DARK
TINAWAGAN ko si Reon. "Kuya, nasundan ako ni mama sa resthouse. Ano ba'ng nangyari?" Ang dami ko ring pinagdaanan para makapagtago kami ni Frey pero wala rin palang silbi. Alam kong darating si mama sa resthouse kaya kagabi pa ako hindi mapakali. Pakiramdam ko hindi ko na uli makikita si Frey. Masama talaga ang loob ko dahil ni hindi ko nagawang magpaalam sa babaing gusto ko. Pakiramdam ko mababa pa ang halaga ko sa tubig sa imburnal o sa laman ng poso negro. Wala akong kuwenta. Isusumpa ako ng babaing 'yon sigurado ako. Pero kung mas magagalit si mama, baka hindi ko rin mapatawad ang sarili ko. Sasaktan nito ang sarili nito o maglalaslas ng pulso sa paraang hindi naman ito mamamatay. Gagawin nito ang lahat para mag alala ako hanggang sa sumunod ako sa mga kapritso nito, damay ang mga taong nasa paligid. Endless ang kayang gawin ng nanay ko makuha lang ang atensyon ng sinoman sa kanyang mga supply. Sanay na kami dito pero hanggang ngayon hindi pa rin 'yon maiwasan. Hirap na hirap kaming lima para kahit paano ay mamuhay kami nang normal. Dahil para sa narcs, mga dios sila at wala kang karapatan na maunang tumalikod. Gamit ka lang kahit anak ka kahit pa iisa kayo ng dugo at laman. Kailangan ko rin ng leverage bago umabot sa bargaining mamaya. Kung wala akong maibibigay kapalit ng pagkakamali ko, may hihingin itong pabor na mahirap gawin. Napakadaya kasi dahil ang mga kapatid ko hindi nahuhuli ni mama sa mga ganito. O akala ko lang 'yon? "Mas malaki ang problema ni, Khal." Ikatlo sa aming magkakapatid. "Buntis ang gf niya at nakunan dahil din kay mama. Pagdating ninyo sa bahay, ungkatin mo ang tungkol sa merger ng kumpanya ko at kumpanyang hawak mo. Hindi ka niya matatanggihan." "Ano ang puede kong sabihin para maniwala siya sa akin tungkol dito." "Sabihin mong unahin niya ang problema ni Simon. He was ill for the longest time. Mukhang balak ni mama na sa poder pa niya malagutan ng hininga ang masokistang lalaki na 'yon " Sa gitna naming lahat siya ang pinakamatibay na haligi. Nakakainggit ang disposisyon niya sa buhay. Kaya naman batas ang salita niya at nag iisang kinatatakutan ni mama. Lahat ng kapatid ko, sampu ng pag aari nila ay bunga ng sariling sikap, pawis at dugo habang nakikipagpatintero kami sa eskandalo. Dahil panganay, si Reon ang gumawa ng paraan para makawala sa anino ni mama ang 3 pa naming kapatid dahil isinusuka niya ang mental health condition nito. Ako lang ang naiiba dahil hawak ko ang lahat ng nahuthot ni mama sa mga lalaking nakarelasyon nito. Nakatali sa yaman na iyon ang katinuan ng aking ina. Mababaliw ito kapag bumababa ang kita nito at pakinabang kaya hindi ako puedeng magpabaya. Alam ko ring isa sa mga araw na ito puede nito akong ipakasal kahit kanino. Hindi lang nito magawang panggigilan ang issue dahil kay Reon. "Kamusta ang girlfriend mo?" si Reon sa gitna ng paglipad ng isip ko. "Kakausapin ko si Sky kung matutulungan niya ako." Si Sky ang nag iisang hybrid sa pamilya namin. Bunso pero mortal na kaaway ni mama. Siya lang ang nag iisang nakakabasa kung paano mag isip ang huli. Si Martin, ang sumunod kay Reon ay mahirap mahagilap dahil Tech Business nito sa loob at labas ng bansa. "Ako na ang bahala. Mag focus ka sa pag uusap ninyo ni mama." Nawala na siya sa kabilang linya. Medyo gumaan na agad ang loob ko dahil may mga kapatid akong maaasahan. Malakas rin ang kutob ko na pareho kami ni Frey ng nararamdaman. At kaunting panahon lang ang kailangan para marealize niyon na ako ang lalaking para sa kanya. Ako lang at wala ng iba.FREY HINDI ko kailangan ang kahit na sino. Sinasabi ko 'yon sa sarili ko habang inililigpit ang personal kong gamit sa resthouse. Nasa bag ko ang passbook kung saan naka-deposit ang 7 milyong piso sa unang beses na may nangyari sa aming dalawa. At para akong sinusunog nang buhay dahil sa pagmamadali. Tumatakas ako sa anino ni Dark. Sa pakiramdam na nag aalala ako sa kanya mula nang umalis siya kanina. Mas tumitindi iyon habang nag iisip ako kung ano na ang nangyari sa kanya. Malakas din ang kutob ko na hindi na niya ako babalikan kaya uunahan ko na siya. Napakagulo ng isip ko. Gaano ba kahirap na tawagan ako sa phone at sabihing tapos na kaming maglaro dahil nabisto na kami ng nanay niya? Miserable ang puso ko at ayoko nito. "Hi." Muntik na akong mapalundag sa gulat. May babae sa likuran ko at napakaganda. Ni hindi ko napansin dahil marami akong iniisip. Matangkad ito at mukhang mayaman. Ang ere na nakikita ko ay exceptional. Nasa ilalim ng cardigan ang contrast trim-top a
FREY (flashback) "MAY boyfriend ka na ba?" Nakatayo ako sa harap ni Dark Samaniego dahil ipinatawag niya ako. Ako na sa dinami-dami ng mahuhusay na tauhan ng Samaniego Corporation ay halos saling pusa lang naman dito. Dati, tuwing sabado lumalabas ako para makipagdate kay James, supervisor ng isang departamento dito. Isang reyalidad na kapag mahirap ka, kailangan mo pa ng koneksyon sa mga bagay na gusto mong malaman. Pero nakakapagtaka na sa tuwing isinisingit ko ang tungkol sa agenda ko, iniiwasan ni James. Kailangan ko lang naman ng impormasyon kung nasaan ang step father ko na ang huli kong balita ay share holder sa kumpanyang ito. Info verification pa lang pahirapan na porke wala akong pera. At dahil wala na akong maisip na paraan, pumasok akong assistant to the secretary na ang totoo ay tagatimpla lang ng kape at errand girl. "Narito po ako para magtrabaho, sir. Walang kinalaman ang personal kong buhay." "Its part of the job. Hindi ito personal. Kailangan ko k
FREY (flashback) "FREY, huwag mo akong takasan..." Walang sinoman ang may kakayahang mag utos sa katawan ko gaya ni Dark. At insulto 'yon dahil katanghaliang tapat at unang araw ko pa lang siyang nakaharap nang personal. Nang ganito kalapit. Humigpit ang mga kamay niya sa siko ko nang magmatigas akong humarap kaagad. At walang kahirap-hirap niya akong naakit na tumingala sa kanya sa sumunod na segundo. Sigurado ako na ayoko sa kanya. Mayabang, brusko, womanizer, at pangit ang lahat ng naaalala ko tungkol sa kanya pero bakit ganito ang katawan ko? Sa loob ng organisasyon ng Black Beretta na nagtatago sa tarheta ng Rainbow City, tinuruan din ako ng self defense. Na walang inaasahang kahit anong gadget o gamit maliban sa sariling parte ng katawan mo. Kabisado ko ang pressure points ng tao para gawing imbalido o higit pa. Ang survival ay kakambal ng body instincts at matalas na reflexes na hinasa sa matitinding mga trainings. Mga trainings na hindi ipinagkakait sa lahat
FREY "Nahihirapan akong mag isip ngayon. Kailangan ko ng sapat na oras para makapag desisyon." Para akong mababaliw. "Hindi. Hindi ganito," kumukumpas na ako sa hangin. "Bakit hindi pa natin deretsuhin? Na nasa plano mo talaga ang paikutin ako bilang secretary mo papunta sa kama mo." Gumuhit ang ngiti sa guwapo niyang mukha. Ang galing. Ginawa nga talaga niya akong challenge kung ang kislap sa mata niya ang pagbabasehan. "Masyado ka pa lang prangka," pinaraan niya ang mahahabang daliri sa pang ibabang labi, naaaliw. "Oo, tama ka. Mismo." Brutal ang pag amin niya. Makasalanan. Sandaling huminto ang puso ko sa pagtibok. "Magkano ang kaya mong ibayad kung...kung ikaw ang unang lalaki sa buhay ko?" Siya naman ang natulala sa sinabi ko. Nag enjoy rin ako sa pagbabago ng kulay ng mukha niya. Mula sa matinding pag aalala, parang arouse na arouse at kumalat ang pamumula sa buong katawan niya sa puntong nahihirapan na siyang huminga. Na turn on ba siya sa tapang ko? "Magkano
FREY Nasa mata na naman ni Dark ang matinding gutom sa akin. Ang kontroladong paghinga niya habang nakatitig ay pagpapanggap lang sa gagahiblang pagtitimpi para liparin ang pagitan namin at gawin sa akin ang mga iniisip niya. Isang malupit na sex na sinegundahan ko pa kahapon. May isa pang problema, kapag natutulog ako, uniform ko na ang naiwang white nightgown ng nanay ko, hanggang singit at sira sira na. At huli na naman para magtago. Narito ba siya para itanong pa kung papasok ako o hindi na? Napaka imposible ko naman kung ako ang sisiw at siya ang agila pero magpapaikot ikot pa ako sa kulungan niya? Tumayo ako at hinablot ko ang makapal na roba. Ibinalot ko agad ang sarili ko na parang suman. "Labas tayo," aniyang ibinulsa ang mga kamay. Tila may gustong gawin ang mga yon pero dapat lang na pigilan. Ang loko, naglalaway rin sa legs ko na hindi pa nasilayan ng araw. Si mama ang nagturo na hindi ako puedeng mag shorts at dapat araw o gabi naka pajama lang mul
FREY Iyakin ang mama ko. Palibhasa galing sa pamilyang maykaya bago ikasal sa tunay kong ama. Si papa ay namatay sa aksidente elementary pa lang ako. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse niya habang nakapara sa gilid ng hi-way. Hindi tumakas ang driver at nakulong. Nakita ko rin, sinasamantala ng ilang lalaki ang isang babaing wala ng asawa. Para akong bodyguard ni mama. Walang araw o oras na may nagpaparamdam sa amin na hindi raw kami mabubuhay na walang lalaking kasama sa bahay. At sa dinami-dami ng gustong pumalit sa tatay ko, nakapasok si Ray sa bahay namin makalipas lang ang libing ni papa nang halos dalawang buwan. Nagpakasal sila halos wala pang isang taon. Sukdulan ang sama ng loob ko kay mama dahil napakahina niya. Pero naunawaan ko na hindi pagmamahal kundi takot kaya niya pinakasalan si Ray. Narinig ko silang nag aaway sa gitna ng gabi. Karelasyon na siya ni mama bago pa mamatay ang tatay ko. Nang gabing 'yon hindi ko nagawang umiyak sa sobrang galit.
FREYKAILAN ang huling period ko?Naiwan sa isip ko ang huling tanong ni Dark kahit nakabalik na ako sa bahay.Inihagis ko sa ibabaw ng kama ko ang mga bagay na galing sa kanya bago kami maghiwalay at namaluktot ako sa ibabaw ng kama habang nakatitig sa mga yon.Susi ng beach house na puede raw naming bisitahin anytime at unlimited credit card.Nagagalit ako sa sarili ko dahil parang ang tanga tanga ko.Ano bang naisip ko at narito ako ngayon sa sitwasyong ito?At bakit naiinis ako dahil sa huling tanong na iyon ni Dark na ang dating sa akin ay sanay na sanay siya sa babae.Sabagay sa gaya niyang guapo, kaakit-akit at napakayaman siguro kahit hindi siya mag flirt sa ibang babae makakaiskor siya ng libreng orgasm.Ako nga, nakalimot agad sa harap niya dahil sa parehong dahilan. Nataranta ako at kung ano ano tuloy ang nasabi ko.Kailangan kong aminin yon dahil ako mismo ang naglagay sa sarili ko sa kabaliwang ito.Madali raw tanggapin ang mga bagay kung hindi ka maninisi ng ibang tao at
"Alas siete ng gabi, puede ka ba?" Suwabe ang boses ni Logan kahit sa phone o dahil nakadikit sa kanya ang ilan sa magaganda at masasayang alaala ko kaya lagi siyang espesyal.Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita kong mag a-alas onse pa lang.Bakit, ganon, kapag kasama ko si Dark ang bilis ng oras? Bakit ngayong wala na siya sa paningin ko parang slow paced ang lahat sa mundo?Ang haba pa pala ng hihintayin ko."Sige, kahit 8pm na nang gabi okay lang. Huwag kang magmadali kung galing ka sa trabaho. Magpahinga ka muna, wala naman akong gagawin kaya puede ako kahit mas late pa."Tinapos ko agad ang tawag dahil alam kong busy siya.Naligo ako uli dahil napawisan ako nang todo sa gym. Para malito pagkatapos kung ano ang gagawin ko sa loob ng silid ko. Nahahati ako kung tutulong ako sa coop para gumawa ng alahas gaya ng regular kong routine araw-araw kapag wala akong trabaho o isipin pa rin ang tungkol kay Dark.Pakiramdam ko may dapat akong paghandaan bago ang deal namin kaya pinili
FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali
FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.
FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s
FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u
FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan
FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong
FREY POV:DAHIL isinusuka ako ng mga tao sa San Ignacio at marami akong ginawang nakakahiyang bagay sa loob ng isang linggong lamay ng nanay ko, hanggang sa huling araw bago siya ilibing, natuto akong bumasa ng mga matang nakatitig sa akin, body language at kahit bugso ng kanilang mga hininga nang hindi sa kanila tumitingin ng direkta.Isama pa ang panghihiya na nararanasan ko bawat araw na nakikisalamuha ako sa ibang tao mula nang maging bahagi ng buhay namin si Ray at bago ang ikalawang atake sa puso ng nanay ko na kumitil sa buhay nito.Malandi.Baliw.Walang kuwentang babae.Hindi dapat pakasalan.Malas sa magiging asawa.Salot.Isang kahihiyan.Pokpok. At kung ano-ano pa.Ang pakiramdam na yon, bumabalik sa akin ngayong araw na ito.Ang kontratang nakuha ko ay nagkakahalaga ng 5 milyon. At dahil sa 24 karat yellow gold ang metal base at ready made na, ikakabit na lang ang swarovski crystals and precious gems na kayang tapusin ng isla ang total production sa loob lang ng limang
FREY POV: Naglagi ako sa itaas ng shop at hindi na ako nakababa. Nang kumalat ang dilim, hiningi ko kay Ruth ang dalawang bote ng soju niya na nasa ref sa loob mismo ng opisina ko. Alas siete ng gabi, nagchat ako kay Dark na gagabihin ako at huwag na niya akong sunduin dahil totoo rin namang overtime kaming lahat. Pero nagulat ako nang dumating siya sa rooptop at nakita akong umiinom, nagtatago sa mga kasama ko.Basa ako ng luha at namumula na ang mukha ko.Tensyonado siya, bukas ang ilang botones ng dress shirt at mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.“May problema, hindi ba?” Inagaw niya ang alak sa kamay ko na walang kahit anong pulutan.Binawi ko rin yon kaagad, nanginginig, ayoko siyang tingnan, pero mas malakas siya at ayaw niyang bitiwan ang hawak kong bote kung saan direkta akong umiinom."Palagi naman! Kailan ba wala?" Sinigawan ko siya dahil mas naging kawawa ako dahil nahuli niya akong nagmumukmok. Talunan. “Napanood mo yong sa TV news, tama?” Hinaklit niya ang b
FREY POV: KALOKOHAN.Ibinagsak ko ang report na galing sa Security Agency tungkol kay Ray. Wala raw makuhang latest information tungkol sa stepdad ko maliban sa mga personal informations na dati ko nang alam at hindi rin daw nila ito mahanap.O baka naman may taong tumutulong dito para magtago at takpan ang mga bakas nito?Imposible na wala sa report kahit ang naging kaugnayan nito sa Samaniego Corporation at ang naging address nito habang nasa Villasin.Nakaka-insulto yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling sa akin si Catherine. Oo, mapaglaro ito, pero matatapatan mo ng pera ang bawat impormasyong pinakakawalan nito sa iba.Sa tingin ko nga, awa na lang para sa akin ang umiral kaya inambunan ako ni Catherine ng tungkol kay Ray.Alam nitong handa kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo, makaganti lang ako.Na sa ngayon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Bawat sandaling nagiging maligaya ako sa piling ni Dark, bumibitaw ako sa nakaraan at parang gusto ko nang mangarap ng pa