Home / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 26

Share

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 26

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-01-01 21:42:15

Habang nag-aalmusal, ramdam ni Belle ang tingin ni Sheila na parang mga matatalim na punyal na nakaturo sa kanya. Sinubukan niyang itago ang marka sa kanyang leeg sa pamamagitan ng buhok, ngunit mas lalo lang itong napansin nang pabirong sabihin ni Nenita, "Mukhang may mangyayari nang dagdag sa pamilya natin, Luke! Aba, baka magiging ate na si Anabella!"

Napatawa si Luke at pabirong sumagot, "Huwag kayong mag-alala, Ma, nagta-trabaho na kami diyan." Sabay kindat niya kay Belle, na nag-init ang pisngi sa hiya. Napansin ni Belle ang mapanuksong tingin ni Sheila at ang pilit nitong ngiti. Sa kabila ng lahat, ang mata ni Sheila ay puno ng galit at selos—isang apoy na tila mas lalo pang lumalakas sa bawat oras na makikita niyang masaya si Belle at Luke.

Sa loob-loob ni Sheila, tila sumisigaw ang kanyang isipan. "Bakit ikaw, Ana? Bakit ikaw lagi? Hindi mo siya deserve!" Ngunit sa harap ng lahat, nagawa pa rin niyang magsuot ng maskara ng pagiging mabait. "Wow, Luke, mukhang masyado kang i
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 27

    Habang iniisip ang mga nangyari, isang bagong plano ang umusbong sa kanyang isip. Tumayo siya, ang mga mata puno ng determinasyon. "Kung hindi ko siya kayang patayin, sisiguraduhin kong kusang mawawala siya sa buhay natin," ani niya, na may ngiting puno ng kasamaan.Samantala, si Belle, na nagpapanggap bilang Ana, ay karga-karga si Anabella habang pilit pinapatahan ang umiiyak na bata. Halos hindi niya mapigilan ang sariling kabahan habang inihehele ang sanggol. "Hush now, Anabella," bulong niya, bahagyang nanginginig ang boses. "Nandito si mommy. Huwag kang mag-alala, baby. Lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo at sa mommy mo." Hinalikan niya ang noo ng bata, pilit pinapakalma ang kanyang sariling takot. Sa kabila ng lahat ng nangyayari, ang mga inosenteng mata ni Anabella ang tanging nagbibigay sa kanya ng lakas. "Ang hirap," bulong niya sa sarili, habang patuloy na hehele ang bata. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ito. Pero kailangan, para sa'yo, para kay Ana."

    Last Updated : 2025-01-01
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 28

    Habang tahimik ang gabi at ang lahat ay himbing na sa pagtulog, si Belle ay palihim na lumabas ng kwarto, dala ang kanyang cellphone. Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang papunta sa veranda ng mansion; ang lamig ng gabi ay tila sumasalamin sa kanyang nararamdaman. Mabilis niyang kinuha ang numero ng investigator na hinire niya at tumawag."Hello?" sagot ng lalaking nasa kabilang linya, ang tinig ay mababa at puno ng katiyakan. "May balita ka na ba?" tanong ni Belle, halos pabulong ngunit puno ng tensyon ang boses. "May nalaman ka na ba tungkol kay Luke... o kay Sheila?"Sandaling natahimik ang investigator bago sumagot, "May progress na, ma'am. Pero hindi pa kumpleto ang mga detalye. Tungkol kay Sheila, may mga natuklasan akong suspicious na galaw niya, lalo na't may koneksyon siya sa ilang taong may hindi magandang reputasyon.""Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Belle, pilit pinipigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. "Isa sa mga tauhan ni Sheila ang tila may kaugnayan sa ak

    Last Updated : 2025-01-02
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 29

    Ang araw ay nagsimula nang tahimik sa mansion ng Villa. Ang mga magulang ni Luke, sina Nenita at Philipp, ay abala sa pag-aayos ng mga detalye para sa binyag ni Anabella. Si Luke naman ay masiglang tumutulong sa kanyang mga magulang, habang si Belle, na nagpapanggap bilang Ana, ay nag-aalaga kay Anabella. Sa kabila ng kasiyahan sa paligid, naroon si Sheila, tahimik ngunit puno ng galit habang pinagmamasdan ang bawat kilos ni Belle.“Napakaperpekto niya, hindi ba?” bulong ni Sheila sa sarili, habang pilit na ngumingiti sa harap ng pamilya. Ngunit sa likod ng ngiting iyon, ang kanyang isipan ay puno ng maitim na plano. Hindi niya matanggap na si Ana, ang babaeng sa tingin niya ay hadlang sa lahat ng kanyang pangarap, ay patuloy na nangingibabaw. Sa bawat sandaling makikita niya si Luke na nakatingin kay Ana na may pagmamahal, lalong tumitindi ang kanyang selos at galit.Pagkatapos ng meeting tungkol sa binyag, tumungo si Sheila sa kanyang kwarto. Isinara niya ang pinto at siniguradong wa

    Last Updated : 2025-01-02
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 30

    Habang pinipilit ni Luke na ayusin ang seguridad ng venue, ang pagmamahal at pag-aalala niya kay Belle ay kitang-kita. Panay ang tanong niya sa asawa kung maayos lang ba siya, kung may masakit ba sa kanya, o kung kailangan niya ng kahit ano. Ngunit si Belle, bagamat nagpapakita ng tapang sa panlabas, ay ramdam ang bigat ng nangyari. Ang tingin niya sa paligid ay puno ng pag-aalala, parang naghahanap ng sagot sa mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipan. Habang yakap-yakap ni Belle si Anabella upang matiyak na ligtas ang anak, si Sheila naman ay tahimik na nakamasid mula sa isang sulok. Ang kanyang mukha ay tila malamig at walang emosyon, ngunit sa likod nito ay nagtatago ang galit at pagkabigo. "Ang mga inutil!" bulong niya sa sarili, ang mga kamay ay nakakuyom sa sobrang galit. "Hindi ba nila kayang gawin nang tama ang simpleng trabaho? Nandito pa rin si Ana, buhay na buhay. Hindi pa tapos ang laban na ito. Kailangang mas maging maingat ako." Habang naglalakad si Sheila p

    Last Updated : 2025-01-03
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 31

    Naramdaman ni Belle ang sinseridad sa tinig ni Luke, ngunit hindi niya maiwasang isipin: Paano kung si Luke mismo ang dahilan ng lahat ng ito? Paano kung siya ang dahilan ng pagkamatay ni Ana? Hindi niya magawang itapon ang pagdududang iyon, kahit gaano pa siya kamahal ni Luke.Samantala, sa kabilang bahagi ng mansyon, si Sheila ay nakatayo sa harap ng salamin, hawak ang isang basong alak. Ang mga mata niya ay puno ng galit habang iniisip ang pagiging malapit nina Luke at Belle. "Akin si Luke," bulong niya, mahina ngunit puno ng poot. "Hindi ko hahayaang ang babaeng iyon ang makuha ang lahat ng dapat ay sa akin."Napansin niya ang marka ng hickey sa leeg ni Belle noong selebrasyon ng binyag, at halos masira niya ang baso sa sobrang higpit ng pagkakahawak. "Kahit kailan, hindi ka na dapat bumalik, Ana. Ang kapal ng mukha mo para angkinin ang lahat ng meron ako. Pero hindi na magtatagal. Sisiguraduhin kong mawawala ka na nang tuluyan."Kinuha niya ang telepono at muling tinawagan ang kan

    Last Updated : 2025-01-03
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 32

    Nang maramdaman ni Luke ang kanyang presensya, yumakap ito sa kanya mula sa likuran. "Ang lamig ng kamay mo, mahal," sabi ni Luke, puno ng pag-aalala. "May iniisip ka ba?" Pinilit ngumiti si Belle. "Hindi naman. Siguro napagod lang ako sa lahat ng nangyari sa binyag kanina. Nakakabahala ang mga taong gustong manakit sa atin." "Ana, huwag kang mag-alala," sabi ni Luke habang hinahaplos ang kanyang buhok. "Ipinapangako ko sa'yo, hahanapin ko ang mga nasa likod nito. Hindi kita pababayaan. Ikaw at si Anabella ang buhay ko." Habang nakikinig si Belle sa mga salita ni Luke, ramdam niya ang sinseridad nito. Ngunit hindi niya mapigilan ang isipin ang banta ni Sheila. Alam niyang hindi magtatapos doon ang laban. Samantala, si Sheila ay tahimik na nagmamasid mula sa kanyang kwarto. Sa kanyang mga kamay ay hawak ang litrato ni Luke, na may nakaukit na mga salitang "Para sa'yo, mahal." Ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa obsesyon at galit. "Akala mo makakaligtas ka, Ana?" bulong

    Last Updated : 2025-01-03
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 33

    Pagkatapos ibalik ang painting upang muling maitago ang pader ng kanyang mga sikreto, si Sheila ay umupo sa gilid ng kama. Hawak niya ang isa pang litrato ni Luke—ang larawan ng lalaking minahal niya nang higit pa sa sarili niyang buhay. Dahan-dahang hinaplos niya ito, ang kanyang mga mata ay tila nawawala sa kawalan habang ang kanyang isipan ay puno ng madilim na plano. “Hindi mo siya kailangang mahalin, Luke. Dahil ako lang ang nararapat sa’yo,” mahina niyang bulong, puno ng kasiguruhan. Sa bawat salita, mas lalong lumalalim ang kanyang obsesyon, ang damdaming unti-unti nang nagiging lason sa kanyang pagkatao. Pumikit siya, pinipilit damhin ang mga ilusyon sa kanyang isipan. Nakikita niya ang sarili niya kasama si Luke—masaya, magkasama, malaya sa anumang balakid. Ngunit sa kanyang pantasya, si Belle ay wala na. Hindi siya bahagi ng larawang iyon, at ang bawat pagtatangka ni Sheila upang gawin itong totoo ay nagdadala sa kanya sa madilim na landas. Tumayo siya mula sa kama at m

    Last Updated : 2025-01-04
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 34

    Habang tahimik na nakaupo si Belle sa gilid ng kama, nagulat siya nang biglang niyakap siya ni Luke mula sa likod. Naramdaman niya ang init ng katawan nito at ang pag-aalalang bumalot sa kanya. “Bakit gising ka pa?” tanong ni Luke sa malambing na boses, habang hinahalikan ang kanyang ulo. Umiling si Belle at pilit na ngumiti. “Umiyak kasi si Anabella,” sagot niya nang mahina. “Pinatahan ko muna siya bago bumalik dito.” Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito, at lalong bumigat ang nararamdaman niya. Mahal na mahal siya ni Luke bilang si Ana, ngunit hindi nito alam ang katotohanang pilit niyang ikinukubli. Bukod pa roon, walang kaalam-alam si Luke sa tunay na anyo ni Sheila—isang taong handang gawin ang lahat para mapatay siya at hindi niya alam kung ano ang dahilan.“Salamat, hon,” mahinang sagot ni Belle habang pilit na itinatago ang kanyang kaba. “Alam kong hindi magiging madali, pero nagpapasalamat ako kasi nandiyan ka.” Hinaplos ni Luke ang kanyang pisngi. “Lagi a

    Last Updated : 2025-01-05

Latest chapter

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 77

    Masayang-masaya ang buong mansyon para sa unang kaarawan ni Anabella. Puno ng dekorasyon ang paligid—mga pastel-colored na lobo, eleganteng bulaklak sa bawat mesa, at isang napakalaking cake na gawa ng isang sikat na pastry chef.Ang mga bisita ay abala sa pag-uusap at pag-aasikaso sa mga regalo, habang ang masasarap na pagkain ay nakahanda sa isang mahabang buffet table. Sa gitna ng lahat ng ito, si Belle, na nagpapanggap bilang si Ana, ay abala sa pangangasiwa ng selebrasyon.Sa mata ng lahat, siya si Ana. Ngunit ang totoo, siya ay si Belle—ang kakambal ni Ana, na bumalik upang alamin ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid.Si Anabella, sa kanyang munting pink na damit at may gintong tiara, ay nakaupo sa kanyang high chair, masiglang nakatingin sa mga bisitang nagmamahal sa kanya."Ang bilis ng panahon," emosyonal na sabi ni Belinda, ang ina nina Ana at Belle, habang nakatitig sa kanyang apo. "Parang kahapon lang nang ipanganak siya.""Hindi ko akalaing makikita ko

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 76

    Sumagot si Sara, ang kanyang mga mata'y namamasa sa luha habang nakatingin sa dagat. "Tatay, sino kaya ako? Kung may magulang ba ako? Kapatid? Asawa o anak? Wala ako maalala." Ang kanyang boses ay nanginginig, puno ng pangamba at kalungkutan.Lumapit si Glenda at hinawakan ang mga kamay ni Sara. "Huwag mo pilitin, anak. Kusang darating yan," malambing na sabi niya. "Minsan, ang mga bagay na pilit nating hinahanap ay kusang dumarating sa tamang panahon. Ang mga alaala mo ay parang mga alon sa dagat – darating at darating din sa tamang panahon."Tumayo si Romero mula sa kanyang kinauupuan at nilapitan ang dalawa. Ang kanyang mukha'y puno ng pag-unawa at pagmamahal. "Huwag ka na malungkot. Magiging okay din ang lahat. Andito kami, tumatayong magulang mo, at hinding-hindi ka namin pababayaan," may tibay ng loob na sagot ni Romero habang hinahaplos ang buhok ni Sara.Tumulo ang luha ni Sara, hindi sa kalungkutan kundi sa pasasalamat. "Salamat po, Ma, Pa. Hindi ko alam kung ano ang mangyaya

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 75

    Sa ilalim ng maputlang sikat ng araw sa maliit na baryo ng San Rafael, namumuo ang isang kuwento ng pag-ibig, pag-asa, at matinding damdamin na tila ba binuo ng tadhana. Ang mga puso ng mga tao sa baryo ay paulit-ulit na sinasalubong ng halakhak at ungol ng mga alon sa baybayin, na parang awit ng buhay.Si Sara, isang dalagang nag-aalab ang kagandahan at may pusong punong-puno ng hiwaga, ay namumukod-tangi sa gitna ng mga simpleng tao. Hindi niya alam kung sino siya sa kabila ng napakalalim na amnesia na dulot ng mahabang car accident. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkalito, ang kanyang kapalaran ay biglang nagbago nung matagpuan siya nina Glenda at Romero, ang mag-asawang mangingisda na may pusong handang umamping sa kanya bilang sariling anak."Anak, lalong lalo kang mag-ingat sa paglakad sa tabing-dagat," mahina ngunit may tibay na tinuran ni Glenda habang pinapahagkan ang kanyang anak na parang tunay na anak. Ang tinig ni Glenda, na puno ng pagmamahal at pang-unawa, ay parang musika

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 76

    Sa payak ngunit puno ng pagmamahal na tahanan nina Glenda at Mang Romero, ang simpleng hapunan ay nagiging isang espesyal na okasyon. Ang liwanag ng gasera ay nagbibigay ng mainit na sinag sa kanilang maliit na hapag-kainan, habang ang hangin mula sa dalampasigan ay nagpapalamig sa kanilang paligid.Si Ana—na ngayo’y kilala bilang Sara—ay abala sa paghahanda ng hapag habang pinagmamasdan ang masayang kulitan ng mag-asawa. Hindi niya maalala ang kanyang nakaraan, ngunit sa kabila nito, ramdam niya ang init ng pamilya sa piling ng dalawang taong umampon at umaruga sa kanya."Halika na at tikman natin ang gatang alimango ko!" pagmamalaki ni Mang Romero habang inilalapag ang malaking kaldero sa hapag. "Bagong huli ‘yan, siguradong mataba!""Ikaw talaga, asawa ko," natatawang sabi ni Glenda habang binuksan ang takip ng kaldero at naamoy ang masarap na gata. "Sara, tikman mo rin at sabihin mo kung masarap."Kumuha si Sara ng isang maliit na piraso ng alimango at isinubo ito. Napapikit siya

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 75

    Ngumisi si Shiela habang nagbabayad sa pamamagitan ng bank transfer, tiniyak na ang bawat hakbang ay maayos at kontrolado. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakakamtan ang gusto niya. Nang matapos ang transaksyon, tumayo siya mula sa kanyang upuan, nilapag ang baso ng alak, at nagsimulang maglakad papunta sa bintana. Tinutok niya ang kanyang mga mata sa mga ilaw sa labas ng mansion—ang mga ito’y nagsisilbing mga paalala ng lahat ng bagay na maaaring mawalan sa kanya.Matapos ang ilang sandali, tinawagan ni Shiela si Orlando, ang matagal nang kasamahan ni Ana, upang siguraduhin na ang kanilang plano ay umuusad ayon sa balak.Shiela: "Orlando, kumusta na? Nakuha ko na ang kalahati ng bayad, kaya magtulungan tayo para matuloy ang lahat. Alamin mo kung paano magagamit si Ana sa ating plano."Orlando: "Wala na akong ibang choice, Shiela. Nandiyan na ako, at handa akong gawin ang lahat para matapos na ito. Aasikasuhin ko na siya."Ngunit hindi alam ni Shiela na may mga mata na nagmamas

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 74

    Ang mga mata ni Sara ay tila naglalaman ng hindi mailarawang saloobin. Ang takot at pagkalito ay tila magkasabay na dumapo sa kanya, ngunit naramdaman din niyang may bahagi ng kanyang pagkatao ang nagsisilibing gabay. Hindi man niya alam ang buong kwento, hindi man niya matandaan ang lahat, tila may mga taong tulad ni Glenda na handang magsimula muli kasama siya.Dahan-dahan niyang tiningnan si Tonyo at nagsalita ng mahina, "Mahalaga po sa akin na malaman ko ang totoo. Pero hindi ko po kayang sagutin ngayon. Baka isang araw, maaalala ko. Ngunit, hindi pa ngayon."Sumang-ayon si Glenda sa mga sinabi ni Sara, "Tama, Sara. Magtiwala ka. Malalaman mo din ang lahat, basta't maghintay tayo. Baka isang araw, lahat ng piraso ng iyong nakaraan ay magtataglay ng mga sagot."Si Tonyo, na ngayon ay mas tahimik, ay tumango na parang may kasunduan sa sinabi ni Glenda."Pasensya na uli, Sara. Huwag mong alalahanin." Ang mga salitang iyon ni Tonyo ay tumagos kay Sara na para bang may mga pangako at m

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 73

    Sa maliit na baryo ng Bayang Silangan, ang mga alon ay tahimik na humahaplos sa dalampasigan, at ang hangin ay malamig, dala ang amoy ng dagat. Sa ilalim ng lilim ng isang puno ng niyog, si Sara—ang bagong pangalan ng dating Ana—ay abala sa paglilinis ng mga isda sa harap ng kanyang maliit na tindahan. Sa kanyang mga mata ay makikita ang kalinawan ng isang bagong buhay, ngunit ang puso niya ay puno ng mga tanong na hindi kayang sagutin ng simpleng paghinga.Hindi niya alam kung paano siya napadpad sa baybaying iyon. Walang alaala sa mga nakaraang taon ng kanyang buhay. Ang pangalan niyang "Sara" ay isang bagong simula, at sa mga kamay ng mag-asawang Glenda at Romero Pamplana, natutunan niyang yakapin ang buhay na ito. Pinangalanan siyang Sara ng mag-asawa matapos siyang matagpuan sa dalampasigan, halos isang buwan ng nakaratay sa higaan, halos mamatay mula sa isang aksidente na hindi niya matandaan."Tulungan mo na lang ang sarili mo, Sara. Huwag mong alalahanin ang mga bagay na wala

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 72

    Naglakad si Shiela patungo sa kanila, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabighani at pagtataka. "Luke," tawag niya, ang boses ay medyo mataas kaysa karaniwan, "Bakit kayo nandito? Ano bang meron sa lugar na 'to?"Napatingin si Belle kay Shiela, at agad niyang naramdaman ang tensyon na parang may pader na bumangon sa pagitan nila. Si Luke naman ay medyo nagulat, ngunit hindi na ito nagbigay ng sagot agad. Sa halip, dahan-dahan niyang iniiwas ang kanyang tingin kay Ana at tumingin kay Shiela."Shiela," sabi ni Luke, "bakit andito ka? May kailangan ka ba? Namamasyal lang kami sa garden ni Ana." "Wala lang, gusto ko rin magpahangin at nakita ko kayo kaya sinundan ko kayo. Masama ba?" pabirong sabi ni Shiela. "Hindi naman masama, Shiela. Nagbonding moments lang kami ni Luke. Nagulat kami ng bigla kang sumulpot na para kang kapote," sarkastikong sabi ni Belle. "Parang hindi ka na nasanay sa akin, Ana," sarkastikong sagot nito."Syempre naman, Shiela," sagot ni Belle, ang mga mata niya ay n

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 71

    Tahimik ang buong bahay. Tanging ang mahinang ugong ng electric fan ang maririnig sa kwarto ni Belle. Nakaupo siya sa gilid ng kama, pilit nilalabanan ang bigat ng kanyang emosyon. Sa kanyang mga kamay ay ang lumang diary ni Ana—ang natatanging alaala ng kanyang kakambal. Binuksan niya ito, at agad na tumambad ang pamilyar na sulat-kamay ni Ana. Ang bawat pahina ay tila isang patalim na tumutusok sa kanyang puso, bawat salita'y nag-iiwan ng masakit na bakas sa kanyang konsensya."Luke ang mundo ko. Siya ang lahat ng lakas ko, kahit pa minsan hindi niya ito napapansin," nabasa niya. Napapikit si Belle, pilit pinipigil ang pagpatak ng luha. Ngunit hindi niya napigilan ang bahagyang paghikbi nang basahin ang susunod na linya:"Kahit anong mangyari, gusto kong ipaglaban ang pagmamahalan namin. Hindi ko kayang mabuhay nang wala si Luke."Hindi niya malaman kung paano ipoproseso ang lahat ng ito. Sa bawat salaysay ni Ana, parang mas nadarama niya ang bigat ng pagmamahal ng kakambal para kay

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status