Share

Chapter 3

Author: heonsxno
last update Huling Na-update: 2022-02-11 18:01:00

Nagising ako dahil sa rap ng aking mahal na Nanay.

"Tanghali na, Averill Mae Fuentes! Pero ikaw ay nakahilata pa rin. Ano? Mayaman?! Gumising ka na riyan," wika nito.

Napatakip na lang ako nang mata nang buksan niya ang kurtina.

Agad akong nagtaklob ng kumot para makatulog ulit.

"Wah!" sigaw ko nang hilahin niya pababa ang kumot.

"Gumising ka na, señorita. Tanghali na. Gumising ka na kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig," sarkastikong wika niya sa akin.

"Ma!" sigaw ko sa kaniya.

"Alas diyes na ng umaga, Mae!" sigaw nito.

Wala na akong nagawa pa kun'di tumayo kahit na labag sa loob ko dahil kapag tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko ay alam kong galit na talaga siya.

Halos hindi nga yata ako nakatulog dahil sa bwisit na multo na nanggulo sa akin kagabi, e!

Agad akong naghilamos at kahit na nasa banyo ay rinig na rinig ko pa rin ang rap ni Mama.

"Iyong ibang tao, gising na gising na tapos ikaw ang sarap pa rin ng tulog mo. Gayahin mo si Clara, kasing edad mo lang 'yon pero ang ganda-ganda ng trabaho," saad niya sa akin. 

Kaunti na lang ay gagamit na siya ng mikropono para iparinig sa kapitbahay ang lahat ng sinasabi niya, e.

Clara! Clara! Clara! Kaunti na lang ay halos ipagpalit na niya kaming dalawa, e.

Kung magagawa ko lang sana na ilagay si Clara sa sinapupunan ng Nanay ko ay baka maging masaya pa siya.

Kulang na lang ay tawagin na niya ring "anak" si Clara, e. 

Ano bang mayroon kay Clara na wala ako? Trabaho ba? Kung ganoon ay maghintay ka lang, Ma! Kapag ako nakapasok sa kumpanya na pinag-applyan ko ay sisiguraduhin ko na hindi mo na ulit masusumbat sa akin si Clara.

Hanggang sa paglabas ko sa banyo ay tuloy pa rin ang pagra-rap ni Mama.

"Itong higaan mo, hindi mo man lang kayang ayusin. Hinintay mo pa talaga ako na mag-ayos dito. Late ka na nga magising, hindi ka pa marunong maglinis," satsat ni Mama.

"Wala naman akong sinabi na ayusin mo 'yan, Ma," bored na saad ko.

"At sumasagot ka pa?!" sigaw nito sa akin.

I just shrugged and opened my door. 

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Seya kaya agad nagbago ang aking mood.

Sino na nga ang hindi ang magbabago ang mood kapag nakakita ng isang mala-anghel na mukha?

Agad ko siyang binuhat. "Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

Umiling-iling naman siya na kinangunot ng noo ko.

"Hindi ba't tanghali na? Bakit hindi ka pa naka—" Natigil ako sa pagsasalita nang makita ang wall clock namin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Alas siyete pa lang pala ng umaga.

"Nagluluto pa si Mommy ng ulam," wika niya.

I pinched her cheeks. "Bakit ka nandito? 'Di ba't dapat nasa baba ka rin?"

"I just woke up," she said and pouted that made me laugh.

Sino ba naman hindi magigising kung ang bumungad sa iyo ay tuloy-tuloy na pagbubunganga?

"I'm sorry about that. You can sleep again if you want to," I said to her.

She shook her head. "I want to go to Mommy."

Tumango naman ako at saka dahan-dahan na bumaba ng hagdan dahil buhat-buhat ko si Seya.

Pagpunta namin sa kusina ay natigilan ako matapos makita si Ate na nagluluto at ang anino ng lalaki na malapit lang sa kaniya.

"Tita Vivi," tawag sa akin ni Seya kaya agad na natuon sa kaniya ang paningin ko.

I hummed and asked her a question using my eyes.

"Bababa na po ako," wika nito.

Doon ko lang napansin ang kamay niyang nakakapit sa aking mga braso na tila gusto tanggalin iyon sa kaniyang katawan.

Dali-dali ko siyang binaba at natuon ang paningin ko sa kaniya nang tumakbo siya papunta kay Ate.

"Seya, doon ko lang muna kay Tita Vivi mo. Baka matalsikan ka ng mantika," wika ni Ate sa kaniya.

Nang iikot ko ang aking paningin sa buong kusina ay nagtaka ako dahil wala na ang anino na nakita ko kanina.

Who the f*ck is that?! Bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya?

"Ayos ka lang ba, Averill? Tila balisa ka?" tanong sa akin ni Ate.

Sunod-sunod akong umiling. "Ayos lang ako, Ate."

"Kunin mo nga muna itong bata. Laruin mo muna kasi baka matalsikan ng mantika," saad nito.

Tumango ako at agad na pinatayo si Seya sa upuan malapit pa rin kay Ate para naman makita niya paano ang pagluto ng Mama niya.

May kasabihan kasi na matututong magluto ang bata kahit na hindi mo turuan, basta't hayaan mo lang na pagmasdan niya ang pagluluto mo.

"Avi, doon mo muna sa sala ang bata. Baka matalsikan ng mantika," wika ni Ate at pinakita sa akin ang isda na piprituhin niya.

Napatango naman ako at kinausap si Seya.

"Seya, maglaro na lang muna tayo roon sa sala, ayos lang ba sa iyo?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit po bawal tayo manood kay Mommy?" tanong nito.

"Kasi baka matalsikan ka ng mantika," paliwanag ko.

She tilted her head. "Ano naman pong mangyayari kapag natalsikan ng mantika?"

"Mainit ang mantikan kapag nailagay na sa ibabaw ng apoy kaya maaaring matuklap o masunog ang balat mo kapag natalsikan ka nito," paliwanag ko pa.

Tumango-tango na lang siya kaya kinurot ko na lang ang kaniyang ilong dahil sa kaniyang ka-cute-an.

Binuhat ko ulit siya papuntang sala ngunit bago pa ako makalabas ng kusina ay agad ko pang tinignan ulit si Ate.

Napahinga naman ako nang maayos nang makita na wala na talaga ang anino.

Habang nilalaro si Seya sa sala ay hindi ko maiwasan na sulyap-sulyapan si Ate dahil kitang-kita naman ang kusina rito sa sala.

"Kanina ka pa sulyap nang sulyap kay Maureen. Anong mayroon?" tanong ni Kuya sa akin pagkababa niya ng hagdan.

Sunod-sunod akong umiling. "Wala."

"Ay, sus! Nakakita ka na naman, 'no?" tanong nito sa akin.

Napailing-iling na lang ako sa kaniyang tanong.

Lagi akong inaasar ni Kuya sa tuwing nagsasabi ako na nakakakita ako ngunit hindi niya rin naman pinaniniwalaan kaya simula noon ay mas pinili ko na lang manahimik.

"Ano na naman 'yang 'kita-kita' niyong dalawa, ha? Tinatakot niyo lang sarili niyo," saad ni Mama.

Napahinga na lang ako ng malalim.

Si Mama ay nasa numero uno sa aking listahan kung saan ay hindi naniniwala sa mga kababalaghan. 

"Kain na!" sigaw ni Ate mula sa kusina.

Agad kong kinuha ang kamay ni Seya at sabay kaming naglakad. 

Lahat kami ay sabay-sabay na nagdasal ngunit agad napamulat ang isa sa mga mata ko at nanlaki ang aking mga mata nang makita na naman ang anino.

Hindi sa tabi ni Ate ngunit sa tabi naman ni Seya sa pagkakataong ito.

Huminga ulit ako nang malalim at saka pumikit upang ipagpatuloy ang pagdadasal.

Matapos magdasal ay mabilis kong minulat ang aking mata ngunit nangunot ang aking noo nang makita na wala ng anino sa tabi ni Seya.

Nilibot ko pa ang aking paningin sa buong kusina ngunit wala talagang bakas na kahit anong anino.

"Kumain ka na, Averill," wika ni Mama.

Tumango naman ako at saka nagsimula nang kumain.

Habang kumakain ay hindi ko maalis-alis ang paningin kay Ate at Seya.

Kinakabahan ako. Iba ang pakiramdam ko sa anino na 'yon...

Hanggang sa matapos ang pagkain ay sa kanila lang nakatutok ang aking mga mata. Halos hindi rin ako nabusog dahil sa kaiisip.

"Itigil mo 'yang kakatitig sa akin, Averill, kung ayaw mong dukutin ko 'yang mata mo. Alam ko naman na maganda ako," pagbabanta ni Ate na may halong biro.

Napailing-iling na lang ako.

"Ikaw na maghugas, Kuya," wika ko sa kaniya.

"Ano?!" sigaw niya sa akin.

"Hoy! Naka-schedule ka ngayong umaga," saad ko.

"Bilisan niyo ng dalawa riyan. Maghugas ka na, Elias!" sigaw ni Mama sa kaniya.

Dinilaan ko naman siya bilang pang-aasar. Nang akmang sisikuhin pa niya ako ay dire-diretso akong tumakbo palabas ng kusina.

"Saan kayo pupunta, Ate?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya nang mapansin na bihis na bihis silang dalawa ni Seya.

"Pupunta lang kami riyan sa bayan. Bibili ng Jollibee. Nagpadala kasi Kuya mo," paliwanag niya.

Napaismid naman ako matapos niyang banggitin ang 'Kuya'. Kailan ko pa naging Kuya ang asawa niya? Inire ba siya ni Mama?

"Sige, mag-ingat kayo. Sabihin mo rin sa walang kwenta mong asaw—" Bago ko pa ituloy ang aking sasabihin ay pinanlakihan ako ng mata ni Ate at tinuro ang bata.

Napabuntong hininga na lang ako at saka ginulo ang buhok ni Seya.

"Huwag kang sasama sa kahit na sino, okay?" wika ko sa kaniya.

Tumango naman si Seya.

Buti na lang at nagpapadala rin pala kahit papaano 'yang asawa niya. Akala nga namin noong una ay tinakbuhan ang responsibilidad sa bata, e kasi bali-balita na nag-ibang bansa raw.

Ni-hindi ko pa nga nakikita ang mukha ng asawa niya, well ayaw ko rin naman.

Dahil kasi sa kaniya ay muntik ng malalag si Seya noon sa sinapupunan ni Ate dahil sa stress ni Ate sa kaiisip sa kaniya.

"Saan ka na naman pupunta?" Ngunot-noo na tanong ni Mama sa akin.

"Sa playground lang, Ma," wika ko.

"Lalayas ka na naman. Puro ka na lang layas! Gusto mo na yata lumayas sa bahay na 'to, e," sigaw na naman ni Mama.

Napabuntong hininga na naman ako.

"Lalanghap lang ako ng sariwang hangin, Ma. Ano namang malalanghap ko rito kung puro sasakyan ang dumaraan?" tanong ko sa kaniya.

"O'sige, basta bago magtanghalian umuwi ka na," saad nito.

Tumango na lang ako at saka lumabas na.

Bente kwatro anyos na ako pero nililimitahan pa rin ni Mama mga ginagawa ko. Ang unfair...

Nag-tricycle ako at paglipas ng limang minutos ay nakarating na ako parke.

Konti lang ang tao rito gaya ng inaasahan ko dahil wala naman nagsusubok na pumunta rito dahil "hunted" daw. 

Well, totoo naman. Marami akong nakita na pakalat-kalat na multo noong una at nang sabihin ko iyon kay Shi no Tenshi ay halos hindi niya matago ang kaniyang mga ngiti dahil isa raw iyong "achievement" para sa isang tulad niyang grim reaper.

Ngunit hindi katulad noon na halos wala talagang pumupunta, unti-unti nang nadidiskubre ng taong bayan ang lugar na ito kaya hindi na ako magtataka kung isang araw pagbalik ko rito ay punong-puno na ito ng mga tao.

Umupo ako sa ilalim ng puno na nandito. Pumikit at hinayaan na langhapin ang hangin.

Hindi man ganoon kasariwa katulad ng hangin sa probinsya ay maganda pa rin ito langhapin dahil hangin pa rin ito na nanggaling sa puno.

Pinitik ko ang aking mga daliri at pagbukas ko ng aking mga mata ay bumungad na sa akin si Tenshi.

"Nandito ka na naman..." he whispered.

I just nodded at him.

"May problema ba?" tanong niya.

"Hindi ba't kaya mo basahin ang nasa isip ko? Bakit mo pa tinatanong 'yan?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga naman siya at bumagsak ang mga balikat.

"Hindi ko kaya dahil masyadong maraming clone ang pinalabas ko kani-kanina lang," paliwanag niya.

Tumingin naman ako sa malayo matapos niya iyon sabihin at napabuntong hininga.

"Kanina kasing umaga, may nakita akong anino na umaaligid-aligid kanila Ate at Seya," wika ko sa kaniya.

"Baka namamalikmata ka lang?" tanong niya.

Agad ko siyang tinignan at sinamaan ng tingin. "Kailan pa ako nagkamali sa aking nakita?!"

Napailing-iling na lang ito dahil sa aking naging akto.

"Kung nakita mo naman pala, bakit hindi mo ako tinawag?" tanong niya sa akin.

"Agad siyang nawala, e. Parang bula, gano'n. Tila isang segundo ko lang naramdaman ang kaniyang presensya," paliwanag ko pa rito.

Napaseryoso siya ng tingin sa akin.

"Ngayon mo lang ba 'to nakita?" tanong niya.

Tumango ako. "Pero alam mo... parang familiar 'yong presensya na 'yon. Hindi ko lang alam kung saan ko naramdaman."

"I don't know the answer to your questions. I'm sorry," wika niya.

"Naku! Bakit ka nagso-sorry? Ayos lang, 'no," wika ko sa kaniya.

"Hindi ko lang talaga maiwasan na magtaka at kabahan sa kaiisip sa anino na 'yon," wika ko pa.

He ruffled my hair. "Huwag mo na lang pansinin. Kapag sinaktan ka o ang Ate mo o kahit na si Seya pa, huwag kang magdalawang-isip na pitikin 'yang mga daliri mo."

Tumango-tango naman ako.

"Salamat, Shi no Tenshi," bulong ko.

Tenshi's POV;

May alam akong kasagutan sa mga tanong mo sa isipan, Vivi, ngunit ayaw kong mag-alala ka pa lalo para sa Ate mo.

Kung hindi multo ang nakita niya, dalawa lang ang nasa isip kong posibleng sagot.

Isa iyong engkanto o demonyo...

Ang mga ganoong nilalang ay hindi na namin sakop o hindi na namin sila malalabanan pa dahil hindi hamak na mas malakas sila kaysa sa amin.

Pero ano namang mayroon kay Maureen at Seya na nagpa-interes sa isang gaya nila?

Kaugnay na kabanata

  • Talking To A Specter   Chapter 4

    Nagising ako nang may dumampi sa aking mukha na kung ano. Pagtingin ko ay isang nahulog na dahon.Nakatulog pala ako...Pagtingin ko ng oras ay nanlaki ang aking mga mata.Alas dos na ng hapon?!"Nalintikan na, oh," bulong ko sa sarili.Napakamot na lang ako sa aking buhok.Sigurado kasi ako na bunganga na naman ni Mama ang bubungad sa akin!Dali-dali akong nagpara ng tricycle para makauwi agad.Lagot talaga sa akin mamaya si Tenshi! Ni hindi man lang ako ginising at hinayaan pa ako matulog."Saan, miss?" tanong ng driver."Sa kanto lang," wika ko rito."Ay, may aksidenteng nangyari roon pero may iba pa namang daan," saad niya.Nangunot ang noo ko. "Hindi na. Ayos lang, ide-deretso mo na lang."Utot mo! Akala sigur

    Huling Na-update : 2022-04-15
  • Talking To A Specter   Chapter 5

    Isang linggo na ang nakalipas at ngayon na ang araw para makita kung nakapasa ba ako sa interview. Katabi ko sina Mama at Ate at sabay-sabay na humihiling na sana ay nakapasa ako. Gusto ko man tumawa dahil sa sitwasyon ni Mama ngunit hindi ko magawa dahil mas pinangungunahan ako ng kaba. Paano ba naman kasi ay dala-dalawa ang hawak niyang rosaryo tapos tuloy-tuloy pa ang pagdadasal kaya mas lalo akong kinakabahan dahil sa kaniya. "Ayan na!" sigaw ko nang lumabas ang isang notification sa aking laptop. Isa-isa kong tinignan ang mga pangalan ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi makita ang aking pangalan na nakalagay roon. Niyakap ako ni Mama. "Ayos lang 'yan, 'nak." Tumango-tango na lang ako at sinubukan pa rin ngumiti kahit na sobrang lungkot ko ngayon. Nagtaka ako dahil may lumabas ulit

    Huling Na-update : 2022-04-21
  • Talking To A Specter   Chapter 6

    "Anong kailangan mo?" tanong ko sa gwapong nilalang este multong ito."Nakikita mo 'ko?!" gulat na tanong niya.Napa-roll eyes na lang ako at pagkatapos ay napabuntong hininga."Hindi ba halata?" tanong ko rin sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit iyon mismo ang laging tinatanong sa akin ng mga multo sa tuwing kakausapin ko sila. Like, hindi ba obvious na nakikita ko kayo? Hindi ko naman kayo kakausapin at papansinin kung hindi ko kayo nakikita.Nang hindi siya tumugon ay napaunat-unat na lang ako ng aking katawan."Alam mo, umuwi ka na. Bago pa magbago ang isip ko na ibigay ka kay Tenshi," bored na wika ko at nagsimulang maglakad ulit."Sino si Tenshi?" Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig iyon mula sa kaniya.Napatingin ako rito at pagkatapos nangunot ang aking noo. Pinakatitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa."Multo ka ba talaga?!" nagtatakang tanong ko sa kaniya.Impos

    Huling Na-update : 2022-04-23
  • Talking To A Specter   Chapter 7

    Gaya ng inaasahan ay madaling araw na naman ako nakauwi. At habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa lalaking multo na lumapit sa akin kahapon."Nandito pa kaya siya?" tanong ko sa sarili.Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming bahay.Napabuntong hininga naman ako."Mabuti naman at hindi na nangulit pa ang multong 'yon," bulong ko sa sarili."Ah!" sigaw ko nang bigla na lang lumitaw sa kung saan si Shi no Tenshi."Sinong multo?" tanong niya.Napukpok ko ulit siya sa kaniyang ulo dahil sa panggugulat sa akin."Aray!" sigaw rin nito."Alam mo, dahil sa iyo nawawala antok ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng bahay.Napapikit na lang ako nang harangin niya ang ak

    Huling Na-update : 2022-04-23
  • Talking To A Specter   Chapter 8

    "Kumain ka muna bago ka umalis," saad sa akin ni Ate at saka lumabas ng kwarto.Sinundan ko naman siya sa kaniyang paglabas habang ako ay nagsusuklay."Salamat, Ate, pero baka ma-late pa ako. Sa kumpaniya na lang ako kakain," sagot ko sa kaniya."Anong oras ba break time niyo roon?" tanong niya sa akin."10 pm," sagot ko."Oh, matagal-tagal pa pala kaya dapat lagyan mo muna ng pagkain 'yang tiyan mo," saad niya sa akin."Ayos lang ako, Ate," pagpupumilit ko pa.Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa pa sa kakulitan ko.Hinalikan ko sa pisngi si Ate bago umalis sa bahay at saka kinawayan siya.Pinitik ko ang aking kamay paglabas ko sa gate ng bahay para tawagin si Shi no Tenshi.Gaya ng inaasahan ay agad din siyang lumitaw mula sa kung saan."Pwede ba mag-request?" bulong kong tanong sa kaniya."Ano naman 'yon?" tanong niya."Bantayan mo muna At

    Huling Na-update : 2022-04-24
  • Talking To A Specter   Chapter 9

    Averill's POV:Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay sabay kaming dumiretso sa bahay.Bago ko pa buksan ang pinto ay natigilan ako at napatingin kay Silas."Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.Napailing-iling na lang ako bilang sagot. Sana lang ay wala ngayon sa kwarto ko si Shi no Tenshi dahil may gusto pa akong sabihin kay Silas na hindi ko nasabi kanina...Pabukas ko ng pinto ay agad kong naamoy ang luto ni Mama."Ma, nandito na ako," sabi ko dahil ayaw kong magulat siya kapag lumabas siya sa kusina.Nilapag ko muna sa sala ang bag ko at saka agad na nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matapos makita roon si Mama.Niyakap ko siya nang patalikod ngunit agad din akong natigilan nang sikuhin niya ako kaya napasimangot naman ako."Nagluluto ako, Averill," aniya."Sige, Ma," sabi ko at akmang lalabas na ng kusina nang matigilan dahi

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Talking To A Specter   Chapter 10

    Ang isa pa niyang kamay ay nakayakap sa akin habang nasa ilalim ng kumot kaya hindi ko na rin naramdaman ang lamig ng umaga.Babalik na lang sana ako sa tulog at hahayaan ito nang marinig ang sigaw ni Seya."Ahh!" sigaw niya kaya dali-dali akong napabangon dahil na rin sa gulat at pag-aalala.Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa akin pala siya nakatingin.Dali-dali naman siyang pinuntahan nila Kuya, Ate, at Mama habang ako ay nanatili lang sa aking kama.Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagtulog."Anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Elias sa kaniya.Nanginginig naman akong tinuro ng bata na pinagtaka ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama na mas lalo kong pinagtaka habang nagtataka rin na tumingin sa akin sina Ate at Kuya."Bakit?" naguguluhan na tanong ko kay Seya."Tita Vivi, nakita ko po kanina na parang may katabi ka sa ilalim n

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Talking To A Specter   Chapter 11

    Agad na nanginig kalamnan ko dahil sa pagiging seryoso niya."N-nagsasabi naman ako ng totoo..." bulong ko, sapat na para marinig niya.Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga balikat ko at ngumiti sa akin."Nagbibiro lang naman ako," sabi nito.Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaniyang sinabi.Alam kong mahirap magsinungaling sa tulad niya dahil talo niya pa ang Nanay ko dahil bawat detalye sa pagkatao ko ay alam na alam niya."Sige na. Bumaba ka na roon para makakakain," wika niya sa akin.Tumango naman ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Bawat pagdaan ko sa pagbaba ng hagdan ay sinisilip ko ang bawat sulok para mahanap si Silas.Natigilan lang ako nang makita si Seya na nasa baba ng hagdan at nakangiti sa akin.Ngumiti rin ako sa kaniya at dali-daling bumaba."Seya," tawag ko sa kaniya at niyakap siya. Niyakap din naman niya ako pabalik kaya gumaan ang aking pakiramdam.Pagharap ko rito a

    Huling Na-update : 2022-04-26

Pinakabagong kabanata

  • Talking To A Specter   Chapter 82

    Averill's POVIt's been 5 years since then... Life is life until now, but thankfully because of everyone's hard work, it's now paid off. It's been a while since Am-Am trusted one of his hotels to me. It's because of him that I've been living a good life, I also owe him a lot. Back then, as a student, I dreamt of having a house that my home can live in... and now, it's finally not only a dream because we currently live in a first class residential subdivision still here in Biñan, Laguna. It's really a dream come true. Vince is the one who recommended it to me and that's the reason why we're neighbors now... or so I thought? "Vince..." Halos hindi na ako nagulat nang pagbaba ko ng second floor ay nakita kong prenteng nakaupo sa sofa sa living room itong si Vince. Hindi man lang niya ako binigyan ng pansin at tinaas lang ang tasa na hawak-hawak niya na animo'y nagyayaya na magkape rin ako. "Kapal talaga ng mukha mo, ‘no?" ani ko sa kaniya habang patungong kusina para magkape. "Siy

  • Talking To A Specter   Chapter 81

    Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagbago ang buhay ko. Sinusubukan ko pa rin na kalimutan ang mga nangyari ngunit may pagkakataon talaga na bigla-bigla ko na lang ito maaalala."Huy! Nakatulala ka na naman," sigaw sa akin ni Vince.Tinarayan ko na lang ito at saka inayos ang tindig ko para salubungin ang mga customers.Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi na ulit kami nagkita ni Kuya mabango at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang panyo na pinahiram niya. Hanggang ngayon din ay wini-wish ko na magkita ulit kami para makapagpasalamat ako ng maayos sa kaniya at masauli na rin ang panyo niya.Isang linggo lang din matapos ng matindi kong break down ay tuluyan nang natapos ang hotel kaya itong si Vince ay todo trabaho para maturuan ako, at nang may sapat ng empleyado ang hotel ay tuluyan na itong binuksan para sa lahat."Vince, huwag mo nga akong guluhin! Hindi ba't naka-assign ka sa hotel sa Batangas?" naiiritang tanong ko sa kaniya.Natanong ko kasi noong nakaraang ar

  • Talking To A Specter   Chapter 80

    Seya's POV:I was so happy when Tita Vivi went home with a gift for me, just like what she promised but she failed one of her promises.She promised that they will went home together but why I didn't saw Tito Silas?For some reason, my tears started to fall that even my self can't stop it."What happened?!" Grandma shouted and panicked. My Mom even joined her but I ignored them.I hugged the teddy bear that Tita Vivi gave to me and sat on the sofa. I cried silently and let my tears fell from my eyes."Anong nangyayari?" Tito Elias asked and seems so confused."Hindi ko alam!" my Mom shouted because she don't know what to do to calm me."Bakit naiyak si Seya at bakit gano'n ang ekspresiyon ni Averill?" Tito asked again."Hindi rin namin alam, Elias," Grandma answered."Tatanungin ko lang si Avi—""Don't bother her," I said that made them stared at me.Mommy approached me and hugged me."Why? What happened?" she asked.I sobbed again instead of answering her questions."T-Tito Silas isn

  • Talking To A Specter   Chapter 79

    "Tell me the truth. Something happened the day you went to the hospital, right?" he asked.I looked at him surprisingly when he mentioned the hospital."How did you know that I went to hospital?" I asked to him."I have a strong hearing ability, Avery, so I heard what Tita said to you," he explained.Napatango-tango na lang ako at saka pinagmasdan ang mga bituin na nagsisimula nang magliwanag sa madilim na kalangitan."What happened? Since that day, you acted strangely," he said.Napalunok ako ng sarili kong laway at saka tumingin sa kaniya at saka pilit na ngumiti."I just wanted to make memories with you for the last time," I murmured.His eyebrows met. "What do you mean?""I finally found your body, Silas," I said and looked away to him.Napapikit ako matapos kong maramdaman ang nanlalamig niyang kamay na hinawakan ang baba ko at saka hinarap ang mukha ko sa kaniya."Can you tell me where is my body?" naiiyak na tanong niya.Napakagat na lang ako ng aking labi bago dahan-dahan na t

  • Talking To A Specter   Chapter 78

    Napatingin ako kay Silas nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko."Ayos lang ba kung kasama mo ako? Paano kung sabihan ka nila na nababaliw na?" tanong niya sa akin."Huwag kang mag-alala dahil marami namang tao ngayon at saka huwag mo na 'yon problemahin. Magsaya ka na lang, okay?" sagot ko at saka nginitian siya.Nang magbago ang musika ay natigil ang lahat sa pagtalon. Kung kanina ay rock ang kantahan, ngayon naman ay romantic na.I intertwined my hands to his and smiled at him.Tinaas ko ang isang kamay ko gaya ng ginagawa ng iba. Pagtingin ko kay Silas ay hindi ko na naiwasan mapahagikgik dahil nakataas na rin pala ang kamay niya.Bawat lyrics ay sinasabayan naming lahat at bawat pagkanta namin ay siya namang pagsabay ng aming katawan sa pag-indayog.When I looked at him to check if he's still at my side, I was so surprised because I didn't expected that he's also looking at me.Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng mukha ko at para hindi niya mapansin

  • Talking To A Specter   Chapter 77

    Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Silas. Hindi ko na siya masyadong nakausap pa dahil antok na antok na rin talaga ako kaya diretso akong nahiga sa kama nang hindi man lang nagpapalit ng damit."Bukas na lang ako magpapalit," bulong ko bago maramdaman ang antok at unti-unti nang nagsara ang mata ko.Nagising ako matapos maramdaman ang paglubog ng aking kama.Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagsalubong ang aking kilay matapos makita na sobrang lapit ng mukha ni Silas.Mabilis ko namang nilayo ang mukha ko at bumangon."Magandang umaga," ngiting bati niya."Good morning too," bati ko rin dito at saka nagpasiyang maligo na at magpalit ng damit para presko.Paglabas ko ng banyo ay agad ulit na bumungad sa akin si Silas na nakangiti kaya napahagikgik na lang ako at saka tumingkayad para maabot ang kaniyang buhok at. inayos ito.Napansin ko na na-estatwa siya kaya natigilan naman ako sa aking ginagawa."Are you okay?" I asked to him."Keep doing that to me," he said and poin

