Mas naging tahimik, mas malalim ang iniisip. Hindi niya masisisi si Anaâkung talagang muntik na itong mapatay, natural lang na magduda ito sa paligid."Kung sino man ang gumawa nun, siguradong may galit siya saâyo, Ana. Hindi ako titigil hanggaât hindi ko nalalaman kung sino siya," seryosong sagot ni Luke habang hinahaplos ang buhok ng babaeng akala niya'y kanyang asawa. "Gusto kong protektahan ka, mahal. Hindi na ako magpapatawad kung may sumubok pang saktan ka ulit."Napahigpit ang hawak ni Belle sa kumot. Mahal? Sa loob ng maraming araw na magkasama sila, alam niyang unti-unting nahuhulog din siya kay Luke, ngunit hindi ito dapat mangyari. Hindi ito tama."Paano kung matagal nang nasa paligid natin ang taong iyon?" mahina niyang tanong."Kaya hindi kita iiwan, Ana. Hinding-hindi," sagot ni Luke, halatang may bahid ng pag-aalala sa tinig nito. "Sa tingin ko, hindi random attack ang nangyari saâyo. Sinusubukan kang patayin. At gusto kong malaman kung sino ang may kagagawan nito."Na
Ang kanyang mga balakang ay nagsimulang umindayog nang dahan-dahan sa kanyang kamay. Lumapit siya nang mas malapit sa kanyang clit, gumuhit ng mas malalaking bilog dito, ngayon ay dahan-dahang umiikot sa sensitibong bahagi na iyon."Ohh Luke.Hmm gusto ko 'yan." Ungol niya. "Oh yes aking mahal" Tapos inuulit ang lahat. At muli. At muli. Ngayon, siya ay talagang isang maluhong gulo, sumasalampak sa kanya habang kumikilos laban sa kanyang ari. Sinimulan niyang gumalaw nang mas mabilis sa kanyang paikot-ikot na galaw, at ang kanyang mga balakang ay desperadong nagsimulang umalog. Ang tono ng kanyang mga ungol ay tumaas nang napakatamis bilang tugon, ang kanyang ereksyon ay masakit na sumisikip sa loob ng kanyang masikip na pantalon. Ang kanyang katawan ay kumikilos noon; ang tiyan ay nag-spasm; ang mukha ay mariing pinagdikit sa mga unan habang ang isang sigaw ng kasiyahan ay pilit na umaakyat mula sa kanyang lalamunan. Pinagdikit niya ang dalawang daliri sa kanyang basang, malam
Maagang bumangon si Sara kinabukasan at bumalik sa kanilang pwesto sa tindahan. Kinuha niya ang yelo at maingat na nilagay sa loob ng styro box kung saan nakalagay ang sariwang isda. Habang abala siya sa pagsasaayos ng paninda, lumapit si Glenda at umupo sa tabi niya."Ano na, anak? Napag-isipan mo na ba ang alok ni Adrian?" tanong ni Glenda habang pinupunasan ang kanyang kamay sa apron.Napairap si Sara. "Naku, Mama! Wala akong balak makipagtrabaho sa supladong âyon! Feeling close masyado, e ni hindi ko nga siya kilala!"Ngumiti si Glenda at umiling. "Hay, naku. Minsan, âyang pagiging mataray mo, baka âyan pa ang ikapahamak mo. Anak, negosyo ang pinag-uusapan dito. Hindi mo kailangang gustuhin si Adrian bilang tao, pero kung makakatulong âyon sa negosyo natin, bakit hindi mo subukan?"Napangiwi si Sara. "Tsk! Mama naman! Hindi naman tayo naghihirap para humingi ng tulong sa lalaking âyon.""Hindi ito tungkol sa paghihirap o yaman, anak. Oportunidad âto para mas lumawak ang negosyo na
Pero bakit kahit anong pilit niyang huwag pansinin, hindi mawala ang ngiti nito sa kanyang isipan?Gabi.Nakaupo si Sara sa beranda ng bahay nina Glenda at Romero, nakatitig sa mga bituin. Tahimik siyang nag-iisip nang biglang sumulpot si Glenda, may dalang tasa ng mainit na gatas."Anak, parang ang lalim ng iniisip mo ah," bati nito.Napatingin si Sara sa kanya. "Mama, sa tingin moâĶ paano kung bigla kong maalala ang nakaraan ko? Paano kung may pamilya na pala ako at hindi ko lang natatandaan?"Napangiti si Glenda at naupo sa tabi niya. "Alam mo, anak, kahit anong mangyari, isa lang ang sigurado koâkung sino ka ngayon, âyan ang mas mahalaga. Ang puso mo, ang mga desisyong ginagawa mo sa kasalukuyan, âyan ang tunay mong pagkatao. Hindi lang ang nakaraan mo ang bumubuo sa âyo."Tahimik na napaisip si Sara."Ano naman ang nagpasimula ng pag-iisip mong âyan?" tanong ni Glenda, may matalinhagang ngiti.Nag-iwas siya ng tingin. "W-wala namanâĶ May mga bagay lang akong hindi maintindihan.""A
Maagang nagising si Belle na mahigpit na yakap ni Luke. Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg, at nang igalaw niya ang kanyang katawan, mas hinigpitan pa ni Luke ang yakap."Five more minutes, AnaâĶ" bulong ni Luke sa paos ngunit malambing na boses.Napangiti si Belle. Kung hindi lang delikado ang sitwasyon nila, baka bumigay na siya sa matamis na ilusyon na sila talaga ni Luke."Hindi tayo makakapagluto ng breakfast niyan," malambing niyang sagot.Bumuntong-hininga si Luke bago bumangon at hinalikan siya sa noo. "Fine. Pero pagkatapos ng breakfast, akin ka ulit," anito, sabay kindat.Natawa si Belle habang umiiling. "Baliw ka talaga."Sa KusinaHabang abala si Belle sa pagpiprito ng bacon, lumapit si Luke mula sa likuran at niyakap siya."HmmâĶ ang bango mo kaysa sa bacon," bulong ni Luke sa kanyang tainga."Loko ka, baka matalsikan ka ng mantika," natatawang sagot ni Belle."Okay lang, basta ikaw ang gagamot," sagot ni Luke bago niya idinampi ang labi sa pisngi n
"Dati kasi hindi ka naman ganyan ka-sweet kay Luke. Pero ngayon, parang hindi mo na siya mabitiwan. Para bang may gusto kang patunayan."Naramdaman ni Belle ang kaba sa kanyang dibdib. Alam niyang sinusubukan siyang paikutin ni Shiela."Bakit naman ako may gusto pang patunayan? Mahal ko ang asawa ko. Kung may nagbago man sa akin, siguro natutunan ko lang na huwag nang sayangin ang oras na kasama siya."Napakagat-labi si Shiela. Gustong-gusto niyang sagutin si Belle nang pabalang, pero hindi niya magawa. Hindi siya pwedeng mabisto.Ngunit sa loob-loob niya, hindi niya matanggap ang nakikita.Si Ana, na datiây hindi masyadong malapit kay Luke, ay ngayoây halos hindi na ito iniiwan. Nakikita niya kung paano siya nito titigan, kung paano siya nito yakapin. Parang isang perpektong asawa.Hindi niya kayang sikmurain.Hindi niya kayang tanggapin.Lumunok siya ng galit bago nagkibit-balikat."Wala lang naman, napansin ko lang," sagot ni Shiela, pinipilit ang sarili na ngumiti.Ngunit sa ilali
Hindi parin makapaniwala si Sara sa mga pangyayari.Ginugulo ni Adrian ang tahimik niyang buhay."Tsk! Ang weird mo, ha!" bulong ni Sara habang tinatanaw ang papalayong si Adrian.Ngunit imbes na bumalik sa tindahan, bigla itong huminto, lumingon, at tumingin ulit sa kanyaâisang titig na parang nagsasabing "Hindi pa tayo tapos, Miss Sara."Napasinghap si Sara at mabilis na bumalik sa loob ng tindahan. Ano bang problema ng lalaking âyon?!"Bakit ka namumula, anak?" tukso ni Glenda habang nag-aayos ng paninda."H-ha? Hindi po! Mainit lang!" palusot niya habang mabilis na tinatapik ang mukha para pakalmahin ang sarili."Baka naman may gusto ka kay Sir Adrian, anak?" dagdag pa ni Glenda, nakangiti."Ha? Mama! Kung may gusto man ako, hindi sa isang suplado, mayabang, atâugh! Nakakainis na lalaki!" sagot ni Sara, sabay dampot ng timba para maglinis ng pwesto.Pero kahit anong gawin niyang distraction sa sarili, hindi niya maalis sa isip niya ang titig ni AdrianâĶ at ang sinabi nitong sigurado
