Sa kabilang dako patuloy parin pagpapanggap ni Belle bilang Ana.Sa loob ng sasakyan, mahigpit na hinawakan ni Belle ang kanyang tiyan habang tahimik na nakatingin sa bintana. Ramdam niya ang malalakas na tibok ng kanyang puso habang binabaybay nila ni Luke ang daan papunta sa ospital para sa kanyang prenatal checkup.Nagdesisyon na siya.Hindi na siya aatras.Pipiliin niyang manatili bilang Ana—kahit na ang buong buhay niya ay magiging isang malaking kasinungalingan.“Love, okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang hawak ang manibela. Napatingin siya rito, at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.Ngumiti siya ng pilit. “Oo naman, Luke. Medyo kinakabahan lang siguro sa checkup.”Ngumiti rin si Luke at hinawakan saglit ang kanyang kamay. “Wala kang dapat ipag-alala. Nandito lang ako, okay?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Belle ang mga salitang iyon habang mahigpit siyang nakahawak sa kamay ni Luke. Ramdam niya ang init at tibay ng mga daliri nito, isang bagay na
Pagkarating nila sa bahay, agad silang sinalubong ni baby Anabella na magdadalawang taon na, kasunod ang yaya na nag-aalaga sa kanya. Masaya itong tumakbo patungo kay Belle, iniwan ang hawak-hawak na laruan.“Mommy!” Masayang sigaw ng bata habang nakangiti nang malapad.Mabilis na pinunasan ni Belle ang kanyang mga mata bago siya lumuhod upang yakapin ang bata. Dapat akong maging masaya… pinilit niyang sabihin sa sarili.“Baby…” mahina niyang bulong habang mahigpit na niyakap ang anak ni Ana.Niyakap siya ni Anabella nang mahigpit, parang takot na mawala siya. “Miss na miss na kita, Mommy. Huwag ka nang aalis, ha?”Muling kumirot ang puso ni Belle. Paano kung isang araw, kailangan ko talagang umalis?Narinig niya ang mahinang tikhim ni Luke sa tabi nila. “Baby, dito na lang si Mommy. At may good news kami sa iyo.”Napatingin si Anabella kay Luke. “Anong good news, Daddy?” bulol nitong sabi.Hinaplos ni Luke ang buhok ng anak. “Magiging ate ka na!”Nanlaki ang mga mata ng bata at saka
Sa kabilang dako ..Sa tunay na Ana. Pumunta sina Sara at Adrian kinabukasan sa St.Lukes Hospital."Miss Sara, sigurado ka bang handa ka sa maaaring resulta ng tests?" tanong ng doktor habang nakatingin sa kanya nang may pag-aalala.Napatingin si Sara kay Adrian, na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Halata ang tensyon sa kanyang mukha."Handa ba talaga ako?" bulong niya sa sarili, pero pinilit niyang gawing matatag ang kanyang boses. "Opo, Doc. Kailangan ko nang malaman ang totoo."Nagbuntong-hininga si Adrian at marahang hinawakan ang kamay ni Sara."Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan," mahina niyang sabi.Tumango ang doktor. "Sige, magsisimula na tayo. Ipapasok ka namin sa MRI room para masuri ang utak mo. Huwag kang mag-alala, wala itong sakit."Pinilit ngumiti ni Sara pero sa loob-loob niya, hindi niya maalis ang pakiramdam na may mas masakit pang darating.MRI RoomHabang nakahiga sa loob ng makina, naramdaman ni Sara ang bilis ng tibok ng kanyang puso."Bakit parang kinak
Samantala sa kabilang dako..Nagising si Belle sa tunog ng mga tinig mula sa sala. Bumangon siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa hagdan. Pagtingin niya sa ibaba, naroon sina Nenita at Philipp, ang mga magulang ni Luke—masaya silang nakangiti habang kausap ang kanilang anak."Buntis na si Ana!" masayang balita ni Luke sa kanila.Halos manlambot ang tuhod ni Belle."Talaga, anak?" Halos lumundag sa tuwa si Nenita, ang ina ni Luke. "Magkakaapo ulit kami!"Niyakap siya nito nang mahigpit pagkalapit niya sa kanila. Napatingin siya kay Philipp, na kahit seryoso ang mukha ay hindi maitago ang ningning sa mata."Napakagandang balita nito," sabi ni Philipp. "Anabella will have a little sibling soon."Napakagat-labi si Belle. Lahat sila, masaya. Lahat sila, naniniwala na siya si Ana.At siya? Isang kasinungalingan.Sa hapunan, hindi mapigilan ni Nenita ang mapangiti habang sinasandukan ng pagkain si Belle."Kailangan mong kumain ng mabuti, Ana. Kailangan ni baby ng sapat na nutrisyon," a
Mabilis ang tibok ng puso ni Belle habang nakahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Mahimbing na natutulog si Luke sa tabi niya, ang braso nito’y mahigpit na nakayakap sa kanya, parang ayaw siyang pakawalan. Samantalang si Anabella naman ay nakapulupot sa kanya sa kabila, tila ayaw ding mahiwalay sa kanya.Pero sa kabila ng init ng yakap ng kanyang pamilya, ramdam ni Belle ang malamig na takot na lumulukob sa kanya.Hanggang kailan ko kaya itatago ang katotohanan?Pinisil niya ang sariling palad. Wala na siyang ibang pagpipilian. Pinili na niyang gampanan ang buhay ni Ana habang buhay. Para sa anak niya. Para kay Luke.Pero paano kung isang araw, bumalik si Shiela? Paano kung matuklasan ni Luke ang totoo?Biglang gumalaw si Luke at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. "Mmm... Love?"Napalunok si Belle at mabilis na ngumiti, pilit na itinatago ang kaba. "Hmm?"Hinalikan ni Luke ang gilid ng kanyang ulo bago bumulong. "Paano kung baby boy ang baby natin?""H-Ha?"Umupo si Luke at masuyong h
Natahimik si Sara. Pakiramdam niya, bumaligtad ang mundo niya sa narinig."May taong gustong burahin ang alaala ko?" mahina niyang ulit, nanginginig ang boses. "Ibig sabihin… hindi ito aksidente? May gumawa nito sa akin… sinadya nila?"Halos hindi siya makahinga sa bigat ng rebelasyong iyon.Lumapit si Adrian at marahang hinawakan ang kanyang mga kamay. "Sara, alam kong mahirap tanggapin, pero… may posibilidad na may gustong gumawa ng masama sa'yo. Baka delikado kung ipagpipilitan mong hanapin ang sagot ngayon."Tumayo si Sara, pilit nilalabanan ang takot. "Pero paano ako mabubuhay nang hindi ko alam ang buong katotohanan? Hindi ko matanggap na may mga alaala akong hindi ko maalala, Adrian. At ngayon, nalaman ko pang may taong gustong gawin ito sa akin?"Napayuko si Adrian. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na mas mahalaga ngayon ang kaligtasan niya kaysa sa katotohanan.Biglang nag-ring ang cellphone ni Adrian. Glenda.Agad niyang sinagot ang tawag. "Glenda, ano pa ang
Napatingin si Belle kay Luke habang mahigpit pa rin siyang nakakapit sa lalaki. Pinipilit niyang isiksik sa isip na wala siyang dapat ipag-alala, na siya ngayon ang si Ana—ang asawa ni Luke, ang ina ng kanilang anak. Ngunit ang boses ni Shiela ay patuloy na bumubulong sa kanyang isipan."Akin lang si Luke, Ana, at bilang na ang araw mo."Hindi. Hindi niya maaaring hayaan si Shiela na sirain ang lahat. Hindi siya papayag na maagaw si Luke sa kanya.Kinabukasan, habang inihahanda ni Belle ang almusal, abala si Luke sa paglalaro kay Anabella sa sala. Natatawa siya habang pinagmamasdan ang mag-ama—si Anabella na walang sawang hinahabol ang amang tila sinusulit ang bawat sandali kasama ang anak.Ngunit ang katahimikan ng umaga ay agad na nagulo nang tumunog ang doorbell.Nag-freeze si Belle. Bigla siyang nakaramdam ng malamig na pakiramdam na gumapang sa kanyang katawan."Love, ako na ang titingin," sabi ni Luke habang papalapit sa pinto.Agad siyang tumayo. "No! Ako na!"Ngunit huli na. B
