya nang patalikod ngunit agad din akong natigilan nang sikuhin niya ako kaya napasimangot naman ako."Nagluluto ako, Averill," aniya."Sige, Ma," sabi ko at akmang lalabas na ng kusina nang matigilan dahi
Ang isa pa niyang kamay ay nakayakap sa akin habang nasa ilalim ng kumot kaya hindi ko na rin naramdaman ang lamig ng umaga.Babalik na lang sana ako sa tulog at hahayaan ito nang marinig ang sigaw ni Seya."Ahh!" sigaw niya kaya dali-dali akong napabangon dahil na rin sa gulat at pag-aalala.Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa akin pala siya nakatingin.Dali-dali naman siyang pinuntahan nila Kuya, Ate, at Mama habang ako ay nanatili lang sa aking kama.Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagtulog."Anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Elias sa kaniya.Nanginginig naman akong tinuro ng bata na pinagtaka ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama na mas lalo kong pinagtaka habang nagtataka rin na tumingin sa akin sina Ate at Kuya."Bakit?" naguguluhan na tanong ko kay Seya."Tita Vivi, nakita ko po kanina na parang may katabi ka sa ilalim n
Agad na nanginig kalamnan ko dahil sa pagiging seryoso niya."N-nagsasabi naman ako ng totoo..." bulong ko, sapat na para marinig niya.Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga balikat ko at ngumiti sa akin."Nagbibiro lang naman ako," sabi nito.Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaniyang sinabi.Alam kong mahirap magsinungaling sa tulad niya dahil talo niya pa ang Nanay ko dahil bawat detalye sa pagkatao ko ay alam na alam niya."Sige na. Bumaba ka na roon para makakakain," wika niya sa akin.Tumango naman ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Bawat pagdaan ko sa pagbaba ng hagdan ay sinisilip ko ang bawat sulok para mahanap si Silas.Natigilan lang ako nang makita si Seya na nasa baba ng hagdan at nakangiti sa akin.Ngumiti rin ako sa kaniya at dali-daling bumaba."Seya," tawag ko sa kaniya at niyakap siya. Niyakap din naman niya ako pabalik kaya gumaan ang aking pakiramdam.Pagharap ko rito a
Napa-roll eyes na lang ako. Napaka-baduy talaga kausap! Imbes na sagutin ang tanong ay tatanungin din ng isa pang tanong."Malamang. Kung gusto mo na hanapin natin ang katawan mo ay dapat alam ko kung saan ka nagpupunta para naman mahanap kita agad kapag nahanap ko na ang katawan mo," mahabang paliwanag ko sa kaniya at saka naupo sa sofa na hindi kalayuan sa pwesto niya."Nagpunta lang ako sa kusina niyo kanina. Balak ko lang sana takutin ang Mama mo kaso nga lang ay hindi pala siya nakakakita ng multo," tila malungkot pa na wika niya.Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na lumapit sa kaniya at saka piningot ang tainga."Aray! Aray!" sigaw niya.Mabilis ko rin naman na tinigil ang pagpingot dahil naaawa rin naman ako rito.Kaluluwa na nga, sasaktan ko pa? Ayaw ko nang madagdagan pa ang sakit na naramdaman nila noong pagkamatay nila."Bakit mo 'yon ginawa?" nagtatakang tanong ko habang dinuro-duro siya.Ngumuso pa ito. "Gusto ko lang
Pagpasok ko sa kumpaniya ay nagtaka ako dahil walang leader na sumalubong sa akin gaya ng nakasanayan ko.Pagpasok ko sa elevator ay agad lumaki ang aking tainga nang marinig ang bulungan ng iba."Absent daw ba si team leader ngayon?" tanong ng isang babae."Sinong leader?" tanong ng kasama niya."Iyong nasa AB department," sagot nito."Ah, nabalitaan kahapon na may nakakita raw na magkasama sila ng may-ari ng kumpaniya noong uwian na natin, ah?" wika naman ng kasama niya.Nagtaka ako dahil tila natigil sila sa pag-uusap kaya hindi na naiwasan na mapatingin ako sa kanila.Silang dalawa ay pareho na nakatungo at animo'y nahihiya.Tinignan ko ang kanilang ID at mukhang kabilang sila sa C department.Siguro ay nakita nila ang ID ko kaya bigla silang natigilan sa pag-uusap.Humarap ulit ako sa pinto ng elevator at nag-iwan ng mga salita bago ito tuluyang magbukas."Huwag kayong mag-alala.
"Babae ba ang may-ari ng kumpaniya?" agad kong tanong sa kanila at doon ay tuluyan na ngang nawarak ang plato at lumabas na ang kunot sa noo ni Jelle.Sinasabi ko na nga ba... nagseselos siya.Napatakip ako ng aking mga bibig nang biglaan siyang mag-walk out."Pasensya na, Averill, sa naging akto ni Jelle," paghingi ng tawad ni Kaycee."Ayos lang," ngiting tugon ko sa kaniya."Sundan ko lang siya, ha?" pagpapaalam nito.Tumango na lang ako bilang tugon.Matapos nilang mawala sa aking paningin ay agad akong napatingin sa kanilang pagkain.Napalunok na lang ako sa aking nginunguya at muntik pa akong mabulunan, mabuti na lang ay may tubig akong nabili.Paano ba naman kasi ay halos hindi ginalaw ni Kaycee ang kaniyang pagkain at kabaliktaran naman noon ang kay Jelle na parang ni-torture pa ang mga ito.Matapos kumain ay dali-dali kong niligpit ang mga kalat namin. Ganoon na rin ang basag na plato.
