Samantala ang totoong Ana ay namuhay ng tahimik.KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may bumabagabag sa kanya—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Napatingin siya sa labas ng bintana at naalala ang mga sinabi ni Adrian kagabi."Hindi mo kailangang balikan ang nakaraan, Sara. Ang mahalaga, anuman ang piliin mo ngayon, susuportahan kita."Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit pero may bahagi ng puso niya ang unti-unting lumalambot para kay Adrian.Habang nag-iisip, biglang kumatok si Glenda sa pintuan."Anak, may bisita ka."Napakunot-noo si Sara. Hindi na siya nagtanong at lumabas ng kwarto. Bumungad sa kanya si Adrian, nakangiti habang may hawak na isang maliit na basket ng prutas."Good morning," bati nito.Hindi agad nakasagot si Sara. Pakiramdam niya ay mabilis ang tibok ng kanyang puso, pero hindi niya alam kung bakit."Bakit ka nandito ulit?" tanong niya, pilit pinapanatili ang malamig na tono.Na
Matapos ang ilang minuto ng katahimikan, unti-unting humupa ang sakit sa ulo ni Sara. Ngunit naiwan ang isang matinding takot sa kanyang dibdib—parang may isang bahagi ng kanyang nakaraan na pilit na gustong lumabas.Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi at huminga nang malalim bago tumingin kay Glenda at Romero."Paano… paano niyo nalaman na may kinalaman si Shiela Villa sa pagkawala ko?" mahina niyang tanong, ngunit bakas sa kanyang tinig ang pangangailangan ng kasagutan.Napabuntong-hininga si Glenda. "Noong una, akala namin wala kang pamilya, na isa ka lang biktima ng aksidente… pero may mga bagay na hindi tugma sa kwento ng mga pulis noon."Nagpatuloy siya, hawak ang kamay ni Sara. "Ngunit nang marinig ko ang pangalan ni Shiela Villa, may kung anong bumalik sa isip ko. Siya ay isang babae na matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa iba't ibang kaso ng panloloko, pagnanakaw… at pagkakasangkot sa isang insidente ng pagkawala ng isang babae ilang taon na ang nakakalipas.""A
Samantala, sa loob ng malamig at madilim na kulungan, nagwawala si Shiela Villa. Walang tigil ang kanyang pagsisigaw, hinahampas ang mga rehas, habang umiiyak at nagmamakaawa."Pakawalan niyo ako! Hindi ako dapat nandito!"Halos mawalan na siya ng boses sa kasisigaw. Ilang araw na siyang nakakulong, pero hindi pa rin siya makapaniwala na ganito ang kanyang sinapit.Dahil sa kasong attempted murder, walang piyansa ang kanyang kaso. Alam niyang walang paraan upang makalaya siya… maliban sa isang bagay."Gusto kong makausap sina Papa Philip at Mama Nenita!" galit niyang sigaw sa bantay. "Sabihin niyo sa kanila! Gusto kong makausap ang mga magulang ko!"Ngunit walang kumibo sa mga pulis. Tila sanay na sila sa mga ganitong eksena.Lalong nanggalaiti si Shiela. Pinagpapalo niya ng suntok ang rehas, ngunit wala siyang magawa.Maya-maya, may dumating na dalawang pulis."May bumisita sa'yo."Agad na nanlaki ang mata ni Shiela. Halos magtatalon siya sa tuwa."Si Papa Philip at Mama Nenita ba?"
Nanatiling nakaluhod si Shiela, pilit hinahabol ang hininga sa pagitan ng kanyang hikbi. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang katawan, hindi dahil sa kulungan kundi dahil sa bigat ng katotohanang isinampal sa kanya—wala na siyang matatakbuhan."Papa… huwag mo akong iwan…" mahina niyang bulong, ngunit alam niyang wala nang makakarinig.Ipinikit niya ang kanyang mga mata, pinipilit pigilan ang bumabahang luha. Kailan siya nagsimulang magkulang? Kailan siya nagsimulang mawala sa tamang landas? Alam niyang may kasalanan siya—alam niyang nagkamali siya—pero hindi ba niya kayang itama ito?Dahan-dahan siyang bumangon, pilit na isiniksik sa isip na hindi pa tapos ang laban."Hindi pa ito ang katapusan…"Pero sino ang kanyang aasa-han? Sino pa ang maniniwala sa kanya?Napapikit siya nang mariin at saka napakagat-labi. "Hindi ako puwedeng manatili rito. Kailangan kong lumaya. Kahit ano pang paraan…"Sa kabilang dako naman, tahimik na nakahiga si Belle sa kama habang mahimbing na natutulog sa
Samantala sa tunay na Ana na hanggang ngayon wala parin naalala.Maagang pumunta si Sara sa plaza kasama si Aling Glenda. Magkasama silang naglalakad sa paligid habang namimili ng mga prutas sa isang pwesto. Maraming tao ang nagkukumpulan sa paligid, karamihan ay mga nagtitinda at mamimili na abala sa kani-kanilang gawain.Habang inaabot ni Sara ang isang hinog na mangga, bigla niyang napansin na nagkaroon ng kakaibang ingay sa paligid. Parang… may musika?Napakunot ang noo niya. "Bakit parang may banda?"Hindi pa man siya nakakareact nang maayos, biglang may lumapit na isang lalaki na may dalang isang bouquet ng pulang rosas at nakangiting iniabot ito sa kanya."Miss Sara, may nagpapadala po nito para sa inyo."Nagulat siya. "Ha?" Napatingin siya kay Aling Glenda, pero halatang aliw na aliw lang ito sa nangyayari.At bago pa siya makapagtanong, isang grupo ng musikero ang lumapit—may dalang gitara, violin, at isang maliit na tambol.At doon niya nakita si Adrian—nakaputing polo, naka
Nakaupo si Belle sa sofa, marahang inuugoy si Anabella sa kanyang mga bisig. Sa wakas, tumigil na rin ang bata sa pag-iyak at mahimbing nang natutulog laban sa kanyang dibdib. Napabuntong-hininga siya at hinalikan ang noo ng bata.Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Dahan-dahan niyang inabot ito, nag-iingat na huwag magising si Anabella. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bumigat ang kanyang pakiramdam.Clyde & Sophia SmithAng kanyang adoptive parents.Saglit siyang nag-alinlangan bago tuluyang sinagot ang tawag."Mom? Dad?" Mahina ang kanyang boses, halos pabulong."Oh, sweetheart! Finally, you picked up!" Lumabas ang malalim na buntong-hininga ni Sophia. "We’ve been so worried about you. How are you? How’s everything?"Napakagat-labi si Belle, mahigpit na hinawakan ang cellphone."I… I’m fine, Mom. Everything’s fine.""You don’t sound fine," singit ni Clyde. "Are you sure you’re okay, Belle?"Pumikit si Belle at huminga nang malalim."I am," pagsisinungaling niya. "I jus
Natahimik si Sara. Kahit malamig ang simoy ng hangin, pakiramdam niya ay parang nasa isang mainit na kwarto siya—hindi dahil sa init ng panahon, kundi dahil sa presensya ni Adrian.Hindi niya alam kung dahil sa hangin o sa mga salita ni Adrian… pero naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya.Pinanood lang siya ni Adrian, hinihintay ang magiging sagot niya. Pero paano siya sasagot kung ni hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya?"Adrian…" Nag-aalangan siyang magsalita. "Natatakot ako."Bahagyang lumalim ang tingin ni Adrian. "Bakit?"Huminga nang malalim si Sara, saka tumingin sa malayo. "Dahil… paano kung hindi kita maalala? Paano kung kahit anong gawin natin, hindi bumalik ang alaala ko? Hindi ba nakakapagod ‘yon?"Ngumiti si Adrian, pero sa halip na matakot o mag-alinlangan, mas lumapit pa ito sa kanya. "Ikaw ba, napapagod ka na?"Nagulat si Sara sa tanong. "Ano?""Napapagod ka na bang makita ako? Napapagod ka bang nandito ako palagi sa tabi mo?"Napatulala siya. Hindi