DETENTION CELL"Siguraduhin ninyong hindi na makakatakas pa ang babaeng 'yan! Bantayan n’yo nang maigi!" Matigas ang tinig ng hepe habang nakatitig nang matalim kay Shiela. Nakaupo ito sa loob ng selda, nakagapos ang kamay at bahagyang nakangisi na parang hindi natatakot sa sitwasyon niya."Opo, Chief! Sisiguraduhin naming walang lusot 'to!" sagot ng isang guwardiya habang maingat na pinagmamasdan ang bilanggo.Ngumisi si Shiela nang mapait. Umiling siya at inihilig ang ulo sa rehas. "Ang babaw n’yo. Akala n’yo ba puwede n’yo akong ikulong nang basta-basta? Ang hindi n’yo alam… may alas ako."Tumikhim ang hepe at lumapit sa selda. "Ano’ng pinagsasasabi mo?"Mahinang tumawa si Shiela, puno ng pangungutya ang boses. "Kung ako sa inyo, Chief, maghanda kayo. Dahil kapag lumabas ang totoo, baka kayo pa ang mapahiya."Napatingin ang isa sa mga guwardiya sa hepe. "Sir, ano po bang gagawin natin?"Humugot ng malalim na hininga ang hepe bago sumagot. "Simulan na ang imbestigasyon. Gusto kong m
Samantala, ang tunay na Ana sa malayong lugar sa may dalampasigan.“Hindi ako papayag…”“Vanessa, anong sabi mo?” tanong ni Daphne habang magkasama silang nagkakape sa maliit na coffee shop sa gilid ng plaza.“Hindi ako papayag na maagaw lang sa akin si Adrian ng gano’n na lang,” mariing ulit ni Vanessa, halos mabasag ang hawak niyang tasa sa gigil. “Pinagkatiwalaan ko siya. Pinagkatiwalaan ko rin ang sarili kong… sapat ako para sa kanya.”“Bes,” napabuntong-hininga si Daphne. “Alam mong hindi mo hawak ang puso ng tao.”“Hindi lang ito tungkol sa puso, Daph. Tungkol ito sa karapatan. Ako ang nauna. Ako ang nandoon sa lahat ng ups and downs niya. Hindi ko siya kayang ibigay sa isang babaeng—ni hindi alam kung sino siya.”“Pero Sara na siya ngayon. At mukhang masaya siya kay Adrian.”“Masaya? Sa tingin mo ba tunay na masaya ‘yon? Hindi. Dahil kung babalik ang alaala ng babaeng ‘yan, baka iwan din niya si Adrian. At pag nangyari ‘yon… sa akin pa rin babalik si Adrian.”“Vanessa…”“Daphne
Tahimik lang si Belle habang nakaupo sa waiting area ng St. Therese Women’s Medical Center, nakahawak sa kanyang tiyan habang pinagmamasdan ang bawat segundo sa orasan. Sa tabi niya si Luke, tahimik din, ngunit hindi mapakali. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan, nanginginig ang tuhod, parang may bigat na hindi mailarawan.Hindi na sila gaanong nag-uusap mula noong gabing iyon—noong halos masira ang lahat dahil sa mga tanong at katotohanang gustong kumawala pero hindi niya kayang bitawan.“Mahal, ready ka na?” mahinang tanong ni Luke, pilit na bumubuo ng lakas ng loob. Hawak niya ang kamay ni Belle, pero malamig pa rin ang pagitan nilang dalawa.“Oo,” mahinang tugon ni Belle. “Ready na ako.”Pero hindi siya talaga handa. Hindi siya kailanman magiging handa. Hindi sa isang mundong hindi siya tunay na kabilang, hindi sa mundong ginagalawan niya sa katauhan ng isang taong wala na.“Misis Villa, kayo na po. Ultrasound room number three,” tawag ng nurse.Tumayo silang magkasabay, at kasab
Napatigil si Adrian. Parang binaril siya ng mga salitang iyon—hindi sa sakit, kundi sa gulat, sa tuwa, sa hindi niya maipaliwanag na pag-asa."Sara…" mahinang sabi niya, unti-unting lumalapit. "Ibig mong sabihin…?"Tumango si Sara, mabagal ngunit sigurado. "Hindi ko man maalala ang nakaraan, pero kapag naririnig ko ang boses mo, kapag nararamdaman ko ang presensya mo... may kung anong bahagi ng puso ko ang nagigising."Napasandal si Adrian sa pinakamalapit na poste, hawak ang dibdib niya na tila kinikiliti ng libu-libong damdaming matagal niyang kinulong."Alam mo bang… ilang beses na akong gustong sumuko?" bulong niya, halos hindi na marinig. "Gusto kong kalimutan ka rin. Gusto kong umalis, para hindi na ako umaasa. Pero hindi ko kaya. Kasi kahit galit ako sa sarili ko, kahit nagkasala ako noon, hindi nawala 'yung pagmamahal ko sa'yo, Sara."Tahimik silang dalawa. Wala nang ibang maririnig kundi ang hampas ng alon sa di kalayuan, at ang mahihinang hikbi ni Sara na pilit niyang pinipi
Nasa gilid si Sara, yakap ang sash na may pangalan niyang Sara Pamplana. Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Ang mga kamay niya ay bahagyang nanginginig, ngunit sa puso niya, may kakaibang kapayapaan. May ginhawang hatid ang pagtanggap sa sarili, kahit pa may bahagi pa rin ng nakaraan ang nananatiling malabo.Biglang may humawak sa kanyang braso."Ikaw talaga ‘yan?" mahina ngunit punô ng pag-aalala ang tinig na lumapit sa kanya.Napalingon si Sara. Si Adrian.Napatigil siya. Hindi agad nakapagsalita. Ang lalaking ilang gabi niyang iniwasan sa isip, ngayong gabi, nasa harap niya. Hawak siya, parang ayaw na siyang pakawalan."Adrian?" tanong ni Sara, halos pabulong.Tumango si Adrian. Nanlalalim ang tingin. Parang sinisid ang kaluluwa niya sa bawat tingin."Kanina pa kita hinahanap. Nung naglakad ka sa entablado, parang bumalik lahat. Lahat ng alaala. Lahat ng damdamin. Sara... ang ganda-ganda mo."Napayuko si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak."Bakit k
Nasa gitna na ng entablado si Sara Pamplana. Ang mga spotlight ay tila apoy na nakatutok sa kanya, ngunit hindi siya natinag. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng kanyang puso, pero mas malakas ang paninindigang buo sa kanyang dibdib.Mula sa gilid ng stage, narinig niya ang boses ni Jamaica. “Go na, Sara!” sigaw nito habang ayos pa ang sash na may pangalan niya. “Lakasan mo loob mo. Alam mo kung bakit ka nandito.”Tumango si Sara. Pinunasan niya ang bahagyang pawis sa noo at dahan-dahang hinigpitan ang kapit sa kanyang damdamin. Huminga siya ng malalim, sabay lakad papunta sa gitna ng entablado. Kahit nanginginig ang tuhod niya, hindi siya natinag. Ang bawat hakbang ay para sa mga taong nagmahal sa kanya. Para kina Aling Glenda at Mang Romero—ang mga taong tinuring siyang tunay na anak kahit siya’y isang ulilang nawalan ng alaala.Sa likod ng mga kurtina, naririnig niya ang palakpakan at sigawan ng mga tao. Tumayo siya ng tuwid, itinaas ang noo. Ngayon, hindi na siya ang dating ta
“Mahal, kanina pa kita tinititigan. Hindi ka kumakain. Okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang pinagmamasdan si Belle na ilang beses nang tinikman ang sabaw pero hindi man lang nagalaw ang kanin.Napapitlag si Belle. “Ha? Ay... Oo naman. Nahilo lang siguro ako sandali.”“Sigurado ka? Pati si Mama tinatanong kung bakit parang lutang ka. Sabi niya, iba raw ang ngiti mo ngayon... parang pilit.”Napilitan siyang ngumiti. “Si Mama talaga, ang hilig magbiro. Alam mo namang mahina lang talaga ang katawan ko.”“Huwag mong gawing biro. Hindi yun biro, Ana. Kilala ka niya. Kilala rin kita. Alam kong may bumabagabag sa'yo.”Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya si Luke, ang lalaking unti-unting minahal niya sa katauhan ng ibang babae. Ang bigat sa dibdib.“Luke... hindi lahat ng nararamdaman ng tao kailangang sabihin agad-agad. Minsan kailangan muna natin ng oras para intindihin ang sarili.”“Pero bakit parang ang layo mo sa akin nitong mga araw na 'to? Hindi ko na maramdaman yung Ana na palag
Tumango si Sara at lumapit kay Jamaica. “Jamaica, paano ba ako magiging handa?” tanong ni Sara, nag-aalalang hindi pa rin siya handa sa susunod na pagsubok.“Wala kang dapat ipag-alala, Sara. Ang mahalaga ay hindi yung mga tanong, kundi kung paano mo ibabahagi ang iyong mensahe. Magsalita ka ng buo at tapat. Magtiwala ka sa iyong sarili.”Si Jamaica ay hindi tumigil sa pagbigay ng inspirasyon kay Sara. Nakikita niyang may potensyal siya. Masaya siyang makita ang ibang contestants na nag-eenjoy sa kanilang pagsasanay, ngunit hindi maiwasan ni Jamaica na tingnan si Vanessa na tila palaging handang mang-bully sa iba. Sa bawat hakbang ni Vanessa, para bang may hangarin itong sirain ang tiwala ni Sara, ngunit hindi na ito papayagan ni Sara.Habang nagtutulungan sila sa paghahanda, dumaan ang isang hapon at dumating na ang panahon para sa Q&A.Si Sara ay tumayo sa gitna ng stage, at ang kanyang mga mata ay tumingin sa mga tao sa paligid. Minsan, mahirap magtiwala sa sarili, pero naisip niya
Sa kabilang dako sa tunay na Ana.Sa bahay ni Sara, habang nag-aayos ng mga gamit sa sala...“Ate, halika na!” sigaw ni Nene mula sa kusina. “May bisita tayo!”Nagulat si Sara nang marinig ang pangalan ni Jamaica. Dumating na siya. Hindi na nga tumigil si Nene sa kakatawa, ang buong pamilya ay nakatingin na parang isang malaking kakatwang eksena ang mangyayari.“Jamaica? Ano'ng ginagawa mo dito?” tanong ni Sara habang inaayos ang mga gamit sa lamesa.“Sara,” ani Jamaica, sabay abot ng maliit na flyer na may nakalagay na “Summer Queen 2025 – Beauty Pageant.” “Sali ka na sa beauty competition. Alam kong kaya mo ito.”Napakunot ang noo ni Sara. “Beauty competition?”"Oo, Sara. Alam ko na hindi mo ito plano, pero ito ang pagkakataon para patunayan sa sarili mo na kaya mong magsikap para sa pangarap mo," sabi ni Jamaica, hindi tinatangi ang matinding lakas ng loob na ipinapakita."Pero… hindi ko kaya. Hindi ako ganun," sagot ni Sara, nahihirapan. “Hindi ako tulad nila. Hindi ko kayang magl
Samantala sa Mansion ng mga Villa.Hindi pa man lumilipas ang kaba sa dibdib niya mula sa pag-uusap nila ni Luke, biglang nag-ring ang doorbell.Nagkatinginan sila ni Luke bago ito tumayo upang buksan ang pinto.At sa pagbukas ng pinto, nanlamig ang katawan ni Belle.Si Philip.Ang ama ni Luke."Papa?" Gulat na sambit ni Luke."Magandang umaga, anak," sagot ni Philip. "Pasensya na sa abala, pero may kailangan akong pag-usapan kay Ana… nang sarilinan."Biglang bumigat ang paligid.Napatayo si Belle, agad na bumalik ang kaba sa dibdib niya.Napakunot-noo si Luke. "Bakit, Pa? May problema ba?""Wala, anak," sagot ng matanda. "Gusto ko lang makausap si Ana tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa'yo."Namilog ang mga mata ni Belle.Alam na niya?!"Ano'ng ibig mong sabihin, Pa?" seryosong tanong ni Luke.Ngumiti si Philip, ngunit kita sa mga mata nito ang lalim ng iniisip. "Wag kang mag-alala, anak. Saglit lang kami ni Ana."Dahan-dahang lumapit si Belle, halos hindi makalakad n