Tahimik na nagpalitan ng tingin sina Luke at Belle habang nakatayo sa may pintuan ng kwarto ni Anabella. Pareho nilang naramdaman ang kilabot na tila may isang aninong muling gumagapang palapit sa kanila.Biglang kumatok ang yaya, bakas sa tinig nito ang matinding pag-aalala.“Sir, Ma’am Ana! Si Anabella po, kanina pa iyak nang iyak. Parang may sinat siya.”Napamulagat si Belle sa narinig. Hindi siya nagdalawang-isip na patakbong lumapit sa pinto at binuksan ito. Kitang-kita niya ang namumugtong mata ng yaya na halatang nag-aalala.“Nasaan siya?” tanong ni Luke na agad ding sumunod.“Nasa kwarto po, hinahanap kayo,” sagot ng yaya na halos hindi na makapagsalita sa pag-aalala.Mabilis silang naglakad papunta sa silid ng bata. Bumilis ang tibok ng puso ni Belle. Hindi niya alam kung dahil ba sa takot para kay Anabella o dahil sa bigat ng lihim na patuloy niyang itinatago.Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanila si Anabella na nakahiga sa kama. Namumula ang kanyang mukha, pawis na pawis, a
Samantala ang totoong Ana ay namuhay ng tahimik.KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may bumabagabag sa kanya—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Napatingin siya sa labas ng bintana at naalala ang mga sinabi ni Adrian kagabi."Hindi mo kailangang balikan ang nakaraan, Sara. Ang mahalaga, anuman ang piliin mo ngayon, susuportahan kita."Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit pero may bahagi ng puso niya ang unti-unting lumalambot para kay Adrian.Habang nag-iisip, biglang kumatok si Glenda sa pintuan."Anak, may bisita ka."Napakunot-noo si Sara. Hindi na siya nagtanong at lumabas ng kwarto. Bumungad sa kanya si Adrian, nakangiti habang may hawak na isang maliit na basket ng prutas."Good morning," bati nito.Hindi agad nakasagot si Sara. Pakiramdam niya ay mabilis ang tibok ng kanyang puso, pero hindi niya alam kung bakit."Bakit ka nandito ulit?" tanong niya, pilit pinapanatili ang malamig na tono.Na
Matapos ang ilang minuto ng katahimikan, unti-unting humupa ang sakit sa ulo ni Sara. Ngunit naiwan ang isang matinding takot sa kanyang dibdib—parang may isang bahagi ng kanyang nakaraan na pilit na gustong lumabas.Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi at huminga nang malalim bago tumingin kay Glenda at Romero."Paano… paano niyo nalaman na may kinalaman si Shiela Villa sa pagkawala ko?" mahina niyang tanong, ngunit bakas sa kanyang tinig ang pangangailangan ng kasagutan.Napabuntong-hininga si Glenda. "Noong una, akala namin wala kang pamilya, na isa ka lang biktima ng aksidente… pero may mga bagay na hindi tugma sa kwento ng mga pulis noon."Nagpatuloy siya, hawak ang kamay ni Sara. "Ngunit nang marinig ko ang pangalan ni Shiela Villa, may kung anong bumalik sa isip ko. Siya ay isang babae na matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa iba't ibang kaso ng panloloko, pagnanakaw… at pagkakasangkot sa isang insidente ng pagkawala ng isang babae ilang taon na ang nakakalipas.""A
Samantala, sa loob ng malamig at madilim na kulungan, nagwawala si Shiela Villa. Walang tigil ang kanyang pagsisigaw, hinahampas ang mga rehas, habang umiiyak at nagmamakaawa."Pakawalan niyo ako! Hindi ako dapat nandito!"Halos mawalan na siya ng boses sa kasisigaw. Ilang araw na siyang nakakulong, pero hindi pa rin siya makapaniwala na ganito ang kanyang sinapit.Dahil sa kasong attempted murder, walang piyansa ang kanyang kaso. Alam niyang walang paraan upang makalaya siya… maliban sa isang bagay."Gusto kong makausap sina Papa Philip at Mama Nenita!" galit niyang sigaw sa bantay. "Sabihin niyo sa kanila! Gusto kong makausap ang mga magulang ko!"Ngunit walang kumibo sa mga pulis. Tila sanay na sila sa mga ganitong eksena.Lalong nanggalaiti si Shiela. Pinagpapalo niya ng suntok ang rehas, ngunit wala siyang magawa.Maya-maya, may dumating na dalawang pulis."May bumisita sa'yo."Agad na nanlaki ang mata ni Shiela. Halos magtatalon siya sa tuwa."Si Papa Philip at Mama Nenita ba?"
