NANUBIG ANG gilid ng nga mata ni Amanda. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon habang bunubuhos sa alaala niya ang mga sakit na ipinadama sa kaniya ni Theo.Lalo na sa kaniyang study... ang sotwasyong iyon ang mas nagparealize kay Amanda na hindi siya kayang mahalin ni Theo. Nasaktan siya ng husto dahil doon dahil para bang itinapon na ni Theo ang natitirang respeto nito para sa kaniya noong mga panahong iyon.Tahimik lang sila pareho. Humigpit naman ang hawak ni Theo sa manibela dahil pansin niya ang katahimikan sa pagitan nila kaya naisip niyang pagaanin kahit papaano ang atmosphere at magbukas na lang ng usapan."Uhh... nitong mga nakaraang araw, parang hinahanap ka ni Shishi," ani Theo na may maliit na ngiti sa labi. "Ayaw mo ba siyang makita?"Wala pa ring emosyon sa mga mata ni Amanda at mas lalong umiwas ng tingin. "Magdrive ka na lang, Theo..." pag iwas niya sa usapan.Nawala ang maliit na ngiti sa labi ni Theo at kinalma ang sarili. Umiwas na lang siya ng tingin kay
MAS LALONG SUMAMA ang tingin na ipinukol ni Theo kay Jaxon. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang ay kanina pa ito nakabulagta sa malamig na sahig. "Bawiin mo 'yang sinabi mong gago ka!" sigaw ni Theo. "Nasasabi mo lang 'yan dahil abot langit ang inggit mo sa 'kin!"Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Jaxon at napailing pa. "Inggit sa 'yo? Nagpapatawa ka ba, Theo? Oo, alam kong hindi kita mahihigitan pagdating sa galing mo sa pagmanage ng negosyo. Iyon dahil ay sakim at wala kang puso! Aanhin ko pa ang success ng isang business kung wala naman akong manners? 'Wag na lang! Isaksak mo 'yan sa baga mo!""Gago ka!" Hindi na napigilan pa ni Theo ang sarili. Marahil dahil sobrang lasing na rin, kwinelyuhan niya si Jaxon habang nanlilisik pa rin ang tingin nito."Bakit? Galit ka kasi totoo? Proud na proud ka sa nakamit mong tagumpay sa project mong kumita ng malaking pera pero ang tanong, masaya ka ba? Halatang kinakain ka ng lungkot, Theo! Halatang miserable ka ngayon at nagpapakal
ANG BILIS DUMAAN ng panahon. Sa isang iglap, dumaan na ang panibagong taon. New Year's eve. Masaya ang mga tao dahil sa pagpasok ng bagong taon. Marami mang hindi magandang nangyari noong nakaraang taon, madami naman utong naibigay na aral. Masaya ang pamilya ni Amanda. Madami silang handa. Pinangunahan ni Sylvia ang paghahanda ng mga pagkain sa hapag. Aligaga ito at halatang excited sa okasyon. Sinulyapan nito si Amanda."Ano, Amanda? Natawagan mo na ba si Loreign? Papuntahin mo na siya agad dito!" sabi nito.Kaagad tumango si Amanda. "Opo, natawagan ko na siya.""Dapat lang! Naku, ang batang iyon talaga. Wala siyang kasamang magcecelebrate ng bagong taon kaya mas mabuting pumunta na lang siya rito. Hindi naman na siya iba sa atin!"Ngumiti lang si Amanda. Natutuwa siya sa reaksyon ni Sylvia. Aligagang aligaga kasi ito at tila hindi na mapakali. At sa totoo lang, naaappreciate niya ang pag alala nito sa matalik niyang kaibigang si Loreign. Pamilya na rin ang turing nila rito.Mayam
TUMAGAL ANG usapan tungkol sa business na naisip ni Amanda. Parang sasabog ang puso noya sa tuwa dahil sa suporta na natatanggap niya sa pamilya niya pati na rin sa matalik na kaibigan. Kahit na medyo kinakabahan siya sa naisip, kahot papaano ay nagkaroon siya ng kompyansa na makakaya niya ang naisip na business.Ilang sandali lang ang lumipas ay naputol ang usapan nang makarinig sila ng tahol ng aso mula sa labas. Kumunot ang kanilang noo. Kaninong aso naman iyon? Ang buong akala nila Amanda ay baka sa kapitbahay lang iyon pero hindi tumitigil ang tahol na para bang nasa harap ng bahay nila."Teka nga, kaninong aso ba iyon?" tanong ni Sylvia at siya na mismo ang naunang tumayo para tingnan iyon sa labas.Nakasunod lamang si Amanda kay Sylvia at kyuryuso rin sa aso. Nang buksan ang pintuan ay bumungad ang pamilyar na asong si Shishi sa kanila na siyang ikinamangha ni Amanda. Ipinadala ni Theo ang aso?Hindi na sigurado si Amanda. Natagpuan na lang niya ang sariling marahang binuhat s
