Tumingin ito sa kanya, seryoso. "Mahirap, kasi mukhang nagiging paborito ko nang palabas ang buhay mo."Nanlaki ang mata ni Sara. "Anong ibig mong sabihin?!"Ngumiti ito. "Wala naman. Basta, magkikita pa tayo ulit.""Hoy, Adrian!" sigaw ni Sara, pero nakalayo na ito bago pa siya makapagsalita pa ng kung ano. "Ano bang problema ng lalaking ‘yon?!"Napatakip ng bibig si Aling Laura, pigil ang kilig. "Ay naku, Sara, hindi mo ba nakikita? Mukhang interesado sa’yo ‘yang si Sir Adrian!""Interesado sa gulo! Wala akong panahon sa kanya!" reklamo ni Sara habang mabilis na inayos ang mga paninda. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isip ang itsura ni Adrian—ang nakakalokong ngiti, ang titig na parang may gustong ipaalala sa kanya."Aba, eh kung ayaw mo, pwede ba akong pumila?" biro ni Mercy, isa sa mga tindera sa palengke. "Ang gwapo, mayaman, at willing mag-ayos ng isda? Diyos ko, Sara, jackpot ‘yan!""Hoy! Hindi ako interesado! At saka baka nga may asawa ‘yon sa Amerika!" sagot
Isang gabing tahimik at puno ng kasinungalingan, si Shiela ay muling nagbalak ng isang mas masahol na plano. Alam niyang habang si Ana ay nasa ospital pa, may pagkakataon pa siyang tapusin ang kanyang misyon. Hindi siya maaaring mabigo sa pagkakataong ito. Kailangan niyang tiyakin na si Ana ay hindi na muling gigising.Sa madilim na silid ng kanyang apartment, kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag sa isang lumang kontak—isang tao mula sa ilalim ng mundo, isang negosyante sa black market na kilala sa pagbibigay ng mga hindi matutunton na kemikal at gamot.Sa kabilang linya, isang malamig at paos na boses ang sumagot."Matagal kitang hindi narinig, Miss Shiela. Ano’ng kailangan mo?"Tumigil saglit si Shiela, tinitiyak na walang nakikinig sa kanya. Huminga siya nang malalim bago bumulong ng may panginginig sa kanyang boses."Kailangan ko ng gamot… isang bagay na kayang pumatay nang hindi napapansin sa autopsy. Isang lason na kayang magmukhang natural ang kamatayan."May ilang segu
Napahigpit ang hawak ni Shiela sa bote. Alam niyang kapag nakita ni Luke ito, tapos na ang lahat."Bakit mo hinihingi?" pilit niyang tawa. "Ano ka ba, Luke? Wala lang ‘to—"Mabilis na kinuha ni Luke ang kamay ni Shiela at marahas na inagaw ang bote."Luke, ano ba?! Bitawan mo ‘yan!" sigaw ni Shiela, pero huli na ang lahat.Tiningnan ni Luke ang bote. Walang label. Walang kahit anong palatandaan kung ano ito."Ano 'to, Shiela?" malamig niyang tanong."Wala nga! Isa lang ‘yang herbal supplement!"Napatingin si Luke sa pinto nang marinig ang mahinang pagkatok. Nang bumukas ito, pumasok ang kanyang ina na si Nenita, kasama ang isang doktor. Bakas sa mukha ni Nenita ang pag-aalala, habang ang doktor naman ay seryoso ang ekspresyon."Luke, anak, anong nangyari kay Ana?" agad na tanong ni Nenita habang lumapit sa kanya. Nakatingin siya sa mahina at nakahigang si Ana sa kama. "Ma, pakitawag ang security," utos ni Luke."Ha? Bakit?""Ma, huwag ka maniwala kay Luke, nagbibiruan lang kami.""Dah
Mabilis na lumapit ang doktor, hawak ang isang sobre na naglalaman ng resulta ng pagsusuri sa gamot na dala ni Shiela. Malamig ang kanyang ekspresyon habang inaabot ito kay Luke."Mr. Villa, ito na po ang resulta," seryosong sabi nito.Kahit hindi pa niya nabubuksan ang sobre, ramdam na ni Luke ang bigat ng katotohanan. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang dahan-dahan niyang punitin ang selyado nitong gilid at ilabas ang papel. Habang binabasa niya ang nakasulat doon, lalong humigpit ang kanyang panga."Lethal poison…" mahina niyang bulong, ngunit sapat upang marinig ng lahat sa silid."Ano?!" halos sabay-sabay na reaksyon nina Nenita, Philip, at ng mga magulang ni Ana.Tumango ang doktor, mabigat ang tinig. "Ang lason na ito ay idinisenyo upang magmukhang natural ang pagkamatay ng isang tao. Walang halatang bakas sa katawan maliban na lamang kung isasailalim sa masusing pagsusuri. Isang patak lang nito sa pagkain o inumin ay sapat para patayin ang isang tao sa loob ng ilang oras."
Samantala, sa Presinto…Sa loob ng malamig at madilim na selda, tahimik na nakaupo si Shiela sa isang sulok, yakap ang kanyang mga tuhod. Ang dating maamong mukha niya ay napalitan ng lungkot at kawalan ng pag-asa. Nanginginig ang kanyang katawan, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa bigat ng kanyang sinapit."Hindi... Hindi dapat ganito ang nangyari..." mahina niyang bulong sa sarili, pilit pinipigilan ang luha na kanina pa gustong bumagsak.Naririnig niya ang pag-uusap ng mga pulis sa labas ng kanyang selda."Tiyak na matibay ang kaso laban sa kanya. Ang daming ebidensya—may CCTV footage pa.""Sayang, ang bata pa niya… Pero wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya.""Plano pa lang niyang tumakas, huhulihin na dapat siya. Wala na siyang kawala."Napakuyom ng kamao si Shiela. Ramdam niya ang panliliit, ang pagkamuhi sa sarili. Hindi ganito ang kanyang plano."Dapat ako ang nasa tabi ni Luke. Dapat ako ang mahal niya!"Napasandal siya sa malamig na pader ng selda, pinag-iisipan
"MA! WAG MO AKONG IWAN!" Sigaw ni Shiela, halos mapatid ang kanyang boses sa matinding dalamhati. Mahigpit niyang kinapitan ang rehas, animo'y kaya nitong pigilan ang paglayo ni Nenita. Ngunit hindi siya nilingon ng babaeng itinuring niyang ina.Nanatiling nakayuko si Nenita habang marahang lumalakad palayo, pilit itinatago ang kanyang mga luha. Sa kabila ng sakit at bigat sa dibdib, alam niyang ito ang nararapat."Ma… please…" humihikbing bulong ni Shiela, nanginginig ang buong katawan. "Kayo lang ang pamilya ko… kayo lang…"Ngunit hindi na siya pinakinggan pa.Nang tuluyang mawala si Nenita sa kanyang paningin, unti-unting bumagsak si Shiela sa malamig na sahig ng selda. Nakayakap siya sa sarili, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng babaeng nag-aruga sa kanya."Wala na… wala na akong pamilya…" mahina niyang bulong, tila isang baliw na kinakausap ang sarili. "Mahal ko si Luke… hindi ko lang matanggap… hindi ko lang matanggap na hindi niya ako mahal…"Naglakad palapit ang pulis sa s
Lalong bumigat ang loob ni Shiela. "Pa… ‘wag n’yo akong talikuran…"Humakbang si Philip palayo. "Sana noon mo pa naisip ‘yan.""PA! HUWAG MO AKONG IWAN!" Sigaw ni Shiela, nanginginig ang boses sa takot at sakit. "MAHAL NA MAHAL KO KAYO! PA, MAMA, PAKIUSAP! HUWAG N’YO AKONG IWAN DITO!"Ngunit hindi na lumingon si Philip.Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay, naramdaman ni Shiela kung paano maging tunay na mag-isa.Samantala, sa ospital…Nakaupo si Belle sa kama, nakasuot ng ospital gown at bahagyang nakasandal sa unan habang nagpapagaling. Kahit may kaunting pasa pa sa kanyang mukha, nagawa pa rin niyang mapanatili ang kanyang pagpapanggap bilang si Ana. Sa loob ng ilang araw, naging maingat siya sa bawat kilos at salita, lalo na kapag nasa paligid si Luke.Sa isang tabi ng silid, abala si Luke sa pagbabalat ng mansanas para sa kanya. Tahimik ito, ngunit hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti. Hindi man niya nakuha si Luke sa paraang inaasahan niya, narito pa rin siya—in
Samantala, sa dako pa roon, "Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang," mariing sabi ni Aling Glenda habang inaalalayan si Sara papasok sa tindahan. "Hindi siya kailangan ng ganyang stress, lalo na kung wala siyang maalala!"Napatigil si Adrian, pero hindi niya inalis ang tingin kay Sara. Kita niya ang sakit sa mukha ng babae, ang pagkalito sa mga mata nito—at doon niya napagtanto kung gaano kahirap para kay Sara ang lahat ng ito."Hindi kita sinasaktan, Sara. Gusto lang kitang matulungan," mahinang sabi ni Adrian.Pero umiwas ng tingin si Sara. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Hindi kita kilala."Ang sakit.Hinaplos ni Aling Glenda ang likod ni Sara, kita ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Adrian, kung talagang may malasakit ka sa kanya, bigyan mo muna siya ng panahon. Hindi ito simpleng bagay, lalo na kung wala siyang maalala."Napapikit si Adrian at napabuntong-hininga. Tama si Aling Glenda. Hindi niya pwedeng pilitin si Sara.Pagkatapos ng ilang minuto, lumaba
Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayon—magkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema lang… Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para sa’yo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon
Sa loob ng madilim na silid, habang bumubuhos ang ulan sa labas, nanatiling nakaupo si Vanessa sa sahig. Hawak niya ang isang lumang litrato — litrato nila ni Adrian noong high school."Adrian..." bulong niya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako iniwan?"Nagngangalit ang damdamin niya. Gulo. Lungkot. Galit. Lahat-lahat na. Habang unti-unti niyang pinipiga ang litrato sa kanyang palad, tila ba sinisiksik din niya ang sakit sa kanyang dibdib."Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo sa lahat ng pangarap natin. Ako ang naghintay. At ngayon na bumalik ka... may ibang babae ka na."Dumating ang kaibigan niyang si Lianne, basang-basa ang buhok at damit sa ulan. Humahangos, agad siyang lumapit kay Vanessa."Vanessa, tama na. Hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa lalaking pinili nang magmahal ng iba," pakiusap ni Lianne.Tumayo si Vanessa. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang boses."Hindi mo 'to naiintindihan, Lianne. Hindi ikaw ang nai
Samantala sa tunay na ana sa may maliit na baryo..Isang pangungusap na hindi niya malilimutan—dahil iyon na ang salitang pinatay ang natitira pa nilang pag-asa."Kung totoong mahal mo ako..."Paulit-ulit itong umuugong sa utak ni Adrian habang nakatayo pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ni Sara. Wala nang katao-tao. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay may isang unos na hindi matahimik."Sara..." bulong niya, pero huli na.Biglang napaupo si Adrian sa bangketa, hawak ang ulo, habang tuluyang bumigay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan."Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang narealize na ikaw na pala ang tahanan ko? Bakit ako natakot, kung sa’yo lang naman ako ligtas?" Nanginginig ang kanyang tinig. Wala nang pakialam kung marinig siya ng mundo. Ang kirot ay masyadong malalim para pigilan.Habang lumalayo si Sara, ang bawat hakbang niya ay parang pagsaksak sa sariling dibdib. Hindi niya alam kung tama ang ginawa. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi lumingon. Pero
Tumunog ang cellphone ni Belle. Nasa sala siya, nakaupo sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nakaalalay ang siko niya sa armrest at ang mga mata’y malalim ang iniisip. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan sa screen: “Mom & Dad.”"Oh no," mahina niyang bulong. "Sila."Kinabahan siya. Napahigpit ang hawak sa cellphone habang mabilis ang tibok ng puso. Parang may matinding bagyong darating.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag."Hello, Mom? Dad?""Belle, anak!" halos sigaw ng boses ni Sophia sa kabilang linya. May halong galak at pangungulila."Salamat at sinagot mo, anak. Kamusta ka na?""We’ve been trying to reach you for weeks," sabi naman ni Clyde, mababa ang tinig ngunit bakas ang inis at pag-aalala. "Hindi ka sumasagot sa tawag. Hindi mo binabasa ang mga mensahe. Anak, we were so worried."Pasubali ang tono ni Belle, parang
Habang binabaybay ni Vanessa ang madilim na kalsada, tumigil siya sa harap ng isang simbahan. Hindi siya pumasok, ngunit tumayo siya sa labas. May mga sagot na hindi kayang matagpuan sa sarili lamang. Ang puso niya ay puno ng galit, ngunit may mga tanong na hindi na niya kayang itago.“Bakit ako? Bakit siya? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?” tanong ni Vanessa sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga simbahan na nakatayo sa dilim. Wala siyang sagot. Bawat saglit ay patuloy na sumasakit, at ang bawat galit ay tumatagos sa kanya. Tahimik na umihip ang hangin sa malamlam na gabi. Sa ilalim ng dilim, tila nagmukhang malabo ang bawat hakbang ni Sara patungo kay Adrian. Ang kanyang puso ay puno ng takot at kalituhan, ngunit naglakad pa rin siya, umaasa, naglalakad sa isang landas na puno ng hindi siguradong hakbang.Nakatayo si Adrian sa harap ng mga mata ni Sara, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at mga tanong. Wala na silang ibang naririnig kundi ang huni ng hangin at ang t
Ang hangin ay malamig, pero hindi ito ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Vanessa. Hindi ang malamig na simoy ng hangin ang nagpasakit sa kanya. Sa bawat paghagulgol ng kanyang puso, iniisip niya kung paano niya magagampanan ang laban na tila natapos na. Si Adrian, ang kanyang mundo, ay umalis. Ipinili niya si Sara, at iniiwan siya sa dilim, walang kalaban-laban.Sa ilalim ng malamlam na buwan, tumayo si Vanessa at nagsimulang maglakad. Hindi siya tumingin pabalik kay Sara. Wala siyang lakas para tignan ang babaeng kumuha sa kanya ng lahat—ang pagmamahal ni Adrian, ang mga pangarap nila. Hindi na siya maghahanap ng pag-asa. Wala nang kwenta.Pero sa kanyang puso, isang bagay ang nagpatuloy: ang galit. Galit na galit siya. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na ang taong matagal niyang iniwasan, ang babaeng hindi niya inaasahan, ang naging dahilan ng lahat ng ito.Samantalang si Sara, naglalakad palayo kay Adrian, ay hindi maiwasang mag-isip. Hindi niya maiwasang mag-a
Madilim ang gabi. Walang bituin. Ang hangin ay malamig at tila may dalang bagyo. Sa ilalim ng maulap na langit, nagtagpo ang dalawang pusong naglalaban para sa iisang lalaking mahal nila—si Adrian.Nakatayo si Vanessa sa harap ni Sara, ang mukha niya ay puno ng galit, ang mga mata’y naglalagablab sa selos. Hindi na niya kayang magpigil pa. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit, ang pait, ang pagkasuklam sa babaeng ito na bigla na lang dumating at tila ninakaw ang mundong matagal na niyang inaasam."Anong meron sa’yo, ha?" pasigaw na tanong ni Vanessa, nanginginig ang tinig.Nagulat si Sara. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero nanatili ang distansya."Vanessa, hindi ko alam kung bakit mo ‘to ginagawa," mahinahong sagot niya."‘Hindi mo alam?’" Tumawa si Vanessa, mapait. "Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo si Adrian sa akin."Umiling si Sara. "Vanessa, hindi ko ginusto
Sa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animo’y paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansin—ang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin
“Dahil… minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.”“Ang mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ay… tayo.”Nagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu