ANGEL Ilang araw pa ang lumipas simula nang huling bangayan nina Angel at Carter. Pagkatapos noon ay talagang iniiwasan ni Angel na magsalubong ang landas nila ng lalaki. Kahit pa na magkasama sila sa iisang bahay, pero hindi maiiwasan na magkakaharap sila lalo na kapag oras ng pagkain sa gabi. Pero minsan ipinagpapasalamat niya kapag late nang dumadating sa mansion ang binata. Nag-iingat na lang siya na hindi mapansin ng mommy Coleen niya na halatang iniiwasan niya si Carter. Hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito o hindi. Minsan kasi nahuhuli siya ng mommy Coleen niya na natutulalang nakatingin sa anak nito. Paano ba naman kasi ang gwapo talaga nito, lalo na kapag ngumingiti, lumalabas ang dalawang biloy nito na namana nito sa daddy Vince nila. Iyon nga lang bibihra ito kung ngumiti o tumawa lalo na kapag siya ang kaharap. Napakasungit nito. Pero nitong mga nagdaang gabi, umuwe itong gabi na at lasing. Naabutan pa sila nito ni Josh sa sala na nag-uusap. Hindi naman s
ANGEL Kinagabihan araw ng linggo, nagising si Angel ng hating-gabi dahil nakaramdam siya ng uhaw. Nakalimutan niya pa lang magdala ng tubig dito sa room niya. Nanunuyo ang lalamunan niya kung kaya naisipan na lang niyang bumaba sa kusina kahit pa na tinatamad na siyang bumaba. "Kung bakit naman kasi nakalimutan mong magdala kanina ng tubig, alam mo namang nagigising ka minsan sa madaling araw at nauuhaw," pagalit niya sa sarili. Kinuha niya ang roba at ipinatong sa suot niyang nighties. Papikit-pikit pa siyang lumabas ng kanyang silid. Dahan-dahan lang din ang lakad niya at masakit pa ang tuhod niyang nagasgasan noong nakaraang araw at nagkaroon ng malaking pasa. Madilim ang sala pagbaba niya. At tanging ilaw lang sa dining area ang nagsisilbing liwanag. Naglakad pa siya patungo sa kusina. Agad niyang binuksan ang ref at kumuha mula roon ng malamig na tubig. Uminom muna siya saka niya kinuha ang tumbler niya at sinalihan iyon ng malamig na tubig para dadalhin niya sa kwa
“Seriously mom!? Gusto niyo na makasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal!” hindi makapaniwalang bulalas ni Coleen sa kanyang ina. “I told you that before honey, didn't I?” mahinahong sagot ng mommy niya. “Kaibigan namin ng dad mo ang parents ni Vince at kilalang kilala na namin sila kaya panatag kami ng daddy mo na mapupunta ka sa tamang lalaki. Isa pa, mabait at gwapo si Vince, bagay kayong dalawa kaya wala kang dapat ipag-alala anak,” tila kinikilig na sabi ng mommy niya. Napahilot si Coleen sa sentido niyang bahagyang kumirot. Hindi siya makapaniwala na talagang ipagkakasundo siya sa lalaking ‘yon. Ilang beses naman na niya itong nakita at nakakasama sa tuwing may pa dinner or pa party ang mga magulang nila pero never niya itong nakakausap man lang. “Pag-isipan mong mabuti ito anak, para din naman sayo ‘tong ginagawa namin ng dad mo, isa pa 25yrs old kana anak, dapat may asawa ka na, sabik na kami ng dad mo na magkaroon ng apo,” masayang wika ng mom niya. “But mom, hind
Late na pumasok si Vince sa opisina niya kinabukasan. Birthday kasi kagabi ng isang kaibigan niya. Hindi na nga siya nakauwe kagabi sa bahay nila kundi sa condo nya na lang sya dumeretso.Pagbukas niya sa pinto ng opisina niya sumalubong kaagad sa kanya ang Daddy nya. Nakaupo sa office chair niya at mukhang hinihintay ang pagdating niya."I've been waiting for you, son," bungad ng daddy niya. "Bakit ngayon ka lang?" dagdag pa nito. Actually kagabi pa kita hinihintay sa bahay pero hindi ka umuwe."I'm sorry, Dad, birthday kasi kagabi ng isang kaibigan ko kaya nagka inuman at hindi naku umuwe p sa bahay, dahil malapit lang naman ang condo ko kaya doon na ako tumuloy kagabi," paliwanag niya. Kahit kasi malaki na siya at nasa tamang edad na gusto pa rin ng mga magulang nyang sa bahay sila palaging umuwe.Katwiran kasi ng mga magulang nila magbubukod din sila kapag oras na magkapamilya na sila. Kaya habang wala pa gusto ng mga ito ang palagi silang magkakasama sa iisang bubong."By the way