MATAPOS ANG TAGPONG iyon, tila ba mas lumaki lalo ang mundo nila Theo at Amanda. Hindi na sila gaanong nagkikita pa. Para bang mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi sila magkita pa.Sa isang event, si Amanda ang mismo ang naghost at nag organize. Okay na sana, eh. Malaya niyang nakakagalaw sa lugar nang walang inaalala. Inimbita pa niya si Mrs. Madriaga na tuwang tuwa na nakita siya sa event pero sa isang French restaurant, nagkrus bigla ang landas nila ni Theo."It's good to see you talaga here, hija!" ani Mrs. Madriaga na siyang nakatawag ulit sa pansin ni Amanda."Salamat po sa pagdalo," sagot ni Amanda at pinilit ngumiti nang malawak kahit parang nauwing kimi iyon.Nawala siya bigla sa sarili nang sandaling makita niya si Theo sa mismong loob ng restaurant. Pero hindi ito mag isa. May kasama itong babae. Hindi niya mawari kung bakit magkasama ang dalawa. Kung tungkol sa business ba o may iba pang dahilan.Pero base sa paraan ng pag uusap ng dalawa, mukhang hindi bus
"OKAY 'YANG plano mo kung gano'n. Mah pwede rin akong mairecommend sa iyong pwesto kung gusto mo. Pwede mong ioccupy 'yung first floor ng building. Maganda ang location doon kaya makakatulong iyon para sa sales mo," suhestyon pa ni Mrs. Madriaga kay Amanda tungkol pa rin sa business na naisip niyang itayo.Tumango si Amanda. "Salamat po. 'Wag po kayong mag alala. Ichechek ko po iyan," aniya. Pinilit niyang ngumiti kahit pa trinatraydor siya ng sariling isip at ibinabalik siya sa tagpo kanina. Pero kahit ganoon, pinilit pa rin niyang magmukhang hindi naaapektuhan sa harap ni Mrs. Madriaga dahil nakakahiya naman dito at mukhang invested siya sa business na naisip niya."Uhh... excuse lang po. Magbabathroom lang ako saglit," paalam ni Amanda makalipas ang ilang minuto.Kaagad namang tumango si Mrs. Madriaga. "Sige, sige! No problem," mabilis na sagot ng ginang kaya tumayo na agad si Amanda.Mabuti na lang dahil nang papunta siya sa banyo ay hindi na nagkrus ang landas ni Theo. Ginawa na
NAHALATA NI Mrs. Madriaga ang pag iiba ng mood ni Amanda nang makabalik ito. Gustuhin mang magtanong ng ginang kung bakit may nag iba kay Amanda, pinigilan na lang niya ang sarili dahil halata namang walang planong mag open up si Amanda. Napagdesisyonan na lang ni Mrs. Madriaga na idivert ang usapan at binigyan ng imbitasyon si Amanda."Oo nga pala, gusto kitang iinvite dito. Punta ka, ah? Makakatulong 'yan sa iyo lalo na at magtatayo ka ng business. Ipapakilala kita sa mga ibang tao doon para masimulan mo na ang mag build ng koneksyon sa kanila," ani Mrs. Madriaga.Kaagad tumango si Amanda. "Sige po. Salamat pala dito," sabi ni Amanda.Umiling si Mrs. Madriaga. "Wala iyon! Sige, aasahan kita diyan, ah?" paniniguradong tanong pa nito."Oo naman po."Napangiti na lang si Mrs. Madriaga. Nag usap pa sila ng mga ilang minuto. Hanggang sa nagkahiwalay na rin sila. Nang lumalim na ang gabi ay umuwi na rin si Amanda. Habang naglalakad papauwi ay hindi niya maiwasang mapaisip. Talaga namang
DAHIL GABI NA, nahirapan nang pumara ng taxi si Amanda. Kanina pa siya nakatayo sa gilid ng kalsada malapit sa clinic pero wala na talagang masyadong sasakyan. Napabuntong hininga na lang siya bago mapukaw ng paningin niya ang pamilyar na itim na kotseng biglang tumigil sa harapan niya.Hindi na niya kailangang pag isipan pa kung sino ang may ari no'n. Walang iba kundi si Theo. Hindi naman dapat papansinin ni Amanda si Theo pero bumaba si Theo mula sa kotse at talagang pinagbuksan si Amanda."Pumasok ka na. Hatid na kita," sabi ni Theo kay Amanda.Kaagad umiling si Amanda. "Hindi na kailangan. At tsaka hindi magandang tingnan lalo pa at kadidivorce lang natin."Kumunot ang noo ni Theo. "Masyado kang nag iisip ng kung anu ano. Hindi ko ito ginagawa para sa iyo, okay? Para kay Shishi... malamig na at lumalalim na ang gabi kaya mas makakabuting makauwi kayo agad," rason naman ni Theo. "At tsaka bakit ka ba nag aalala diyan? Kung iniisip mong may gagawin ako sa iyong hindi mo magugustuhan
NASA TRABAHO na si Theo. Busy siya sa pag asikaso ng mga ilang dokumento nang napatigil bigla dahil may pumasok sa isipan niya. Napatingin siya kay Secretary Belle."May suggestion ka bang restaurant kung saan magandang makipagdate?" tanong ni Theo at ibinaba ang fountain pain matapos niyang pirmahan ang isang dokumento.Bahagyang napaisip si Secretary Belle. "Depende po kasi, Sir, eh...""Anong ibig mong sabihin?""Depends po kung sino ang idedate niyo. Kung si Ma'am Amanda, maganda kung magdate kayo sa isang sikat at mamahaling Italian restaurant. Kung si Ma'am Carmella naman po, ang maisusuggest ko diyan ay dapat sa medyo tagong lugar po kayo," walang prenong sagot ni Secretary Belle. Huli na nang narealized niya ang sinabi kaya bahagya siyang napayuko nang nakita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Theo."Walang namamagitan sa amin ni Carmella," kalmado niyang wika pero halata naman na nawalan siya ng mood dahil sa litanya ni Secretary Belle. Napatayo na tuloy siya at mabilis
ALAM NAMAN ni Carmella na sa una palang talaga ay ginagamit na siya ni Theo. Na baka kasi pwede nga talaga sila...Ayaw maniwala ni Carmella na laro lang lahat kay Theo. At ang nakakatawang parte nito ay bumigay siya. Aware siya na si Theo mismo ang nagpakalat ng nga litrato na magkasama sila para maapektuhan si Amanda. Aware siya na parte lang siya ng plano nito.Pero ang tanga niya sa parteng talagang pinagbigyan niya ito...Hiyang hiya tuloy si Carmella habang lumuluha sa lalaking nasa harapan niya ngayon."Napaka gago mo!" hindi na mapigilan na sigaw ni Carmella bago tuluyang umalis.Nang wala na si Carmella ay bumalik na si Theo sa taas. Pero nasa baba na pala si Amanda at nasa hapag na para sa breakfast. Mabilis namang bumaba si Theo at halos mahigit niya ang hininga nang makita si Amanda.Ang ganda nito sa dress nito kahit wala man lang bakas ng make up sa mukha. Ang simpleng tingnan pero tumitingkad ang kagandahan. Mas lalo lang itong gumanda paningin ni Theo dahil nakita niya
NAPATALON SI Amanda sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad agad niyang ibinalik ang mga dokumento sa loob ng cabinet. Lumapit si Theo sa kaniya at yumakap sa likuran niya. Humalik pa ito sa kaniyang leeg pataas sa pisngi at gilid ng labi. "Anong tinitingnan mo kanina, hmm?" tanong ni Theo.Umiling si Amanda. "W-Wala naman. Magpahinga na tayo."Tumango lang si Theo pero hindi naman ito halos gumalaw at nanatiling nakayakap mula sa likuran ni Amanda. Pero kalaunan, marahang hinila ni Theo si Amanda papuntang kama. Naupo si Theo habang nakaupo si Amanda sa hita nito.Napahaplos si Theo sa tiyan ni Amanda na may bump na rin. "Lumalaki na ang tiyan mo..." anito sa halos pabulong na boses."Syempre naman. Lumalaki na rin ang baby," sagot din naman ni Amanda.Marahang hinila ni Theo muli si Amanda hanggang sa nakahiga na silang dalawa sa malambot na kama. Mabilis na binalot ni Theo si Amanda ng comforter para hindi ito malamigan. Nagkatingin sila sa mga mata."May naisip
NAGPUNTA SI Amanda sa parents niya muna. Nadatnan niya doon si Sylvia na aligaga dahil sa pinamiling mge fresh fruits at pati na rin mga gulay. Nagpresinta naman si Amanda na siya na ang maghugas ng mga iyon na agad rin namang sinaway ni Sylvia."Umupo ka nga ditong buntis ka! Hindi mo naman kailangang gawin iyan!" suway ni Sylvia kay Amanda.Napangiti na lang si Amanda. "Ano ka ba, Ma? 'Wag ka ngang OA diyan. Tatlong buwan pa lang itong baby ko. Kaya ko pang gumalaw galaw, 'no," sagot pa niya.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Kalaunan ay sumuko na rin siya kakasaway kay Amanda dahil hindi naman siya nito pinakikinggan. Nagbukas na lang siya ng pwede nilang mapag usapan."So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Sylvia.Kumunot ang noo ni Amanda. "Plano saan?""Nalaman kong nagbabalak kang magbukas din ng bagong business sa ibang lugar. Narinig Kong nag usap ni Loreign tungkol diyan," pag amin ni Sylvia.Natigilan si Amanda. Oo nga pala. Napagkwentuhan nila ni Loreign ang tung
LUMALALIM NA ang gabi nang makabalik sina Amanda at Theo pabalik sa mansion. Hindi na sila gaanong nag usap pa sa loob ng sasakyan.Nang akmang lalabas na si Amanda mula sa loob ng kotse ay mabilis na pinigilan ito ni Theo at hinawakan sa kamay. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan si Amanda. Pero malamig lang siyang binalingan ng babae."Amanda, sisiguraduhin ko sa iyong magiging mabuti ako ama..." sabi ni Theo.Tumango lang si Amanda at marahang ngumiti. Pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Unti unti lang nitong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kalaunan ay mabilis na lang umalis at pumasok sa loob ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Theo at kinailangang magpahangin para kalmahin ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin si Theo sa loob ng mansion. Naabutan niya ang mga kasambahay na aligaga sa paghahanda ng makakain nilang mag asawa. Mabuti na lang at ang mga inihanda nila ay healthy at makakabuti sa pagbubuntis ni Amanda.Naupo na sila sa u
ANG LOLA ni Theo ang isa sa mga nagtutulak sa kanila ni Amanda noon para magkabalikan. Suportado nito ang pagiging mag asawa nila. Kaya hindi maiwasang magulat ni Theo dahil ganito ang naririnig niya ngayon sa sariling lola."Oo, mahina ako at may sakit. Pero hindi pa naman ako gaanong bulag para hindi makita na hindi na talaga masaya si Amanda sa iyo. Kaya... pakawalan mo na lang siya dahil iyon naman ang makakabuti sa lahat," dagdag pa ng matanda.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya matanggap na ganito na ang desisyon ng lola niya. Kaagad siyang umiling. "Ayoko. Hindi. Hindi ko magagawa iyan..." sagot niya at kumuyom pa ang kamao.Hindi maiwasang pag initan ng sulok ng mga mata ang matanda. Napailing na lang siya. "Bakit ka ba nagkakaganito, apo? Wala namang ginawang mali sa iyo si Amanda. Itigil mo na ito at baka pagsisihan mo lang ito sa huli..." sabi pa nito.Hindi nakinig si Theo. O ayaw niya lang talagang makinig sa sinasabi nito. Naging matigas lang ang ekspresyon nito.Kal
NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin. "Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya."A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
"'WAG MONG pakialaman iyan at lumabas ka muna," malamig na saad ni Theo.Mas lalong naguluhan si Amanda. Bakit sobrang importante nito kay Theo? Pero sa kaniya naman ito! Pero napaatras lang siya ng bahagya dahil sa lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya ni Theo. Paanong hindi, eh mahalaga ito sa kaniya. Ito lang naman ang tugtog na siyang nakapagpagising sa kaniya noon. Ayaw niyang may nakikialam dito. Kaya kahit ayaw man ni Theo, hindi niya maiwasang maging malamig kay Amanda."P-Pero--""Sumunod ka na lang, Amanda," putol pa ni Theo sa sinasabi ni Amanda.Dahil sa pag atras ni Amanda, nagalaw niya ang ilalim ng speaker at nahulog ang isang litrato. Hindi na niya napigilan pang napatingin doon at halos mapasinghap na lang siya nang nakita kung sino ang nasa litratong iyon.Walang iba kundi si Sofia habang tumutugtog ng violin...Sa background nito ay kulay puti at hindi naman kailangang mag isip ni Amanda ng malalim para malaman kung saan ito nakuhanan. Sa ospital iyon... ang kwarto
PAGKAGISING NG UMAGA ni Amanda, wala na si Theo sa tabi niya. Pagod siya kagabi kaya medyo nalate ang bangon niya ngayon. Nag ayos muna si Amanda ng sarili at ang pinaghigaan nilang mag asawa bago tuluyang bumaba at hanapin si Theo. Nadatnan niya si Theo sa dining na nagkakape. Naisipan niyang ito na ang tamang oras para sabihin kay Theo ang pagbubuntis niya. Nasabi naman na niya kagabi ang kaso masyado itong nahulog sa pagnanasa nito kaya baka hindi rin nito naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, medyo nakaramdam ng pagkapositibo si Amanda dahil alam niya kung gaano kagusto na ni Theo na magkaanak sila. Gustong malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nito. Nagtama ang mga paningin nila nang sa wakas ay nakalapit na si Amanda. Tumikhim si Amanda. "U-Uhm... may gusto sana akong sabihin, Theo. Importante lang," panimula niya. Tumango si Theo. "Ako rin, may sasabihin. Pupunta akong abroad at medyo magtatagal ako doon," deretsong sabi nito na siyang nakapagpatigil kay Amanda.