NAHALATA NI Mrs. Madriaga ang pag iiba ng mood ni Amanda nang makabalik ito. Gustuhin mang magtanong ng ginang kung bakit may nag iba kay Amanda, pinigilan na lang niya ang sarili dahil halata namang walang planong mag open up si Amanda. Napagdesisyonan na lang ni Mrs. Madriaga na idivert ang usapan at binigyan ng imbitasyon si Amanda."Oo nga pala, gusto kitang iinvite dito. Punta ka, ah? Makakatulong 'yan sa iyo lalo na at magtatayo ka ng business. Ipapakilala kita sa mga ibang tao doon para masimulan mo na ang mag build ng koneksyon sa kanila," ani Mrs. Madriaga.Kaagad tumango si Amanda. "Sige po. Salamat pala dito," sabi ni Amanda.Umiling si Mrs. Madriaga. "Wala iyon! Sige, aasahan kita diyan, ah?" paniniguradong tanong pa nito."Oo naman po."Napangiti na lang si Mrs. Madriaga. Nag usap pa sila ng mga ilang minuto. Hanggang sa nagkahiwalay na rin sila. Nang lumalim na ang gabi ay umuwi na rin si Amanda. Habang naglalakad papauwi ay hindi niya maiwasang mapaisip. Talaga namang
DAHIL GABI NA, nahirapan nang pumara ng taxi si Amanda. Kanina pa siya nakatayo sa gilid ng kalsada malapit sa clinic pero wala na talagang masyadong sasakyan. Napabuntong hininga na lang siya bago mapukaw ng paningin niya ang pamilyar na itim na kotseng biglang tumigil sa harapan niya.Hindi na niya kailangang pag isipan pa kung sino ang may ari no'n. Walang iba kundi si Theo. Hindi naman dapat papansinin ni Amanda si Theo pero bumaba si Theo mula sa kotse at talagang pinagbuksan si Amanda."Pumasok ka na. Hatid na kita," sabi ni Theo kay Amanda.Kaagad umiling si Amanda. "Hindi na kailangan. At tsaka hindi magandang tingnan lalo pa at kadidivorce lang natin."Kumunot ang noo ni Theo. "Masyado kang nag iisip ng kung anu ano. Hindi ko ito ginagawa para sa iyo, okay? Para kay Shishi... malamig na at lumalalim na ang gabi kaya mas makakabuting makauwi kayo agad," rason naman ni Theo. "At tsaka bakit ka ba nag aalala diyan? Kung iniisip mong may gagawin ako sa iyong hindi mo magugustuhan
PUNO NG emosyon ang mga binitawang salita ni Theo. Hindi nga niya alam kung paano niya nasabi ang mga iyon. Basta ang alam lang niya, natural iyong lumabas sa mga labi niya. Sinunod niya lamang kung ano ang isinisigaw ng puso at at damdamin niya.Kung ibang babae lang, baka nahulog na ang loob nila kay Theo. Baka nabola na sila sa mga matatamis nitong salita. Pero iba si Amanda. Hindi niya mahanap sa loob niya pagiging sinsero ni Theo. Hindi niya magawang maniwala dito. Isang peke at hindi umabot sa mga matang ngiti ang isinukli ni Amanda at bahagya pa siyang napailing."Ngayon mo talaga naisipang gawin iyan para sa akin kung kailan huli na ang lahat? Kasi, Theo... wala na. Ayaw ko na iyang bagay na willing mong ibigay sa akin. Tama na. Maling mali na ito. Actually, simula pa lang, mali na," mapaklang sabi pa ni Amanda. Hindi alam kung paano rin nasabi ni Amanda ang mga katagang iyon. Basta ang alam niya, pagkauwi niya ay may kalakip na sakit sa puso niya habang bahagyang nanunubig
"I-I'M SORRY, Amanda. Kasalanan ko kung bakit... hindi mo nakuha 'yung pwesto ng magiging shop mo," ani Loreign pagkalabas nila doon. Kumunot agad ang noo ni Amanda. May pag aalala sa ekspresyon sa mukha ni Loreign ngayon at bakas na bakas sa kaniya ang paninisi nito sa sarili na hindi maintindihan ni Amanda. "Ano ka ba? Wala kang kasalanan! Kung may kasalanan dito, iyon ay ang manyakis na taong iyon! Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo, okay?" ani Amanda na may maliit na ngiti sa labi. Tumango nang bahagya si Loreign bago napabuntong hininga. "Pero kasi... hindi naman aabot sa ganitong sitwasyon kung... hindi dahil sa mga nangyari sa buhay ko. Hindi naman talaga nakatago sa publiko lahat ng nangyari sa amin ni... Gerald. Kaya hindi mo rin masisisi ang mga tao kung bakit madami pa ring nakikisawsaw." Napabuntong hininga si Amanda. Hindi niya inaakala na ganito magsalita si Loreign ngayon. Malaki talaga ang naging epekto ng mga nangyari sa kanila ni Gerald at ang pagpili nito s
PUMAYAG SI Loreign sa naging plano ni Amanda. Naisipan nilang itrap si Eric Acosta para mahuli ito sa akto ng asawa nito.Pumayag makipagkita si Loreign kay Eric sa isang hotel. Nagkachat sila at mabilis pa sa alas kwartong sumagot agad si Eric at nahulog sa trap nila Amanda.Nang nasa hotel room na sina Loreign at Eric, para bang hayok na hayok si Eric at mabilis na hinubaran si Loreign. Mabilis ang kilos nito na tila ba mauubusan. Wala na itong pakialam pa kahit na nalulukot ang damit ni Loreign dahil huhubarin naman din niya lahat iyon.Bahagyang kinabahan si Loreign pero nandoon na siya, eh. Wala nang atrasan pa. Tiwala siyang magiging maayos ang plano nila ni Amanda dahil may tiwala siya sa kaibigan."T-Teka lang, pwede bang mag usap muna tayo sandali?" tanong ni Loreign at bahagyang itinulak si Eric nang akmang hahalikan na siya nito.Kumunot ang noo ni Eric. Halatang inis na inis na dahil sa pagpigil sa kaniya ni Loreign. "Pag usapan na lang natin 'yan pagkatapos ng gagawin ko
TAHIMIK LANG na pinagmamasdan ni Theo sina Amanda at Loreign na papalayo na sa kaniyang paningin. Hindi niya pa ring mapigilang isipin kung bakit gano'n na lang ang desisyon ni Amanda. Nasa loob na siya ng kotse niya habang nasa harap ang driver niya. Wala siya sa mood magdrive ngayon kaya nagdala siya ng driver. Hindi naman siya nakikita sa loob dahil heavily tinted din ang sasakyan."Sir, babalik na po ba tayo sa mansion?" tanong ng driver na nakapagbalik sa kaniya sa sarili. Ni hindi man lang niya namalayan na nawala na sa paningin niya sina Amanda at Loreign. Masyado siyang nahulog sa sariling iniisip.Akmang sasagot na si Theo nang biglang magring ang cellphone niya sa bulsa. Kumunot lang ang noo niya nang makitang ang ina niya ang tumatawag."Bakit ka napatawag, Mom?" tanong agad ni Theo. Kilala naman kasi niya ang ina. Hindi siya tatawagan nito nang walang dahilan. Hindi siya tatawag para mangamusta lang o ano at alam na niya agad na baka may hindi na naman ito nagustuhan na p
"NAKAGAWA AKO ng mga bagay na sobrang ikagagalit niya sa akin. At hindi ko alam kung sa kabila ng lahat ng mga nagawa ko, babalik pa siya sa akin, La..." tila batang nagsumbong si Theo at napayuko na lang. Wala siyang lakas ng loob salubungin ang tingin ng lola niya dahil nahihiya rin siya sa mga nagawa kay Amanda.Bakas na bakas ang pagtatakha sa ekspresyon ng lola ni Theo. Hindi niya alam ang sinasabi ng sariling apo at napailing pa. "Ano bang nagawa mo, apo?" natanong na lang din niya.Napalunok si Theo. Hindi niya kayang sabihin ang lahat. Wala siyang lakas ng loob na aminin ang lahat ng mga nagawa niya kay Amanda. Kung paanong kumuha siya ng tulong ng isang propesyonal na doktor ng walang consent ni Theo. Ang nagawa niya sa babae noong nasa study sila. Ang panahon na mas pinili niyang iniligtas si Sofia kaysa siya kaya napuruhan ang kamay nitong ginagamit sa pagtugtog.Sobrang laki ng kasalanan niya kay Amanda. Hindi niya man lang kayang ibuka ang labi para sabihin ang lahat ng i
ABOT LANGIT ANG tahip ng dibdib ni Theo. May tuwa sa loob niya pagkabasa niya pa lang sa pangalan ni Amanda sa screen ng phone niya. Mabilis pa sa alas kwatrong sinagot niya kaagad iyon. Hindi na niya pinaghintay pa masyado si Amanda. "Hello, Amanda? Napatawag ka? May problema ba, hmm?" malumanay at malambing na tanong niya sa babae. Hindi na niya namalayan pang may sumusupil na ngiti sa labi niya. Napabuntong hininga si Amanda bago sumagot. "Nandito ngayon ang lola mo. Pwede mo ba siyang sunduin?" tanong nito. Hindi kaagad nakasagot si Theo. Akala pa niya naman iba ang dahilan ng pagtawag nito. Akala niya hihingi ito ng tulong about sa business nito at may mas malalim pang dahilan. Bahagya siyang umasa doon pero ano pa nga ba ang magagawa niya? "Oo, pupuntahan kita diyan mayamaya lang. Pakialagaan muna siya para sa akin at isend mo na rin ang location niyo ngayon," sagot ni Theo, malumanay pa rin ang boses. Kahit bahagya siyang nanghinayang dahil sa rason ng pagtawag nito sa kaniy
NAGPUNTA SI Amanda sa parents niya muna. Nadatnan niya doon si Sylvia na aligaga dahil sa pinamiling mge fresh fruits at pati na rin mga gulay. Nagpresinta naman si Amanda na siya na ang maghugas ng mga iyon na agad rin namang sinaway ni Sylvia."Umupo ka nga ditong buntis ka! Hindi mo naman kailangang gawin iyan!" suway ni Sylvia kay Amanda.Napangiti na lang si Amanda. "Ano ka ba, Ma? 'Wag ka ngang OA diyan. Tatlong buwan pa lang itong baby ko. Kaya ko pang gumalaw galaw, 'no," sagot pa niya.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Kalaunan ay sumuko na rin siya kakasaway kay Amanda dahil hindi naman siya nito pinakikinggan. Nagbukas na lang siya ng pwede nilang mapag usapan."So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Sylvia.Kumunot ang noo ni Amanda. "Plano saan?""Nalaman kong nagbabalak kang magbukas din ng bagong business sa ibang lugar. Narinig Kong nag usap ni Loreign tungkol diyan," pag amin ni Sylvia.Natigilan si Amanda. Oo nga pala. Napagkwentuhan nila ni Loreign ang tung
LUMALALIM NA ang gabi nang makabalik sina Amanda at Theo pabalik sa mansion. Hindi na sila gaanong nag usap pa sa loob ng sasakyan.Nang akmang lalabas na si Amanda mula sa loob ng kotse ay mabilis na pinigilan ito ni Theo at hinawakan sa kamay. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan si Amanda. Pero malamig lang siyang binalingan ng babae."Amanda, sisiguraduhin ko sa iyong magiging mabuti ako ama..." sabi ni Theo.Tumango lang si Amanda at marahang ngumiti. Pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Unti unti lang nitong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kalaunan ay mabilis na lang umalis at pumasok sa loob ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Theo at kinailangang magpahangin para kalmahin ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin si Theo sa loob ng mansion. Naabutan niya ang mga kasambahay na aligaga sa paghahanda ng makakain nilang mag asawa. Mabuti na lang at ang mga inihanda nila ay healthy at makakabuti sa pagbubuntis ni Amanda.Naupo na sila sa u
ANG LOLA ni Theo ang isa sa mga nagtutulak sa kanila ni Amanda noon para magkabalikan. Suportado nito ang pagiging mag asawa nila. Kaya hindi maiwasang magulat ni Theo dahil ganito ang naririnig niya ngayon sa sariling lola."Oo, mahina ako at may sakit. Pero hindi pa naman ako gaanong bulag para hindi makita na hindi na talaga masaya si Amanda sa iyo. Kaya... pakawalan mo na lang siya dahil iyon naman ang makakabuti sa lahat," dagdag pa ng matanda.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya matanggap na ganito na ang desisyon ng lola niya. Kaagad siyang umiling. "Ayoko. Hindi. Hindi ko magagawa iyan..." sagot niya at kumuyom pa ang kamao.Hindi maiwasang pag initan ng sulok ng mga mata ang matanda. Napailing na lang siya. "Bakit ka ba nagkakaganito, apo? Wala namang ginawang mali sa iyo si Amanda. Itigil mo na ito at baka pagsisihan mo lang ito sa huli..." sabi pa nito.Hindi nakinig si Theo. O ayaw niya lang talagang makinig sa sinasabi nito. Naging matigas lang ang ekspresyon nito.Kal
NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin. "Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya."A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
"'WAG MONG pakialaman iyan at lumabas ka muna," malamig na saad ni Theo.Mas lalong naguluhan si Amanda. Bakit sobrang importante nito kay Theo? Pero sa kaniya naman ito! Pero napaatras lang siya ng bahagya dahil sa lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya ni Theo. Paanong hindi, eh mahalaga ito sa kaniya. Ito lang naman ang tugtog na siyang nakapagpagising sa kaniya noon. Ayaw niyang may nakikialam dito. Kaya kahit ayaw man ni Theo, hindi niya maiwasang maging malamig kay Amanda."P-Pero--""Sumunod ka na lang, Amanda," putol pa ni Theo sa sinasabi ni Amanda.Dahil sa pag atras ni Amanda, nagalaw niya ang ilalim ng speaker at nahulog ang isang litrato. Hindi na niya napigilan pang napatingin doon at halos mapasinghap na lang siya nang nakita kung sino ang nasa litratong iyon.Walang iba kundi si Sofia habang tumutugtog ng violin...Sa background nito ay kulay puti at hindi naman kailangang mag isip ni Amanda ng malalim para malaman kung saan ito nakuhanan. Sa ospital iyon... ang kwarto
PAGKAGISING NG UMAGA ni Amanda, wala na si Theo sa tabi niya. Pagod siya kagabi kaya medyo nalate ang bangon niya ngayon. Nag ayos muna si Amanda ng sarili at ang pinaghigaan nilang mag asawa bago tuluyang bumaba at hanapin si Theo.Nadatnan niya si Theo sa dining na nagkakape. Naisipan niyang ito na ang tamang oras para sabihin kay Theo ang pagbubuntis niya. Nasabi naman na niya kagabi ang kaso masyado itong nahulog sa pagnanasa nito kaya baka hindi rin nito naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, medyo nakaramdam ng pagkapositibo si Amanda dahil alam niya kung gaano kagusto na ni Theo na magkaanak sila. Gustong malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nito.Nagtama ang mga paningin nila nang sa wakas ay nakalapit na si Amanda. Tumikhim si Amanda. "U-Uhm... may gusto sana akong sabihin, Theo. Importante lang," panimula niya.Tumango si Theo. "Ako rin, may sasabihin. Pupunta akong abroad at medyo magtatagal ako doon," deretsong sabi nito na siyang nakapagpatigil kay Amanda.Pa
NAPAISIP SI Amanda. Minsan gumagamit si Theo ng proteksyon sa tuwing nagsisiping sila pero minsan ay hindi ito gumagamit. Kaya hindi na rin kataka takha kung bakit nabuntis si Amanda.Lumalim ang gabi at balisa si Amanda. Yakap niya ang sarili habang nasa may bintana. Nakatanaw lang siya sa labas. May kaunti siyang takot na nararamdaman dahil sa kondisyon niya ngayon. Isa siyang first time mom kaya marami siyang inaalala. Makakaya ba niya? Magiging mabuti ba siyang ina sa magiging anak niya?Napabuntong hininga na lang si Amanda. Hindi pa rin bumabalik si Theo. Kailangan niyang makausap ang lalaki ngayon para masabi ang kondisyon niya. Kahit naman hindi maganda ang relasyon nilang mag asawa ay labas pa rin naman ang anak nila sa hindi nila pagkakaunawaan. Ang dapat na gawin nila ngayon ay maging mabuting magulang sa magiging anak nila.Makaraan ang ilang minuto, hindi na nakatiis pa si Amanda. Kinuha niya ang phone at idinial ang numero ni Theo. Mabuti na lang at sumagot naman ito aga
NATAHIMIK NAMAN si Mrs. Madriaga dahil doon. May punto naman kasi si Amanda sa sinabi niya kaya medyo naging awkward ang pagitan nila. Pero kalaunan ay nakabawi na si Mrs. Madriaga at nagpatuloy sa sinasabi."Pwede kong sabihan ang parents ni Carmella sa behavior ng anak nila. Pero tungkol kay Theo, hindi ko na alam. Halata namang may nararamdaman pa siya sa iyo pero bakit nag eentertain pa siya ibang babae?" naiiling na wika ni Mrs. Madriaga.Bahagyang nailing na lang si Amanda at natawa. May nararamdaman sa kaniya si Theo? Parang ang laking joke naman no'n. Pero mas pinili na lang niyang manahimik at pakinggan ang mga rant ni Mrs. Madriaga."Mga lalaki nga naman! Kung hindi nila makuha ang init na gusto nila sa bahay, sa iba nila kinuha. Maaaring nasaktan siya sa naging kinahinatnan ng marriage niyo noon, pero hindi naman sapat na gawin niya iyong rason para gumawa ng ganitong eksena!" himutok ng ginang.Umiling si Amanda. "Hayaan niyo na lang po," kalmado niyang wika."Hindi ko ala
SUMAPIT NA ANG gabi ng linggo kung kailan gaganapin ang intimate party na sinabi ni Theo kay Amanda. Talagang pinaghandaan nila lahat lalo na si Amanda dahil ayaw naman niyang mapahiya.Madaming mga dumalo na mga board members at mga iba pang matataas na personalidad sa business na kakilala ni Theo. Pero nag imbita din naman si Amanda ng kakilala kagaya na lamang ni Mrs. Madriaga na dala rin si Jude, ang halos kaedaran na kaibigan ng ginang. Nakilala na noon ito ni Amanda sa isang event at hindi naman niya inexpect na makikita niya ulit ang lalaki ngayon.Nagkausap sila saglit at napangiti na lang si Jude habang hawak ang champagne nito. Gandang ganda si Jude kay Amanda pero nanghihinayang nga lang siya dahil hindi na niya ito pwedeng pormahan pa."Hindi ko inaasahan na magkikita ulit tayo dito. Pero alam mo, mas hindi ko inaasahan na ikakasal ka ulit tapos sa iisa lalaki rin," ani Jude at napakamot sa likod ng ulo. "Sayang dahil wala na akong pag asa."Napailing na lang si Amanda. "H