Bago pa niya ito matanong, biglang may lumapit sa kanila.“Sara.”Napalingon silang dalawa. Si Romero. Galing ito sa pangingisda, may dalang basket ng sariwang huli. Mukhang seryoso ang mukha nito habang nakatitig kay Adrian.“Romero?” Nagulat si Sara. “Anong ginagawa mo rito?”Hindi sumagot si Romero. Sa halip, dumiretso ito kay Adrian."Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito, malamig ang tono.Tumingin si Adrian kay Sara, na halatang nag-aalala, pero tumango ito. "Sige."Naglakad sila ng kaunti palayo kay Sara bago nagsalita si Romero."Adrian, gusto ko lang malaman..." Tumigil ito sandali, bago seryosong tumitig sa kanya. "Seryoso ka ba talaga kay Sara?"Napasinghap si Adrian. "Ano bang klaseng tanong 'yan?""Seryoso akong tanungin ka." Lumalim ang boses ni Romero. "Hindi mo ba naiisip na mahirap ang sitwasyon niya ngayon? Wala siyang maalala, hindi niya alam kung sino siya. Paano kung isang araw, bumalik ang alaala niya at malaman niyang may mahal siyang iba noon?"Napatingin si A
Nasa gilid si Sara, yakap ang sash na may pangalan niyang Sara Pamplana. Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Ang mga kamay niya ay bahagyang nanginginig, ngunit sa puso niya, may kakaibang kapayapaan. May ginhawang hatid ang pagtanggap sa sarili, kahit pa may bahagi pa rin ng nakaraan ang nananatiling malabo.Biglang may humawak sa kanyang braso."Ikaw talaga ‘yan?" mahina ngunit punô ng pag-aalala ang tinig na lumapit sa kanya.Napalingon si Sara. Si Adrian.Napatigil siya. Hindi agad nakapagsalita. Ang lalaking ilang gabi niyang iniwasan sa isip, ngayong gabi, nasa harap niya. Hawak siya, parang ayaw na siyang pakawalan."Adrian?" tanong ni Sara, halos pabulong.Tumango si Adrian. Nanlalalim ang tingin. Parang sinisid ang kaluluwa niya sa bawat tingin."Kanina pa kita hinahanap. Nung naglakad ka sa entablado, parang bumalik lahat. Lahat ng alaala. Lahat ng damdamin. Sara... ang ganda-ganda mo."Napayuko si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak."Bakit k
Nasa gitna na ng entablado si Sara Pamplana. Ang mga spotlight ay tila apoy na nakatutok sa kanya, ngunit hindi siya natinag. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng kanyang puso, pero mas malakas ang paninindigang buo sa kanyang dibdib.Mula sa gilid ng stage, narinig niya ang boses ni Jamaica. “Go na, Sara!” sigaw nito habang ayos pa ang sash na may pangalan niya. “Lakasan mo loob mo. Alam mo kung bakit ka nandito.”Tumango si Sara. Pinunasan niya ang bahagyang pawis sa noo at dahan-dahang hinigpitan ang kapit sa kanyang damdamin. Huminga siya ng malalim, sabay lakad papunta sa gitna ng entablado. Kahit nanginginig ang tuhod niya, hindi siya natinag. Ang bawat hakbang ay para sa mga taong nagmahal sa kanya. Para kina Aling Glenda at Mang Romero—ang mga taong tinuring siyang tunay na anak kahit siya’y isang ulilang nawalan ng alaala.Sa likod ng mga kurtina, naririnig niya ang palakpakan at sigawan ng mga tao. Tumayo siya ng tuwid, itinaas ang noo. Ngayon, hindi na siya ang dating ta
“Mahal, kanina pa kita tinititigan. Hindi ka kumakain. Okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang pinagmamasdan si Belle na ilang beses nang tinikman ang sabaw pero hindi man lang nagalaw ang kanin.Napapitlag si Belle. “Ha? Ay... Oo naman. Nahilo lang siguro ako sandali.”“Sigurado ka? Pati si Mama tinatanong kung bakit parang lutang ka. Sabi niya, iba raw ang ngiti mo ngayon... parang pilit.”Napilitan siyang ngumiti. “Si Mama talaga, ang hilig magbiro. Alam mo namang mahina lang talaga ang katawan ko.”“Huwag mong gawing biro. Hindi yun biro, Ana. Kilala ka niya. Kilala rin kita. Alam kong may bumabagabag sa'yo.”Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya si Luke, ang lalaking unti-unting minahal niya sa katauhan ng ibang babae. Ang bigat sa dibdib.“Luke... hindi lahat ng nararamdaman ng tao kailangang sabihin agad-agad. Minsan kailangan muna natin ng oras para intindihin ang sarili.”“Pero bakit parang ang layo mo sa akin nitong mga araw na 'to? Hindi ko na maramdaman yung Ana na palag
Tumango si Sara at lumapit kay Jamaica. “Jamaica, paano ba ako magiging handa?” tanong ni Sara, nag-aalalang hindi pa rin siya handa sa susunod na pagsubok.“Wala kang dapat ipag-alala, Sara. Ang mahalaga ay hindi yung mga tanong, kundi kung paano mo ibabahagi ang iyong mensahe. Magsalita ka ng buo at tapat. Magtiwala ka sa iyong sarili.”Si Jamaica ay hindi tumigil sa pagbigay ng inspirasyon kay Sara. Nakikita niyang may potensyal siya. Masaya siyang makita ang ibang contestants na nag-eenjoy sa kanilang pagsasanay, ngunit hindi maiwasan ni Jamaica na tingnan si Vanessa na tila palaging handang mang-bully sa iba. Sa bawat hakbang ni Vanessa, para bang may hangarin itong sirain ang tiwala ni Sara, ngunit hindi na ito papayagan ni Sara.Habang nagtutulungan sila sa paghahanda, dumaan ang isang hapon at dumating na ang panahon para sa Q&A.Si Sara ay tumayo sa gitna ng stage, at ang kanyang mga mata ay tumingin sa mga tao sa paligid. Minsan, mahirap magtiwala sa sarili, pero naisip niya
Sa kabilang dako sa tunay na Ana.Sa bahay ni Sara, habang nag-aayos ng mga gamit sa sala...“Ate, halika na!” sigaw ni Nene mula sa kusina. “May bisita tayo!”Nagulat si Sara nang marinig ang pangalan ni Jamaica. Dumating na siya. Hindi na nga tumigil si Nene sa kakatawa, ang buong pamilya ay nakatingin na parang isang malaking kakatwang eksena ang mangyayari.“Jamaica? Ano'ng ginagawa mo dito?” tanong ni Sara habang inaayos ang mga gamit sa lamesa.“Sara,” ani Jamaica, sabay abot ng maliit na flyer na may nakalagay na “Summer Queen 2025 – Beauty Pageant.” “Sali ka na sa beauty competition. Alam kong kaya mo ito.”Napakunot ang noo ni Sara. “Beauty competition?”"Oo, Sara. Alam ko na hindi mo ito plano, pero ito ang pagkakataon para patunayan sa sarili mo na kaya mong magsikap para sa pangarap mo," sabi ni Jamaica, hindi tinatangi ang matinding lakas ng loob na ipinapakita."Pero… hindi ko kaya. Hindi ako ganun," sagot ni Sara, nahihirapan. “Hindi ako tulad nila. Hindi ko kayang magl
Samantala sa Mansion ng mga Villa.Hindi pa man lumilipas ang kaba sa dibdib niya mula sa pag-uusap nila ni Luke, biglang nag-ring ang doorbell.Nagkatinginan sila ni Luke bago ito tumayo upang buksan ang pinto.At sa pagbukas ng pinto, nanlamig ang katawan ni Belle.Si Philip.Ang ama ni Luke."Papa?" Gulat na sambit ni Luke."Magandang umaga, anak," sagot ni Philip. "Pasensya na sa abala, pero may kailangan akong pag-usapan kay Ana… nang sarilinan."Biglang bumigat ang paligid.Napatayo si Belle, agad na bumalik ang kaba sa dibdib niya.Napakunot-noo si Luke. "Bakit, Pa? May problema ba?""Wala, anak," sagot ng matanda. "Gusto ko lang makausap si Ana tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa'yo."Namilog ang mga mata ni Belle.Alam na niya?!"Ano'ng ibig mong sabihin, Pa?" seryosong tanong ni Luke.Ngumiti si Philip, ngunit kita sa mga mata nito ang lalim ng iniisip. "Wag kang mag-alala, anak. Saglit lang kami ni Ana."Dahan-dahang lumapit si Belle, halos hindi makalakad n
Tahimik na lumabas si Sara sa bahay. Hindi siya lumingon. Hindi rin niya kayang marinig ang huling tawag ni Adrian sa kanyang pangalan. Bawat hakbang niya sa kalsada ay parang martilyong humahampas sa kanyang puso."Kung mahal mo ako, bakit mo ako laging pinapalayas sa puso mo?" bulong niya sa hangin, habang pinipilit itago ang mga luhang patuloy na umaagos.Samantala, si Adrian ay nanatili pa rin sa sala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang mga salitang binitiwan ni Sara ay parang nag-iwan ng apoy sa dibdib niya. Gusto niyang habulin siya. Gusto niyang sumigaw, ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya ito, pero hindi niya alam kung may karapatan pa ba siya.Lumipas ang mga oras.Maagang gumising si Sara kinabukasan. Kahit magaan na ang loob niya mula sa pag-uusap nila ni Adrian kagabi, may halo pa ring kaba sa kanyang dibdib. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, parang hirap pa rin siyang maniwala na totoo na—na may patutunguhan pa ang kwento nila.“Anak, halika na’t sumama k
Samantala sa kabilang dako sa tunay na Ana..Sa gabing iyon, hindi umaasa si Sara na magaganap ang isang bagong simula. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatingin sa kisame, ang isip abala. Ang mga huling sandali nila ni Adrian sa tabi ng dagat, ang mga salitang binitiwan niya, ang paghalik—lahat iyon ay tila isang panaginip na ayaw niyang magising mula. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, ang puso niya ay naguguluhan. Magtitiwala ba siya ulit sa lalaki na minsan nang nagbigay sa kanya ng sakit? O ito na ba ang pagkakataon na dapat niyang kalimutan ang lahat at magpatuloy mag-isa?Ang takot na magkamali ulit ay sumasakal sa kanya. Pero sa bawat pagtulo ng mga luha na nagpatagilid sa kanyang mga mata, parang may humihikbi sa loob niya na naglalakas-loob.Samantala, sa labas ng bahay, si Adrian ay nakaupo sa isang papag na walang kibo.Hindi siya nakauwi kagabi. Iniisip niyang maaaring magising si Sara at hindi na siya papansinin. Kaya nanatili na lang siya sa labas, nakatago sa dilim ng
Muling bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila. Sa di kalayuan, rinig pa rin ang masayang hiyawan ng mga bisita sa party ni Anabella, pero sa loob ng hardin kung saan sila nakatayo ni Luke, parang ibang mundo ang bumalot sa kanila—isang mundo ng pagdududa, sakit, at isang lihim na pilit niyang pinanghahawakan.Naramdaman ni Belle ang malamig na simoy ng hangin, pero ang mas matindi niyang nararamdaman ay ang nagbabagang titig ni Luke na parang pilit siyang binabasa.“Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako kayang pagtiwalaan?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang tanong na iyon.Hindi ba niya talaga kayang pagtiwalaan si Luke?O takot lang siyang mawala ang lahat sa oras na malaman nito ang totoo?Pinilit niyang ngumiti, kahit ramdam niya ang pagkaputla ng kanyang mga labi. “Luke… hindi sa wala akong tiwala sa’yo.”“Kung gano’n, ano?” May bahagyang pait sa boses nito.Nag-aalangan siyang tumingin sa kanya. “Mahalaga ka sa akin. Mahal kita.”Nakita niyang nagbago ang ekspresyon