Nagsimula nang lumala ang paglilihi ni Belle. Hindi niya maintindihan ang sarili—may mga pagkain siyang biglang hinahanap, may mga amoy na hindi niya matanggap. Minsan, wala siyang gana. Minsan naman, gusto niyang kumain ng kung ano-ano kahit dis-oras ng gabi.Isang gabi, habang nakahiga siya sa kama, biglang bumangon siya at patakbong pumunta sa banyo. Mabilis siyang sumuka, halos maubos ang laman ng kanyang tiyan.Agad siyang sinundan ni Luke. “Ana, okay ka lang ba?” may pag-aalalang tanong nito habang hinahagod ang kanyang likuran.Hinang-hina siyang tumango. “Oo, siguro epekto lang ng pagbubuntis.”Ngumiti si Luke at marahang hinalikan ang kanyang noo. “Gusto mo bang ipagluto kita ng kahit ano? Baka gusto mo ng maasim?”Napakurap siya. Oo, gusto niya ng maasim. Pero mas gusto niyang kumain ng hilaw na mangga na may bagoong—isang pagkaing hindi mahilig kainin ni Ana noon.“Gusto ko ng hilaw na mangga…” mahinang sabi niya.Bahagyang nagulat si Luke. “Mangga? Eh, hindi mo naman ‘yun
Samantala sa tunay na Ana..Sa loob ng maliit na tindahan ni Aling Glenda, nananatili ang tensyon sa pagitan ng tatlong tao—si Sara, si Adrian, at si Aling Glenda. May mga bagay na pilit na itinatago, at may mga alaala na gustong ipaglaban. Pero sino ang talo at sino ang panalo sa katotohanan?"Sara, hindi mo kailangang gawin ‘to," pakiusap ni Aling Glenda habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sara."Mama Glenda… hindi ko na po kaya," nanginginig ang boses ni Sara, halatang punong-puno na ang isip niya. "Araw-araw akong may bangungot. Hindi ako matahimik. Hindi ko alam kung sino ako, at parang may kulang sa sarili ko. Hindi ko na kayang mabuhay sa kasinungalingan!""Hindi kasinungalingan ‘to, anak!" galit na sabi ni Aling Glenda. "Ang buhay mo ngayon, totoo ‘to! Hindi ba sapat ‘yun? Hindi ba sapat na may pamilya kang nagmamahal sa’yo rito?"Nagpantig ang tainga ni Adrian sa sinabi ng matanda."Aling Glenda, pamilya nga siya sa inyo, pero paano kung may pamilya siyang naghahanap sa kan
Sa gabing iyon, hindi nakatulog si Sara.Sa gabing iyon, hindi rin siya sigurado kung ano ang mas matimbang—ang puso niyang bumibilis ang tibok dahil sa kaba, o ang isip niyang naguguluhan sa katotohanang hindi niya matanggap.Ang isang bagay lang na sigurado siya…Kailangan niyang malaman ang totoo.Kinabukasan."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Sara?"Napalingon si Sara kay Aling Glenda na nakatayo sa may pintuan ng bahay. Kita sa mukha ng matanda ang pinaghalong lungkot at takot. Halos magdamag itong hindi nakatulog, hindi mapakali, at ngayon, habang nag-eempake si Sara, parang pinipigilan nitong umiyak.Napangiti si Sara, pero bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. "Mama Glenda, kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ko na kayang mabuhay na may tanong sa sarili ko.""Pero paano kung masaktan ka lang, anak?" Napakapit nang mahigpit si Aling Glenda sa gilid ng pinto. "Paano kung ang katotohanang hinahanap mo ay mas magdala lang ng sakit sa puso mo?"Napahinto si Sara. Toto
Sa kabilang dako patuloy parin pagpapanggap ni Belle bilang Ana.Sa loob ng sasakyan, mahigpit na hinawakan ni Belle ang kanyang tiyan habang tahimik na nakatingin sa bintana. Ramdam niya ang malalakas na tibok ng kanyang puso habang binabaybay nila ni Luke ang daan papunta sa ospital para sa kanyang prenatal checkup.Nagdesisyon na siya.Hindi na siya aatras.Pipiliin niyang manatili bilang Ana—kahit na ang buong buhay niya ay magiging isang malaking kasinungalingan.“Love, okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang hawak ang manibela. Napatingin siya rito, at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.Ngumiti siya ng pilit. “Oo naman, Luke. Medyo kinakabahan lang siguro sa checkup.”Ngumiti rin si Luke at hinawakan saglit ang kanyang kamay. “Wala kang dapat ipag-alala. Nandito lang ako, okay?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Belle ang mga salitang iyon habang mahigpit siyang nakahawak sa kamay ni Luke. Ramdam niya ang init at tibay ng mga daliri nito, isang bagay na
Pagkarating nila sa bahay, agad silang sinalubong ni baby Anabella na magdadalawang taon na, kasunod ang yaya na nag-aalaga sa kanya. Masaya itong tumakbo patungo kay Belle, iniwan ang hawak-hawak na laruan.“Mommy!” Masayang sigaw ng bata habang nakangiti nang malapad.Mabilis na pinunasan ni Belle ang kanyang mga mata bago siya lumuhod upang yakapin ang bata. Dapat akong maging masaya… pinilit niyang sabihin sa sarili.“Baby…” mahina niyang bulong habang mahigpit na niyakap ang anak ni Ana.Niyakap siya ni Anabella nang mahigpit, parang takot na mawala siya. “Miss na miss na kita, Mommy. Huwag ka nang aalis, ha?”Muling kumirot ang puso ni Belle. Paano kung isang araw, kailangan ko talagang umalis?Narinig niya ang mahinang tikhim ni Luke sa tabi nila. “Baby, dito na lang si Mommy. At may good news kami sa iyo.”Napatingin si Anabella kay Luke. “Anong good news, Daddy?” bulol nitong sabi.Hinaplos ni Luke ang buhok ng anak. “Magiging ate ka na!”Nanlaki ang mga mata ng bata at saka
Sa kabilang dako ..Sa tunay na Ana. Pumunta sina Sara at Adrian kinabukasan sa St.Lukes Hospital."Miss Sara, sigurado ka bang handa ka sa maaaring resulta ng tests?" tanong ng doktor habang nakatingin sa kanya nang may pag-aalala.Napatingin si Sara kay Adrian, na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Halata ang tensyon sa kanyang mukha."Handa ba talaga ako?" bulong niya sa sarili, pero pinilit niyang gawing matatag ang kanyang boses. "Opo, Doc. Kailangan ko nang malaman ang totoo."Nagbuntong-hininga si Adrian at marahang hinawakan ang kamay ni Sara."Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan," mahina niyang sabi.Tumango ang doktor. "Sige, magsisimula na tayo. Ipapasok ka namin sa MRI room para masuri ang utak mo. Huwag kang mag-alala, wala itong sakit."Pinilit ngumiti ni Sara pero sa loob-loob niya, hindi niya maalis ang pakiramdam na may mas masakit pang darating.MRI RoomHabang nakahiga sa loob ng makina, naramdaman ni Sara ang bilis ng tibok ng kanyang puso."Bakit parang kinak
Samantala sa kabilang dako..Nagising si Belle sa tunog ng mga tinig mula sa sala. Bumangon siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa hagdan. Pagtingin niya sa ibaba, naroon sina Nenita at Philipp, ang mga magulang ni Luke—masaya silang nakangiti habang kausap ang kanilang anak."Buntis na si Ana!" masayang balita ni Luke sa kanila.Halos manlambot ang tuhod ni Belle."Talaga, anak?" Halos lumundag sa tuwa si Nenita, ang ina ni Luke. "Magkakaapo ulit kami!"Niyakap siya nito nang mahigpit pagkalapit niya sa kanila. Napatingin siya kay Philipp, na kahit seryoso ang mukha ay hindi maitago ang ningning sa mata."Napakagandang balita nito," sabi ni Philipp. "Anabella will have a little sibling soon."Napakagat-labi si Belle. Lahat sila, masaya. Lahat sila, naniniwala na siya si Ana.At siya? Isang kasinungalingan.Sa hapunan, hindi mapigilan ni Nenita ang mapangiti habang sinasandukan ng pagkain si Belle."Kailangan mong kumain ng mabuti, Ana. Kailangan ni baby ng sapat na nutrisyon," a
Mabilis ang tibok ng puso ni Belle habang nakahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Mahimbing na natutulog si Luke sa tabi niya, ang braso nito’y mahigpit na nakayakap sa kanya, parang ayaw siyang pakawalan. Samantalang si Anabella naman ay nakapulupot sa kanya sa kabila, tila ayaw ding mahiwalay sa kanya.Pero sa kabila ng init ng yakap ng kanyang pamilya, ramdam ni Belle ang malamig na takot na lumulukob sa kanya.Hanggang kailan ko kaya itatago ang katotohanan?Pinisil niya ang sariling palad. Wala na siyang ibang pagpipilian. Pinili na niyang gampanan ang buhay ni Ana habang buhay. Para sa anak niya. Para kay Luke.Pero paano kung isang araw, bumalik si Shiela? Paano kung matuklasan ni Luke ang totoo?Biglang gumalaw si Luke at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. "Mmm... Love?"Napalunok si Belle at mabilis na ngumiti, pilit na itinatago ang kaba. "Hmm?"Hinalikan ni Luke ang gilid ng kanyang ulo bago bumulong. "Paano kung baby boy ang baby natin?""H-Ha?"Umupo si Luke at masuyong h
Sa gabing iyon, habang mahimbing na natutulog si Sara, si Vanessa naman ay gising na gising hindi lang dahil sa pait ng pagkatalo kundi dahil sa ideyang unti-unti nang nabubuo sa kanyang isipan.Kasama niya si Paul sa isang pribadong lounge ng resort, malayo sa iba pang mga bisita. Sa harapan nila, may bote ng mamahaling alak at isang tray ng magagarang pagkain, pero hindi iyon ang pakay nila.Paul: "Vanessa, kung gusto mong bumalik sa buhay ni Adrian, kailangan mong maging matalino. Hindi pwedeng bara-bara lang."Vanessa: "Anong plano mo?"Paul: "Hindi sapat ang kagandahan mo para bumalik siya sa’yo. Kailangan mong ipakita sa kanya na ikaw ang mas bagay sa kanya mas classy, mas ka-level niya, at higit sa lahat, ikaw ang babaeng hindi niya kayang bitawan."Napakagat-labi si Vanessa. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Paul.Paul: "Swerte ka, Vanessa. May isang malaking event sa resort na ito bukas—isang grandeng charity gala. At alam mo kung sino ang guest of honor?"Vanessa: "Sino?"Pa
Samantala sa tunay na Ana na ngayon ay si Sara.Ramdam ni Sara ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatitig kay Vanessa. Hindi niya alam kung anong sasabihin nito, pero ang paraan ng pagkakatitig nito kay Adrian—may kumpiyansa, may pangangailangan—ay sapat nang dahilan para magduda siya."Ano'ng kailangan mong sabihin, Vanessa?" tanong ni Adrian, halatang nagtataka.Lumingon si Vanessa kay Sara bago muling binalik ang tingin kay Adrian. "Pwede ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang?"Napatingin si Sara kay Adrian, hinihintay kung ano ang gagawin nito.Pero hindi siya binigo ni Adrian. Hinawakan nito ang kamay niya at mariing sinabi, "Kahit anong sasabihin mo, Vanessa, pwedeng sabihin mo rin sa harap ni Sara."Halos hindi maipinta ang mukha ni Vanessa. Halatang hindi niya inaasahang tatanggi si Adrian."Adrian," may bahagyang pakiusap sa tono ni Vanessa. "Hindi ito isang bagay na pwedeng marinig ng iba.""Si Sara ay hindi ‘iba’ sa akin," madiin na tugon ni Adrian. "Ano man ang sasa
Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B
Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no
"Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T
Tumingin si Tatay Romero sa kanya. "Eh ilang taon mo na bang nililigawan ang anak ko?"Napakamot si Adrian sa batok. "Matagal-tagal na po.""Aba eh, kung matagal na, e bakit hindi pa nagkaka-sagot? Ano bang problema mo, hija?" nakataas ang kilay ni Nanay Glenda.Napalunok si Sara. "Nay, huwag niyo akong isali diyan!"Tumingin si Tatay Romero kay Adrian. "Eh ikaw, Adrian, sigurado ka ba sa anak ko? Baka naman mainip ka at mapunta ka nga sa beauty queen?"Tumayo si Adrian nang tuwid at seryosong tumingin kay Tatay Romero. "Tay, sigurado po ako. Kahit ilang beauty queen pa ang dumaan, si Sara pa rin ang gusto ko. Siya lang."Natigilan si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa sobrang kaseryosohan ni Adrian.Nakangiti si Nanay Glenda. "O siya, hija, bahala ka na diyan. Pero tandaan mo, bihira ang lalaking ganyan."Tumingin si Sara kay Adrian, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya."Tingnan natin kung kaya mong panindigan ‘yan," mahina niyang sabi.Ngumiti si Adri
KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Habang nag-aayos ng mesa, napansin niya si Nanay Glenda na nakamasid sa kanya, nakangiti."Ano, hija? Magpapaganda ka na ba para sa bisita mo?" tanong ni Nanay Glenda habang pinipigil ang ngiti.Napataas ang kilay ni Sara. "Ano pong bisita?""Aba eh, sino pa? E ‘di ‘yung masugid mong manliligaw!" sagot ni Tatay Romero na nagkakape sa tabi.Napaawang ang bibig ni Sara. "Tay! Wala akong bisita!""Hmp! Sige ka, baka may beauty queen na ang kasama niya ngayon!" sabat ni Nanay Glenda habang abala sa pagtutupi ng mga damit.Napakunot ang noo ni Sara. "Edi mabuti! Kung may gusto siyang beauty queen, wala akong pakialam!"Tumingin si Tatay Romero sa kanya nang makahulugan. "Aba, parang ang taas ng boses mo, hija. Parang—""Parang ano?" mabilis na putol ni Sara, sabay tingin sa kanyang ama."Parang nagseselos!" sagot ni Nanay Glenda na parang may tuksong ngiti."Nay naman! Hindi a
Saglit na natahimik si Adrian. Nagpukol siya ng tingin sa pool, pinagmamasdan ang kislap ng tubig sa ilalim ng buwan.Adrian: “Masakit ‘yun. Pero kung hindi niya ako pipiliin… tatanggapin ko.”Paul: “Wow. Sobrang lalim na ng tama mo, boss. Pero alam mo, feeling ko… ikaw pa rin ang pipiliin niya.”Napangiti si Adrian. “Sana nga.”Paul: “Kaya bukas, punta mo na agad! Baka naman isang beauty queen pa ang maunang umeksena diyan sa buhay mo.”Adrian: “Kahit sampung beauty queen pa ‘yan, si Sara lang ang gusto ko.”Paul: “O siya, sige na! Mukhang wala na akong magagawa sa’yo. Magpahinga ka na, para may energy kang mangulit bukas.”Tumayo si Adrian at tinapik sa balikat si Paul. “Salamat, bro.”Paul: “Walang anuman. Basta siguruhin mong hindi ka tatanggap ng ‘basted’ bilang sagot.”Natawa si Adrian. “Wala ‘yun sa vocabulary ko.”At sa isip niya, buo na ang pasya niya—bukas, babalik siya kay Sara. KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bu
Muling bumigat ang dibdib ni Sara. Tumayo siya nang mariin ang pagtapak sa sahig. “Hindi ko alam,” sagot niya bago lumabas ng bahay.Naiwan sina Nanay Glenda at Tatay Romero na nagkakatinginan. Napangiti si Nanay Glenda. “Mukhang may nahulog na talaga.”Sa Crystal Clear J ResortNapapaligiran si Adrian ng naggagandahang babae pero ni isa sa kanila, hindi niya magawang pagtuunan ng pansin.Lumapit sa kanya si Jas, ang matalik niyang kaibigan at kasosyo sa resort. “Boss, sigurado ka bang hindi ka pupunta kay Sara ngayon? Parang ang bigat ng loob mo.”Umiling siya. “Busy tayo ngayon, ‘di ba? Tsaka hindi naman ako pwedeng mawala sa event na ‘to.”Ngumiti si Jasendo at palihim na tinapik ang balikat niya. “O baka naman gusto mong marinig na hinanap ka niya?”Mabilis siyang tumingin sa kaibigan. “Hayup ka talaga, Jasendo.”Napatawa ito. “Aba, kita mo? Ikaw na nga ang nagsabi.”Pumikit si Adrian at marahang bumuntong-hininga. Kahapon lang, hawak niya ang kamay ni Sara, tila may pag-asa siyan