Palakad lakad siya sa loob ng opisina niya at di mapakali, iniisip tuloy niya kong bakit siya pumayag na paakyatin ang lalaking yon sa opisina niya. Pero sa kabilang banda gusto nya din itong makausap. Baka tulad niya ayaw din nitong magpa kasal sa kaniya. Napangiti siya sa naisip na possibleng mangyari."Sana nga," bulong ng isip niya.Nakatalikod siya at nakaharap sa gawing bintana ng opisina niya ng marinig niya itong bumukas. Akala niya ang secretary niya ito kaya hindi muna siya humarap at hinintay itong magsalita. At ilang segundo lang ang lumipas ng marinig niya ang pag tikhim nito mula likuran niya.Doon niya napagtanto na boses lalaki iyon. Kaya naman unti-unti siyang pumihit paharap dito. Bumilis ang tibok ng puso niya.Nagtitigan muna sila at nagsukatan ng tingin, pero siya ang unang nagbaba ng tingin dito."SHOCKS!" totoo pala talaga ang sabi ng mommy niya na napaka gwapo nito at ang lakas pa ng dating. Ilang beses pa lang naman kasi niya itong nakikita at hindi naman niya
Nagising si Coleen dahil sa ingay ng kaniyang alarm clock. Papikit pikit pa ang mga mata niyang kinapa ito sa kanyang bed side table at saka pinatay. Muli niyang tiningnan ang orasan na nakapikit ang isang mata. Nakita niyang alas sais pa lang ng umaga. Ibinalik niya ito sa bedside table at saka bumangon. Wala siya sa mood ngayon para pumasok sa kompanya at magtrabaho. Marahil magkakaroon yata siya ngayon dahil ganito ang pakiramdam niya kapag malapit na siyang magkaroon ng buwanang dalaw. Napag pasyahan niyang h'wag pumasok ngayong araw. Kaya naman nagpadala na lamang siya ng mensahe sa kaniyang sekretarya na hindi siya makakapasok ngayong araw, para hindi na ito tumawag sa kaniya mamaya. Binilinan na lang niya ito na kong meron man siyang schedule of meetings ay ipa resched na lamang sa ibang araw. Nilagay niya ang celphone sa ibabaw ng night stand saka muling nahiga sa kama. Pinikit niya ang mga mata dahil antok na antok pa siya. Muli naman siyang nakatulog ulit.Malakas na katok
Inis na inis si Coleen dahil naipit siya ngayon sa napakahabang traffic. Dagdag pa na nakikita niyang nagsisi uwian na ang mga estudyante at ilang mga empleyado kaya ganon na lang ang dulot ng traffic.Tumingin siya sa labas at tumingala dahil sa biglang pagdilim ng kalangitan. Mukhang aabutan pa ata siya ng ulan, kong hindi lang kasi siya naipit sa traffic edi sana kanina pa siya nakarating sa pakay niya. Sumasakit na ang ulo niya marahil dala ng stress at dagdag pa na hindi siya nakakain ng lunch kanina sa kakamadali na matapos ang trabaho niya, at puntahan ang taong gusto niyang makausap.Ilang minuto pa ang itinagal niya sa kalsada bago niya narating ang kompayang pagmamay ari nito. Napakali ng building na to at napaka ganda ng disenyo. Malayo pa lang makikita mo na ang pangalang nakaukit dito. "SANTILLAN EMPIRE." Talagang hindi basta-basta ang pamilyang kinabibilangan ng lalaki, pero hindi yon ang ipinunta niya dito wala siyang paki alam kahit pa ito ang may-ari ng buong mundo. Ma
Ayaw man niyang pagbuksan ang lalaki pero wala siyang choice dahil hindi din naman aandar ang kotse niya, para sana maka alis na siya.Agad sumalubong sa kaniya ang nakakunot noo ng binata, hindi niya mabasa ang emosyong nakapaloob rito. Marahil nagtataka ito kong bakit hindi pa siya nakaka alis eh, kanina pa siya lumabas ng restaurant. "Are you okay?" What's the problem?, sunod-sunod na tanong nito."Is it your car?" Tanong nito ng hindi pa rin siya nagsasalita. She just nodded her head, bilang tugon sa tanong ng lalaki. Without even looking at him."You can go with me, I'll drop you home." he offered her."Nah, it's okay, magta taxi na lang ako." Ayaw niyang mang abala rito at baka magkaroon pa siya ng utang na loob sa lalaki. Kahit pa gustong gusto na niyang umuwe. "Can't you see now, how heavy the rain is? At bihira na may dumadaang taxi dahil sa lakas ng ulan." Ani Vince, na bakas sa boses ang pagka irita sa kaniya. Well, wala siyang paki hindi naman niya inutusan ang lalaki n