Ngumiti si Adrian. "Ah, oo nga pala. This is Bianca, family friend namin. Sheâs visiting for a while." Family friend? Bakit may âloveâ pa? "Nice to meet you," nakangiting sabi ni Bianca kay Sara. Pero napansin niyang mahigpit ang hawak nito sa braso ni Adrianâparang sinasadya niyang ipakita na may âsomethingâ sila. Napangiti si SaraâĶ pero hindi dahil sa saya."Wow, ang sweet naman," sagot niya, may halong sarkasmo. "Bakit hindi mo siya bilhan ng isda? Baka mas gusto niyang siya ang pinagluluto mo?" Tumaas ang kilay ni Adrian. "Selos ka ba?" Nalaglag halos ang panga ni Sara. "Ha?! Selos? Naku! May sarili akong buhay, Mr. Adrian, at hindi kita iniisip!" "Hmm, ganun ba?" nakangising sabi ni Adrian. Pero sa mga mata nito, parang alam na niya ang totoo. At doon, narealize ni Sara naâĶ Lalong nagiging komplikado ang lahat."Hmm, ganun ba?" nakangising sabi ni Adrian habang nakatitig kay Sara, tila nang-aasar.Napasinghap si Sara at mabilis na tumalikod. "Bakit ako mag-aaksaya ng panahon sa'
Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayonâmagkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema langâĶ Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para saâyo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon
Sa loob ng madilim na silid, habang bumubuhos ang ulan sa labas, nanatiling nakaupo si Vanessa sa sahig. Hawak niya ang isang lumang litrato â litrato nila ni Adrian noong high school."Adrian..." bulong niya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako iniwan?"Nagngangalit ang damdamin niya. Gulo. Lungkot. Galit. Lahat-lahat na. Habang unti-unti niyang pinipiga ang litrato sa kanyang palad, tila ba sinisiksik din niya ang sakit sa kanyang dibdib."Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo sa lahat ng pangarap natin. Ako ang naghintay. At ngayon na bumalik ka... may ibang babae ka na."Dumating ang kaibigan niyang si Lianne, basang-basa ang buhok at damit sa ulan. Humahangos, agad siyang lumapit kay Vanessa."Vanessa, tama na. Hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa lalaking pinili nang magmahal ng iba," pakiusap ni Lianne.Tumayo si Vanessa. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang boses."Hindi mo 'to naiintindihan, Lianne. Hindi ikaw ang nai
Samantala sa tunay na ana sa may maliit na baryo..Isang pangungusap na hindi niya malilimutanâdahil iyon na ang salitang pinatay ang natitira pa nilang pag-asa."Kung totoong mahal mo ako..."Paulit-ulit itong umuugong sa utak ni Adrian habang nakatayo pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ni Sara. Wala nang katao-tao. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay may isang unos na hindi matahimik."Sara..." bulong niya, pero huli na.Biglang napaupo si Adrian sa bangketa, hawak ang ulo, habang tuluyang bumigay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan."Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang narealize na ikaw na pala ang tahanan ko? Bakit ako natakot, kung saâyo lang naman ako ligtas?" Nanginginig ang kanyang tinig. Wala nang pakialam kung marinig siya ng mundo. Ang kirot ay masyadong malalim para pigilan.Habang lumalayo si Sara, ang bawat hakbang niya ay parang pagsaksak sa sariling dibdib. Hindi niya alam kung tama ang ginawa. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi lumingon. Pero
Tumunog ang cellphone ni Belle. Nasa sala siya, nakaupo sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nakaalalay ang siko niya sa armrest at ang mga mataây malalim ang iniisip. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan sa screen: âMom & Dad.â"Oh no," mahina niyang bulong. "Sila."Kinabahan siya. Napahigpit ang hawak sa cellphone habang mabilis ang tibok ng puso. Parang may matinding bagyong darating.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag."Hello, Mom? Dad?""Belle, anak!" halos sigaw ng boses ni Sophia sa kabilang linya. May halong galak at pangungulila."Salamat at sinagot mo, anak. Kamusta ka na?""Weâve been trying to reach you for weeks," sabi naman ni Clyde, mababa ang tinig ngunit bakas ang inis at pag-aalala. "Hindi ka sumasagot sa tawag. Hindi mo binabasa ang mga mensahe. Anak, we were so worried."Pasubali ang tono ni Belle, parang