Averill's POVIt's been 5 years since then... Life is life until now, but thankfully because of everyone's hard work, it's now paid off. It's been a while since Am-Am trusted one of his hotels to me. It's because of him that I've been living a good life, I also owe him a lot. Back then, as a student, I dreamt of having a house that my home can live in... and now, it's finally not only a dream because we currently live in a first class residential subdivision still here in Biñan, Laguna. It's really a dream come true. Vince is the one who recommended it to me and that's the reason why we're neighbors now... or so I thought? "Vince..." Halos hindi na ako nagulat nang pagbaba ko ng second floor ay nakita kong prenteng nakaupo sa sofa sa living room itong si Vince. Hindi man lang niya ako binigyan ng pansin at tinaas lang ang tasa na hawak-hawak niya na animo'y nagyayaya na magkape rin ako. "Kapal talaga ng mukha mo, ‘no?" ani ko sa kaniya habang patungong kusina para magkape. "Siy
Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagbago ang buhay ko. Sinusubukan ko pa rin na kalimutan ang mga nangyari ngunit may pagkakataon talaga na bigla-bigla ko na lang ito maaalala."Huy! Nakatulala ka na naman," sigaw sa akin ni Vince.Tinarayan ko na lang ito at saka inayos ang tindig ko para salubungin ang mga customers.Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi na ulit kami nagkita ni Kuya mabango at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang panyo na pinahiram niya. Hanggang ngayon din ay wini-wish ko na magkita ulit kami para makapagpasalamat ako ng maayos sa kaniya at masauli na rin ang panyo niya.Isang linggo lang din matapos ng matindi kong break down ay tuluyan nang natapos ang hotel kaya itong si Vince ay todo trabaho para maturuan ako, at nang may sapat ng empleyado ang hotel ay tuluyan na itong binuksan para sa lahat."Vince, huwag mo nga akong guluhin! Hindi ba't naka-assign ka sa hotel sa Batangas?" naiiritang tanong ko sa kaniya.Natanong ko kasi noong nakaraang ar
Seya's POV:I was so happy when Tita Vivi went home with a gift for me, just like what she promised but she failed one of her promises.She promised that they will went home together but why I didn't saw Tito Silas?For some reason, my tears started to fall that even my self can't stop it."What happened?!" Grandma shouted and panicked. My Mom even joined her but I ignored them.I hugged the teddy bear that Tita Vivi gave to me and sat on the sofa. I cried silently and let my tears fell from my eyes."Anong nangyayari?" Tito Elias asked and seems so confused."Hindi ko alam!" my Mom shouted because she don't know what to do to calm me."Bakit naiyak si Seya at bakit gano'n ang ekspresiyon ni Averill?" Tito asked again."Hindi rin namin alam, Elias," Grandma answered."Tatanungin ko lang si Avi—""Don't bother her," I said that made them stared at me.Mommy approached me and hugged me."Why? What happened?" she asked.I sobbed again instead of answering her questions."T-Tito Silas isn
"Tell me the truth. Something happened the day you went to the hospital, right?" he asked.I looked at him surprisingly when he mentioned the hospital."How did you know that I went to hospital?" I asked to him."I have a strong hearing ability, Avery, so I heard what Tita said to you," he explained.Napatango-tango na lang ako at saka pinagmasdan ang mga bituin na nagsisimula nang magliwanag sa madilim na kalangitan."What happened? Since that day, you acted strangely," he said.Napalunok ako ng sarili kong laway at saka tumingin sa kaniya at saka pilit na ngumiti."I just wanted to make memories with you for the last time," I murmured.His eyebrows met. "What do you mean?""I finally found your body, Silas," I said and looked away to him.Napapikit ako matapos kong maramdaman ang nanlalamig niyang kamay na hinawakan ang baba ko at saka hinarap ang mukha ko sa kaniya."Can you tell me where is my body?" naiiyak na tanong niya.Napakagat na lang ako ng aking labi bago dahan-dahan na t
Napatingin ako kay Silas nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko."Ayos lang ba kung kasama mo ako? Paano kung sabihan ka nila na nababaliw na?" tanong niya sa akin."Huwag kang mag-alala dahil marami namang tao ngayon at saka huwag mo na 'yon problemahin. Magsaya ka na lang, okay?" sagot ko at saka nginitian siya.Nang magbago ang musika ay natigil ang lahat sa pagtalon. Kung kanina ay rock ang kantahan, ngayon naman ay romantic na.I intertwined my hands to his and smiled at him.Tinaas ko ang isang kamay ko gaya ng ginagawa ng iba. Pagtingin ko kay Silas ay hindi ko na naiwasan mapahagikgik dahil nakataas na rin pala ang kamay niya.Bawat lyrics ay sinasabayan naming lahat at bawat pagkanta namin ay siya namang pagsabay ng aming katawan sa pag-indayog.When I looked at him to check if he's still at my side, I was so surprised because I didn't expected that he's also looking at me.Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng mukha ko at para hindi niya mapansin
