Home / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 114

Share

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 114

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-02-23 22:43:47

Samantala, sa dako pa roon, "Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang," mariing sabi ni Aling Glenda habang inaalalayan si Sara papasok sa tindahan. "Hindi siya kailangan ng ganyang stress, lalo na kung wala siyang maalala!"

Napatigil si Adrian, pero hindi niya inalis ang tingin kay Sara. Kita niya ang sakit sa mukha ng babae, ang pagkalito sa mga mata nito—at doon niya napagtanto kung gaano kahirap para kay Sara ang lahat ng ito.

"Hindi kita sinasaktan, Sara. Gusto lang kitang matulungan," mahinang sabi ni Adrian.

Pero umiwas ng tingin si Sara. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Hindi kita kilala."

Ang sakit.

Hinaplos ni Aling Glenda ang likod ni Sara, kita ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Adrian, kung talagang may malasakit ka sa kanya, bigyan mo muna siya ng panahon. Hindi ito simpleng bagay, lalo na kung wala siyang maalala."

Napapikit si Adrian at napabuntong-hininga. Tama si Aling Glenda. Hindi niya pwedeng pilitin si Sara.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumaba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 115

    Umismid si Adrian pero agad ding ngumiti. "Grabe naman kayo, Aling Glenda. Wala pa akong ginagawa, binabantaan niyo na agad ako!""Eh kasi nga mukhang manggugulo ka lang!" singit ni Aling Laura na kakarating lang at nagtitimpla ng kape sa tabi. "At ikaw naman, Sara, bakit namumula ka?""HA?! Hindi ako namumula!" Halos takpan ni Sara ang buong mukha niya sa sobrang hiya. "At ikaw, Adrian! Tumigil ka na sa kakasabi ng mga kabaliwan mo! Kung gusto mong magbakasyon sa bayan namin, gawin mo 'yon nang walang kasamang panggugulo sa buhay ko!"Napangisi si Adrian. "So, inaamin mong naaapektuhan ka?""HINDI!""Hmm. Mukhang oo.""Hindi nga!""O, tingnan mo, namumula ka na naman—""Adrian, susuntukin na talaga kita!"Natawa si Adrian at umatras nang bahagya. "Okay, okay! Hindi na kita aasarin… sa ngayon." Kumindat pa siya bago iniabot kay Sara ang paper bag. "Pero seryoso ako dito. Para sa’yo talaga ‘yan.""At ano naman ‘to?""Buksan mo na lang."Nagdududa man, kinuha ni Sara ang bag at binuksan

    Last Updated : 2025-02-23
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 116

    Ilang araw na ang lumipas at patuloy na bumubuti ang kalagayan ni Belle. Pero habang mas lumalakas ang kanyang katawan, mas bumibigat ang kanyang konsensya. Hindi niya kayang iwan sina Luke at baby Anabella, lalo na’t napamahal na sila sa kanya nang sobra.Nakahiga siya sa kama ng ospital, pinagmamasdan ang screen ng kanyang cellphone kung saan ka-video call niya si Luke. Hawak nito ang kanilang—hindi, ang anak ni Ana—si baby Anabella.Ang munting sanggol ay nakabalot sa malambot na kumot, nakasandal sa dibdib ni Luke habang pinapainom niya ito ng gatas sa bote. Nang marinig ang boses ni Belle, biglang gumalaw si baby Anabella, na parang kinikilala siya.“Mama…” bulong ni Luke, ginagaya ang boses ng kanilang anak. “Sabi ni baby, miss ka na niya.”Napakagat-labi si Belle, pinipigil ang luha. "Miss na miss na rin kita, baby," sagot niya, pilit pinapakalma ang nanginginig na boses. "Huwag kang pasaway kay Daddy ha? Magpakabait ka."Napangiti si Luke habang inaayos ang posisyon ng kanilan

    Last Updated : 2025-02-24
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 117

    Sa kabila ng tahimik na baybayin, ang nag-iisang ilaw mula sa truck ni Adrian ang nagsilbing gabay nila. Tumitilaok ang ilang ibon sa di kalayuan, at ang hangin ay malamig na yumakap kay Sara habang tinitingnan ang malawak na fish farm."Bakit nga ba sumama pa ako rito?" bulong niya sa sarili, naka-cross arms habang pinagmamasdan ang mga tauhan ni Adrian na naghahakot ng sariwang hipon mula sa lambat.Sa gilid ng kanyang mata, nakita niya si Adrian na tahimik na pinapanood ang operasyon.Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaiba sa kanya ngayong gabi. Parang hindi ito ‘yung lalaking palatawa at mahilig siyang asarin kanina."Sara," tawag nito.Napakurap siya. "A-Ano?"Lumapit si Adrian at tumayo sa tabi niya, nakatingin sa tubig. "Salamat at sinamahan mo ako rito.""Hmm. Wala akong choice, ‘di ba? Kung hindi, babawasan mo ang bayad sa’kin."Ngumiti si Adrian. "Aminin mo, gusto mo rin akong tulungan.""Hindi!" Mabilis niyang sagot, sabay iling."Hmm. Sure ka?"Napatingin si S

    Last Updated : 2025-02-25
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 118

    Matapos ang ilang linggo ng pagpapagaling, tuluyan nang nadischarge si Belle mula sa ospital. Ngunit sa kabila ng kanyang paggaling, nanatili ang mabigat na pasaning dala ng kanyang kasinungalingan—ang pagpapanggap bilang kanyang kakambal na si Ana. Mas lalong lumalim ang nararamdaman niyang pagmamahal para kay Luke at kay baby Anabella. Ngunit sa kabila nito, alam niyang hindi niya maaaring ipagpatuloy ang kanyang ginagawang panlilinlang.Habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama sa hospital, biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag nang makita kung sino ang nasa kabilang linya."Hector?""Belle," sagot ng private investigator sa seryosong tono. "Napresenta ko na ang lahat ng ebidensiya. Lahat ng detalye, mula sa pagsusuri ng lason hanggang sa mga testimonya ng mga saksi—kasama na ang doktor na nagpatunay na planado ang lahat ng ginawa ni Shiela kay Ana. Wala na siyang takas. Ang court hearing niya ay sa loob ng isang linggo."Napapikit si Belle at dahan-da

    Last Updated : 2025-02-26
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 119

    "Hindi na, baby," mahina niyang sagot, kahit alam niyang isang kasinungalingan iyon. "Mama will always be here."Hanggang kailan?Sa tanong na iyon, hindi niya alam ang sagot.Isang linggo ang lumipas at dumating na ang pinakahihintay na araw—ang court hearing ni Shiela. Dumagsa ang mga tao sa korte, kabilang ang pamilya ni Luke, si Belle, at maging ang media na nagnanais i-cover ang kaso.Dahan-dahang pumasok si Shiela sa loob ng korte, nakaposas ang kanyang mga kamay at mukhang hindi na siya ang dating mapanlinlang at mapagmataas na babae. Maputla siya, magulo ang buhok, at halatang bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at pagkakakulong.Habang dumaraan siya sa gitna ng korte, nagtagpo ang tingin nila ni Belle. Nagningning ang galit sa mga mata ni Shiela, ngunit si Belle ay nanatiling matatag, hindi natinag sa matalim na tingin ng babaeng minsang nagtangkang pumatay sa kanyang kakambal.Nagsimula ang paglilitis. Isa-isang tumayo ang mga saksi, kabilang ang doktor na nagpatuna

    Last Updated : 2025-02-26
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 120

    Samantala, sa dako pa roon sa tunay na Ana.Hindi mapakali si Adrian habang nasa loob ng opisina niya sa Crystal Clear J Resort. Mula sa bintana, tanaw niya ang dagat na minsang pinanggalingan ni Sara. Ang babaeng unti-unti nang nagugulo ang isipan niya.Maya-maya, pumasok si Leo, ang kanyang assistant."Sir, may balita ako," panimula nito, halatang nag-aalangan."Ano 'yun?" sagot niya nang hindi lumilingon."Si Aling Glenda… nagdesisyon na huwag nang makipagtransact sa atin. Hindi na sila magde-deliver ng seafoods dito sa resort."Mabilis siyang napalingon. "Anong ibig mong sabihin?""Ayaw na raw nilang magkaroon ng koneksyon sa 'yo, sir. Lalo na't tila nagugulo ang buhay ni Sara dahil sa'yo."Natahimik si Adrian.Nagugulo?Para bang may kung anong kirot na dumaan sa dibdib niya. Hindi niya naman intensyon na guluhin ang buhay ni Sara. Gusto niya lang malaman ang totoo."Sir, ano pong gagawin natin?" tanong ni Leo, halatang nag-aalalang tumingin sa kanya.Napabuntong-hininga si Adria

    Last Updated : 2025-02-27
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 121

    Samantala ang pagpapatuloy na pagpapanggap ni Belle na si Ana.Tahimik ang buong bahay kinabukasan. Tanging ang mahihinang yapak ni Belle sa kahoy na sahig ang maririnig habang naglalakad siya papunta sa kusina. Ilang araw na siyang nakauwi, at kahit anong pilit niyang sabihin sa sarili na sanay na siya sa buhay na ito—sa buhay ni Ana—may bahagi pa rin ng puso niya ang natatakot.Habang iniinit ang tubig para sa kape, bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Bumagsak ang hawak niyang tasa, basag ito sa sahig, ngunit mas iniinda niya ang paninikip ng dibdib at ang biglaang panghihina. Napahawak siya sa mesa, pilit na pinipigilan ang sarili na bumagsak."Ana!" Narinig niyang sigaw ni Luke bago siya naramdaman ang bisig nito sa kanyang bewang. "Anong nangyayari sa'yo?"Hinawakan ni Belle ang ulo at pikit-matang umiling. "H-hindi ko alam… bigla akong nahilo."Hindi mapakali si Luke habang marahang itinatayo siya. "Bakit hindi mo agad sinabi na masama ang pakiramdam mo? Dapat nagpapahinga ka

    Last Updated : 2025-03-01
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 122

    Samantala sa kabilang dako ang tunay na Ana.Sa gitna ng madilim na gabi.Pawis na pawis si Sara habang nakahiga sa kanyang maliit na silid. Hindi siya mapakali, ang kanyang noo ay kulubot sa matinding takot habang mahigpit na nakakapitan ang kanyang kumot.Sa panaginip niya, nasa loob siya ng isang sasakyan.Madilim. Malakas ang buhos ng ulan.Hawak niya ang manibela, pero parang hindi niya ito makontrol."Hindi! Hindi ko ito mapigilan!" Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit niyang kinokontrol ang sasakyan. Pero kahit anong gawin niya, patuloy itong bumibilis.80 km/h… 100 km/h… 120 km/h…Nanginginig na siya sa takot. "May tao ba rito?! Tulong!"Walang sumagot.At sa isang iglap, nakita niya ang isang malaking bangin sa unahan!"HINDI! HINDI PWEDE!"Gusto niyang huminto. Gusto niyang lumiko. Pero wala siyang magawa. Bumulusok pababa ang sasakyan—"AAAAHHHHHH!"Nagising siyang biglang bumangon, hinihingal at malakas ang tibok ng kanyang puso. Naramdaman niyang basa ng pawis an

    Last Updated : 2025-03-02

Latest chapter

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 174

    Nasa gilid si Sara, yakap ang sash na may pangalan niyang Sara Pamplana. Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Ang mga kamay niya ay bahagyang nanginginig, ngunit sa puso niya, may kakaibang kapayapaan. May ginhawang hatid ang pagtanggap sa sarili, kahit pa may bahagi pa rin ng nakaraan ang nananatiling malabo.Biglang may humawak sa kanyang braso."Ikaw talaga ‘yan?" mahina ngunit punô ng pag-aalala ang tinig na lumapit sa kanya.Napalingon si Sara. Si Adrian.Napatigil siya. Hindi agad nakapagsalita. Ang lalaking ilang gabi niyang iniwasan sa isip, ngayong gabi, nasa harap niya. Hawak siya, parang ayaw na siyang pakawalan."Adrian?" tanong ni Sara, halos pabulong.Tumango si Adrian. Nanlalalim ang tingin. Parang sinisid ang kaluluwa niya sa bawat tingin."Kanina pa kita hinahanap. Nung naglakad ka sa entablado, parang bumalik lahat. Lahat ng alaala. Lahat ng damdamin. Sara... ang ganda-ganda mo."Napayuko si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak."Bakit k

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 173

    Nasa gitna na ng entablado si Sara Pamplana. Ang mga spotlight ay tila apoy na nakatutok sa kanya, ngunit hindi siya natinag. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng kanyang puso, pero mas malakas ang paninindigang buo sa kanyang dibdib.Mula sa gilid ng stage, narinig niya ang boses ni Jamaica. “Go na, Sara!” sigaw nito habang ayos pa ang sash na may pangalan niya. “Lakasan mo loob mo. Alam mo kung bakit ka nandito.”Tumango si Sara. Pinunasan niya ang bahagyang pawis sa noo at dahan-dahang hinigpitan ang kapit sa kanyang damdamin. Huminga siya ng malalim, sabay lakad papunta sa gitna ng entablado. Kahit nanginginig ang tuhod niya, hindi siya natinag. Ang bawat hakbang ay para sa mga taong nagmahal sa kanya. Para kina Aling Glenda at Mang Romero—ang mga taong tinuring siyang tunay na anak kahit siya’y isang ulilang nawalan ng alaala.Sa likod ng mga kurtina, naririnig niya ang palakpakan at sigawan ng mga tao. Tumayo siya ng tuwid, itinaas ang noo. Ngayon, hindi na siya ang dating ta

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 172

    “Mahal, kanina pa kita tinititigan. Hindi ka kumakain. Okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang pinagmamasdan si Belle na ilang beses nang tinikman ang sabaw pero hindi man lang nagalaw ang kanin.Napapitlag si Belle. “Ha? Ay... Oo naman. Nahilo lang siguro ako sandali.”“Sigurado ka? Pati si Mama tinatanong kung bakit parang lutang ka. Sabi niya, iba raw ang ngiti mo ngayon... parang pilit.”Napilitan siyang ngumiti. “Si Mama talaga, ang hilig magbiro. Alam mo namang mahina lang talaga ang katawan ko.”“Huwag mong gawing biro. Hindi yun biro, Ana. Kilala ka niya. Kilala rin kita. Alam kong may bumabagabag sa'yo.”Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya si Luke, ang lalaking unti-unting minahal niya sa katauhan ng ibang babae. Ang bigat sa dibdib.“Luke... hindi lahat ng nararamdaman ng tao kailangang sabihin agad-agad. Minsan kailangan muna natin ng oras para intindihin ang sarili.”“Pero bakit parang ang layo mo sa akin nitong mga araw na 'to? Hindi ko na maramdaman yung Ana na palag

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 173

    Tumango si Sara at lumapit kay Jamaica. “Jamaica, paano ba ako magiging handa?” tanong ni Sara, nag-aalalang hindi pa rin siya handa sa susunod na pagsubok.“Wala kang dapat ipag-alala, Sara. Ang mahalaga ay hindi yung mga tanong, kundi kung paano mo ibabahagi ang iyong mensahe. Magsalita ka ng buo at tapat. Magtiwala ka sa iyong sarili.”Si Jamaica ay hindi tumigil sa pagbigay ng inspirasyon kay Sara. Nakikita niyang may potensyal siya. Masaya siyang makita ang ibang contestants na nag-eenjoy sa kanilang pagsasanay, ngunit hindi maiwasan ni Jamaica na tingnan si Vanessa na tila palaging handang mang-bully sa iba. Sa bawat hakbang ni Vanessa, para bang may hangarin itong sirain ang tiwala ni Sara, ngunit hindi na ito papayagan ni Sara.Habang nagtutulungan sila sa paghahanda, dumaan ang isang hapon at dumating na ang panahon para sa Q&A.Si Sara ay tumayo sa gitna ng stage, at ang kanyang mga mata ay tumingin sa mga tao sa paligid. Minsan, mahirap magtiwala sa sarili, pero naisip niya

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 172

    Sa kabilang dako sa tunay na Ana.Sa bahay ni Sara, habang nag-aayos ng mga gamit sa sala...“Ate, halika na!” sigaw ni Nene mula sa kusina. “May bisita tayo!”Nagulat si Sara nang marinig ang pangalan ni Jamaica. Dumating na siya. Hindi na nga tumigil si Nene sa kakatawa, ang buong pamilya ay nakatingin na parang isang malaking kakatwang eksena ang mangyayari.“Jamaica? Ano'ng ginagawa mo dito?” tanong ni Sara habang inaayos ang mga gamit sa lamesa.“Sara,” ani Jamaica, sabay abot ng maliit na flyer na may nakalagay na “Summer Queen 2025 – Beauty Pageant.” “Sali ka na sa beauty competition. Alam kong kaya mo ito.”Napakunot ang noo ni Sara. “Beauty competition?”"Oo, Sara. Alam ko na hindi mo ito plano, pero ito ang pagkakataon para patunayan sa sarili mo na kaya mong magsikap para sa pangarap mo," sabi ni Jamaica, hindi tinatangi ang matinding lakas ng loob na ipinapakita."Pero… hindi ko kaya. Hindi ako ganun," sagot ni Sara, nahihirapan. “Hindi ako tulad nila. Hindi ko kayang magl

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 171

    Samantala sa Mansion ng mga Villa.Hindi pa man lumilipas ang kaba sa dibdib niya mula sa pag-uusap nila ni Luke, biglang nag-ring ang doorbell.Nagkatinginan sila ni Luke bago ito tumayo upang buksan ang pinto.At sa pagbukas ng pinto, nanlamig ang katawan ni Belle.Si Philip.Ang ama ni Luke."Papa?" Gulat na sambit ni Luke."Magandang umaga, anak," sagot ni Philip. "Pasensya na sa abala, pero may kailangan akong pag-usapan kay Ana… nang sarilinan."Biglang bumigat ang paligid.Napatayo si Belle, agad na bumalik ang kaba sa dibdib niya.Napakunot-noo si Luke. "Bakit, Pa? May problema ba?""Wala, anak," sagot ng matanda. "Gusto ko lang makausap si Ana tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa'yo."Namilog ang mga mata ni Belle.Alam na niya?!"Ano'ng ibig mong sabihin, Pa?" seryosong tanong ni Luke.Ngumiti si Philip, ngunit kita sa mga mata nito ang lalim ng iniisip. "Wag kang mag-alala, anak. Saglit lang kami ni Ana."Dahan-dahang lumapit si Belle, halos hindi makalakad n

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 170

    Tahimik na lumabas si Sara sa bahay. Hindi siya lumingon. Hindi rin niya kayang marinig ang huling tawag ni Adrian sa kanyang pangalan. Bawat hakbang niya sa kalsada ay parang martilyong humahampas sa kanyang puso."Kung mahal mo ako, bakit mo ako laging pinapalayas sa puso mo?" bulong niya sa hangin, habang pinipilit itago ang mga luhang patuloy na umaagos.Samantala, si Adrian ay nanatili pa rin sa sala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang mga salitang binitiwan ni Sara ay parang nag-iwan ng apoy sa dibdib niya. Gusto niyang habulin siya. Gusto niyang sumigaw, ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya ito, pero hindi niya alam kung may karapatan pa ba siya.Lumipas ang mga oras.Maagang gumising si Sara kinabukasan. Kahit magaan na ang loob niya mula sa pag-uusap nila ni Adrian kagabi, may halo pa ring kaba sa kanyang dibdib. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, parang hirap pa rin siyang maniwala na totoo na—na may patutunguhan pa ang kwento nila.“Anak, halika na’t sumama k

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 169

    Samantala sa kabilang dako sa tunay na Ana..Sa gabing iyon, hindi umaasa si Sara na magaganap ang isang bagong simula. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatingin sa kisame, ang isip abala. Ang mga huling sandali nila ni Adrian sa tabi ng dagat, ang mga salitang binitiwan niya, ang paghalik—lahat iyon ay tila isang panaginip na ayaw niyang magising mula. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, ang puso niya ay naguguluhan. Magtitiwala ba siya ulit sa lalaki na minsan nang nagbigay sa kanya ng sakit? O ito na ba ang pagkakataon na dapat niyang kalimutan ang lahat at magpatuloy mag-isa?Ang takot na magkamali ulit ay sumasakal sa kanya. Pero sa bawat pagtulo ng mga luha na nagpatagilid sa kanyang mga mata, parang may humihikbi sa loob niya na naglalakas-loob.Samantala, sa labas ng bahay, si Adrian ay nakaupo sa isang papag na walang kibo.Hindi siya nakauwi kagabi. Iniisip niyang maaaring magising si Sara at hindi na siya papansinin. Kaya nanatili na lang siya sa labas, nakatago sa dilim ng

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 168

    Muling bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila. Sa di kalayuan, rinig pa rin ang masayang hiyawan ng mga bisita sa party ni Anabella, pero sa loob ng hardin kung saan sila nakatayo ni Luke, parang ibang mundo ang bumalot sa kanila—isang mundo ng pagdududa, sakit, at isang lihim na pilit niyang pinanghahawakan.Naramdaman ni Belle ang malamig na simoy ng hangin, pero ang mas matindi niyang nararamdaman ay ang nagbabagang titig ni Luke na parang pilit siyang binabasa.“Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako kayang pagtiwalaan?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang tanong na iyon.Hindi ba niya talaga kayang pagtiwalaan si Luke?O takot lang siyang mawala ang lahat sa oras na malaman nito ang totoo?Pinilit niyang ngumiti, kahit ramdam niya ang pagkaputla ng kanyang mga labi. “Luke… hindi sa wala akong tiwala sa’yo.”“Kung gano’n, ano?” May bahagyang pait sa boses nito.Nag-aalangan siyang tumingin sa kanya. “Mahalaga ka sa akin. Mahal kita.”Nakita niyang nagbago ang ekspresyon

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status