  • Talking To A Specter   Chapter 76

    Natawa naman siya na kinailing-iling ko."Pero seryoso, bakit mukhang ang saya-saya mo yata ngayon?" tanong niya sa akin."Wala. Ang sarap lang talaga asarin ni Vince," sagot ko sa kaniya.Na-estatwa ako matapos ma-realize ang sagot ko.Why did I said that?"Sino si Vince?" tanong niya sa akin."Sige, maliligo muna ako," pagbabago ko ng topik at saka mabilis na naglakad papunta sa banyo.Malapit ko na sana maabot ang door knob nang bigla akong hawakan ni Silas sa aking baywang at saka binuhat ako at nilagay sa kaniyang balikat."Kyah!" sigaw ko dahil sa pagkakagulat at nagpapadiyak pa."Lower your voice if you don't want them to come here and see you in this kind of position," he said."Silas, put me down," utos ko sa kaniya."Uh-oh, I will not. Not until you say who's Vince," he said."He's just my friend, okay?" page-explain ko."Now, put me down," utos ko sa kaniya at may halong diin ang bawat salita."What kind of friend he is?" he asked.Napapikit na lang ako dahil sa inis at sa

  • Talking To A Specter   Chapter 75

    After choosing that I will keep his body from him for awhile, one week had passed."May bisita ka, Averill!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba.Napakamot na lang ako sa aking buhok at saka labag sa loob na bumaba kahit na naka-pajamas pa ako.Alas otso na ng umaga pero gusto ko pa rin matulog. Paano ba naman kasi ay halos 'di na ako patulugin kagabi ni Silas dahil sa pagiging hyper niya! Mukhang masama rin yata sa mga multo ang ma-spoil ng sobra, ah?"Sino ba 'yan, Ma?" walang ganang tanong ko habang nakapikit na bumababa sa hagdan."Ang aga-aga, e!" reklamo ko at nang maramdaman na wala ng hagdan na aapakan ay minulat ko na ang mga mata ko.Napataas ako ng kilay matapos makita na si Am-Am pala ito at mukhang may kasama pa siyang isang lalaki na hindi ko naman kilala."Oh?" pagtataas ko ng kilay sa kanila.Napahagikgik naman si Am-Am samantalang ang kasama niya ay hindi na napigilan na matawa."May nakakatawa ba sa tanong ko?" seryosong tanong ko sa kanilang dalawa.Mabilis naman silan

  • Talking To A Specter   Chapter 74

    "Wala pa masyadong nakakaalam ng lugar na ito bukod sa mga nakatira rito sa malapit," paliwanag ko, "kapag natuklasan na ito ng mga tao ay tiyak na malaki ang pagbabago na magaganap dito.""Sayang naman. Akala ko pa naman may mga chicks dito," aniya."Doon. Pumunta ka sa mga bahay-bahay, may mga sisiw sila," sarkastikong sabi ko.Bago pa man siya makapagsalita ay agad din naman siyang napingot ni Mama na kinatawa ko pa lalo."Anong chicks-chicks, huh?!" sigaw ni Mama."A-aray, Ma!" sigaw din ni Kuya.Napailing-iling na lang ako at saka nagpasiya na tumakbo papunta sa malaking puno para malimliman dahil tumataas na rin ang tirik ng araw.Mula rito ay narinig ko pa ang sigaw ni Mama. "Seya, halika! Magpapaaraw ka."Pinagmasdan ko ang buong parke at saka napangiti. Marami pang mga puno rito at dalawa pa lang ang bench na makikita sa parke isama mo na rin ang duyan na para sa mga bata.Dahil kakaunti lang ang laman ng parke ay mas lalo lang nakikita at nahahalata ang pagiging malawak nit

DMCA.com Protection Status