FREY (flashback)
"MAY boyfriend ka na ba?" Nakatayo ako sa harap ni Dark Samaniego dahil ipinatawag niya ako. Ako na sa dinami-dami ng mahuhusay na tauhan ng Samaniego Corporation ay halos saling pusa lang naman dito. Dati, tuwing sabado lumalabas ako para makipagdate kay James, supervisor ng isang departamento dito. Isang reyalidad na kapag mahirap ka, kailangan mo pa ng koneksyon sa mga bagay na gusto mong malaman. Pero nakakapagtaka na sa tuwing isinisingit ko ang tungkol sa agenda ko, iniiwasan ni James. Kailangan ko lang naman ng impormasyon kung nasaan ang step father ko na ang huli kong balita ay share holder sa kumpanyang ito. Info verification pa lang pahirapan na porke wala akong pera. At dahil wala na akong maisip na paraan, pumasok akong assistant to the secretary na ang totoo ay tagatimpla lang ng kape at errand girl. "Narito po ako para magtrabaho, sir. Walang kinalaman ang personal kong buhay." "Its part of the job. Hindi ito personal. Kailangan ko kasi ng pansamantalang secretary dahil naka leave ang secretary ko. Mangangak siya ngayong linggo." Tumaas ang kilay ko. Sa dami ng milyones niya puede siyang mag hire ng mas qualified. "Bakit po ako? Wala akong alam sa trabaho ng isang secretary to the CEO. Wala rin akong communication skills at hindi sapat ang panahon para sa training na kailangan ko kung agad agad." "Naihanda na niya ang lahat bago umalis. I just need someone who isn't tied to her personal life dahil kapag weekends kailangan ko ng kasama." "Pero----" "I can double your salary. Or you can name your price." Umawang ang bibig ko para muling sumara. Naalala ko ang sinabi ng ilang co-worker na madalas nakatitig sa akin ang lalaking ito sa tuwing nasa station ako. At hindi ko lang pinapansin ilang buwan ko nang nararamdaman na pinagmamasdan nga niya ako basta may pagkakataon. Mga pagkakataon na ilang beses nang naglagay sa akin sa pangit na sitwasyon. Na-bully ako sa ladies' room, sa canteen at kahit noong nasa nesting period ako bilang utusan ng secretary niya. Kung hindi mabait sa akin si Leila, ang personal secretary niya baka hindi na rin ako pumasok pa. "Sorry pero hindi po ako intresado, Sir." Hindi ko na rin sasabihin na nakita ko siya kahapon na binuhusan ng isang babae ng tubig sa mukha dahil cheater. Nag eskandalo pa nga ang pobre habang umiiyak dahil nahuli siya sa akto na may iba pang ka-date. Hudas. Wala sa bokabularyo ko na sayangin ang buhay ko dahil hindi ako pusa na may siyam na buhay. "Okay." Nabasa niya siguro sa mukha ko na walang patutunguhan ang pag uusap namin kaya dumukot na lang ng calling card at iniabot sa akin. "Give me a call sakaling magbago ang isip mo. O baka magbago na ngayon pa lang kung sasabihin kong sayang ang 100 thousand pesos per month na salary kung tatanggapin mo ito." Halos mapanganga ako. "Ganon kalaki? Ano ba ang gagawin ko, magbebenta ng drugs?" matalim talaga ang bibig ko dahil siguro ay wala akong amo sa matagal na panahon. Kinikita ko rin sa online store ng alahas ang ano mang kailangan ko. Isa yong cooperative sa loob ng isla. At kung kaya ko nga lang magbayad ng private investigator, wala ako dito ngayon. Nanghinayang ako sa lalaking kaharap ko. May sira yata sa ulo. Sayang dahil parang dios kahit nakaupo. Matikas, matipuno, lalaking lalaki at napakabango kahit malayo ako. Sa loob ng mamahaling suit, sigurado na ako walang tipak ng taba sa katawan. At ang mukha, sabi nga ng iba, kanin na lang ang kulang. Magfi-fiesta ang mga sculptor sa prominenteng hugis ng panga na sa Gradiator movies ko lang naaalala. Ito yong tipo na kahit makalbo sa future, masarap pa ring titigan at masarap kasama sa panaginip mo. Yon lang, may hangin sa utak. Humalakhak ang guwapong impakto. Nag flash sa mata ko ang pantay pantay at nakakasilaw na ngipin. Mahihiya ang model ng toothpaste sa mga TV commercials. At oo, sa dami pa ng katangian niya, ayoko nang isa-isahin. Wala akong pakialam. "Mas mabigat sa trabahong yan ang mag stay at makasama ang pamilya ko kapag weekend. Why would I spend my fortune concealing my family secrets if it is not a big deal?" Bakit ba nag uusap kami na parang magkakilala? "I agree. Pero mas maiintindihan ko siguro kung bibigyan mo ako ng idea." Walang dumaan na pagtatalo sa isip niya. "Bawal ang may kapintasan sa pamilya ko. And you are fit for the job dahil...maganda ka. Sexy at bata," ayokong maging exaggerated pero hinihingal siya habang sinasabi ang mga 'yon na mas nagpailang sa akin. "Ligtas ka sa mga aatake sa akin maliban sa mama ko. Wala ka namang kailangang gawin kundi manatiling maganda at matapang." Paano niya naman nalaman na matapang ako? Sinagot niya ang tanong na dumaan sa mata ko. "Mas madali siguro kitang nakukumbinsi kung bibisita ka sa Rainbow City." Sapat na yon para mayanig niya ako ng todo. Sa halos sampung taon ko sa lungsod, wala pang nakakaalam sa ikalawang tahanan ko. Krimen ang malaman 'yon ng iba. Ang pagkamangha ko habang nakatitig sa kanya ang nagsabi na higit sa sinabi niya ang nalalaman niya. At oo, kasalanan ko na rin dahil sa ekspresyon ko ngayon nakasulat na sa noo ko ang mas maraming bagay. Pagtakas lang ang una kong naisip gawin. Tinalikuran ko siya at nagmartsa ako palabas. Sana. Pero nahuli niya ako sa pulso, at nagawa niya akong ipihit paharap sa kanya. "Huwag mo akong takasan, Frey."FREY (flashback) "FREY, huwag mo akong takasan..." Walang sinoman ang may kakayahang mag utos sa katawan ko gaya ni Dark. At insulto 'yon dahil katanghaliang tapat at unang araw ko pa lang siyang nakaharap nang personal. Nang ganito kalapit. Humigpit ang mga kamay niya sa siko ko nang magmatigas akong humarap kaagad. At walang kahirap-hirap niya akong naakit na tumingala sa kanya sa sumunod na segundo. Sigurado ako na ayoko sa kanya. Mayabang, brusko, womanizer, at pangit ang lahat ng naaalala ko tungkol sa kanya pero bakit ganito ang katawan ko? Sa loob ng organisasyon ng Black Beretta na nagtatago sa tarheta ng Rainbow City, tinuruan din ako ng self defense. Na walang inaasahang kahit anong gadget o gamit maliban sa sariling parte ng katawan mo. Kabisado ko ang pressure points ng tao para gawing imbalido o higit pa. Ang survival ay kakambal ng body instincts at matalas na reflexes na hinasa sa matitinding mga trainings. Mga trainings na hindi ipinagkakait sa lahat
FREY "Nahihirapan akong mag isip ngayon. Kailangan ko ng sapat na oras para makapag desisyon." Para akong mababaliw. "Hindi. Hindi ganito," kumukumpas na ako sa hangin. "Bakit hindi pa natin deretsuhin? Na nasa plano mo talaga ang paikutin ako bilang secretary mo papunta sa kama mo." Gumuhit ang ngiti sa guwapo niyang mukha. Ang galing. Ginawa nga talaga niya akong challenge kung ang kislap sa mata niya ang pagbabasehan. "Masyado ka pa lang prangka," pinaraan niya ang mahahabang daliri sa pang ibabang labi, naaaliw. "Oo, tama ka. Mismo." Brutal ang pag amin niya. Makasalanan. Sandaling huminto ang puso ko sa pagtibok. "Magkano ang kaya mong ibayad kung...kung ikaw ang unang lalaki sa buhay ko?" Siya naman ang natulala sa sinabi ko. Nag enjoy rin ako sa pagbabago ng kulay ng mukha niya. Mula sa matinding pag aalala, parang arouse na arouse at kumalat ang pamumula sa buong katawan niya sa puntong nahihirapan na siyang huminga. Na turn on ba siya sa tapang ko? "Magkano
FREY Nasa mata na naman ni Dark ang matinding gutom sa akin. Ang kontroladong paghinga niya habang nakatitig ay pagpapanggap lang sa gagahiblang pagtitimpi para liparin ang pagitan namin at gawin sa akin ang mga iniisip niya. Isang malupit na sex na sinegundahan ko pa kahapon. May isa pang problema, kapag natutulog ako, uniform ko na ang naiwang white nightgown ng nanay ko, hanggang singit at sira sira na. At huli na naman para magtago. Narito ba siya para itanong pa kung papasok ako o hindi na? Napaka imposible ko naman kung ako ang sisiw at siya ang agila pero magpapaikot ikot pa ako sa kulungan niya? Tumayo ako at hinablot ko ang makapal na roba. Ibinalot ko agad ang sarili ko na parang suman. "Labas tayo," aniyang ibinulsa ang mga kamay. Tila may gustong gawin ang mga yon pero dapat lang na pigilan. Ang loko, naglalaway rin sa legs ko na hindi pa nasilayan ng araw. Si mama ang nagturo na hindi ako puedeng mag shorts at dapat araw o gabi naka pajama lang mul
FREY Iyakin ang mama ko. Palibhasa galing sa pamilyang maykaya bago ikasal sa tunay kong ama. Si papa ay namatay sa aksidente elementary pa lang ako. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse niya habang nakapara sa gilid ng hi-way. Hindi tumakas ang driver at nakulong. Nakita ko rin, sinasamantala ng ilang lalaki ang isang babaing wala ng asawa. Para akong bodyguard ni mama. Walang araw o oras na may nagpaparamdam sa amin na hindi raw kami mabubuhay na walang lalaking kasama sa bahay. At sa dinami-dami ng gustong pumalit sa tatay ko, nakapasok si Ray sa bahay namin makalipas lang ang libing ni papa nang halos dalawang buwan. Nagpakasal sila halos wala pang isang taon. Sukdulan ang sama ng loob ko kay mama dahil napakahina niya. Pero naunawaan ko na hindi pagmamahal kundi takot kaya niya pinakasalan si Ray. Narinig ko silang nag aaway sa gitna ng gabi. Karelasyon na siya ni mama bago pa mamatay ang tatay ko. Nang gabing 'yon hindi ko nagawang umiyak sa sobrang galit.
FREYKAILAN ang huling period ko?Naiwan sa isip ko ang huling tanong ni Dark kahit nakabalik na ako sa bahay.Inihagis ko sa ibabaw ng kama ko ang mga bagay na galing sa kanya bago kami maghiwalay at namaluktot ako sa ibabaw ng kama habang nakatitig sa mga yon.Susi ng beach house na puede raw naming bisitahin anytime at unlimited credit card.Nagagalit ako sa sarili ko dahil parang ang tanga tanga ko.Ano bang naisip ko at narito ako ngayon sa sitwasyong ito?At bakit naiinis ako dahil sa huling tanong na iyon ni Dark na ang dating sa akin ay sanay na sanay siya sa babae.Sabagay sa gaya niyang guapo, kaakit-akit at napakayaman siguro kahit hindi siya mag flirt sa ibang babae makakaiskor siya ng libreng orgasm.Ako nga, nakalimot agad sa harap niya dahil sa parehong dahilan. Nataranta ako at kung ano ano tuloy ang nasabi ko.Kailangan kong aminin yon dahil ako mismo ang naglagay sa sarili ko sa kabaliwang ito.Madali raw tanggapin ang mga bagay kung hindi ka maninisi ng ibang tao at
"Alas siete ng gabi, puede ka ba?" Suwabe ang boses ni Logan kahit sa phone o dahil nakadikit sa kanya ang ilan sa magaganda at masasayang alaala ko kaya lagi siyang espesyal.Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita kong mag a-alas onse pa lang.Bakit, ganon, kapag kasama ko si Dark ang bilis ng oras? Bakit ngayong wala na siya sa paningin ko parang slow paced ang lahat sa mundo?Ang haba pa pala ng hihintayin ko."Sige, kahit 8pm na nang gabi okay lang. Huwag kang magmadali kung galing ka sa trabaho. Magpahinga ka muna, wala naman akong gagawin kaya puede ako kahit mas late pa."Tinapos ko agad ang tawag dahil alam kong busy siya.Naligo ako uli dahil napawisan ako nang todo sa gym. Para malito pagkatapos kung ano ang gagawin ko sa loob ng silid ko. Nahahati ako kung tutulong ako sa coop para gumawa ng alahas gaya ng regular kong routine araw-araw kapag wala akong trabaho o isipin pa rin ang tungkol kay Dark.Pakiramdam ko may dapat akong paghandaan bago ang deal namin kaya pinili
FREY"KANINA ka pa ba?"7:30 ng gabi, gulat na gulat si Logan nang makita niya akong naghihintay sa labas ng sikat na pizza house. Binigyan niya ako nang pamatay na ngiti at nagbeso siya sa akin, pinagpagan ko naman ang alikabok sa uniform niya sa Food Panda.Ang isang bagay na sobra kong hinahangaan sa kanya ay napakatotoo niyang tao. Walang ere kahit dating mayaman at pinili ang napakahirap na buhay para maging malaya.Ang pakiramdam ng walang tali sa buhay ko ay isa sa ipagpapasalamat ko talaga nang lubos.Yong mahigit isang dekada na nakakulong ako sa mga bawal at ikinahon kami ni Ray ng nanay ko ang pinakamalala.Kaya alam ko kung gaano kahalaga sa akin ang pakiramdam na nagagawa mo ang lahat ng gusto mo.Hinuli ni Logan ang kamay ko at pinunasan ng panyo niya. "Ano ka ba? Hindi na tayo mga bata. Marurumihan ka niyan, eh." Ikinulong niya ang mukha ko sa loob ng mga kamay niya pagkatapos at pinakatitigan akong mabuti. "My God, mas lalo kang gumanda."Naaliw ako sa hitsura niya
Sinundan ko si Logan sa labas at inabutan ko siyang nagsisindi ng sigarilyo sa tabi ng motor niya. Pero bago pa ako makapagsalita, sumagitsit at pumarada ang kotse ni Dark malapit kay Logan at galit na bumaba ng sasakyan. Dahil ayoko ng eskandalo, nilapitan ko na lang si Logan para sana magpaalam. Masakit sa akin na nakikita siyang nasasaktan pero wala akong magagawa. Priority ko ngayon ang unahin si Dark sa dahilang hindi ko rin lubos na maipaliwanag. At sa tingin ko, hindi gumagana ang matino kong kaisipan basta nasa paligid na ang lalaking yon. Para itong malaking trigger na apektado ako kahit hindi dapat. Kung sabay silang magwawala ni Logan, si Dark ang aawatin ko. "Sorry, Logan. Tatawag ako, mamaya." Alam kong marami siyang gustong sabihin akin. Umangat ang kamay niya para pigilan sana ako, pero ako na ang lumihis at umiwas sa kanya. Naiwan si Logan na hinihilot ang batok at nagmumura habang sinisipa ang motor niya. Kahit galit, inaalalayan ako ni Dark nang