Maagang bumangon si Sara kinabukasan at bumalik sa kanilang pwesto sa tindahan. Kinuha niya ang yelo at maingat na nilagay sa loob ng styro box kung saan nakalagay ang sariwang isda. Habang abala siya sa pagsasaayos ng paninda, lumapit si Glenda at umupo sa tabi niya."Ano na, anak? Napag-isipan mo na ba ang alok ni Adrian?" tanong ni Glenda habang pinupunasan ang kanyang kamay sa apron.Napairap si Sara. "Naku, Mama! Wala akong balak makipagtrabaho sa supladong ‘yon! Feeling close masyado, e ni hindi ko nga siya kilala!"Ngumiti si Glenda at umiling. "Hay, naku. Minsan, ‘yang pagiging mataray mo, baka ‘yan pa ang ikapahamak mo. Anak, negosyo ang pinag-uusapan dito. Hindi mo kailangang gustuhin si Adrian bilang tao, pero kung makakatulong ‘yon sa negosyo natin, bakit hindi mo subukan?"Napangiwi si Sara. "Tsk! Mama naman! Hindi naman tayo naghihirap para humingi ng tulong sa lalaking ‘yon.""Hindi ito tungkol sa paghihirap o yaman, anak. Oportunidad ‘to para mas lumawak ang negosyo na
Pero bakit kahit anong pilit niyang huwag pansinin, hindi mawala ang ngiti nito sa kanyang isipan?Gabi.Nakaupo si Sara sa beranda ng bahay nina Glenda at Romero, nakatitig sa mga bituin. Tahimik siyang nag-iisip nang biglang sumulpot si Glenda, may dalang tasa ng mainit na gatas."Anak, parang ang lalim ng iniisip mo ah," bati nito.Napatingin si Sara sa kanya. "Mama, sa tingin mo… paano kung bigla kong maalala ang nakaraan ko? Paano kung may pamilya na pala ako at hindi ko lang natatandaan?"Napangiti si Glenda at naupo sa tabi niya. "Alam mo, anak, kahit anong mangyari, isa lang ang sigurado ko—kung sino ka ngayon, ‘yan ang mas mahalaga. Ang puso mo, ang mga desisyong ginagawa mo sa kasalukuyan, ‘yan ang tunay mong pagkatao. Hindi lang ang nakaraan mo ang bumubuo sa ‘yo."Tahimik na napaisip si Sara."Ano naman ang nagpasimula ng pag-iisip mong ‘yan?" tanong ni Glenda, may matalinhagang ngiti.Nag-iwas siya ng tingin. "W-wala naman… May mga bagay lang akong hindi maintindihan.""A
Maagang nagising si Belle na mahigpit na yakap ni Luke. Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg, at nang igalaw niya ang kanyang katawan, mas hinigpitan pa ni Luke ang yakap."Five more minutes, Ana…" bulong ni Luke sa paos ngunit malambing na boses.Napangiti si Belle. Kung hindi lang delikado ang sitwasyon nila, baka bumigay na siya sa matamis na ilusyon na sila talaga ni Luke."Hindi tayo makakapagluto ng breakfast niyan," malambing niyang sagot.Bumuntong-hininga si Luke bago bumangon at hinalikan siya sa noo. "Fine. Pero pagkatapos ng breakfast, akin ka ulit," anito, sabay kindat.Natawa si Belle habang umiiling. "Baliw ka talaga."Sa KusinaHabang abala si Belle sa pagpiprito ng bacon, lumapit si Luke mula sa likuran at niyakap siya."Hmm… ang bango mo kaysa sa bacon," bulong ni Luke sa kanyang tainga."Loko ka, baka matalsikan ka ng mantika," natatawang sagot ni Belle."Okay lang, basta ikaw ang gagamot," sagot ni Luke bago niya idinampi ang labi sa pisngi n
"Dati kasi hindi ka naman ganyan ka-sweet kay Luke. Pero ngayon, parang hindi mo na siya mabitiwan. Para bang may gusto kang patunayan."Naramdaman ni Belle ang kaba sa kanyang dibdib. Alam niyang sinusubukan siyang paikutin ni Shiela."Bakit naman ako may gusto pang patunayan? Mahal ko ang asawa ko. Kung may nagbago man sa akin, siguro natutunan ko lang na huwag nang sayangin ang oras na kasama siya."Napakagat-labi si Shiela. Gustong-gusto niyang sagutin si Belle nang pabalang, pero hindi niya magawa. Hindi siya pwedeng mabisto.Ngunit sa loob-loob niya, hindi niya matanggap ang nakikita.Si Ana, na dati’y hindi masyadong malapit kay Luke, ay ngayo’y halos hindi na ito iniiwan. Nakikita niya kung paano siya nito titigan, kung paano siya nito yakapin. Parang isang perpektong asawa.Hindi niya kayang sikmurain.Hindi niya kayang tanggapin.Lumunok siya ng galit bago nagkibit-balikat."Wala lang naman, napansin ko lang," sagot ni Shiela, pinipilit ang sarili na ngumiti.Ngunit sa ilali
Hindi parin makapaniwala si Sara sa mga pangyayari.Ginugulo ni Adrian ang tahimik niyang buhay."Tsk! Ang weird mo, ha!" bulong ni Sara habang tinatanaw ang papalayong si Adrian.Ngunit imbes na bumalik sa tindahan, bigla itong huminto, lumingon, at tumingin ulit sa kanya—isang titig na parang nagsasabing "Hindi pa tayo tapos, Miss Sara."Napasinghap si Sara at mabilis na bumalik sa loob ng tindahan. Ano bang problema ng lalaking ‘yon?!"Bakit ka namumula, anak?" tukso ni Glenda habang nag-aayos ng paninda."H-ha? Hindi po! Mainit lang!" palusot niya habang mabilis na tinatapik ang mukha para pakalmahin ang sarili."Baka naman may gusto ka kay Sir Adrian, anak?" dagdag pa ni Glenda, nakangiti."Ha? Mama! Kung may gusto man ako, hindi sa isang suplado, mayabang, at—ugh! Nakakainis na lalaki!" sagot ni Sara, sabay dampot ng timba para maglinis ng pwesto.Pero kahit anong gawin niyang distraction sa sarili, hindi niya maalis sa isip niya ang titig ni Adrian… at ang sinabi nitong sigurado
Ngumiti si Adrian. "Ah, oo nga pala. This is Bianca, family friend namin. She’s visiting for a while." Family friend? Bakit may ‘love’ pa? "Nice to meet you," nakangiting sabi ni Bianca kay Sara. Pero napansin niyang mahigpit ang hawak nito sa braso ni Adrian—parang sinasadya niyang ipakita na may ‘something’ sila. Napangiti si Sara… pero hindi dahil sa saya."Wow, ang sweet naman," sagot niya, may halong sarkasmo. "Bakit hindi mo siya bilhan ng isda? Baka mas gusto niyang siya ang pinagluluto mo?" Tumaas ang kilay ni Adrian. "Selos ka ba?" Nalaglag halos ang panga ni Sara. "Ha?! Selos? Naku! May sarili akong buhay, Mr. Adrian, at hindi kita iniisip!" "Hmm, ganun ba?" nakangising sabi ni Adrian. Pero sa mga mata nito, parang alam na niya ang totoo. At doon, narealize ni Sara na… Lalong nagiging komplikado ang lahat."Hmm, ganun ba?" nakangising sabi ni Adrian habang nakatitig kay Sara, tila nang-aasar.Napasinghap si Sara at mabilis na tumalikod. "Bakit ako mag-aaksaya ng panahon sa'
Habang abala si Sara sa pag-aayos ng mga seafood orders, naramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Hindi pa man siya lumilingon, parang alam na niya kung sino iyon."Mukhang seryoso ka sa trabaho mo, Miss Sara," malamig ngunit may halong asar na boses ang narinig niya.Napairap siya bago pa man tuluyang humarap. "Bakit ka nandito?" tanong niya kay Adrian, na nakatayo sa tabi ng delivery van, nakapamulsa at nakangiti nang nakakaloko."Syempre, para i-check kung fresh ba talaga ang seafood supply namin," sagot ni Adrian, tumingin sa mga styro box ng isda at hipon. "Ayoko ng bulok."Napamuwestra si Sara sa mga isdang kakahuli lang ni Papa Romero. "Anong bulok? Tingnan mo nga ‘yan! Buhay pa ‘yung iba!"Lumapit si Adrian, yumuko at sinadyang sagiin ang braso niya. "Hmm, pwede na. Pero pwede rin bang may special delivery?""Ano namang special delivery?!" Nagtaas siya ng kilay.Umismid si Adrian at nagkunwaring nag-iisip. "Hmm… siguro ‘yung dealer mismo ang maghatid sa resort. Para sigurado
Maaliwalas ang umagang iyon. Habang nagga-gardening si Ana sa likod ng kanilang bahay, masayang inaayos niya ang mga bagong tanim na bulaklak. Ang sariwang hangin ay nagbibigay sa kanya ng panandaliang katahimikan, ngunit may bumabagabag sa kanyang damdamin—isang pakiramdam na parang may nagmamasid sa kanya mula sa di kalayuan.Mula sa hindi kalayuan, isang pares ng matatalas na mata ang nakatuon sa kanya. Sa likod ng isang puno, dalawang lalaking nakaitim ang tahimik na nag-uusap habang pinagmamasdan siya. Isa sa kanila ang dahan-dahang naglabas ng baril mula sa kanyang jacket, ngunit bago pa man niya ito maitulak sa kanyang baywang, isang malalim na boses ang nagbabala sa kanila."Anong ginagawa niyo dito?"Isang lalaking naka-suot ng militar na uniporme ang lumitaw mula sa gilid, nakataas ang isang kamay na tila nakahandang bumunot ng baril anumang oras. Isa ito sa mga sundalong inupahan ni Luke para bantayan si Ana.Nagkatinginan ang dalawang lalaki at agad na nagkunwaring inosent
Natahimik si Sara. Pakiramdam niya, bumaligtad ang mundo niya sa narinig."May taong gustong burahin ang alaala ko?" mahina niyang ulit, nanginginig ang boses. "Ibig sabihin… hindi ito aksidente? May gumawa nito sa akin… sinadya nila?"Halos hindi siya makahinga sa bigat ng rebelasyong iyon.Lumapit si Adrian at marahang hinawakan ang kanyang mga kamay. "Sara, alam kong mahirap tanggapin, pero… may posibilidad na may gustong gumawa ng masama sa'yo. Baka delikado kung ipagpipilitan mong hanapin ang sagot ngayon."Tumayo si Sara, pilit nilalabanan ang takot. "Pero paano ako mabubuhay nang hindi ko alam ang buong katotohanan? Hindi ko matanggap na may mga alaala akong hindi ko maalala, Adrian. At ngayon, nalaman ko pang may taong gustong gawin ito sa akin?"Napayuko si Adrian. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na mas mahalaga ngayon ang kaligtasan niya kaysa sa katotohanan.Biglang nag-ring ang cellphone ni Adrian. Glenda.Agad niyang sinagot ang tawag. "Glenda, ano pa ang
Mabilis ang tibok ng puso ni Belle habang nakahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Mahimbing na natutulog si Luke sa tabi niya, ang braso nito’y mahigpit na nakayakap sa kanya, parang ayaw siyang pakawalan. Samantalang si Anabella naman ay nakapulupot sa kanya sa kabila, tila ayaw ding mahiwalay sa kanya.Pero sa kabila ng init ng yakap ng kanyang pamilya, ramdam ni Belle ang malamig na takot na lumulukob sa kanya.Hanggang kailan ko kaya itatago ang katotohanan?Pinisil niya ang sariling palad. Wala na siyang ibang pagpipilian. Pinili na niyang gampanan ang buhay ni Ana habang buhay. Para sa anak niya. Para kay Luke.Pero paano kung isang araw, bumalik si Shiela? Paano kung matuklasan ni Luke ang totoo?Biglang gumalaw si Luke at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. "Mmm... Love?"Napalunok si Belle at mabilis na ngumiti, pilit na itinatago ang kaba. "Hmm?"Hinalikan ni Luke ang gilid ng kanyang ulo bago bumulong. "Paano kung baby boy ang baby natin?""H-Ha?"Umupo si Luke at masuyong
Samantala sa kabilang dako..Nagising si Belle sa tunog ng mga tinig mula sa sala. Bumangon siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa hagdan. Pagtingin niya sa ibaba, naroon sina Nenita at Philipp, ang mga magulang ni Luke—masaya silang nakangiti habang kausap ang kanilang anak."Buntis na si Ana!" masayang balita ni Luke sa kanila.Halos manlambot ang tuhod ni Belle."Talaga, anak?" Halos lumundag sa tuwa si Nenita, ang ina ni Luke. "Magkakaapo ulit kami!"Niyakap siya nito nang mahigpit pagkalapit niya sa kanila. Napatingin siya kay Philipp, na kahit seryoso ang mukha ay hindi maitago ang ningning sa mata."Napakagandang balita nito," sabi ni Philipp. "Anabella will have a little sibling soon."Napakagat-labi si Belle. Lahat sila, masaya. Lahat sila, naniniwala na siya si Ana.At siya? Isang kasinungalingan.Sa hapunan, hindi mapigilan ni Nenita ang mapangiti habang sinasandukan ng pagkain si Belle."Kailangan mong kumain ng mabuti, Ana. Kailangan ni baby ng sapat na nutrisyon," a
Sa kabilang dako ..Sa tunay na Ana. Pumunta sina Sara at Adrian kinabukasan sa St.Lukes Hospital."Miss Sara, sigurado ka bang handa ka sa maaaring resulta ng tests?" tanong ng doktor habang nakatingin sa kanya nang may pag-aalala.Napatingin si Sara kay Adrian, na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Halata ang tensyon sa kanyang mukha."Handa ba talaga ako?" bulong niya sa sarili, pero pinilit niyang gawing matatag ang kanyang boses. "Opo, Doc. Kailangan ko nang malaman ang totoo."Nagbuntong-hininga si Adrian at marahang hinawakan ang kamay ni Sara."Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan," mahina niyang sabi.Tumango ang doktor. "Sige, magsisimula na tayo. Ipapasok ka namin sa MRI room para masuri ang utak mo. Huwag kang mag-alala, wala itong sakit."Pinilit ngumiti ni Sara pero sa loob-loob niya, hindi niya maalis ang pakiramdam na may mas masakit pang darating.MRI RoomHabang nakahiga sa loob ng makina, naramdaman ni Sara ang bilis ng tibok ng kanyang puso."Bakit parang kinak
Pagkarating nila sa bahay, agad silang sinalubong ni baby Anabella na magdadalawang taon na, kasunod ang yaya na nag-aalaga sa kanya. Masaya itong tumakbo patungo kay Belle, iniwan ang hawak-hawak na laruan.“Mommy!” Masayang sigaw ng bata habang nakangiti nang malapad.Mabilis na pinunasan ni Belle ang kanyang mga mata bago siya lumuhod upang yakapin ang bata. Dapat akong maging masaya… pinilit niyang sabihin sa sarili.“Baby…” mahina niyang bulong habang mahigpit na niyakap ang anak ni Ana.Niyakap siya ni Anabella nang mahigpit, parang takot na mawala siya. “Miss na miss na kita, Mommy. Huwag ka nang aalis, ha?”Muling kumirot ang puso ni Belle. Paano kung isang araw, kailangan ko talagang umalis?Narinig niya ang mahinang tikhim ni Luke sa tabi nila. “Baby, dito na lang si Mommy. At may good news kami sa iyo.”Napatingin si Anabella kay Luke. “Anong good news, Daddy?” bulol nitong sabi.Hinaplos ni Luke ang buhok ng anak. “Magiging ate ka na!”Nanlaki ang mga mata ng bata at saka
Sa kabilang dako patuloy parin pagpapanggap ni Belle bilang Ana.Sa loob ng sasakyan, mahigpit na hinawakan ni Belle ang kanyang tiyan habang tahimik na nakatingin sa bintana. Ramdam niya ang malalakas na tibok ng kanyang puso habang binabaybay nila ni Luke ang daan papunta sa ospital para sa kanyang prenatal checkup.Nagdesisyon na siya.Hindi na siya aatras.Pipiliin niyang manatili bilang Ana—kahit na ang buong buhay niya ay magiging isang malaking kasinungalingan.“Love, okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang hawak ang manibela. Napatingin siya rito, at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.Ngumiti siya ng pilit. “Oo naman, Luke. Medyo kinakabahan lang siguro sa checkup.”Ngumiti rin si Luke at hinawakan saglit ang kanyang kamay. “Wala kang dapat ipag-alala. Nandito lang ako, okay?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Belle ang mga salitang iyon habang mahigpit siyang nakahawak sa kamay ni Luke. Ramdam niya ang init at tibay ng mga daliri nito, isang bagay na
Sa gabing iyon, hindi nakatulog si Sara.Sa gabing iyon, hindi rin siya sigurado kung ano ang mas matimbang—ang puso niyang bumibilis ang tibok dahil sa kaba, o ang isip niyang naguguluhan sa katotohanang hindi niya matanggap.Ang isang bagay lang na sigurado siya…Kailangan niyang malaman ang totoo.Kinabukasan."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Sara?"Napalingon si Sara kay Aling Glenda na nakatayo sa may pintuan ng bahay. Kita sa mukha ng matanda ang pinaghalong lungkot at takot. Halos magdamag itong hindi nakatulog, hindi mapakali, at ngayon, habang nag-eempake si Sara, parang pinipigilan nitong umiyak.Napangiti si Sara, pero bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. "Mama Glenda, kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ko na kayang mabuhay na may tanong sa sarili ko.""Pero paano kung masaktan ka lang, anak?" Napakapit nang mahigpit si Aling Glenda sa gilid ng pinto. "Paano kung ang katotohanang hinahanap mo ay mas magdala lang ng sakit sa puso mo?"Napahinto si Sara. Toto
Samantala sa tunay na Ana..Sa loob ng maliit na tindahan ni Aling Glenda, nananatili ang tensyon sa pagitan ng tatlong tao—si Sara, si Adrian, at si Aling Glenda. May mga bagay na pilit na itinatago, at may mga alaala na gustong ipaglaban. Pero sino ang talo at sino ang panalo sa katotohanan?"Sara, hindi mo kailangang gawin ‘to," pakiusap ni Aling Glenda habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sara."Mama Glenda… hindi ko na po kaya," nanginginig ang boses ni Sara, halatang punong-puno na ang isip niya. "Araw-araw akong may bangungot. Hindi ako matahimik. Hindi ko alam kung sino ako, at parang may kulang sa sarili ko. Hindi ko na kayang mabuhay sa kasinungalingan!""Hindi kasinungalingan ‘to, anak!" galit na sabi ni Aling Glenda. "Ang buhay mo ngayon, totoo ‘to! Hindi ba sapat ‘yun? Hindi ba sapat na may pamilya kang nagmamahal sa’yo rito?"Nagpantig ang tainga ni Adrian sa sinabi ng matanda."Aling Glenda, pamilya nga siya sa inyo, pero paano kung may pamilya siyang naghahanap sa kan
Nagsimula nang lumala ang paglilihi ni Belle. Hindi niya maintindihan ang sarili—may mga pagkain siyang biglang hinahanap, may mga amoy na hindi niya matanggap. Minsan, wala siyang gana. Minsan naman, gusto niyang kumain ng kung ano-ano kahit dis-oras ng gabi.Isang gabi, habang nakahiga siya sa kama, biglang bumangon siya at patakbong pumunta sa banyo. Mabilis siyang sumuka, halos maubos ang laman ng kanyang tiyan.Agad siyang sinundan ni Luke. “Ana, okay ka lang ba?” may pag-aalalang tanong nito habang hinahagod ang kanyang likuran.Hinang-hina siyang tumango. “Oo, siguro epekto lang ng pagbubuntis.”Ngumiti si Luke at marahang hinalikan ang kanyang noo. “Gusto mo bang ipagluto kita ng kahit ano? Baka gusto mo ng maasim?”Napakurap siya. Oo, gusto niya ng maasim. Pero mas gusto niyang kumain ng hilaw na mangga na may bagoong—isang pagkaing hindi mahilig kainin ni Ana noon.“Gusto ko ng hilaw na mangga…” mahinang sabi niya.Bahagyang nagulat si Luke. “Mangga? Eh, hindi mo naman ‘yun