Nanatiling nakaluhod si Shiela, pilit hinahabol ang hininga sa pagitan ng kanyang hikbi. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang katawan, hindi dahil sa kulungan kundi dahil sa bigat ng katotohanang isinampal sa kanyaโwala na siyang matatakbuhan."Papaโฆ huwag mo akong iwanโฆ" mahina niyang bulong, ngunit alam niyang wala nang makakarinig.Ipinikit niya ang kanyang mga mata, pinipilit pigilan ang bumabahang luha. Kailan siya nagsimulang magkulang? Kailan siya nagsimulang mawala sa tamang landas? Alam niyang may kasalanan siyaโalam niyang nagkamali siyaโpero hindi ba niya kayang itama ito?Dahan-dahan siyang bumangon, pilit na isiniksik sa isip na hindi pa tapos ang laban."Hindi pa ito ang katapusanโฆ"Pero sino ang kanyang aasa-han? Sino pa ang maniniwala sa kanya?Napapikit siya nang mariin at saka napakagat-labi. "Hindi ako puwedeng manatili rito. Kailangan kong lumaya. Kahit ano pang paraanโฆ"Sa kabilang dako naman, tahimik na nakahiga si Belle sa kama habang mahimbing na natutulog sa
Samantala sa tunay na Ana na hanggang ngayon wala parin naalala.Maagang pumunta si Sara sa plaza kasama si Aling Glenda. Magkasama silang naglalakad sa paligid habang namimili ng mga prutas sa isang pwesto. Maraming tao ang nagkukumpulan sa paligid, karamihan ay mga nagtitinda at mamimili na abala sa kani-kanilang gawain.Habang inaabot ni Sara ang isang hinog na mangga, bigla niyang napansin na nagkaroon ng kakaibang ingay sa paligid. Parangโฆ may musika?Napakunot ang noo niya. "Bakit parang may banda?"Hindi pa man siya nakakareact nang maayos, biglang may lumapit na isang lalaki na may dalang isang bouquet ng pulang rosas at nakangiting iniabot ito sa kanya."Miss Sara, may nagpapadala po nito para sa inyo."Nagulat siya. "Ha?" Napatingin siya kay Aling Glenda, pero halatang aliw na aliw lang ito sa nangyayari.At bago pa siya makapagtanong, isang grupo ng musikero ang lumapitโmay dalang gitara, violin, at isang maliit na tambol.At doon niya nakita si Adrianโnakaputing polo, naka
Nakaupo si Belle sa sofa, marahang inuugoy si Anabella sa kanyang mga bisig. Sa wakas, tumigil na rin ang bata sa pag-iyak at mahimbing nang natutulog laban sa kanyang dibdib. Napabuntong-hininga siya at hinalikan ang noo ng bata.Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Dahan-dahan niyang inabot ito, nag-iingat na huwag magising si Anabella. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bumigat ang kanyang pakiramdam.Clyde & Sophia SmithAng kanyang adoptive parents.Saglit siyang nag-alinlangan bago tuluyang sinagot ang tawag."Mom? Dad?" Mahina ang kanyang boses, halos pabulong."Oh, sweetheart! Finally, you picked up!" Lumabas ang malalim na buntong-hininga ni Sophia. "Weโve been so worried about you. How are you? Howโs everything?"Napakagat-labi si Belle, mahigpit na hinawakan ang cellphone."Iโฆ Iโm fine, Mom. Everythingโs fine.""You donโt sound fine," singit ni Clyde. "Are you sure youโre okay, Belle?"Pumikit si Belle at huminga nang malalim."I am," pagsisinungaling niya. "I jus
Natahimik si Sara. Kahit malamig ang simoy ng hangin, pakiramdam niya ay parang nasa isang mainit na kwarto siyaโhindi dahil sa init ng panahon, kundi dahil sa presensya ni Adrian.Hindi niya alam kung dahil sa hangin o sa mga salita ni Adrianโฆ pero naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya.Pinanood lang siya ni Adrian, hinihintay ang magiging sagot niya. Pero paano siya sasagot kung ni hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya?"Adrianโฆ" Nag-aalangan siyang magsalita. "Natatakot ako."Bahagyang lumalim ang tingin ni Adrian. "Bakit?"Huminga nang malalim si Sara, saka tumingin sa malayo. "Dahilโฆ paano kung hindi kita maalala? Paano kung kahit anong gawin natin, hindi bumalik ang alaala ko? Hindi ba nakakapagod โyon?"Ngumiti si Adrian, pero sa halip na matakot o mag-alinlangan, mas lumapit pa ito sa kanya. "Ikaw ba, napapagod ka na?"Nagulat si Sara sa tanong. "Ano?""Napapagod ka na bang makita ako? Napapagod ka bang nandito ako palagi sa tabi mo?"Napatulala siya. Hindi
