"MA! WAG MO AKONG IWAN!" Sigaw ni Shiela, halos mapatid ang kanyang boses sa matinding dalamhati. Mahigpit niyang kinapitan ang rehas, animo'y kaya nitong pigilan ang paglayo ni Nenita. Ngunit hindi siya nilingon ng babaeng itinuring niyang ina.Nanatiling nakayuko si Nenita habang marahang lumalakad palayo, pilit itinatago ang kanyang mga luha. Sa kabila ng sakit at bigat sa dibdib, alam niyang ito ang nararapat."Ma… please…" humihikbing bulong ni Shiela, nanginginig ang buong katawan. "Kayo lang ang pamilya ko… kayo lang…"Ngunit hindi na siya pinakinggan pa.Nang tuluyang mawala si Nenita sa kanyang paningin, unti-unting bumagsak si Shiela sa malamig na sahig ng selda. Nakayakap siya sa sarili, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng babaeng nag-aruga sa kanya."Wala na… wala na akong pamilya…" mahina niyang bulong, tila isang baliw na kinakausap ang sarili. "Mahal ko si Luke… hindi ko lang matanggap… hindi ko lang matanggap na hindi niya ako mahal…"Naglakad palapit ang pulis sa s
Lalong bumigat ang loob ni Shiela. "Pa… ‘wag n’yo akong talikuran…"Humakbang si Philip palayo. "Sana noon mo pa naisip ‘yan.""PA! HUWAG MO AKONG IWAN!" Sigaw ni Shiela, nanginginig ang boses sa takot at sakit. "MAHAL NA MAHAL KO KAYO! PA, MAMA, PAKIUSAP! HUWAG N’YO AKONG IWAN DITO!"Ngunit hindi na lumingon si Philip.Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay, naramdaman ni Shiela kung paano maging tunay na mag-isa.Samantala, sa ospital…Nakaupo si Belle sa kama, nakasuot ng ospital gown at bahagyang nakasandal sa unan habang nagpapagaling. Kahit may kaunting pasa pa sa kanyang mukha, nagawa pa rin niyang mapanatili ang kanyang pagpapanggap bilang si Ana. Sa loob ng ilang araw, naging maingat siya sa bawat kilos at salita, lalo na kapag nasa paligid si Luke.Sa isang tabi ng silid, abala si Luke sa pagbabalat ng mansanas para sa kanya. Tahimik ito, ngunit hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti. Hindi man niya nakuha si Luke sa paraang inaasahan niya, narito pa rin siya—in
Samantala, sa dako pa roon, "Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang," mariing sabi ni Aling Glenda habang inaalalayan si Sara papasok sa tindahan. "Hindi siya kailangan ng ganyang stress, lalo na kung wala siyang maalala!"Napatigil si Adrian, pero hindi niya inalis ang tingin kay Sara. Kita niya ang sakit sa mukha ng babae, ang pagkalito sa mga mata nito—at doon niya napagtanto kung gaano kahirap para kay Sara ang lahat ng ito."Hindi kita sinasaktan, Sara. Gusto lang kitang matulungan," mahinang sabi ni Adrian.Pero umiwas ng tingin si Sara. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Hindi kita kilala."Ang sakit.Hinaplos ni Aling Glenda ang likod ni Sara, kita ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Adrian, kung talagang may malasakit ka sa kanya, bigyan mo muna siya ng panahon. Hindi ito simpleng bagay, lalo na kung wala siyang maalala."Napapikit si Adrian at napabuntong-hininga. Tama si Aling Glenda. Hindi niya pwedeng pilitin si Sara.Pagkatapos ng ilang minuto, lumaba
Umismid si Adrian pero agad ding ngumiti. "Grabe naman kayo, Aling Glenda. Wala pa akong ginagawa, binabantaan niyo na agad ako!""Eh kasi nga mukhang manggugulo ka lang!" singit ni Aling Laura na kakarating lang at nagtitimpla ng kape sa tabi. "At ikaw naman, Sara, bakit namumula ka?""HA?! Hindi ako namumula!" Halos takpan ni Sara ang buong mukha niya sa sobrang hiya. "At ikaw, Adrian! Tumigil ka na sa kakasabi ng mga kabaliwan mo! Kung gusto mong magbakasyon sa bayan namin, gawin mo 'yon nang walang kasamang panggugulo sa buhay ko!"Napangisi si Adrian. "So, inaamin mong naaapektuhan ka?""HINDI!""Hmm. Mukhang oo.""Hindi nga!""O, tingnan mo, namumula ka na naman—""Adrian, susuntukin na talaga kita!"Natawa si Adrian at umatras nang bahagya. "Okay, okay! Hindi na kita aasarin… sa ngayon." Kumindat pa siya bago iniabot kay Sara ang paper bag. "Pero seryoso ako dito. Para sa’yo talaga ‘yan.""At ano naman ‘to?""Buksan mo na lang."Nagdududa man, kinuha ni Sara ang bag at binuksan
Ilang araw na ang lumipas at patuloy na bumubuti ang kalagayan ni Belle. Pero habang mas lumalakas ang kanyang katawan, mas bumibigat ang kanyang konsensya. Hindi niya kayang iwan sina Luke at baby Anabella, lalo na’t napamahal na sila sa kanya nang sobra.Nakahiga siya sa kama ng ospital, pinagmamasdan ang screen ng kanyang cellphone kung saan ka-video call niya si Luke. Hawak nito ang kanilang—hindi, ang anak ni Ana—si baby Anabella.Ang munting sanggol ay nakabalot sa malambot na kumot, nakasandal sa dibdib ni Luke habang pinapainom niya ito ng gatas sa bote. Nang marinig ang boses ni Belle, biglang gumalaw si baby Anabella, na parang kinikilala siya.“Mama…” bulong ni Luke, ginagaya ang boses ng kanilang anak. “Sabi ni baby, miss ka na niya.”Napakagat-labi si Belle, pinipigil ang luha. "Miss na miss na rin kita, baby," sagot niya, pilit pinapakalma ang nanginginig na boses. "Huwag kang pasaway kay Daddy ha? Magpakabait ka."Napangiti si Luke habang inaayos ang posisyon ng kanilan
Sa kabila ng tahimik na baybayin, ang nag-iisang ilaw mula sa truck ni Adrian ang nagsilbing gabay nila. Tumitilaok ang ilang ibon sa di kalayuan, at ang hangin ay malamig na yumakap kay Sara habang tinitingnan ang malawak na fish farm."Bakit nga ba sumama pa ako rito?" bulong niya sa sarili, naka-cross arms habang pinagmamasdan ang mga tauhan ni Adrian na naghahakot ng sariwang hipon mula sa lambat.Sa gilid ng kanyang mata, nakita niya si Adrian na tahimik na pinapanood ang operasyon.Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaiba sa kanya ngayong gabi. Parang hindi ito ‘yung lalaking palatawa at mahilig siyang asarin kanina."Sara," tawag nito.Napakurap siya. "A-Ano?"Lumapit si Adrian at tumayo sa tabi niya, nakatingin sa tubig. "Salamat at sinamahan mo ako rito.""Hmm. Wala akong choice, ‘di ba? Kung hindi, babawasan mo ang bayad sa’kin."Ngumiti si Adrian. "Aminin mo, gusto mo rin akong tulungan.""Hindi!" Mabilis niyang sagot, sabay iling."Hmm. Sure ka?"Napatingin si S
Matapos ang ilang linggo ng pagpapagaling, tuluyan nang nadischarge si Belle mula sa ospital. Ngunit sa kabila ng kanyang paggaling, nanatili ang mabigat na pasaning dala ng kanyang kasinungalingan—ang pagpapanggap bilang kanyang kakambal na si Ana. Mas lalong lumalim ang nararamdaman niyang pagmamahal para kay Luke at kay baby Anabella. Ngunit sa kabila nito, alam niyang hindi niya maaaring ipagpatuloy ang kanyang ginagawang panlilinlang.Habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama sa hospital, biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag nang makita kung sino ang nasa kabilang linya."Hector?""Belle," sagot ng private investigator sa seryosong tono. "Napresenta ko na ang lahat ng ebidensiya. Lahat ng detalye, mula sa pagsusuri ng lason hanggang sa mga testimonya ng mga saksi—kasama na ang doktor na nagpatunay na planado ang lahat ng ginawa ni Shiela kay Ana. Wala na siyang takas. Ang court hearing niya ay sa loob ng isang linggo."Napapikit si Belle at dahan-da
"Hindi na, baby," mahina niyang sagot, kahit alam niyang isang kasinungalingan iyon. "Mama will always be here."Hanggang kailan?Sa tanong na iyon, hindi niya alam ang sagot.Isang linggo ang lumipas at dumating na ang pinakahihintay na araw—ang court hearing ni Shiela. Dumagsa ang mga tao sa korte, kabilang ang pamilya ni Luke, si Belle, at maging ang media na nagnanais i-cover ang kaso.Dahan-dahang pumasok si Shiela sa loob ng korte, nakaposas ang kanyang mga kamay at mukhang hindi na siya ang dating mapanlinlang at mapagmataas na babae. Maputla siya, magulo ang buhok, at halatang bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at pagkakakulong.Habang dumaraan siya sa gitna ng korte, nagtagpo ang tingin nila ni Belle. Nagningning ang galit sa mga mata ni Shiela, ngunit si Belle ay nanatiling matatag, hindi natinag sa matalim na tingin ng babaeng minsang nagtangkang pumatay sa kanyang kakambal.Nagsimula ang paglilitis. Isa-isang tumayo ang mga saksi, kabilang ang doktor na nagpatuna
Muling bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila. Sa di kalayuan, rinig pa rin ang masayang hiyawan ng mga bisita sa party ni Anabella, pero sa loob ng hardin kung saan sila nakatayo ni Luke, parang ibang mundo ang bumalot sa kanila—isang mundo ng pagdududa, sakit, at isang lihim na pilit niyang pinanghahawakan.Naramdaman ni Belle ang malamig na simoy ng hangin, pero ang mas matindi niyang nararamdaman ay ang nagbabagang titig ni Luke na parang pilit siyang binabasa.“Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako kayang pagtiwalaan?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang tanong na iyon.Hindi ba niya talaga kayang pagtiwalaan si Luke?O takot lang siyang mawala ang lahat sa oras na malaman nito ang totoo?Pinilit niyang ngumiti, kahit ramdam niya ang pagkaputla ng kanyang mga labi. “Luke… hindi sa wala akong tiwala sa’yo.”“Kung gano’n, ano?” May bahagyang pait sa boses nito.Nag-aalangan siyang tumingin sa kanya. “Mahalaga ka sa akin. Mahal kita.”Nakita niyang nagbago ang ekspresyon
Sa gabing iyon, habang mahimbing na natutulog si Sara, si Vanessa naman ay gising na gising hindi lang dahil sa pait ng pagkatalo kundi dahil sa ideyang unti-unti nang nabubuo sa kanyang isipan.Kasama niya si Paul sa isang pribadong lounge ng resort, malayo sa iba pang mga bisita. Sa harapan nila, may bote ng mamahaling alak at isang tray ng magagarang pagkain, pero hindi iyon ang pakay nila.Paul: "Vanessa, kung gusto mong bumalik sa buhay ni Adrian, kailangan mong maging matalino. Hindi pwedeng bara-bara lang."Vanessa: "Anong plano mo?"Paul: "Hindi sapat ang kagandahan mo para bumalik siya sa’yo. Kailangan mong ipakita sa kanya na ikaw ang mas bagay sa kanya mas classy, mas ka-level niya, at higit sa lahat, ikaw ang babaeng hindi niya kayang bitawan."Napakagat-labi si Vanessa. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Paul.Paul: "Swerte ka, Vanessa. May isang malaking event sa resort na ito bukas—isang grandeng charity gala. At alam mo kung sino ang guest of honor?"Vanessa: "Sino?"Pa
Samantala sa tunay na Ana na ngayon ay si Sara.Ramdam ni Sara ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatitig kay Vanessa. Hindi niya alam kung anong sasabihin nito, pero ang paraan ng pagkakatitig nito kay Adrian—may kumpiyansa, may pangangailangan—ay sapat nang dahilan para magduda siya."Ano'ng kailangan mong sabihin, Vanessa?" tanong ni Adrian, halatang nagtataka.Lumingon si Vanessa kay Sara bago muling binalik ang tingin kay Adrian. "Pwede ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang?"Napatingin si Sara kay Adrian, hinihintay kung ano ang gagawin nito.Pero hindi siya binigo ni Adrian. Hinawakan nito ang kamay niya at mariing sinabi, "Kahit anong sasabihin mo, Vanessa, pwedeng sabihin mo rin sa harap ni Sara."Halos hindi maipinta ang mukha ni Vanessa. Halatang hindi niya inaasahang tatanggi si Adrian."Adrian," may bahagyang pakiusap sa tono ni Vanessa. "Hindi ito isang bagay na pwedeng marinig ng iba.""Si Sara ay hindi ‘iba’ sa akin," madiin na tugon ni Adrian. "Ano man ang sasa
Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B
Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no
"Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T
Tumingin si Tatay Romero sa kanya. "Eh ilang taon mo na bang nililigawan ang anak ko?"Napakamot si Adrian sa batok. "Matagal-tagal na po.""Aba eh, kung matagal na, e bakit hindi pa nagkaka-sagot? Ano bang problema mo, hija?" nakataas ang kilay ni Nanay Glenda.Napalunok si Sara. "Nay, huwag niyo akong isali diyan!"Tumingin si Tatay Romero kay Adrian. "Eh ikaw, Adrian, sigurado ka ba sa anak ko? Baka naman mainip ka at mapunta ka nga sa beauty queen?"Tumayo si Adrian nang tuwid at seryosong tumingin kay Tatay Romero. "Tay, sigurado po ako. Kahit ilang beauty queen pa ang dumaan, si Sara pa rin ang gusto ko. Siya lang."Natigilan si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa sobrang kaseryosohan ni Adrian.Nakangiti si Nanay Glenda. "O siya, hija, bahala ka na diyan. Pero tandaan mo, bihira ang lalaking ganyan."Tumingin si Sara kay Adrian, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya."Tingnan natin kung kaya mong panindigan ‘yan," mahina niyang sabi.Ngumiti si Adri
KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Habang nag-aayos ng mesa, napansin niya si Nanay Glenda na nakamasid sa kanya, nakangiti."Ano, hija? Magpapaganda ka na ba para sa bisita mo?" tanong ni Nanay Glenda habang pinipigil ang ngiti.Napataas ang kilay ni Sara. "Ano pong bisita?""Aba eh, sino pa? E ‘di ‘yung masugid mong manliligaw!" sagot ni Tatay Romero na nagkakape sa tabi.Napaawang ang bibig ni Sara. "Tay! Wala akong bisita!""Hmp! Sige ka, baka may beauty queen na ang kasama niya ngayon!" sabat ni Nanay Glenda habang abala sa pagtutupi ng mga damit.Napakunot ang noo ni Sara. "Edi mabuti! Kung may gusto siyang beauty queen, wala akong pakialam!"Tumingin si Tatay Romero sa kanya nang makahulugan. "Aba, parang ang taas ng boses mo, hija. Parang—""Parang ano?" mabilis na putol ni Sara, sabay tingin sa kanyang ama."Parang nagseselos!" sagot ni Nanay Glenda na parang may tuksong ngiti."Nay naman! Hindi a
Saglit na natahimik si Adrian. Nagpukol siya ng tingin sa pool, pinagmamasdan ang kislap ng tubig sa ilalim ng buwan.Adrian: “Masakit ‘yun. Pero kung hindi niya ako pipiliin… tatanggapin ko.”Paul: “Wow. Sobrang lalim na ng tama mo, boss. Pero alam mo, feeling ko… ikaw pa rin ang pipiliin niya.”Napangiti si Adrian. “Sana nga.”Paul: “Kaya bukas, punta mo na agad! Baka naman isang beauty queen pa ang maunang umeksena diyan sa buhay mo.”Adrian: “Kahit sampung beauty queen pa ‘yan, si Sara lang ang gusto ko.”Paul: “O siya, sige na! Mukhang wala na akong magagawa sa’yo. Magpahinga ka na, para may energy kang mangulit bukas.”Tumayo si Adrian at tinapik sa balikat si Paul. “Salamat, bro.”Paul: “Walang anuman. Basta siguruhin mong hindi ka tatanggap ng ‘basted’ bilang sagot.”Natawa si Adrian. “Wala ‘yun sa vocabulary ko.”At sa isip niya, buo na ang pasya niya—bukas, babalik siya kay Sara. KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bu