Share

Chapter 46

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Ako naman ay naglakad na papunta sa tent. Akala ko ay makakatulog na ako sa sobrang pagod, hindi pa rin pala. Bukas pa rin kasi ang diwa ko sa naging pag-uusap namin ni Raviel.

Ala una na nang madaling araw, pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Kinuha ko ang cellphone ko upang maglaro sandali ng anti-stress game para antukin pero pinagalitan lang ako ni Atacia dahil ang liwanag daw ng ilaw na nanggagaling sa phone ko. Hindi pala siya nakakatulog kapag hindi madilim.

Napagpasyahan ko na lamang na lumabas ng tent para sa labas maglaro, pero walang epekto. At hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko kung bakit ako naglakad-lakad sa may gubat na para bang hindi ako naligaw kanina.

Sa isip ko ay ayos nang maligaw basta dapuan ako ng antok.

Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi ko na namalayan kung nasaang parte na ako ng gubat. Madilim pa naman at tanging flashlight lang na nagmumula sa phonr ko ang il
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status