Habang binabaybay ni Vanessa ang madilim na kalsada, tumigil siya sa harap ng isang simbahan. Hindi siya pumasok, ngunit tumayo siya sa labas. May mga sagot na hindi kayang matagpuan sa sarili lamang. Ang puso niya ay puno ng galit, ngunit may mga tanong na hindi na niya kayang itago.âBakit ako? Bakit siya? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?â tanong ni Vanessa sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga simbahan na nakatayo sa dilim. Wala siyang sagot. Bawat saglit ay patuloy na sumasakit, at ang bawat galit ay tumatagos sa kanya. Tahimik na umihip ang hangin sa malamlam na gabi. Sa ilalim ng dilim, tila nagmukhang malabo ang bawat hakbang ni Sara patungo kay Adrian. Ang kanyang puso ay puno ng takot at kalituhan, ngunit naglakad pa rin siya, umaasa, naglalakad sa isang landas na puno ng hindi siguradong hakbang.Nakatayo si Adrian sa harap ng mga mata ni Sara, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at mga tanong. Wala na silang ibang naririnig kundi ang huni ng hangin at ang t
Ang hangin ay malamig, pero hindi ito ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Vanessa. Hindi ang malamig na simoy ng hangin ang nagpasakit sa kanya. Sa bawat paghagulgol ng kanyang puso, iniisip niya kung paano niya magagampanan ang laban na tila natapos na. Si Adrian, ang kanyang mundo, ay umalis. Ipinili niya si Sara, at iniiwan siya sa dilim, walang kalaban-laban.Sa ilalim ng malamlam na buwan, tumayo si Vanessa at nagsimulang maglakad. Hindi siya tumingin pabalik kay Sara. Wala siyang lakas para tignan ang babaeng kumuha sa kanya ng lahatâang pagmamahal ni Adrian, ang mga pangarap nila. Hindi na siya maghahanap ng pag-asa. Wala nang kwenta.Pero sa kanyang puso, isang bagay ang nagpatuloy: ang galit. Galit na galit siya. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na ang taong matagal niyang iniwasan, ang babaeng hindi niya inaasahan, ang naging dahilan ng lahat ng ito.Samantalang si Sara, naglalakad palayo kay Adrian, ay hindi maiwasang mag-isip. Hindi niya maiwasang mag-a
Madilim ang gabi. Walang bituin. Ang hangin ay malamig at tila may dalang bagyo. Sa ilalim ng maulap na langit, nagtagpo ang dalawang pusong naglalaban para sa iisang lalaking mahal nilaâsi Adrian.Nakatayo si Vanessa sa harap ni Sara, ang mukha niya ay puno ng galit, ang mga mataây naglalagablab sa selos. Hindi na niya kayang magpigil pa. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit, ang pait, ang pagkasuklam sa babaeng ito na bigla na lang dumating at tila ninakaw ang mundong matagal na niyang inaasam."Anong meron saâyo, ha?" pasigaw na tanong ni Vanessa, nanginginig ang tinig.Nagulat si Sara. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero nanatili ang distansya."Vanessa, hindi ko alam kung bakit mo âto ginagawa," mahinahong sagot niya."âHindi mo alam?â" Tumawa si Vanessa, mapait. "Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo si Adrian sa akin."Umiling si Sara. "Vanessa, hindi ko ginusto
Sa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animoây paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansinâang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin
âDahilâĶ minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.ââAng mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ayâĶ tayo.âNagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu