"TALAGA? PWEDE tayong magcecelebrate!" suggest naman agad ni Amanda.Kaagad umiling si Ana. "Ayos lang! Ang dapat mong gawin ngayon ay pasalamatan si Theo. Dahil hindi naman lahat magiging posible ito kung walang tulong niya!" ani Ana.Doon nabura bigla ang mga ngiti ni Amanda at hindi na alam bigla kung ano ang isasagot kay Ana.Yumakap bigla si Ana kay Amanda at wala na ngang nagawa si Amanda kundi ang yumakap na rin kay Ana na tuwang tuwa pa rin."Mukhang ang ganda ng takbo ng relasyon niyo ngayong mag asawa, ah. Mukhang panahon na rin talaga na... alam mo na, kalimutan mo na rin ang mga nangyari sa nakaraan pa,” makahulugan pang saad ni Ana.Ngumiti lang si Amanda bago tumango kahit pa sa loob loob niya ay labag iyon. “Alam ko…” aniya kay Ana.BUMABA SI Amanda at pinuntahan ang driver niyang naghihintay sa kaniya. Kaagad namang umayos ng tayo ang driver nang nakita si Amanda.“Ma'am, Amanda! Babalik na po ba tayo sa mansion?” tanong nito agad kay Amanda.Imbes na sumagot ay kaagad
NAKAKAINIS LANG para kay Amanda dahil sa tuwing nagkakaroon siya ng lakas ng loob para sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Theo, napapangunahan siya ng emosyon. Naiiyak na naman siya kahit ayaw niya.Nakakagalit lang dahil hindi na sila matapos tapos ni Theo sa mga issue nila sa isa't isa. Sa tuwing gugustuhin ni Amanda na bumalik sa kaniya, gagawa naman ito ng mga bagay na ikagagalit niya. Kinonsidera niya noon ang pagkakaanak nila ni Theo. Pero ngayon, mukhang wala na ngang talagang pag asa. Hindi na maaayos pa ang gusto sa pagitan nila.Kalmado lang si Theo habang tahimik na humihikbi si Amanda. Mayamaya pa ay naglakad ang lalaki papalapit kay Amanda at pinulot ang papel na hawak lang kanina ni Amanda. Bigla na lang niya itong shrined na ikinagulat nang bahagya ni Amanda. Pero nagulat siya nang balingan siya ni Theo."Hindi ako marunong magmahal? Bakit? Sino ang sa tingin mong marunong kung gano'n? Si Harold?" tanong nito na ikinamaang nang bahagya ni Amanda.Naguluhan s
WALANG PLANONG gumalaw si Amanda sa kaniyang pwesto. Nanghihina na siya. Nawalan na siya nang lakas na umabot na ng hapon at nandoon pa rin siya. Ang nakakita sa kaniya ay ang isa sa mga kasambahay."Ma'am Amanda?" tawag pansin ng kasambahay kay Amanda pero ni hindi man lang siya umimik. "Ayos lang po ba kayo?"Natuyo na ang luha niya at pakiramdam niya ay nabugbog ang katawan niya dahil wala siya sa kondisyong gumalaw. Hanggang sa naramdaman na lang ni Amanda ang paghaplos ng kasambahay sa noo niya at hindi man lang siya gumalaw."Hala, diyos ko po! Nilalagnat po kayo! Tatawagin ko lang po ang asawa niyo!" sabi ng kasambahay at mabilis na nagdial sa cellphone para matawagan si Theo.Pero wala naman siyang napala. Ring lang nang ring ang cellphone at ni wala man lang sumasagot. Nang mga oras na iyon, kaya hindi makasagot si Theo sa tawag ay dahil nasa isa siyang importanteng meeting na kailangan ang buong atensyon niya. Involved doon ang isang malaking project kaya hindi siya pwedeng
NAS KALAGITNAAN ng importanteng meeting si Theo nang napansin niyang tila aligaga si Secretary Belle. Nairita naman siya bigla at hindi makapag focus. Sinenyasan niya ang babaeng lumapit sa kaniya na kaagad naman nitong ginawa."Anong meron?" takhang tanong ni Theo, hindi na maitago ang iritasyon sa tono habang kunot ang noo.Bahagyang nagdalawang isip pa si Secretary Belle kung sasabihin o hindi pero sa huli, nagsabi rin ito nang pabulong. "Sir, may problema po kasi, eh...""Ano?""Nagkaroon ng mataas na lagnat si Ma'am Amanda at naitakbo sa ospital. Nakitaan daw siya ng ilang pasa din sa katawan. Pero hindi lang po iyon ang problema, Sir." Napatigil nang bahagya si Secretary Belle. "Baka ngayon ay nalaman na ng asawa niyo na si Sofia ang naka admit sa special ward."Umigting ang panga ni Theo. Wala sa sariling napatayo sa kaniyang pwesto at sinulyapan ang mga kameeting niya na nagulat din sa inakto niya. "May problema ba, Mr. Torregoza?" tanong ng isa.Sa halip na sagutin ni Theo,
HINDI AGAD nakapagsalita si Theo. Kinuhang tsansa iyon ni Amanda para magpatuloy upang mailabas ang kaniyang nararamdaman."Oo, nakinabang ako sa pera at kapangyarihan mo. Oo, marami kang naibigay na sa akin... pero kung tutuusin, quits lang naman tayo, ah? Pahiyang pahiya ang pagkatao ko sa iyo at marami kang ginawang pagpapasakit sa buhay ko! Sapat na bang kabayaran iyon?"Kumunot lalo ang noo ni Theo. "Ano na naman ba 'to, Amanda? Saan patungo itong mga pinagsasabi mo ngayon?" tanong pa nito at hindi na rin maipinta ang mukha.Kahit masakit pa ang katawan ni Amanda at mataas pa rin ang lagnat, pinilit niya ang sariling hubadin ang singsing niya, ang hikaw, kwintas at inilagay sa bedside table. Ang ilang mga alahas na paborito niyang gamitin mula pa noon... tinanggal na niya lahat. Bakas ang kalituhan sa mukha ni Theo dahil sa ginawa niya."'Yan lang ang ilan sa mga gamit na galing sa pera mo. 'Wag kang mag alala, lahat ng mga damit ko at kasuotan na nanggaling sa pera mo, ibabalik
"SIR, NAGHIHINTAY pa rin po ang mga executives para sa continuation ng meeting."Napatingin si Theo sa nagsalita. Si Secretary Belle iyon at may pag aalala na ekspresyon sa mukha. Napabuntong hininga si Theo. Nawalan na siya ng gana na humarap sa lahat."I-dismiss mo na sila. Sabihin mong itutuloy na lang sa isang araw," seryosong saad ni Theo.At doon palang, napansin na ni Secretary Belle na wala na talaga sa mood si Theo. Hindi na lang siya nagtanong pa masyado tungkol sa desiyon nito.Umuwi si Theo sa mansion. Habang nagdadrive ay hindi niya maiwasan ang lahat ng mga nangyayari sa pagitan nila ni Amanda. Pumasok siya sa mansion at nang nagtungo sa kaniyang study. At doon, nakita niya ang ilang bakas ng nangyari sa kanila ni Amanda. Ang pang aangkin niya dito ng walang pag iingat. Marahas at walang awa. Kumuyom ang kamao niya nang maalala kung gaano siya gumalaw sa paraang gusto niya. At hinayaan lang siya ni Amanda. Hindi nanlaban pero bakas na bakas sa mukha nito na nasasaktan s
MARAHAS ANG pag iling ni Loreign habang umiiyak dahil sa sinapit ni Amanda. Sobra siyang nasaktan para sa kaibigan. Hirap na hirap si Amanda samantala ni wala man lang ginawa si Theo para mapabuti ang kaibigan niya at mas pinili pa si Sofia! Si Sofia na alagang alaga ng mga propesyonal at nabigyan ng sapat na atensyon. Pero ang kaibigan niya, ni wala man lang tumingin ni isang doktor! Malawak at malaki ang koneksyon ni Theo pero hindi man lang ito gumawa ng paraan! Galit na galit si Loreign na hindi na niya namalayan pa ang pagkalaglag ng hearing aid niya. Medyo kumalma lang siya nang maramdaman ang pagyakap sa kaniya ni Amanda mula sa likuran."Ayos lang ako, Loreign. Tama na..." pabulong na wika ni Amanda sa kaniya.Kahit kumalma na si Loreign ay masama pa rin ang ipinukol na tingin kay Theo. Pinulot naman agad ni Amanda ang nahulog na hearing aid ni Loreign at ibinigay agad iyon sa kaniya. Isang ngiting basag ang isinukli niya sa kaibigan na para bang nagsasabing okay lang siya b
$$DETERMINADO SI Amanda na makalayo kay Theo pagkadischarge niya sa ospital. Baka maabutan siya ni Theo kaya mabilis ang paglalakad niya. Pero napatigil siya nang nakasalubong niya ang babaeng dahilan ng lahat ng paghihirap niya ngayon sa labas ng ospital. Si Sofia...Nakawheelchair si Sofia at halatang siya ang sadya niya. Pinaandar nito ang wheelchair para mas mapalapit kay Amanda. Kahit sa simpleng paggalaw nito ay mahahalata mo na agad na nanghihina na ito.Akmang tatanungin na ni Amanda kung anong kailangan ni Sofia sa kaniya pero bigla na lang itong umiyak at hinawakan ang kamay niya nang mahigpit."Amanda, mali ang pagkakaintindi mo sa lahat ng nangyari. Tungkol kay Theo--"Kaagad umiling si Amanda at pinigilan ito sa dapat na sasabihin. "Tama na. Buo na ang desisyon ko kaya 'wag ka nang magpaliwanag pa," putol niya dito."P-Pero ang totoo lang naman kasi ay convern lang siya sa kalagayan ko. Wala nang mas higit pa doon. Confused lang siguro si Theo."Mapaklang ngumiti si Aman
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga
[TW: su*cide]UMAKTO SI Theo na para bang hindi siya apektado sa sinabi ni Amanda. Tumikhim siya at tumabi dito bago dumiretso kay Baby Alex. Hinaplos niya ang ulo nito ng marahan."Okay lang din naman kahit sa feeding bottle. Marami rin namang mga nutrients na makukuha ang baby natin," ani Theo at ngumiti ng bahagya.Ilang minuto ang lumipas, tumayo na si Theo at dumiretso sa banyo para maligo. Habang umaagos ang malamig na tubig mula ulo niya pababa sa katawan, hindi mapigilan ni Theo ang mag isip... lalo na sa divorce na iniinsist ni Amanda.Paano nga kung pumayag na siya sa gusto ni Amanda? Paano kung iyon nga ang makakabuti sa lahat? Paano kung iyon lang ang natatanging paraan para malagay sa ayos ang gusot nila sa isa't isa?Hanggang sa humiga na si Theo sa kama nila ni Amanda ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan niya. Maging siya ay hindi makapaniwala na para bang kinokonsidera na niya bigla ang pakikipagdivorce kay Amanda. At sa hindi malamang dahilan, sumingit pa talaga sa i
HINDI MAIWASANG manginig ni Amanda sa nakitang picture. Napangiti na lang siya ng mapakla nang may mapagtanto. Ang suot ni Jennie sa picture ay kagaya ng nasuot niyang dress noon mula sa isang sikat na fashion designer. Pinagkagastusan talaga. Pinagbuhusan talaga ng effort.Sa picture, iba rin kung makatingin si Theo kay Jennie. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang namumungay. Parang punong puno ng emosyon. Hindi na alam ni Amanda kung dinadaya lang ba siya ng sariling emosyon pero iyon ang nakikita niya kay Theo ngayon.May kung anong napagtanto bigla si Amanda. Bakit ganito na lang kalakas ang loob ni Jennie papalapit kay Theo? Baka naman kasi binigyan rin siya ng motibo ni Theo. Kasi parang ang labo naman na ganito na lang tumingin si Jennie kay Theo kung hindi rin pinaunlakan ni Theo.Iclinose ni Amanda kalaunan ang cellphone at napabuntong hininga. Ang mapaklang ngiti sa labi ay hindi nabura kahit na nakita si Secretary Belle na halatang kanina pa nakatingin sa kaniya na
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni
PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas."Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na
NAGDALAWANG ISIP SI Theo. Ang totoo niyan ay ayaw niyang papasukin si Jennie. Pero nang makita niya ang ekspresyon nito sa mukha, bahagya siyang nakaramdam ng awa. Malamig na ang gabi at hindi pa naman siya gano'n kawalang puso para hayaan ang isang babaeng kagaya niyang hayaan na lang maglakad mag isa sa labas.Napabuntong hininga si Theo. "Pumasok ka na," labag sa loob na sabi niya kay Jennie.Napasinghap si Jennie pero bumalatay sa mukha nito ang tuwa. "M-Maraming salamat!" nagagalak niyang sabi kay Theo.Napaisip pa si Jennie kung saan siya uupo. Kung sa front seat ba o sa back seat katabi ni Theo. Pero mas pinili niya ang pangalawa. Okay lang naman siguro ito. Makikiupo lang siya. At nakikita niya kasing si Secretary Belle ang usually na umuupo sa harap katabi ng driver kapag lumalabas ito kasama si Theo. Kaya parang feeling ni Jennie ay wala siyang karapatan na umupo sa usual na pwesto nito.Binalingan lang siya ni Theo ng seryosong tingin pero hindi naman ito nagkumento. Bahagy