Nanatiling nakaluhod si Shiela, pilit hinahabol ang hininga sa pagitan ng kanyang hikbi. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang katawan, hindi dahil sa kulungan kundi dahil sa bigat ng katotohanang isinampal sa kanya—wala na siyang matatakbuhan."Papa… huwag mo akong iwan…" mahina niyang bulong, ngunit alam niyang wala nang makakarinig.Ipinikit niya ang kanyang mga mata, pinipilit pigilan ang bumabahang luha. Kailan siya nagsimulang magkulang? Kailan siya nagsimulang mawala sa tamang landas? Alam niyang may kasalanan siya—alam niyang nagkamali siya—pero hindi ba niya kayang itama ito?Dahan-dahan siyang bumangon, pilit na isiniksik sa isip na hindi pa tapos ang laban."Hindi pa ito ang katapusan…"Pero sino ang kanyang aasa-han? Sino pa ang maniniwala sa kanya?Napapikit siya nang mariin at saka napakagat-labi. "Hindi ako puwedeng manatili rito. Kailangan kong lumaya. Kahit ano pang paraan…"Sa kabilang dako naman, tahimik na nakahiga si Belle sa kama habang mahimbing na natutulog sa
Samantala sa tunay na Ana na hanggang ngayon wala parin naalala.Maagang pumunta si Sara sa plaza kasama si Aling Glenda. Magkasama silang naglalakad sa paligid habang namimili ng mga prutas sa isang pwesto. Maraming tao ang nagkukumpulan sa paligid, karamihan ay mga nagtitinda at mamimili na abala sa kani-kanilang gawain.Habang inaabot ni Sara ang isang hinog na mangga, bigla niyang napansin na nagkaroon ng kakaibang ingay sa paligid. Parang… may musika?Napakunot ang noo niya. "Bakit parang may banda?"Hindi pa man siya nakakareact nang maayos, biglang may lumapit na isang lalaki na may dalang isang bouquet ng pulang rosas at nakangiting iniabot ito sa kanya."Miss Sara, may nagpapadala po nito para sa inyo."Nagulat siya. "Ha?" Napatingin siya kay Aling Glenda, pero halatang aliw na aliw lang ito sa nangyayari.At bago pa siya makapagtanong, isang grupo ng musikero ang lumapit—may dalang gitara, violin, at isang maliit na tambol.At doon niya nakita si Adrian—nakaputing polo, naka
Nakaupo si Belle sa sofa, marahang inuugoy si Anabella sa kanyang mga bisig. Sa wakas, tumigil na rin ang bata sa pag-iyak at mahimbing nang natutulog laban sa kanyang dibdib. Napabuntong-hininga siya at hinalikan ang noo ng bata.Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Dahan-dahan niyang inabot ito, nag-iingat na huwag magising si Anabella. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bumigat ang kanyang pakiramdam.Clyde & Sophia SmithAng kanyang adoptive parents.Saglit siyang nag-alinlangan bago tuluyang sinagot ang tawag."Mom? Dad?" Mahina ang kanyang boses, halos pabulong."Oh, sweetheart! Finally, you picked up!" Lumabas ang malalim na buntong-hininga ni Sophia. "We’ve been so worried about you. How are you? How’s everything?"Napakagat-labi si Belle, mahigpit na hinawakan ang cellphone."I… I’m fine, Mom. Everything’s fine.""You don’t sound fine," singit ni Clyde. "Are you sure you’re okay, Belle?"Pumikit si Belle at huminga nang malalim."I am," pagsisinungaling niya. "I jus
Natahimik si Sara. Kahit malamig ang simoy ng hangin, pakiramdam niya ay parang nasa isang mainit na kwarto siya—hindi dahil sa init ng panahon, kundi dahil sa presensya ni Adrian.Hindi niya alam kung dahil sa hangin o sa mga salita ni Adrian… pero naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya.Pinanood lang siya ni Adrian, hinihintay ang magiging sagot niya. Pero paano siya sasagot kung ni hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya?"Adrian…" Nag-aalangan siyang magsalita. "Natatakot ako."Bahagyang lumalim ang tingin ni Adrian. "Bakit?"Huminga nang malalim si Sara, saka tumingin sa malayo. "Dahil… paano kung hindi kita maalala? Paano kung kahit anong gawin natin, hindi bumalik ang alaala ko? Hindi ba nakakapagod ‘yon?"Ngumiti si Adrian, pero sa halip na matakot o mag-alinlangan, mas lumapit pa ito sa kanya. "Ikaw ba, napapagod ka na?"Nagulat si Sara sa tanong. "Ano?""Napapagod ka na bang makita ako? Napapagod ka bang nandito ako palagi sa tabi mo?"Napatulala siya. Hindi
Sa gabing iyon, habang mahimbing na natutulog si Sara, si Vanessa naman ay gising na gising hindi lang dahil sa pait ng pagkatalo kundi dahil sa ideyang unti-unti nang nabubuo sa kanyang isipan.Kasama niya si Paul sa isang pribadong lounge ng resort, malayo sa iba pang mga bisita. Sa harapan nila, may bote ng mamahaling alak at isang tray ng magagarang pagkain, pero hindi iyon ang pakay nila.Paul: "Vanessa, kung gusto mong bumalik sa buhay ni Adrian, kailangan mong maging matalino. Hindi pwedeng bara-bara lang."Vanessa: "Anong plano mo?"Paul: "Hindi sapat ang kagandahan mo para bumalik siya sa’yo. Kailangan mong ipakita sa kanya na ikaw ang mas bagay sa kanya mas classy, mas ka-level niya, at higit sa lahat, ikaw ang babaeng hindi niya kayang bitawan."Napakagat-labi si Vanessa. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Paul.Paul: "Swerte ka, Vanessa. May isang malaking event sa resort na ito bukas—isang grandeng charity gala. At alam mo kung sino ang guest of honor?"Vanessa: "Sino?"Pa
Samantala sa tunay na Ana na ngayon ay si Sara.Ramdam ni Sara ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatitig kay Vanessa. Hindi niya alam kung anong sasabihin nito, pero ang paraan ng pagkakatitig nito kay Adrian—may kumpiyansa, may pangangailangan—ay sapat nang dahilan para magduda siya."Ano'ng kailangan mong sabihin, Vanessa?" tanong ni Adrian, halatang nagtataka.Lumingon si Vanessa kay Sara bago muling binalik ang tingin kay Adrian. "Pwede ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang?"Napatingin si Sara kay Adrian, hinihintay kung ano ang gagawin nito.Pero hindi siya binigo ni Adrian. Hinawakan nito ang kamay niya at mariing sinabi, "Kahit anong sasabihin mo, Vanessa, pwedeng sabihin mo rin sa harap ni Sara."Halos hindi maipinta ang mukha ni Vanessa. Halatang hindi niya inaasahang tatanggi si Adrian."Adrian," may bahagyang pakiusap sa tono ni Vanessa. "Hindi ito isang bagay na pwedeng marinig ng iba.""Si Sara ay hindi ‘iba’ sa akin," madiin na tugon ni Adrian. "Ano man ang sasa
Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B
Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no
"Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T
Tumingin si Tatay Romero sa kanya. "Eh ilang taon mo na bang nililigawan ang anak ko?"Napakamot si Adrian sa batok. "Matagal-tagal na po.""Aba eh, kung matagal na, e bakit hindi pa nagkaka-sagot? Ano bang problema mo, hija?" nakataas ang kilay ni Nanay Glenda.Napalunok si Sara. "Nay, huwag niyo akong isali diyan!"Tumingin si Tatay Romero kay Adrian. "Eh ikaw, Adrian, sigurado ka ba sa anak ko? Baka naman mainip ka at mapunta ka nga sa beauty queen?"Tumayo si Adrian nang tuwid at seryosong tumingin kay Tatay Romero. "Tay, sigurado po ako. Kahit ilang beauty queen pa ang dumaan, si Sara pa rin ang gusto ko. Siya lang."Natigilan si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa sobrang kaseryosohan ni Adrian.Nakangiti si Nanay Glenda. "O siya, hija, bahala ka na diyan. Pero tandaan mo, bihira ang lalaking ganyan."Tumingin si Sara kay Adrian, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya."Tingnan natin kung kaya mong panindigan ‘yan," mahina niyang sabi.Ngumiti si Adri
KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Habang nag-aayos ng mesa, napansin niya si Nanay Glenda na nakamasid sa kanya, nakangiti."Ano, hija? Magpapaganda ka na ba para sa bisita mo?" tanong ni Nanay Glenda habang pinipigil ang ngiti.Napataas ang kilay ni Sara. "Ano pong bisita?""Aba eh, sino pa? E ‘di ‘yung masugid mong manliligaw!" sagot ni Tatay Romero na nagkakape sa tabi.Napaawang ang bibig ni Sara. "Tay! Wala akong bisita!""Hmp! Sige ka, baka may beauty queen na ang kasama niya ngayon!" sabat ni Nanay Glenda habang abala sa pagtutupi ng mga damit.Napakunot ang noo ni Sara. "Edi mabuti! Kung may gusto siyang beauty queen, wala akong pakialam!"Tumingin si Tatay Romero sa kanya nang makahulugan. "Aba, parang ang taas ng boses mo, hija. Parang—""Parang ano?" mabilis na putol ni Sara, sabay tingin sa kanyang ama."Parang nagseselos!" sagot ni Nanay Glenda na parang may tuksong ngiti."Nay naman! Hindi a
Saglit na natahimik si Adrian. Nagpukol siya ng tingin sa pool, pinagmamasdan ang kislap ng tubig sa ilalim ng buwan.Adrian: “Masakit ‘yun. Pero kung hindi niya ako pipiliin… tatanggapin ko.”Paul: “Wow. Sobrang lalim na ng tama mo, boss. Pero alam mo, feeling ko… ikaw pa rin ang pipiliin niya.”Napangiti si Adrian. “Sana nga.”Paul: “Kaya bukas, punta mo na agad! Baka naman isang beauty queen pa ang maunang umeksena diyan sa buhay mo.”Adrian: “Kahit sampung beauty queen pa ‘yan, si Sara lang ang gusto ko.”Paul: “O siya, sige na! Mukhang wala na akong magagawa sa’yo. Magpahinga ka na, para may energy kang mangulit bukas.”Tumayo si Adrian at tinapik sa balikat si Paul. “Salamat, bro.”Paul: “Walang anuman. Basta siguruhin mong hindi ka tatanggap ng ‘basted’ bilang sagot.”Natawa si Adrian. “Wala ‘yun sa vocabulary ko.”At sa isip niya, buo na ang pasya niya—bukas, babalik siya kay Sara. KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bu
Muling bumigat ang dibdib ni Sara. Tumayo siya nang mariin ang pagtapak sa sahig. “Hindi ko alam,” sagot niya bago lumabas ng bahay.Naiwan sina Nanay Glenda at Tatay Romero na nagkakatinginan. Napangiti si Nanay Glenda. “Mukhang may nahulog na talaga.”Sa Crystal Clear J ResortNapapaligiran si Adrian ng naggagandahang babae pero ni isa sa kanila, hindi niya magawang pagtuunan ng pansin.Lumapit sa kanya si Jas, ang matalik niyang kaibigan at kasosyo sa resort. “Boss, sigurado ka bang hindi ka pupunta kay Sara ngayon? Parang ang bigat ng loob mo.”Umiling siya. “Busy tayo ngayon, ‘di ba? Tsaka hindi naman ako pwedeng mawala sa event na ‘to.”Ngumiti si Jasendo at palihim na tinapik ang balikat niya. “O baka naman gusto mong marinig na hinanap ka niya?”Mabilis siyang tumingin sa kaibigan. “Hayup ka talaga, Jasendo.”Napatawa ito. “Aba, kita mo? Ikaw na nga ang nagsabi.”Pumikit si Adrian at marahang bumuntong-hininga. Kahapon lang, hawak niya ang kamay ni Sara, tila may pag-asa siyan