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Silas. Hindi ko na siya masyadong nakausap pa dahil antok na antok na rin talaga ako kaya diretso akong nahiga sa kama nang hindi man lang nagpapalit ng damit."Bukas na lang ako magpapalit," bulong ko bago maramdaman ang antok at unti-unti nang nagsara ang mata ko.Nagising ako matapos maramdaman ang paglubog ng aking kama.Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagsalubong ang aking kilay matapos makita na sobrang lapit ng mukha ni Silas.Mabilis ko namang nilayo ang mukha ko at bumangon."Magandang umaga," ngiting bati niya."Good morning too," bati ko rin dito at saka nagpasiyang maligo na at magpalit ng damit para presko.Paglabas ko ng banyo ay agad ulit na bumungad sa akin si Silas na nakangiti kaya napahagikgik na lang ako at saka tumingkayad para maabot ang kaniyang buhok at. inayos ito.Napansin ko na na-estatwa siya kaya natigilan naman ako sa aking ginagawa."Are you okay?" I asked to him."Keep doing that to me," he said and poin
Natawa naman siya na kinailing-iling ko."Pero seryoso, bakit mukhang ang saya-saya mo yata ngayon?" tanong niya sa akin."Wala. Ang sarap lang talaga asarin ni Vince," sagot ko sa kaniya.Na-estatwa ako matapos ma-realize ang sagot ko.Why did I said that?"Sino si Vince?" tanong niya sa akin."Sige, maliligo muna ako," pagbabago ko ng topik at saka mabilis na naglakad papunta sa banyo.Malapit ko na sana maabot ang door knob nang bigla akong hawakan ni Silas sa aking baywang at saka binuhat ako at nilagay sa kaniyang balikat."Kyah!" sigaw ko dahil sa pagkakagulat at nagpapadiyak pa."Lower your voice if you don't want them to come here and see you in this kind of position," he said."Silas, put me down," utos ko sa kaniya."Uh-oh, I will not. Not until you say who's Vince," he said."He's just my friend, okay?" page-explain ko."Now, put me down," utos ko sa kaniya at may halong diin ang bawat salita."What kind of friend he is?" he asked.Napapikit na lang ako dahil sa inis at sa
After choosing that I will keep his body from him for awhile, one week had passed."May bisita ka, Averill!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba.Napakamot na lang ako sa aking buhok at saka labag sa loob na bumaba kahit na naka-pajamas pa ako.Alas otso na ng umaga pero gusto ko pa rin matulog. Paano ba naman kasi ay halos 'di na ako patulugin kagabi ni Silas dahil sa pagiging hyper niya! Mukhang masama rin yata sa mga multo ang ma-spoil ng sobra, ah?"Sino ba 'yan, Ma?" walang ganang tanong ko habang nakapikit na bumababa sa hagdan."Ang aga-aga, e!" reklamo ko at nang maramdaman na wala ng hagdan na aapakan ay minulat ko na ang mga mata ko.Napataas ako ng kilay matapos makita na si Am-Am pala ito at mukhang may kasama pa siyang isang lalaki na hindi ko naman kilala."Oh?" pagtataas ko ng kilay sa kanila.Napahagikgik naman si Am-Am samantalang ang kasama niya ay hindi na napigilan na matawa."May nakakatawa ba sa tanong ko?" seryosong tanong ko sa kanilang dalawa.Mabilis naman silan
"Wala pa masyadong nakakaalam ng lugar na ito bukod sa mga nakatira rito sa malapit," paliwanag ko, "kapag natuklasan na ito ng mga tao ay tiyak na malaki ang pagbabago na magaganap dito.""Sayang naman. Akala ko pa naman may mga chicks dito," aniya."Doon. Pumunta ka sa mga bahay-bahay, may mga sisiw sila," sarkastikong sabi ko.Bago pa man siya makapagsalita ay agad din naman siyang napingot ni Mama na kinatawa ko pa lalo."Anong chicks-chicks, huh?!" sigaw ni Mama."A-aray, Ma!" sigaw din ni Kuya.Napailing-iling na lang ako at saka nagpasiya na tumakbo papunta sa malaking puno para malimliman dahil tumataas na rin ang tirik ng araw.Mula rito ay narinig ko pa ang sigaw ni Mama. "Seya, halika! Magpapaaraw ka."Pinagmasdan ko ang buong parke at saka napangiti. Marami pang mga puno rito at dalawa pa lang ang bench na makikita sa parke isama mo na rin ang duyan na para sa mga bata.Dahil kakaunti lang ang laman ng parke ay mas lalo lang nakikita at nahahalata ang pagiging malawak nit