Sa kabilang banda naman, tumawag si Ahron kay Madisson na sinabing pauwi na si Kendall sa kanilang mansyon subalit alam ni Ahron na nagsisinungaling lamang si Madisson kaya kahit anong palusot ang kanyang gawin ay hindi ito umuubra kay Ahron na nagdesisyong pumunta sa kanyang apartment. Matapang si Madisson at hinarap si Ahron pagdating nito sa kanyang apartment at nagbabala na wag siyang gagawa ng eskandalo kung ayaw niyang tumawag ng guard. Nangako naman si Ahron na ikakalma niya ang kanyang sarili at wala siyang intensyon kung hindi ang makita si Kendall."I am so glad na dumating ka na kaagad, Ahron... kitang kita ko ang galit sa mga mata mo. Sana ay hindi ka mag amok dito lalo na't hindi mo ito lugar!" sambit ni Madisson."Nasaan ba si Kendall?" seryosong tanong ni Ahron."Wala na siya rito, nakipagtanan na siya sa boyfriend niyang si Scott!" prangkang sabi ni Madisson."Ha?" itinupi ni Ahron ang kanyang kamay na para bang gusto niyang sumapak ng tao. "Ano ang pinagsasabi mo?""A
Nagkasundo sila Ahron at Madelyn na magkita sa isang mamahaling restaurant. Nagdesisyon sila na isama ang kanilang mga abogado na sila Mr. Chavez at Mr. Mendoza upang maging matiwasay ang kanilang magiging pag uusap."Hindi na ba magbabago ang isip mo, Madelyn? Kung bibigyan mo sana ako ng pagkakataon, handa akong kausapin si Kendall at nangangako akong ipagpapatuloy niya ang movie niya!"Tinaasan ng kilay ni Madelyn si Ahron at tiningnan niya ito na para bang kanya itong iniinsulto. "Don't give me that shit Ahron, I trusted your daughter from the begginning pero pinerwisyo niya lang ako at ang buong team namin! Ipinagmalaki ko pa siya sa ilang mga staffs ko pero ano ang isinukli niya? Konsumisyon! So, nakausap mo na ba siya?"Huminga ng malalim si Ahron at para bang bigat na bigat siya sa tono ng kanyang pagsasalita. "Ayon sa balasubas niyang talent manager, nabuntis raw siya at nakipagtanan siya sa kanyang boyfriend na ang pangalan ay Scott!" nakasimangot na sabi ni Ahron."Well, mu
Tumungo si Ahron. "Sige!" kinuha niya ang kanyang wallet sa bulsa at iniwan ang bayad sa lamesa. Pagka uwi niya ay agad siyang sinalubong ni Analyn."Oh bakit nakasimangot ka yata ngayon?" tanong ni Analyn matapos niyang halikan sa labi si Ahron. "Wala ako sa mood ngayon, Analyn! Umalis ka muna sa harapan ko!" seryosong sabi ni Ahron.Nagpamewang si Analyn dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Ahron. "Wow, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin, itataboy mo na lang ako ng ganun ganun na lang? Paano ang kasal natin?"Dinuro ni Ahron si Analyn sa mukha. "Puwede bang maghantay ka? Kagabi ko pa tinatago sa inyo pero buntis ang suwail kong anak!"Walang naging reaction si Analyn dahil alam naman niya na nagdadalang tao si Kendall simula't sapul. Pumasok si Ahron sa loob ng kanyang mansyon at agad agad niyang tinawagan ang apat na lalaki para hanapin si Kendall at Scott at nag usap sila ng masinsinan sa kanyang kwarto dahil ayaw niyang mayroong makakitang iba. May bilog na lamesa sa l
Pagpasok nila sa loob, pinapunta sila ni Ahron sa kwarto nito. Naandon din si Analyn ngunit hindi para sermonan sila kung hindi para manood."Manang Bethy at Lea, medyo matagal tagal din ang ating pinagsamahan sa mansyon na ito... at alam niyo naman na hindi ko kayo puwedeng basta tanggalin noon dahil pinagtatanggol kayo ng anak kong nakipagtanan na sa lalaking nagngangalang Scott!" sambit ni Ahron na nakatayo sa harapan nila Bethy at Lea.Tumingin si Bethy kay Ahron. "Ano pong ibig ninyong sabihin, sir Ahron?"Lumapit si Ahron kay Bethy. "Wag na tayong maglokohan dahil alam ko na alam niyo na ang tungkol sa bagay na yan at palihim kayong nakikipag contact sa kanya para manmanan ang bawat kilos ko! Nang magpunta ako sa bahay ni Madisson, alam ko na tinawagan nila kayo kaya hindi ko naabutan ang anak ko... pero hindi ko pa kayo tatanggalin sa ngayon, ibigay ninyo sa akin ang mga cellphone ninyo at sisiguraduhin kong walang tanggalang magaganap... marami kayong mga nasaksihan sa bahay n
Nasa isang abandonandong warehouse sila Mark, Steven, Aldrin, at Bruno na masusing pinagpaplanuhan ang kanilang gagawing hakbang para madakip si Kendall at Scott. "Mukhang malaki laki ang bigayan natin kay Boss Ahron!" sabi ni Aldrin."Malamang, mas malaki ang nawawala sa kanya kapag hindi natin natagpuan ang artista niyang anak!" pagsangayon ni Mark."Pero masyadong malawak ang mall na sinasabi ni Boss Ahron, mahihirapan tayong maghanap kahit apat tayo!" sabi ni Aldrin.Nagbigay naman ng munting payo si Bruno. "Wala namang masama kung susubukan nating maghanap, at siyempre maghihiwalay tayo sa lahat ng entrance ng mall. Kagaya ng nakagawian natin, masyadong maraming security personnel at mga cctv sa mall at nakatitiyak ako na makakapukaw tayo ng atensyon ng iba sa maling hakbang lang!" Sinimulan na na Mark ang paglalatag ng kanilang magiging plano. "Ganito ang plano, kailangan mas maaga nating magawa ang misyon at dalhin natin si Kendall at si Scott dito sa lugar, utakan natin si
Habang naglalakad si Scott sa daan, tumunog ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Nakatanggap siya ng text galing kay Kendall."Ingat, I love you!" ang sweet message nito na may heart emoticon pa sa dulo.Nagreply naman si Scott at muli nitong ipinaalala na wag siyang lalabas sabay bulsa ng kanyang cellphone. Pagkarating niya sa parking area, walang masyadong tao sa paligid at mayroong puting van na pumarada sa kanyang harapan at may tatlong lalaking lumapit sa kanya at pinalibutan siya ng mga ito.Kabang kaba si Scott sa mga nangyayari at bago pa man siya magsalita ay tinakpan na ng isang lalaki ang kanyang ilong. Agad siyang hinimatay at isinakay siya ng mga ito sa kanilang van, iginapos nila ang mga kamay nito at nilagyan ng busal ang bibig. Gumamit sila ng panyo para takpan ang mga mata nito. Isinakay nila si Scott sa van at umupo si Steven at Mark sa pagitan niya. Hawak nila ang kanilang pistol gun sakaling magising si Scott at pumalag. Nakaupo naman si Aldrin sa harapan at si
Pagkagising ni Scott, nakagapos na ang kanyang mga kamay at paa. Nakaupo siya sa kahoy na upuan na walang suot na pang itaas na damit. Bumungad sa harapan niya si Mark at Steven. Nakita niya na maraming nakatambak na mga bakal at mga bote ng alak sa paligid. Masangsang ang amoy ng paligid at malayo ang pinto papalabas mula sa kanyang kinauupuan. May hawak na latigo si Mark at may hawak namang barik si Steven. "Mabuti naman at gising ka na, totoy. Dito, kahit sumigaw ka pa at mapaos, walang papansin sayo!" sabi ni Mark."Ang kukulit niyo namang mga tarantado kayo, hindi ba't sinabi kong wala akong sasabihin sa inyo... nagsasayang lang kayo ng panahon mga bobo!"Nagtinginan sila Mark at Steven. Dumating naman bigla sila Bruno at Aldrin hatid ang isang balita."Nakausap ko na si Boss Ahron, on the way na siya rito. Sinabi ko sa kanya na wala si Kendall at pinipilit natin si Scott na sabihin kung nasaan si Kendall pero nagmamatigas siya. Hindi rin siya galit na sinaktan natin si Scott,
Tumungo si Ahron. "Sige, ingat ka lang baka tuklawin ka niyan!"Hinubaran nila si Scott at tumambad sa kanila ang tulog nitong alaga. Lumapit si Ahron kay Scott at tinutok ang kanyang daliri sa alaga nito na handa nang pumitik."Gusto mo bang mapisat ang it*og mo? Baka hindi ka na magkaanak Scott?" tanong ni Ahron.Takot na takot si Scott at pawis na pawis ang buo nitong katawan. "Wag yan, sir Ahron... parang awa mo na!!" pakiusap niya."Nasaan si Kendall?""Please, mangako po kayo na wala kayong gagawing masama kay Kendall, sir Ahron!" "NASAAN SIYA!!! PUT*NG INA MO!!""Nasa bahay po siya ngayon... kung gusto niyo po, ipi pin ko ang address niya sa waze ninyo!""Kita mo na, ayaw mo rin pa lang mabaog eh...!""Boss Ahron, mas maigi siguro kung si Kendall ang papuntahin natin dito! Baka kasi magkaroon ng gulo kung tayo mismo ang pupunta at lumabas pa ito sa media," sambit ni Mark. "Naisip ko lang sir since ilang oras na ring nawawala si Scott, banga nga nagpunta na siya sa police eh!"