Inilapag niya ito sa sala at inihain ang tatlong plato ng rice. Nagkusa naman si Kendall na tulungan si Madisson."Saglit lang po, nakakahiya naman Ma'am Madisson! Tulungan ko na po kayo!"Tumanggi naman si Madisson sa tulong na inaalok ni Kendall. "Ako na ito Kendall, mga bisita ko naman kayo kung tutuusin at tsaka baka kung ano pa ang mangyari jan sa baby mo!""Ako na po," sambit ni Scott na nahihiya sa kanyang naririnig."Sige iho, medyo mabigat kasi talaga!" sambit ni Madisson. "Halika sa kusina!"Sumama si Scott sa kusina at pinagsabihan siya ni Madisson. "Iho, wag mo nang banggitin ang tungkol sa tatay ni Kendall dahil nag iiba ang kanyang mood kapag naririnig niya yan!""Okay po, Ma'am Madisson!" pagpapaumanhin ni Scott."Tita na lang ang itawag mo sa akin, at ito pa ang isa kong babala iho. Wag na wag mo nang sasaktan ang puso ni Kendall kung hindi malilintikan ka sa akin!""Masusunod po, tita!""Okay sige, dalhin mo ang tubig and ako na ang magdadala nitong menudong ininit ko
Lumapit si Madisson at tumabi sa kanya. "Nakausap ko na ang tatay mo, Kendall. Pumayag naman siya na dito ka muna matulog. Hindi rin nakarating ang pagkahospital mo sa kanya kaya ligtas ka, sinabi ko rin na pupunta doon bukas para para kausapin ka tungkol sa ilang mga kunong projects mo in the future!""Mabuti naman po kung ganoon, tumawag din po ako sa kasambahay namin and sinabi ko na kukuhain niyo ang passbook sa kanya bukas!""That is good to hear. By the way sinabi rin niya sa akin nang tatay mo na ikakasal na sila sa sunday and he hired his attorney na nag aasikaso ng lahat. Mukhang engrandeng kasal ang gusto ni Analyn!""Hay nako, maluho talaga ang babae na yan. Kung hindi lang talaga ako buntis ngayon, may kalalagyan sa akin yang babae na yan!""Wag mo na siyang isipin, sige ka makakasama sa baby mo yan! Ako na ang bahala bukas, aabsent ako sa work kasi pipirma lang naman ng ilang mga papeles sa office. Tingnan natun kung umubra siya sa akin!" sambit ni Madelyn. "Let us take a
"Pasensya ka na Scott, nilalamig kasi ako sa aircon!""Okay lang, mag asawa na rin naman tayo ngayon, pero gusto mo bang patayin ko ang aircon?""Wag, mas mahirap kung mainit! Baka magka wrinkles ako bigla eh!" Pumiglas si Scott sa yakap ni Kendall at inihubad ang kanyang damit at inilagay sa katawan ni Kendall saka niya ito niyakap muli."Malamig pa rin Scott," pagrereklamo ni Kendall."Teka Malamig pa rin eh!""Sige, hihiram tayo ng kumot kay tita Madisson!"Hininaan ni Kendall ang kanyang boses. "Wag, nakakahiya naman! Mas gusto kitang kayakap, mas gusto ko kasi ang init ng katawan mo eh!"Namutla si Scott at bahagyang tumayo ang kanyang alaga. "Nakita ko yun, Scott ah!" sambit ni Kendall."Ang alin?" tanong ni Scott."Hubarin mo kaya yangs pants mo. Naiirita akong tingnan!"Tinanggal ni Scott ang kanyang sinturo at ang kanyang pants hanggang sa boxer shorts na lang niya na spongbob na punit punit na at sumisilip ang ulo ng kanyang alaga. Napatingin si Kendall kay Scott at tinaw
Kinabukasan, napagusapan na nila Lea at Kendall na lihim na ibibigay ni Lea ang passbook kay Madisson sa kusina.Sakay sa kanyang mamahaling ford na kotse, ay nagtungo siya sa mansion ni Ahron at nagparking sa garahe nito. Dala niya ang kanyang bag at sinalubong naman siya ni Bethy para ihatid sa dining area. Habang sila ay naglalakad, silang dalawa ay nag uusap."So, manang Bethy, nasa kamay na ni Lea ang passbook ni Kendall?" mahinang tanong ni Madisson."Yes po Ma'am, and kagaya po ng napagkasunduan, pupunta po kayo sa C.R sa kusina at doon niya po iaabot. Ihahatid ko lang po kayo ngayon sa dining area!""Ok thanks!""Pero kamusta na po ulit si Kendall!""Shhhhh... wag muna tayong maingay sa ngayon lalo na't naandito tayo sa bahay ng kanyang ama!""Pasensya na po!"Pagkarating ni Madisson sa dining area, nakita niyang naghaharutan sila Ahron at Analyn na sobrang clingy sa kanya. Tumayo si Ahron at nakipag beso kay Madisson."Congratulations sa inyong dalawa ni Analyn and I am so ha
Binitawan ni Ahron si Lea na agad tumakbo papalabas. Lumabas si Madisson sa C.R at ngumiti kay Ahron. "Next time na lang tayo mag usap kapag parehas na malamig ang mga ulo nating dalawa and sasabihin ko kay Kendall na umuwi na siya dito!""Para lang sa kaalaman mo, kayang kaya ko kayong harangin sa kung ano man ang mga binabalak ninyo! Kung nakikipagsabwatan ka sa mga kasambahay kong mga hampaslupa, ngayon pa lang binabalaan na kita. Wag ako, Madisson!""Wag mo akong sinisindak Ahron, at tsaka hindi naman talaga ako ang kalaban mo! Baka kasi may iba diyan na kumakapit sayo para huthutan ka!"Dumating naman bigla si Analyn na narinig ang sinabi ni Madisson at hindi ito nagtimpi ng kanyang galit. "Ako ba ang pinaparinggan mo? Siguro dinedemonyo ka ni Kendall noh? Oh baka naman sayo nagmana ang bastos na yon?""Magnilay nilay ka sa sinasabi mo, iha! Kung natamaan ka man sa sinabi ko, sana hindi ka lang nag react para hindi obvious. At tsaka try mo rin na aralin ang kagandahang asal, hin
Nakaupo si Ahron at Analyn sa kanilang sala habang nanonood ng balita. Bigla namang dumating si Bethy at inistorbo ang kanilang panood. "Sir, mawalang galang na po, nasa labas kasi si Ma'am Madelyn at may kasama po siyang matandang lalaki na disenteng tingnan. Tinanong ko po siya kung ano ang kailangan niya pero-!""NASAAN SI KENDALL!" sigaw mula sa pintuan ng kanilang mansyon.Pamilyar kay Ahron ang sigaw kaya kaagad niyang hinarap si Madelyn at kumalma ito. "Ano po ang sadya niyo rito, Madam?""Ilabas mo ang anak mo kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa, Ahron!""Wala po siya rito, Ma'am Madelyn. Baka gusto niyo po muna ng kape!""Hindi! Kailangan ko ang pera ko!Gulong gulo si Ahron sa mga nangyayari kaya nagtanong itong muli. "Bakit po ninyo kinukuha ang pera na binayad ninyo sa amin!""May isang salita naman ako Ahron, basta ilabas mo lang si Kendall at ibigay niya ang kailangan ko, aalis ako rito ng matiwasay!""Pasensya na po kayo, wala talaga si Kendall dito sa bahay kahit b
Sa kabilang banda naman, tumawag si Ahron kay Madisson na sinabing pauwi na si Kendall sa kanilang mansyon subalit alam ni Ahron na nagsisinungaling lamang si Madisson kaya kahit anong palusot ang kanyang gawin ay hindi ito umuubra kay Ahron na nagdesisyong pumunta sa kanyang apartment. Matapang si Madisson at hinarap si Ahron pagdating nito sa kanyang apartment at nagbabala na wag siyang gagawa ng eskandalo kung ayaw niyang tumawag ng guard. Nangako naman si Ahron na ikakalma niya ang kanyang sarili at wala siyang intensyon kung hindi ang makita si Kendall."I am so glad na dumating ka na kaagad, Ahron... kitang kita ko ang galit sa mga mata mo. Sana ay hindi ka mag amok dito lalo na't hindi mo ito lugar!" sambit ni Madisson."Nasaan ba si Kendall?" seryosong tanong ni Ahron."Wala na siya rito, nakipagtanan na siya sa boyfriend niyang si Scott!" prangkang sabi ni Madisson."Ha?" itinupi ni Ahron ang kanyang kamay na para bang gusto niyang sumapak ng tao. "Ano ang pinagsasabi mo?""A
Nagkasundo sila Ahron at Madelyn na magkita sa isang mamahaling restaurant. Nagdesisyon sila na isama ang kanilang mga abogado na sila Mr. Chavez at Mr. Mendoza upang maging matiwasay ang kanilang magiging pag uusap."Hindi na ba magbabago ang isip mo, Madelyn? Kung bibigyan mo sana ako ng pagkakataon, handa akong kausapin si Kendall at nangangako akong ipagpapatuloy niya ang movie niya!"Tinaasan ng kilay ni Madelyn si Ahron at tiningnan niya ito na para bang kanya itong iniinsulto. "Don't give me that shit Ahron, I trusted your daughter from the begginning pero pinerwisyo niya lang ako at ang buong team namin! Ipinagmalaki ko pa siya sa ilang mga staffs ko pero ano ang isinukli niya? Konsumisyon! So, nakausap mo na ba siya?"Huminga ng malalim si Ahron at para bang bigat na bigat siya sa tono ng kanyang pagsasalita. "Ayon sa balasubas niyang talent manager, nabuntis raw siya at nakipagtanan siya sa kanyang boyfriend na ang pangalan ay Scott!" nakasimangot na sabi ni Ahron."Well, mu
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
"Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,
Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi
Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon
"Wow, ikaw ba talaga yan Ryan? Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Nagiging matapang ka talaga!""Oh siya, ngayong gabi ay magkita tayo sa lumang warehouse. Alam mo na naman siguro ang address noon Vincent, hindi ba?""Ako pa ba? Kabisadong kabisado ko ang ruta papunta sa lugar na yan. Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang tumawag ng back up!" sambit ni Vincent. Nakahinga naman ng maluwag si Ryan sa narinig niya mula sa itinuturing niyang matalik na kaibigan. "Maraming salamat sayo pre, alam ko na marami tayong mga hindi pagkakaunawaan nitong mga nagdaang araw, pero nananatili pa rin tayong magkaibigan!""Wala yun... ganyan naman talaga ang totoong magkakaibigan eh, nagdadamayan sa lahat ng mga problema. Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Iyakin pa tayong parehas noon sa school at hindi tayo magkaklase!""Oo kasi section 8 ka at section 1 ako!""Oo kasi nilipat ka section that time pero dapat ay sectio 7 ka? Akala mo siguro ay hindi ko yun natatandaan no?""Hehehe, doon tayo
Sa kabilang banda naman, halos pagtinginan ng lahat si Analyn dahil para itong naging babaeng gusgusin. Subalit hindi niya iniinda ang mga masasamang tingin sa kanya ng mga tao. Tatlong oras ang nakalipas, nakauwi na si Analyn sa bahay ni Ryan. Pagod na pagod ito at hihimatayin na sana pero mabuti na lamang ay sinalo siya ni Ryan na sobrang nag aalala sa kanyang kalagayan. Ngunit hindi ito nagtangkang tumawag ng pulis dahil sa natatakot rin siya sa kanyang sariling multo. Isang oras ang nakalipas, muling nagising si Analyn na nakaratay sa kwarto ni Ryan. Tumingin siya sa kanyang syota ay hindi niya mapigilang maiyak sa tindi ng kanyang dinanas sa mga kamay ni Ahron. "Walang hiya si Ahron, magbabayad siya sa lahat ng kahayupang ginawa niya sa akin!" galit na sabi ni Analyn. Ramdam na ramdam ni Ryan ang pagkamuhi ni Analyn sa itinuturing niyang karibal. Kahit papaano kasi ay napamahal na siya kay Analyn at mahalaga ito para sa kanya. Tumabi si Ryan at inilapag muna nito ang mga iniha
"Sir, hindi po namin mahagilap sila Kendall at si Scott!" sambit ng isa sa mga tauhan ni Ahron.Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron, lumapit siya sa kanyang tauhan at tsaka niya ito sinapak sa mukha. Natumba ito at dumugo ang kanyang ilong sa lakas ng pagkakasuntok ni Ahron. Kaagad namang umalis ang lawyer niyang si Mr. Chavez dahil sa natatakot ito na madamay sa mga nangyayari."Ga*o ka Stephen? Kung hindi mo sana sila pinakawalan kanina, sana ay wala tayong magiging problema!" sambit ni Ahron. Pumalag naman si Enzo, ang kasamahan ni Stephen na bodyguard. "Sir, wag po kayong mag alala, maaaring nagtatago sila ngayon pero makikita rin natin sila!"Nakatikim rin ng sapak si Enzo kay Ahron at kagaya ni Stephen, natumba rin ito at dumugo ang kanyang ilong. Kinuha ni Ahron ang baril nang dalawa niyang mga bodyguards at tinutukan niya ang mga ito. "Alam ninyo, ang pinakaayaw ko sa lahat yung tinatraydor ako!"Muling bumangon si Enzo at pinunasan niya ang kanyang nagdudugong ilong. "Sir, ma