Share

CHAPTER 41

Inilapag niya ito sa sala at inihain ang tatlong plato ng rice. Nagkusa naman si Kendall na tulungan si Madisson.

"Saglit lang po, nakakahiya naman Ma'am Madisson! Tulungan ko na po kayo!"

Tumanggi naman si Madisson sa tulong na inaalok ni Kendall. "Ako na ito Kendall, mga bisita ko naman kayo kung tutuusin at tsaka baka kung ano pa ang mangyari jan sa baby mo!"

"Ako na po," sambit ni Scott na nahihiya sa kanyang naririnig.

"Sige iho, medyo mabigat kasi talaga!" sambit ni Madisson. "Halika sa kusina!"

Sumama si Scott sa kusina at pinagsabihan siya ni Madisson. "Iho, wag mo nang banggitin ang tungkol sa tatay ni Kendall dahil nag iiba ang kanyang mood kapag naririnig niya yan!"

"Okay po, Ma'am Madisson!" pagpapaumanhin ni Scott.

"Tita na lang ang itawag mo sa akin, at ito pa ang isa kong babala iho. Wag na wag mo nang sasaktan ang puso ni Kendall kung hindi malilintikan ka sa akin!"

"Masusunod po, tita!"

"Okay sige, dalhin mo ang tubig and ako na ang magdadala nitong menudong ininit ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status