Bago pa niya ito matanong, biglang may lumapit sa kanila.โSara.โNapalingon silang dalawa. Si Romero. Galing ito sa pangingisda, may dalang basket ng sariwang huli. Mukhang seryoso ang mukha nito habang nakatitig kay Adrian.โRomero?โ Nagulat si Sara. โAnong ginagawa mo rito?โHindi sumagot si Romero. Sa halip, dumiretso ito kay Adrian."Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito, malamig ang tono.Tumingin si Adrian kay Sara, na halatang nag-aalala, pero tumango ito. "Sige."Naglakad sila ng kaunti palayo kay Sara bago nagsalita si Romero."Adrian, gusto ko lang malaman..." Tumigil ito sandali, bago seryosong tumitig sa kanya. "Seryoso ka ba talaga kay Sara?"Napasinghap si Adrian. "Ano bang klaseng tanong 'yan?""Seryoso akong tanungin ka." Lumalim ang boses ni Romero. "Hindi mo ba naiisip na mahirap ang sitwasyon niya ngayon? Wala siyang maalala, hindi niya alam kung sino siya. Paano kung isang araw, bumalik ang alaala niya at malaman niyang may mahal siyang iba noon?"Napatingin si A
Napahawak si Sara sa sentido niya. "Bakit ba ang kulit mo? Hindi ka ba napapagod?"Napatingin si Adrian sa malayo, saka ngumiti. "Napapagod din, syempre."Napalingon si Sara sa kanya, bahagyang nagulat sa sagot nito. "Oh? Edi bakit ka pa nagpupumilit?"Muli siyang tinitigan ni Adrian, seryoso na ngayon ang mukha. "Kasi alam kong ikaw ang gusto ko. At hindi ko hahayaang mawala ka ulit."Para bang may kung anong kirot sa dibdib ni Sara sa narinig. "Naulit na ba ito dati?"Hindi agad sumagot si Adrian. Sandali itong natahimik bago muling ngumiti, pero may lungkot sa likod ng kanyang mga mata. "Hindi ko sasagutin โyanโฆ dahil gusto kong dumating ang araw na maalala mo ito nang kusa."Nagkatinginan sila. Ang hangin mula sa ilog ay marahang humaplos sa kanilang mga mukha, pero sa kabila ng lamig, may kung anong init na bumabalot sa paligid nila."Adrianโฆ" bulong ni Sara, hindi alam kung ano ang dapat niyang sabihin.Bigla siyang ngumisi ang binata, pilit binasag ang tensyon. "Ano? Kinilig ka
Napabuntong-hininga si Sara habang nakatingin sa malawak na dagat. Tahimik ang paligid, tanging hampas ng alon at ang tunog ng malamig na hangin ang naririnig niya. Sa tabi niya, nakatayo si Adrian, nakatanaw rin sa malayo.Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang sabihin nitong gusto siya nitong ligawan. At sa panahong iyon, hindi na siya tinantanan ni Adrianโlaging nagpapadala ng bulaklak, iniistorbo siya sa palengke, at kung minsan, bigla na lang susulpot sa harapan niya na may hawak na paborito niyang inumin. Parang wala itong kapaguran.Pero ngayon, tahimik lang ito. Walang biro, walang kalokohan. Tanging ang matamis nitong presensya ang kasama niya sa gabing ito."Anong iniisip mo?" tanong ni Adrian, bahagyang lumapit.Saglit na natahimik si Sara bago sumagot. "Iniisip koโฆ kung tama ba โtong ginagawa ko. Na kahit hindi ko maalala ang nakaraan ko, pinapayagan kitang pumasok sa buhay ko."Isang malambing na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Adrian. "Alam mo, minsan hindi mo kailangan
Maliwanag ang buong mansyon ng pamilya Villa. Ang hardin ay napuno ng masasayang dekorasyonโmga lobo, bulaklak, at ibaโt ibang stuffed toys na paborito ni Anabella. Isang engrandeng selebrasyon ang inihanda ni Luke para sa kanilang anak. Pero sa kabila ng kasayahan, may isang taong hindi mapakali.Si Belle.Tatlong taon na ang lumipas simula nang mawala si Ana. Tatlong taon na rin siyang nagpapanggap bilang ang kakambal niya. At ngayon, anim na buwan na siyang nagdadalang-tao sa anak nila ni Luke. Pero sa kabila ng lahat ng ito, patuloy siyang nabubuhay sa takotโtakot na mahuli, takot na malaman ang totoo, at higit sa lahat, takot na mawala si Luke at Anabella sa kanya.โMama!โ Masayang lumapit sa kanya si Anabella, bitbit ang hawak na bagong laruan. โTingnan mo! May bago akong teddy bear!โPinilit niyang ngumiti habang hinahaplos ang malambot na buhok ng bata. โAng ganda, baby. Sinong nagbigay saโyo niyan?โโSi Daddy!โ sagot ng bata, sabay turo kay Luke na abala sa pakikipag-usap sa
Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayonโmagkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema langโฆ Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para saโyo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon
Sa loob ng madilim na silid, habang bumubuhos ang ulan sa labas, nanatiling nakaupo si Vanessa sa sahig. Hawak niya ang isang lumang litrato โ litrato nila ni Adrian noong high school."Adrian..." bulong niya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako iniwan?"Nagngangalit ang damdamin niya. Gulo. Lungkot. Galit. Lahat-lahat na. Habang unti-unti niyang pinipiga ang litrato sa kanyang palad, tila ba sinisiksik din niya ang sakit sa kanyang dibdib."Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo sa lahat ng pangarap natin. Ako ang naghintay. At ngayon na bumalik ka... may ibang babae ka na."Dumating ang kaibigan niyang si Lianne, basang-basa ang buhok at damit sa ulan. Humahangos, agad siyang lumapit kay Vanessa."Vanessa, tama na. Hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa lalaking pinili nang magmahal ng iba," pakiusap ni Lianne.Tumayo si Vanessa. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang boses."Hindi mo 'to naiintindihan, Lianne. Hindi ikaw ang nai
Samantala sa tunay na ana sa may maliit na baryo..Isang pangungusap na hindi niya malilimutanโdahil iyon na ang salitang pinatay ang natitira pa nilang pag-asa."Kung totoong mahal mo ako..."Paulit-ulit itong umuugong sa utak ni Adrian habang nakatayo pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ni Sara. Wala nang katao-tao. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay may isang unos na hindi matahimik."Sara..." bulong niya, pero huli na.Biglang napaupo si Adrian sa bangketa, hawak ang ulo, habang tuluyang bumigay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan."Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang narealize na ikaw na pala ang tahanan ko? Bakit ako natakot, kung saโyo lang naman ako ligtas?" Nanginginig ang kanyang tinig. Wala nang pakialam kung marinig siya ng mundo. Ang kirot ay masyadong malalim para pigilan.Habang lumalayo si Sara, ang bawat hakbang niya ay parang pagsaksak sa sariling dibdib. Hindi niya alam kung tama ang ginawa. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi lumingon. Pero
Tumunog ang cellphone ni Belle. Nasa sala siya, nakaupo sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nakaalalay ang siko niya sa armrest at ang mga mataโy malalim ang iniisip. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan sa screen: โMom & Dad.โ"Oh no," mahina niyang bulong. "Sila."Kinabahan siya. Napahigpit ang hawak sa cellphone habang mabilis ang tibok ng puso. Parang may matinding bagyong darating.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag."Hello, Mom? Dad?""Belle, anak!" halos sigaw ng boses ni Sophia sa kabilang linya. May halong galak at pangungulila."Salamat at sinagot mo, anak. Kamusta ka na?""Weโve been trying to reach you for weeks," sabi naman ni Clyde, mababa ang tinig ngunit bakas ang inis at pag-aalala. "Hindi ka sumasagot sa tawag. Hindi mo binabasa ang mga mensahe. Anak, we were so worried."Pasubali ang tono ni Belle, parang
Habang binabaybay ni Vanessa ang madilim na kalsada, tumigil siya sa harap ng isang simbahan. Hindi siya pumasok, ngunit tumayo siya sa labas. May mga sagot na hindi kayang matagpuan sa sarili lamang. Ang puso niya ay puno ng galit, ngunit may mga tanong na hindi na niya kayang itago.โBakit ako? Bakit siya? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?โ tanong ni Vanessa sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga simbahan na nakatayo sa dilim. Wala siyang sagot. Bawat saglit ay patuloy na sumasakit, at ang bawat galit ay tumatagos sa kanya. Tahimik na umihip ang hangin sa malamlam na gabi. Sa ilalim ng dilim, tila nagmukhang malabo ang bawat hakbang ni Sara patungo kay Adrian. Ang kanyang puso ay puno ng takot at kalituhan, ngunit naglakad pa rin siya, umaasa, naglalakad sa isang landas na puno ng hindi siguradong hakbang.Nakatayo si Adrian sa harap ng mga mata ni Sara, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at mga tanong. Wala na silang ibang naririnig kundi ang huni ng hangin at ang t
Ang hangin ay malamig, pero hindi ito ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Vanessa. Hindi ang malamig na simoy ng hangin ang nagpasakit sa kanya. Sa bawat paghagulgol ng kanyang puso, iniisip niya kung paano niya magagampanan ang laban na tila natapos na. Si Adrian, ang kanyang mundo, ay umalis. Ipinili niya si Sara, at iniiwan siya sa dilim, walang kalaban-laban.Sa ilalim ng malamlam na buwan, tumayo si Vanessa at nagsimulang maglakad. Hindi siya tumingin pabalik kay Sara. Wala siyang lakas para tignan ang babaeng kumuha sa kanya ng lahatโang pagmamahal ni Adrian, ang mga pangarap nila. Hindi na siya maghahanap ng pag-asa. Wala nang kwenta.Pero sa kanyang puso, isang bagay ang nagpatuloy: ang galit. Galit na galit siya. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na ang taong matagal niyang iniwasan, ang babaeng hindi niya inaasahan, ang naging dahilan ng lahat ng ito.Samantalang si Sara, naglalakad palayo kay Adrian, ay hindi maiwasang mag-isip. Hindi niya maiwasang mag-a
Madilim ang gabi. Walang bituin. Ang hangin ay malamig at tila may dalang bagyo. Sa ilalim ng maulap na langit, nagtagpo ang dalawang pusong naglalaban para sa iisang lalaking mahal nilaโsi Adrian.Nakatayo si Vanessa sa harap ni Sara, ang mukha niya ay puno ng galit, ang mga mataโy naglalagablab sa selos. Hindi na niya kayang magpigil pa. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit, ang pait, ang pagkasuklam sa babaeng ito na bigla na lang dumating at tila ninakaw ang mundong matagal na niyang inaasam."Anong meron saโyo, ha?" pasigaw na tanong ni Vanessa, nanginginig ang tinig.Nagulat si Sara. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero nanatili ang distansya."Vanessa, hindi ko alam kung bakit mo โto ginagawa," mahinahong sagot niya."โHindi mo alam?โ" Tumawa si Vanessa, mapait. "Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo si Adrian sa akin."Umiling si Sara. "Vanessa, hindi ko ginusto
Sa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animoโy paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansinโang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin
โDahilโฆ minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.โโAng mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ayโฆ tayo.โNagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu