Habang abala si Sara sa pag-aayos ng mga seafood orders, naramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Hindi pa man siya lumilingon, parang alam na niya kung sino iyon."Mukhang seryoso ka sa trabaho mo, Miss Sara," malamig ngunit may halong asar na boses ang narinig niya.Napairap siya bago pa man tuluyang humarap. "Bakit ka nandito?" tanong niya kay Adrian, na nakatayo sa tabi ng delivery van, nakapamulsa at nakangiti nang nakakaloko."Syempre, para i-check kung fresh ba talaga ang seafood supply namin," sagot ni Adrian, tumingin sa mga styro box ng isda at hipon. "Ayoko ng bulok."Napamuwestra si Sara sa mga isdang kakahuli lang ni Papa Romero. "Anong bulok? Tingnan mo nga ‘yan! Buhay pa ‘yung iba!"Lumapit si Adrian, yumuko at sinadyang sagiin ang braso niya. "Hmm, pwede na. Pero pwede rin bang may special delivery?""Ano namang special delivery?!" Nagtaas siya ng kilay.Umismid si Adrian at nagkunwaring nag-iisip. "Hmm… siguro ‘yung dealer mismo ang maghatid sa resort. Para sigurado
Maaliwalas ang umagang iyon. Habang nagga-gardening si Ana sa likod ng kanilang bahay, masayang inaayos niya ang mga bagong tanim na bulaklak. Ang sariwang hangin ay nagbibigay sa kanya ng panandaliang katahimikan, ngunit may bumabagabag sa kanyang damdamin—isang pakiramdam na parang may nagmamasid sa kanya mula sa di kalayuan.Mula sa hindi kalayuan, isang pares ng matatalas na mata ang nakatuon sa kanya. Sa likod ng isang puno, dalawang lalaking nakaitim ang tahimik na nag-uusap habang pinagmamasdan siya. Isa sa kanila ang dahan-dahang naglabas ng baril mula sa kanyang jacket, ngunit bago pa man niya ito maitulak sa kanyang baywang, isang malalim na boses ang nagbabala sa kanila."Anong ginagawa niyo dito?"Isang lalaking naka-suot ng militar na uniporme ang lumitaw mula sa gilid, nakataas ang isang kamay na tila nakahandang bumunot ng baril anumang oras. Isa ito sa mga sundalong inupahan ni Luke para bantayan si Ana.Nagkatinginan ang dalawang lalaki at agad na nagkunwaring inosent
Samantala sa kabilang dako ..Sa tunay na Ana ang kakambal ni Belle na may amnesia.Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa, walang gustong bumitaw sa tanong na hindi nila mabigkas.Napalunok si Sara, pilit na tinataboy ang kung anumang damdamin ang pilit na bumabalot sa kanya."Hindi, hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya. Wala akong karapatang mahulog kung hindi ko pa alam ang buong pagkatao ko…"Ngunit bago pa siya makapagdesisyon na iwasan ang titig ni Adrian, nagsalita ito—isang malalim, misteryosong boses na parang bumubulong ng isang matagal nang lihim."Baka naman may gusto kang maalala, Sara?"Napaurong siya. "A-anong ibig mong sabihin?"Lumapit pa si Adrian, bahagyang nakayuko para itapat ang mukha sa kanya. "Basta. Malay mo… hindi ito ang unang beses na nagkita tayo."Halos hindi makahinga si Sara. Parang may bumara sa lalamunan niya habang pinagmamasdan si Adrian na may nakakalokong ngiti pa rin sa labi nito."Ano bang pinagsasabi niya?! At bakit parang… may parte sa akin na
Bahagyang ngumiti si Adrian. "Dahil sigurado akong fresh ang paninda niyo. At gusto kong makatulong sa inyo at nakapagsimula na nga kami ng transaksiyon ni Sara.""Tulungan o ligawan?" singit ni Aling Laura na sinamahan pa ng isang makahulugang kindat."Naku, Aling Laura! Huwag kayong ganyan!" sigaw ni Sara, ramdam ang pag-init ng kanyang pisngi."Nakapag-start na ang transaksiyon at wala pong ligawan na nagaganap.""Seryoso ako, Sara." malambing na sabi ni Adrian. "Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong tumulong sa inyo. At gusto kong mas makilala ka."Natigilan si Sara. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may biglang bumigat sa dibdib niya."Hindi pwede."Nagulat si Adrian. "Bakit?""Kasi… kasi hindi kita lubusang kilala. Hindi ko pa nga lubusang kilala ang sarili ko, tapos may isang Adrian Jasendo na biglang gusto akong makilala?"Tumango si Adrian. "Oo. Bakit hindi?"Huminga nang malalim si Sara, pilit na kinakalma ang sarili. "Hindi ako ready. At marami pa akong gagawin."
Naningkit ang mata ni Sara. "Anong serbisyo ang pinagsasasabi mo?!""Relax, ibig kong sabihin, serbisyo sa negosyo," nakangiting sagot ni Adrian. "Ano bang iniisip mo?""Wala!" Mabilis niyang iniwas ang tingin, pero pakiramdam niya namumula na ang kanyang mukha.Napansin ito ni Adrian kaya lalo siyang tinitigan. "Hmm… namumula ka. Huwag mong sabihing kinakabahan ka dahil andito ako?""Hoy, Adrian! Hindi ako kinakabahan!" sigaw niya, pero narinig niyang may mga staff na nagbubulungan sa likod nila."Si Sir Adrian parang nilalandi ‘yung delivery girl, ‘no?""Ang swerte naman ng babaeng ‘yon! Ang gwapo ni Sir Adrian!"Halos gusto na lang maglaho ni Sara sa kinatatayuan niya. "A-Alis na ako!"Ngunit bago siya makatalikod, hinawakan ni Adrian ang braso niya. "Sandali lang."Muli siyang napatingin dito. "Bakit na naman?!""Sabi ko na nga ba, magkikita ulit tayo."Napabuntong-hininga si Sara. "Diyos ko, Adrian. Kung akala mo nagkataon lang ‘to, pwede bang tigilan mo na ako? Trabaho lang ‘to.
Sa loob ng kanyang madilim at marangyang kwarto, isang nakakabinging sigaw ang umalingawngaw."PUTANGINA! BAKIT HINDI NILA MAGAWA?!"Ibinato ni Shiela ang mamahaling lampshade sa sahig, dahilan upang mabasag ito sa maliliit na piraso. Nanginginig siya sa galit, ang kanyang mga mata'y nag-aapoy sa matinding poot habang naglalakad pabalik-balik sa kanyang silid.Hindi makakilos ang mga tauhang inupahan niya upang ipapatay si Ana. Walang silbi ang mga bayarang tao niya kung hindi rin naman nila kayang tapusin ang simpleng misyon na ibinigay niya!Galit na galit niyang binuksan ang isang drawer at inilabas ang isang lumang kahon. Mabilis niyang hinugot mula roon ang isang nakatagong litrato—larawan nina Luke at Ana, magkasamang nakangiti, halatang masaya at punong-puno ng pagmamahalan."TANGINA MO, ANA! IKAW ANG SUMIRA NG LAHAT!"Walang pag-aalinlangang dinampot niya ang isang matalim na kutsilyo at malakas na itinusok sa mukha ni Ana sa larawan. Muli at muli, paulit-ulit niyang tinusok,
Isa sa mga sundalo ang unang nakapansin nito. Agad itong lumapit kay Luke.“Sir, may paparating na bangka. Mukhang hindi lokal.”Kumunot ang noo ni Luke.“Baka mangingisda lang. Pero manatili kayong alerto.”Hindi alam ni Luke na sa loob ng bangkang iyon, may mga armadong kalalakihan—mga tauhan ni Shiela.Sa isang iglap, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa dagat, dahilan upang mabitawan ni Ana si Anabella sa kanyang mga bisig. Mabilis siyang sinagip ni Luke, pero ang pagsabog ay naging hudyat ng kaguluhan.Nagkagulo ang lahat. Tumakbo ang mga turista palayo sa dagat. Ang mga sundalo ni Luke ay mabilis na bumunot ng baril, handang depensahan ang kanilang amo.Mabilis na kumilos ang mga tauhan ni Shiela, na kunwa’y mga inosenteng turista, at pinaputukan ang mga bantay.Nagising si Ana sa bangungot ng realidad—hindi ito isang simpleng beach trip. Isang patibong ito.“Luke! Anabella!” sigaw niya habang pilit na itinatayo ang sarili mula sa buhanginan.“Ana! Huwag kang lumayo sa akin!
Nang mga sandaling iyon, nagsimula na siyang makaramdam ng kakaibang pagkahilo.Makalipas ang ilang minuto, habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga sundalo sa mga sumalakay, biglang nanghina si Ana."Luke... parang nahihilo ako..."Mabilis siyang sinalo ni Luke at dinala sa lilim."Ana, anong nararamdaman mo?""Para akong hinihila pababa... ang dibdib ko, ang bilis ng tibok..."Sa isang sulok, nanatiling kalmado si Shiela, ngunit sa loob-loob niya, umaapaw ang tuwa. Alam niyang unti-unti nang gumagana ang lason."Dapat sa loob ng isang oras, tuluyan ka nang mawawala, Ana," bulong niya sa sarili.Ngunit hindi niya inasahan ang sunod na nangyari.Isa sa mga sundalo ang lumapit at nag-inspeksyon sa sugat ni Ana. Tiningnan niya ito nang mabuti, saka mabilis na bumaling kay Luke."Sir, mukhang may tumusok sa kanya... posible itong isang lason."Nanlaki ang mga mata ni Luke."Anong ibig mong sabihin?!""Kailangan nating madala siya sa ospital agad! Kung anuman ito, hindi natin alam kung
Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayon—magkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema lang… Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para sa’yo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon
Sa loob ng madilim na silid, habang bumubuhos ang ulan sa labas, nanatiling nakaupo si Vanessa sa sahig. Hawak niya ang isang lumang litrato — litrato nila ni Adrian noong high school."Adrian..." bulong niya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako iniwan?"Nagngangalit ang damdamin niya. Gulo. Lungkot. Galit. Lahat-lahat na. Habang unti-unti niyang pinipiga ang litrato sa kanyang palad, tila ba sinisiksik din niya ang sakit sa kanyang dibdib."Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo sa lahat ng pangarap natin. Ako ang naghintay. At ngayon na bumalik ka... may ibang babae ka na."Dumating ang kaibigan niyang si Lianne, basang-basa ang buhok at damit sa ulan. Humahangos, agad siyang lumapit kay Vanessa."Vanessa, tama na. Hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa lalaking pinili nang magmahal ng iba," pakiusap ni Lianne.Tumayo si Vanessa. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang boses."Hindi mo 'to naiintindihan, Lianne. Hindi ikaw ang nai
Samantala sa tunay na ana sa may maliit na baryo..Isang pangungusap na hindi niya malilimutan—dahil iyon na ang salitang pinatay ang natitira pa nilang pag-asa."Kung totoong mahal mo ako..."Paulit-ulit itong umuugong sa utak ni Adrian habang nakatayo pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ni Sara. Wala nang katao-tao. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay may isang unos na hindi matahimik."Sara..." bulong niya, pero huli na.Biglang napaupo si Adrian sa bangketa, hawak ang ulo, habang tuluyang bumigay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan."Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang narealize na ikaw na pala ang tahanan ko? Bakit ako natakot, kung sa’yo lang naman ako ligtas?" Nanginginig ang kanyang tinig. Wala nang pakialam kung marinig siya ng mundo. Ang kirot ay masyadong malalim para pigilan.Habang lumalayo si Sara, ang bawat hakbang niya ay parang pagsaksak sa sariling dibdib. Hindi niya alam kung tama ang ginawa. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi lumingon. Pero
Tumunog ang cellphone ni Belle. Nasa sala siya, nakaupo sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nakaalalay ang siko niya sa armrest at ang mga mata’y malalim ang iniisip. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan sa screen: “Mom & Dad.”"Oh no," mahina niyang bulong. "Sila."Kinabahan siya. Napahigpit ang hawak sa cellphone habang mabilis ang tibok ng puso. Parang may matinding bagyong darating.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag."Hello, Mom? Dad?""Belle, anak!" halos sigaw ng boses ni Sophia sa kabilang linya. May halong galak at pangungulila."Salamat at sinagot mo, anak. Kamusta ka na?""We’ve been trying to reach you for weeks," sabi naman ni Clyde, mababa ang tinig ngunit bakas ang inis at pag-aalala. "Hindi ka sumasagot sa tawag. Hindi mo binabasa ang mga mensahe. Anak, we were so worried."Pasubali ang tono ni Belle, parang
Habang binabaybay ni Vanessa ang madilim na kalsada, tumigil siya sa harap ng isang simbahan. Hindi siya pumasok, ngunit tumayo siya sa labas. May mga sagot na hindi kayang matagpuan sa sarili lamang. Ang puso niya ay puno ng galit, ngunit may mga tanong na hindi na niya kayang itago.“Bakit ako? Bakit siya? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?” tanong ni Vanessa sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga simbahan na nakatayo sa dilim. Wala siyang sagot. Bawat saglit ay patuloy na sumasakit, at ang bawat galit ay tumatagos sa kanya. Tahimik na umihip ang hangin sa malamlam na gabi. Sa ilalim ng dilim, tila nagmukhang malabo ang bawat hakbang ni Sara patungo kay Adrian. Ang kanyang puso ay puno ng takot at kalituhan, ngunit naglakad pa rin siya, umaasa, naglalakad sa isang landas na puno ng hindi siguradong hakbang.Nakatayo si Adrian sa harap ng mga mata ni Sara, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at mga tanong. Wala na silang ibang naririnig kundi ang huni ng hangin at ang t
Ang hangin ay malamig, pero hindi ito ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Vanessa. Hindi ang malamig na simoy ng hangin ang nagpasakit sa kanya. Sa bawat paghagulgol ng kanyang puso, iniisip niya kung paano niya magagampanan ang laban na tila natapos na. Si Adrian, ang kanyang mundo, ay umalis. Ipinili niya si Sara, at iniiwan siya sa dilim, walang kalaban-laban.Sa ilalim ng malamlam na buwan, tumayo si Vanessa at nagsimulang maglakad. Hindi siya tumingin pabalik kay Sara. Wala siyang lakas para tignan ang babaeng kumuha sa kanya ng lahat—ang pagmamahal ni Adrian, ang mga pangarap nila. Hindi na siya maghahanap ng pag-asa. Wala nang kwenta.Pero sa kanyang puso, isang bagay ang nagpatuloy: ang galit. Galit na galit siya. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na ang taong matagal niyang iniwasan, ang babaeng hindi niya inaasahan, ang naging dahilan ng lahat ng ito.Samantalang si Sara, naglalakad palayo kay Adrian, ay hindi maiwasang mag-isip. Hindi niya maiwasang mag-a
Madilim ang gabi. Walang bituin. Ang hangin ay malamig at tila may dalang bagyo. Sa ilalim ng maulap na langit, nagtagpo ang dalawang pusong naglalaban para sa iisang lalaking mahal nila—si Adrian.Nakatayo si Vanessa sa harap ni Sara, ang mukha niya ay puno ng galit, ang mga mata’y naglalagablab sa selos. Hindi na niya kayang magpigil pa. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit, ang pait, ang pagkasuklam sa babaeng ito na bigla na lang dumating at tila ninakaw ang mundong matagal na niyang inaasam."Anong meron sa’yo, ha?" pasigaw na tanong ni Vanessa, nanginginig ang tinig.Nagulat si Sara. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero nanatili ang distansya."Vanessa, hindi ko alam kung bakit mo ‘to ginagawa," mahinahong sagot niya."‘Hindi mo alam?’" Tumawa si Vanessa, mapait. "Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo si Adrian sa akin."Umiling si Sara. "Vanessa, hindi ko ginusto
Sa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animo’y paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansin—ang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin
“Dahil… minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.”“Ang mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ay… tayo.”Nagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu