Tahimik na lumabas si Sara sa bahay. Hindi siya lumingon. Hindi rin niya kayang marinig ang huling tawag ni Adrian sa kanyang pangalan. Bawat hakbang niya sa kalsada ay parang martilyong humahampas sa kanyang puso."Kung mahal mo ako, bakit mo ako laging pinapalayas sa puso mo?" bulong niya sa hangin, habang pinipilit itago ang mga luhang patuloy na umaagos.Samantala, si Adrian ay nanatili pa rin sa sala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang mga salitang binitiwan ni Sara ay parang nag-iwan ng apoy sa dibdib niya. Gusto niyang habulin siya. Gusto niyang sumigaw, ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya ito, pero hindi niya alam kung may karapatan pa ba siya.Lumipas ang mga oras.Maagang gumising si Sara kinabukasan. Kahit magaan na ang loob niya mula sa pag-uusap nila ni Adrian kagabi, may halo pa ring kaba sa kanyang dibdib. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, parang hirap pa rin siyang maniwala na totoo na—na may patutunguhan pa ang kwento nila.“Anak, halika na’t sumama k
Samantala sa Mansion ng mga Villa.Hindi pa man lumilipas ang kaba sa dibdib niya mula sa pag-uusap nila ni Luke, biglang nag-ring ang doorbell.Nagkatinginan sila ni Luke bago ito tumayo upang buksan ang pinto.At sa pagbukas ng pinto, nanlamig ang katawan ni Belle.Si Philip.Ang ama ni Luke."Papa?" Gulat na sambit ni Luke."Magandang umaga, anak," sagot ni Philip. "Pasensya na sa abala, pero may kailangan akong pag-usapan kay Ana… nang sarilinan."Biglang bumigat ang paligid.Napatayo si Belle, agad na bumalik ang kaba sa dibdib niya.Napakunot-noo si Luke. "Bakit, Pa? May problema ba?""Wala, anak," sagot ng matanda. "Gusto ko lang makausap si Ana tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa'yo."Namilog ang mga mata ni Belle.Alam na niya?!"Ano'ng ibig mong sabihin, Pa?" seryosong tanong ni Luke.Ngumiti si Philip, ngunit kita sa mga mata nito ang lalim ng iniisip. "Wag kang mag-alala, anak. Saglit lang kami ni Ana."Dahan-dahang lumapit si Belle, halos hindi makalakad n
Ang kalansing ng bakal na gate ng Villa mansion ay sumalubong kay Belle habang iniabot niya ang kamay upang itulak iyon. Ang sikat ng araw ay tila tumutusok sa kanyang balat, ngunit hindi iyon sapat upang tumunaw sa yelong bumalot sa kanyang puso. Sa harap niya ay ang engrandeng tahanan ng pamilya ng kanyang kakambal—ang mundo ni Ana, na ngayon ay kanya nang papasukin bilang isang impostor.Napalunok siya, pinipigil ang kaba at hinahanap ang lakas ng loob. Para kay Ana. Para sa hustisya. Ang simpleng konserbatibong bestida na suot niya ay hindi ang kanyang istilo. Hindi siya sanay sa mahinhin at maayos na itsura—si Belle, ang totoong siya, ay liberated at laging palaban ang personalidad. Ngunit ngayong araw, si Belle ay wala. Ang makikita nila ay si Ana, ang muling bumangong asawa ni Luke Villa.“Kaya mo ito, Belle. Tandaan mo kung para saan ka narito,” bulong niya sa sarili, huling inayos ang mahigpit na tirintas ng kanyang buhok. Sa likod ng malaking salamin ng sasakyan na kanyang s
Sa katahimikan ng gabing iyon, lumalim ang mga tanong sa isipan ni Belle habang palihim niyang ginagalugad ang Villa mansion. Sa bawat hakbang niya sa malamlam na pasilyo, parang may malamig na hangin na bumabalot sa kanya, waring nagbibigay babala sa kanyang misyon. Ngunit hindi siya natatakot. Ang bawat galos, ang bawat sakit, at ang naiwang pangako kay Ana ang nagpapalakas sa kanya.Bago pa man siya tuluyang makapasok sa kanyang silid, muling nagpakita si Luke. Nakasuot ito ng maluwag na puting shirt at pajama, hawak pa rin ang baso ng alak na tila hindi nito maubos-ubos. "Ana, sigurado ka bang maayos ka lang?" tanong nito habang dahan-dahang lumalapit, ang mga mata’y tila nanlilisik sa emosyon. "Alam kong napakalaking bagay ang pagbabalik mo. Pero gusto ko lang masigurado… na ikaw ito.”Natigilan si Belle. Sa kabila ng malumanay na tono ni Luke, may kung anong bumabagabag sa kanya sa mga salitang iyon. “Anong ibig mong sabihin, Luke? Syempre ako ito. Sino pa ba?” sagot niya, pil
Maagang sumikat ang araw sa Villa mansion. Habang bumubuhos ang tubig mula sa shower, sinubukan ni Belle na magpakakalmado. Ang malamig na tiles ng banyo ay hindi kayang maibsan ang init na nararamdaman niya—hindi mula sa tubig, kundi mula sa presyong dala ng kanyang pagpapanggap. Ang bawat kilos, bawat salita, ay kailangang perpekto. Isang pagkakamali lang, maaaring mabunyag ang kanyang lihim.Habang abala siya sa pagbabanlaw, bigla niyang narinig ang malalakas na katok sa pinto. "Ana, buksan mo ang pinto! Bakit ka ba nagkukulong? Maliligo rin ako."Halos mabitawan ni Belle ang sabon sa kanyang kamay. Napalunok siya, nagmamadaling isara ang shower at nag-isip ng palusot. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya muli ang boses ni Luke—may halong pagkabahala at inis. "Ana, ano bang nangyayari sa'yo? Hindi mo naman ako tinatanggihan noon. Buksan mo na, mahal."Napalakas ang pintig ng puso ni Belle. Hindi niya alam kung paano iaakyat ang balakid na ito nang hindi halata. Pero kailan
Tahimik ang gabi sa Villa mansion. Maliban sa mahihinang pag-iyak ni Anabella, ang 6 na buwang sanggol, tila kalmado ang paligid. Nasa nursery si Belle, nakaupo sa rocking chair habang kinakarga ang anak ng kanyang yumaong kakambal. Pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha na walang kamalay-malay sa masalimuot na mga pangyayari sa paligid.Pinisil niya ang maliliit na kamay ni Anabella, tila naghahanap ng lakas mula sa inosenteng bata. "Wag kang mag-alala, pamangkin ko," bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagmamahal at determinasyon. "Hahanapin ko ang taong pumatay sa mommy mo. Hindi kita pababayaan. Andito ako, hindi ka na nag-iisa."Hinaplos niya ang noo ng bata, pilit na iniisip ang mga plano niya para sa hinaharap. Ngunit bago pa niya muling maitulak ang sarili sa madilim na alaala, bigla niyang naramdaman ang mainit na presensya sa likuran niya.Nagulat siya nang maramdaman ang mga bisig ni Luke na dahan-dahang yumakap mula sa kanyang likuran. Kasabay nito, naramdaman niy
Biglang may narinig siyang mga yabag mula sa likuran. Napahinto siya sa gitna ng kanyang galit at mabilis na iniangat ang ulo. Papalapit si Ana—o ang inaakala niyang si Ana—habang nakatingin sa kanya, puno ng pagtataka."Kumilos kayo! Or gusto niyo talagang maranasan ang galit ko?" muling sigaw ni Sheila sa kausap bago ibinaba ang tawag nang padabog. Isiniksik niya ang cellphone sa kanyang bulsa, pilit na inaayos ang ekspresyon ng mukha niya upang maitago ang kaba at takot.Nakatayo si Belle, ilang hakbang lamang ang layo. May bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mukha habang nakatitig kay Sheila. "Sheila, napapansin kong balisa ka nitong mga nakaraang araw," simula niya, ang boses ay maingat ngunit puno ng pagdududa. "May kinalaman ka ba sa pagkahulog ko sa bangin? O… may ginawa ka ba?"Biglang nanlamig si Sheila, ngunit pinilit niyang panatilihing kalmado ang sarili. Hindi siya pwedeng mabuko. Lumapit siya nang bahagya kay Belle, pilit na ngumiti kahit halata ang tensyon sa kanyang
Sa kabila ng takot at pag-aalinlangan, kinailangan niyang magsuot ng maskara upang maitago ang tunay na layunin. Alam niyang hindi magiging madali ang bawat hakbang, ngunit ang hustisya para sa kanyang kakambal ang nagbigay sa kanya ng lakas. Habang iniinom ang gatas na iniabot ni Luke, hindi mapigilan ni Belle ang pag-isip ng mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. May bahagi ba si Luke sa trahedya ng kanyang kambal? Totoo ba ang sinasabi nito o isa lamang palabas ang mga matatamis na salita? Pinilit niyang itago ang emosyon, pilit na hindi magpakita ng bahid ng duda. Samantala, si Luke ay patuloy na nakatitig sa natutulog nilang anak. "Alam mo, Ana," biglang sambit ni Luke, boses nito ay puno ng lungkot at pagsisisi. "Noong nawala ka, parang nawala rin ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko alam kung paano ako nagpatuloy."Tumango si Belle, ngunit hindi sumagot. Pinilit niyang ipakita ang pagiging kalmado kahit ang puso niya'y tumitibok nang mabilis. "Mahal, ayaw ko nang ulit ma
Samantala sa Mansion ng mga Villa.Hindi pa man lumilipas ang kaba sa dibdib niya mula sa pag-uusap nila ni Luke, biglang nag-ring ang doorbell.Nagkatinginan sila ni Luke bago ito tumayo upang buksan ang pinto.At sa pagbukas ng pinto, nanlamig ang katawan ni Belle.Si Philip.Ang ama ni Luke."Papa?" Gulat na sambit ni Luke."Magandang umaga, anak," sagot ni Philip. "Pasensya na sa abala, pero may kailangan akong pag-usapan kay Ana… nang sarilinan."Biglang bumigat ang paligid.Napatayo si Belle, agad na bumalik ang kaba sa dibdib niya.Napakunot-noo si Luke. "Bakit, Pa? May problema ba?""Wala, anak," sagot ng matanda. "Gusto ko lang makausap si Ana tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa'yo."Namilog ang mga mata ni Belle.Alam na niya?!"Ano'ng ibig mong sabihin, Pa?" seryosong tanong ni Luke.Ngumiti si Philip, ngunit kita sa mga mata nito ang lalim ng iniisip. "Wag kang mag-alala, anak. Saglit lang kami ni Ana."Dahan-dahang lumapit si Belle, halos hindi makalakad n
Tahimik na lumabas si Sara sa bahay. Hindi siya lumingon. Hindi rin niya kayang marinig ang huling tawag ni Adrian sa kanyang pangalan. Bawat hakbang niya sa kalsada ay parang martilyong humahampas sa kanyang puso."Kung mahal mo ako, bakit mo ako laging pinapalayas sa puso mo?" bulong niya sa hangin, habang pinipilit itago ang mga luhang patuloy na umaagos.Samantala, si Adrian ay nanatili pa rin sa sala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang mga salitang binitiwan ni Sara ay parang nag-iwan ng apoy sa dibdib niya. Gusto niyang habulin siya. Gusto niyang sumigaw, ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya ito, pero hindi niya alam kung may karapatan pa ba siya.Lumipas ang mga oras.Maagang gumising si Sara kinabukasan. Kahit magaan na ang loob niya mula sa pag-uusap nila ni Adrian kagabi, may halo pa ring kaba sa kanyang dibdib. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, parang hirap pa rin siyang maniwala na totoo na—na may patutunguhan pa ang kwento nila.“Anak, halika na’t sumama k
Samantala sa kabilang dako sa tunay na Ana..Sa gabing iyon, hindi umaasa si Sara na magaganap ang isang bagong simula. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatingin sa kisame, ang isip abala. Ang mga huling sandali nila ni Adrian sa tabi ng dagat, ang mga salitang binitiwan niya, ang paghalik—lahat iyon ay tila isang panaginip na ayaw niyang magising mula. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, ang puso niya ay naguguluhan. Magtitiwala ba siya ulit sa lalaki na minsan nang nagbigay sa kanya ng sakit? O ito na ba ang pagkakataon na dapat niyang kalimutan ang lahat at magpatuloy mag-isa?Ang takot na magkamali ulit ay sumasakal sa kanya. Pero sa bawat pagtulo ng mga luha na nagpatagilid sa kanyang mga mata, parang may humihikbi sa loob niya na naglalakas-loob.Samantala, sa labas ng bahay, si Adrian ay nakaupo sa isang papag na walang kibo.Hindi siya nakauwi kagabi. Iniisip niyang maaaring magising si Sara at hindi na siya papansinin. Kaya nanatili na lang siya sa labas, nakatago sa dilim ng
Muling bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila. Sa di kalayuan, rinig pa rin ang masayang hiyawan ng mga bisita sa party ni Anabella, pero sa loob ng hardin kung saan sila nakatayo ni Luke, parang ibang mundo ang bumalot sa kanila—isang mundo ng pagdududa, sakit, at isang lihim na pilit niyang pinanghahawakan.Naramdaman ni Belle ang malamig na simoy ng hangin, pero ang mas matindi niyang nararamdaman ay ang nagbabagang titig ni Luke na parang pilit siyang binabasa.“Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako kayang pagtiwalaan?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang tanong na iyon.Hindi ba niya talaga kayang pagtiwalaan si Luke?O takot lang siyang mawala ang lahat sa oras na malaman nito ang totoo?Pinilit niyang ngumiti, kahit ramdam niya ang pagkaputla ng kanyang mga labi. “Luke… hindi sa wala akong tiwala sa’yo.”“Kung gano’n, ano?” May bahagyang pait sa boses nito.Nag-aalangan siyang tumingin sa kanya. “Mahalaga ka sa akin. Mahal kita.”Nakita niyang nagbago ang ekspresyon
Sa gabing iyon, habang mahimbing na natutulog si Sara, si Vanessa naman ay gising na gising hindi lang dahil sa pait ng pagkatalo kundi dahil sa ideyang unti-unti nang nabubuo sa kanyang isipan.Kasama niya si Paul sa isang pribadong lounge ng resort, malayo sa iba pang mga bisita. Sa harapan nila, may bote ng mamahaling alak at isang tray ng magagarang pagkain, pero hindi iyon ang pakay nila.Paul: "Vanessa, kung gusto mong bumalik sa buhay ni Adrian, kailangan mong maging matalino. Hindi pwedeng bara-bara lang."Vanessa: "Anong plano mo?"Paul: "Hindi sapat ang kagandahan mo para bumalik siya sa’yo. Kailangan mong ipakita sa kanya na ikaw ang mas bagay sa kanya mas classy, mas ka-level niya, at higit sa lahat, ikaw ang babaeng hindi niya kayang bitawan."Napakagat-labi si Vanessa. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Paul.Paul: "Swerte ka, Vanessa. May isang malaking event sa resort na ito bukas—isang grandeng charity gala. At alam mo kung sino ang guest of honor?"Vanessa: "Sino?"Pa
Samantala sa tunay na Ana na ngayon ay si Sara.Ramdam ni Sara ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatitig kay Vanessa. Hindi niya alam kung anong sasabihin nito, pero ang paraan ng pagkakatitig nito kay Adrian—may kumpiyansa, may pangangailangan—ay sapat nang dahilan para magduda siya."Ano'ng kailangan mong sabihin, Vanessa?" tanong ni Adrian, halatang nagtataka.Lumingon si Vanessa kay Sara bago muling binalik ang tingin kay Adrian. "Pwede ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang?"Napatingin si Sara kay Adrian, hinihintay kung ano ang gagawin nito.Pero hindi siya binigo ni Adrian. Hinawakan nito ang kamay niya at mariing sinabi, "Kahit anong sasabihin mo, Vanessa, pwedeng sabihin mo rin sa harap ni Sara."Halos hindi maipinta ang mukha ni Vanessa. Halatang hindi niya inaasahang tatanggi si Adrian."Adrian," may bahagyang pakiusap sa tono ni Vanessa. "Hindi ito isang bagay na pwedeng marinig ng iba.""Si Sara ay hindi ‘iba’ sa akin," madiin na tugon ni Adrian. "Ano man ang sasa
Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B
Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no
"Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T