Amilia
Flashback"Mia! Mia!" napalingon ako sa tumatawag sakin at apangiti ako ng makitang si Keisha ito.Mabilis na lumipas ang dalawang buwan ko sa Vistoun University. Hindi ako masyadong nahirapang mag adjust dahil kay Keisha at Kasper. Although para akong hangin sa ibang tao dito dahil nga isa akong transferee at hamak na scholar lamang kaya walang may gustong makipagkaibigan sakin.Namulat din ako sa kung anong klase bang estudyante ang meron ang paaralan na to. Lahat sila mayayaman pero ugaling squatter naman. Mahilig silang mambully at mag grupo grupo kung kaya madaming outcast, isa na ako doon. Mas lalong kinakainis ko ay ang pambubully nila kay Keisha at Kasper na dapat nilang nirerespeto dahil president at vice president ang mga to sa SSG. Gusto ko man silang ipagtanggol ay wala akong magagawa, gaya nga ng sabi nilang dalawa, pabayaan ko na lang dahil sanay na din naman sila at baka pag sumali ako ay madamay ako.Sabi nga ni Kasper"They are the type of people who can make you feel like you're living in hell even though you're still alive and breathing"Sobrang natakot ako doon lalo na sa mga babaeng miyembro ng cheerleading squad. Aaminin ko na naiinggit ako dahil pangarap kong makasali sa cheerleading squad at isa pa parang ang saya saya pag magkakasama sila. Hindi naman sa sinasabi kong ayokong kasama si Kasper at Keisha pero madalas din kasi na wala sila sa tabi ko dahil sa mga obligasyon nila dito sa Vistoun."Nakahanap ka na ba ng club na sasalihan mo?" tanong sakin ni Keisha."Pasok na ko sa gymnastic at ngayon nagbabakasali naman ako na makapasok sa cheerleading squad. Ang balita ko kasi pinaprayoridad sa modelling ang mga basketball players at cheer dancers. Totoo ba yun?" tanong ko.Huminga naman ng malalim si Keisha at sumimangot."Hindi lang totoo, totoong-totoo. Pansinin mo yung mga kasali doon, bukod sa talented sila ay ang gugwapo at gaganda pa nila. Noong una nga kitang nakita, alam ko na baka i recruit ka ng cheerdancers dahil napakaganda mo" saad nya. Nag init naman ang pisngi ko sa compliment nya. "Pero nagbago siguro ang isip nila nung makita nilang madalas mo kaming kasama ni Kasper. They hate us at kung makakapasok ka naman sa kanila, marami kang dapat baguhin at malamang isa na doon ang set ng kaibigan mo. Maaaring palayuin ka nila samin"Naikuyom ko ang kamao ko sa inis."Grabe naman! Bakit naman ganoon? Nagbabayad din naman kayo dito, bakit hindi nyo pa ireklamo?" tanong ko."Hindi ganoon kadali Mia! Malalaki at mayayamang pamilya ang kinabibilangan ng estudyante dito. Ayokong may makaalitan sa negosyo ang magulang ko ng dahil lang sa pakikipag away ko sa isa sa mga anak ng business partners nila. I hope you understand" sabi nya.Hinawakan ko naman sya sa balikat, trying to comfort her."Pasensya na at wala akong magawa for you" sabi ko, she smiled at me."Wala yun! So ano? Maaga akong uuwi ngayon at nakapag excuse na ko. May klase pa ba? Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?" tanong nya.Umiling ako at ngumiti."Wala na kong klase pero balak kong mag practice ng gymnastic para sa darating na competition" sagot ko.Si papa kasi hanggang 3 pm ang klase ngayon at ako naman ay 5 pm pa dapat kaso wala yung teacher namin sa last subject. Dahil wala akong sasakyan ay nagko commute ako pero madalas ay hinahatid ako ni Keisha o kaya ni Kasper.Napangiti naman ako ng maalala ko si Kasper."Okay ka lang ba Mia? Bat ngumingiti ka mag isa?" tanong ni Keisha."Wala! Sige na umuwi ka na at baka ma late ka sa lakad mo. See you tomorrow" sagot ko."Okay. Ingat ka din, bye!" sabi nito bago naglakad at kumaway sakin.Napaka swerte ko dahil napakabait ni Keisha kahit pa mayaman sya at hindi ko ka level ang buhay.Lumakad na ko papuntang gymnasium. Napangiti ako nung makita kong walang tao dito ngayon. Madalas din kasing nagpa practice dito ang basketball team at cheer dancers. Nagpunta na agad ako sa changing room at nagpalit ng damit.Nag stretching muna ako bago ako nagsimula sa pagtalon sa trampoline at magsimula ng magsabit sabit na may exhibition.Nasa bandang gitna na ko ng makarinig ako ng tawanan, hindi sinasadyang mapalingon ako kaya nagkamali ako ng bagsak sa foam."Ouch" sabi ko at hinawakan ang paa kong na sprained.Narinig kong may mga yapak na papalapit sa akin. Hindi ko na pinansin dahil sobrang sakit ng paa ko. Bakit ba kasi tumingin pa ko sa kanila?"Hey there, Amilia" narinig kong tawag sakin ni Dette. Kumunot ang noo ko dahil sa tinawag nya sakin. Tiningnan ko silang tatlo ng masama.Si Natalia, Dette, at Carrie. Si Natalia ang leader ng cheer leading squad at miyembro nun yung dalawa nya pang kasama."What do you need from me?" diretso kong tanong sa kanila."Why? Bawal ba kami dito?" maarteng tanong ni Carrie na may kain-kain pang lollipop. Napa roll eyes na lang ako."Wag na kayong magpaligoy-ligoy pa." Natalia started. "Hey Mia, we need you"Tiningnan ko naman sya ng diretso."I heard gusto mong sumali sa cheerleading. I would just like to inform you that I am more than willing to accept you in one condition"Kumunot ang noo ko. Matutuwa na sana ako na makakasali na ako sa cheerleading squad pero may condition pa pala."Ano naman yun?" tanong ko.Nagtawanan silang tatlo. Nagtataka din ako kung sino naman nagsabi na gusto kong sumali sa squad nila."I'll tell you pag determinado ka na talagang sumali samin. Ayaw mo bang makasali sa special modelling class namin? Alam mo din ba na kaming nasa special class na yun ay pinaparampa na at napi feature na sa mga magazine" sabi ni Natalia kaya nanlaki naman ang mata ko.Seriously? Bata pa lang ako gusto ko ng ma feature sa isang magazine at dream come true ko ang maging magazine cover."I'm sure you'd like that. So I'll see you around" sabi ni Natalia at tumalikod na sila.I badly wanted to join them. Nagbabakasali din ako na mag iba ang ugali nila once na kasali na ko sa grupo nila. Pero ano ba yung condition?Mga ilang minuto pa kong nakaupo sa foam dito dahil hindi din ako makatayo sa sakit ng paa ko. Nakita kong magdidilim na kaya kahit masakit ang paa ko ay nagpilit na kong tumayo. Pero pag tayo ko ay bigla akong bumagsak.Napangiwi ako sa sakit. Parang maiiyak ako. Nasaan ba si Papa?Nagulat ako ng may dalawang pares ng black shoes ang huminto sa harapan ko.Napatingala ako at kasabay noon ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa harapan ko ay nakatayo at naka ngiti ng malawak si Kasper.Si Kasper na kahit nerdy at baduy ay ultimate crush ko.Sa past two months naming magkakilala ay tuluyan nya ng niyanig ang pader ng puso ko. Napaka bait at gentleman nya. Hindi man sya sabay sa uso manamit pero yung mga ngiti nya sobrang nakakalusaw. Tapos kapag nagsasalita pa sya kayang-kaya ka nyang i comfort at patawanin."Kasper anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Napakamot sya ng ulo dahil medyo may pagka mahiyain kasi si Kasper."A-ano kasi dinala ako ng paa ko dito dahil may damsel in distress akong dapat tulungan" sagot nya.Napatawa naman ako pero kinikilig talaga ako. Nagulat ako nung yumuko sya. Binalutan nya ng puting tela ang paa ko. Habang ginagawa nya yun ay pinagmasdan ko ang mukha nya.Grabe! Ang tangos pala ng ilong nya. Ano kayang itsura nya kapag nakaayos ang buhok at naka porma? Hindi ko ma imagine pa dahil baka magwala ang buong sistema ko."Ayan, wag ka munang maglakad masyado kasi lalong hindi gagaling yan" sabi nya. Tumango naman ako, I tried to stand up pero mas nagulat ako ng buhatin nya ako. Yung buhat na pang bridal style."K-kasper" tawag ko sa kanya."H-hindi mo kasi kayang maglakad mag isa kaya bubuhatin na kita. Isa pa wala na halos estudyante dito" sagot nito sakin.Habang karga nya ko, isa lang ang hinihiling ko. Sana! Sana hindi nya marinig ang malakas na pagkabog ng puso ko.Dumaan muna kami sa locker room para kunin ang gamit ko.Buhat buhat nya pa din ako hanggang parking lot, ibinaba nya lang ako nung maisakay nya na ko sa kotse nya. Medyo nalungkot pa nga ako dahil nag e-enjoy akong amuyin sya.Ang bango bango ng isang Dylan Kasper Pendleton!Nakangiti ako ng mapatingin ako sa labas. Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero parang nakita ko si Keisha na nakatingin pero paglingon ko, wala naman. Pagod na siguro ako! Kanina pa umalis yung isang yun!Nagku-kwentuhan lang kaming dalawa ni Kasper buong biyahe at yung mga moment na ganito ang pinaka gusto ko dahil I get to know Kasper at nasosolo ko pa sya."Kasper, if you don't mind me asking. Nagkagusto ka na ba sa isang babae?" tanong ko. Bahala na! Wala na ang pagka dalagang pilipina sakin.Mabilis na nag iwas ng tingin sakin si Kasper kaya medyo nalungkot ako. May nagugustuhan sya at ayaw nyang pag usapan namin yun."Ayos lang naman kung ayaw mong pag usapan. Nandito na pala tayo sa bahay, bababa na ako" sabi ko dahil bigla akong kinain ng hiya."Wait lang, Mia" napahinto ako sa pagbukas ng kotse at tumingin sa kanya. "Hindi pa ko nagkakagusto kahit kanino" sagot nya kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. "Ngayon pa lang" dagdag nya.Alam mo yung pakiramdam na binigyan ka ng 1 million tas biglang binawi at sinabing joke joke lang?"Ah ganoon ba?" I faked a laugh. I felt a stabbing pain in my heart. Whoo Mia! Crush mo pa lang sya nyan sa lagay na yan ha?! "Sana makilala ko din sya"Ngumiti lang si Kasper, hindi na ako nagulat nung bumaba sya at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan nya kong makalakad hanggang main door. Sayang! Umasa pa naman ako na bubuhatin nya ko.Ang assumera ko talaga no?Nagulat ako ng bumukas ang main door at bumungad si papa samin. Hala! Maaga nga pala ang tapos ng klase nya ngayon."Good evening po, Professor Torres. Hinatid ko lang po si Mia dahil gabi na at nagka sprain sya" bati at paliwanag ni Kasper.Bumaling si papa sa kanya at kinakabahan ako dahil baka anong isipin nya at pagalitan nya si Kasper."Okay lang hijo! Ano ka ba? Feel free na laging ihatid at sunduin si Mia. I'm sure my daughter would like that, diba Mia?" pabirong sabi ni papa.Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Sana pala nagalit na lang sya kesa inaasar nya kami! Bahagyang tumawa si Kasper at napahawak sa batok nya."G-ganoon po ba? Sige po, wala pong problema. Mauuna na po ako, prof! Good night na din po" paalam ni Kasper. "Goodnight, Mia" baling nya sakin."Goodnight" sagot ko kaya ngumiti ito sakin bago naglakad pabalik sa kotse nya."Ingat, Dylan!" sigaw ni papa. Nag wave pa si Kasper sa amin bago tuluyang umalis.Hinampas ko naman agad si papa as soon as makaalis yung kotse ni Kasper."Papa naman!" sita ko dito pero tumawa lang sya."Bakit?" nagmamang-maangan nyang tanong."Nakakainis ka! Ang pang-asar mo!""Gusto ko si Dylan! Sa tagal kong nagtuturo sa eskwelahan na yun sya lang ang natatanging bata ang nagustuhan ko ang pag uugali. Napakabait at napakagalang, idagdag mo pa na napaka talino at mayaman. Sya na ba ang boyfriend mo?" nanlaki ang mata ko sa tanong nya.Diba ang mga tatay strict at ayaw magka boyfriend ang anak nila? Bakit yung akin ang supportive?"Papa! Hindi!" sagot ko. Nginitian nya lang ako ng nakakaloka bago ako inakbayan para maalalayan makapasok sa bahay."Hindi habang buhay nasa mundo ako. Kung darating ang panahon na mawawala ako ay mapapanatag ako kung si Dylan ang kasama mo" sabi nya. Sasagot sana ako kaso isinarado nya na ang pintuan sa likod ko. "Tara na sa dining. Nagluto ako ng paborito mong sinigang"Napangiti naman ako at nagpa-akay na sa loob ng bahay.AmiliaFlashback--Nagmamadali akong magpunta sa locker ko at nakita kong nakasunod sakin si Keisha.Nung marating namin ang locker ko ay halos mapunit ang bibig ko sa sobrang lawak ng ngiti ko.Another dozen of red roses.Mabilis kong kinuha ang sulat na naka attach dito.Nakita kong tumabi sakin si Keisha. Nakangiti din sya at mukhang excited na malaman kung ano ang nakasulat doon."Do I love you? My god, if your love were a grain of sand, mine would be a universe of beaches."— William Goldman, The Princess Bride"Another quote" sabi ni Keisha sakin. "Grabe yung ngiti mo pero quote lang naman pala ang laman. Hindi naman nagpapakilala yang secret admirer mo" dagdag nya pa."Keisha! Ano ka ba?! It's enough for me. Atsaka may hint naman ako kung sino to" sabi ko.My heart is pounding! Kilig na kilig talaga ako sa araw araw kasi sa loob ng halos isang buwan ay nakakakuha ako ng roses, na may naka attach na note sa locker ko.Naaalala ko pa na sobrang tuwang tuwa si papa nung mag uwi ak
Amilia's POV.Sumunod lang ako sa mommy ni Kasper. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan diba? Kinakabahan talaga ako! Mamaya may pagka Lady Tremaine pala sya. Buti pa si Daddy Dawson. Hanep! Saan ako kumuha ng lakas ng loob na maki daddy haha"Mia, right?" napatingin ako kay Tita Rose ng tawagin nya ko."O-opo" kinakabahan kong sagot. Hindi mo iisiping mommy sya ni Kasper kasi parehas sila ni Daddy Dawson na parang young looking at pwedeng pumasang kapatid ni Kasper.Ngumisi sya. Halatang ramdam nya ang kaba ko."Natatakot ka ba sakin?" diretsa nyang tanong.OMG! Straight forward syang tao! Kaloka mas trumiple ang kaba ko.Pero kahit kinakabahan ako. Umiling ako at tipid na ngumiti.Nagulat ako ng tumawa sya."You're scared of me, aren't you? Wag ka ng magsinungaling. Halatang halata sayo. Namumutla ka na" she said and then chuckled."P-pasensya na po. First time ko po kasi" sabi ko."Really? Hindi ka pa nagkaka boyfriend?" tanong nya habang naglalagay ng bak
Amilia's POV."Mia!" napalingon ako sa tumawag sakin. Mabilis ko namang pinunasan ang luha ko ng makita kong kumakaripas papalapit sakin si Kasper at Keisha.Tumayo ako at mabilis na lumapit kay Kasper. Mabilis akong yumakap sa kanya at hindi ko na napigilang mapaiyak muli."Mia" he called me. Just hearing him call me, somehow gumagaan ang pakiramdam ko. "Ssssshhhh tahan na, magiging okay din si tito"Bumitiw sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako sa mata bago kumuha ng panyo at punasan ang mga luha ko."P-paano kung hindi? Kasper natatakot ako, ayokong mawala si papa sakin. Sya na lang ang meron ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ko na patuloy pa din ang pag iyak.Bigla na lang bumagsak si papa kaninang tanghali. Walang pasok ngayon dahil linggo kaya sa bahay sya nawalan ng malay, sobrang namumutla sya. May sakit sa puso si papa kaya grabe ang takot ko.Hindi ko na alam kung pano kami nakarating sa ospital, iyak ako ng iyak at hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang doktor
Amilia's POV.I am feeling numb as I looked at the gate of Vistoun University. Papasok na ko ngayon at pakiramdam ko kinakain ako ng kaba ko.Tatlong araw ang nakalipas matapos nya kong kausapin, I used that 3 days to make the hardest decision in my life.Natigil ang pag iisip ko ng mag ring ang cellphone ko, and it breaks my heart ng makita ko ang name ni Kasper sa caller ID.I declined the call, hindi ko alam kung ilang calls at text na ang hindi ko pinansin sa nakalipas na tatlong araw. Hindi ko sya kinausap, bakit pa? I am about to destroy him.Pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko habang inaalala ko ang nangyari sa opisinang yun.Flashback"Kamusta Mia?" nakangiti nyang sabi sakin.I felt so awkward lalo na sa way ng pag ngiti nya sakin."I don't remember na close tayo, bakit ka nandito Natalia?" I asked her directly.Ngumisi sya at bumalik sa inuupuan nyang swivel chair."Tsk I really don't think we can get along pero what can I do? Hays, I can't believe I'm following orders from
Amilia's POV."Mia, teka lang!" napahinto ako ng hatakin ako ni Kasper sa braso."A-ano ba Kasper?! Bitawan mo nga ako!" pinilit kong lakasan ang boses ko at marahas na hinatak ang braso ko.Gusto kong umiyak, ang bigat bigat sa pakiramdam ko. Simula pa kahapon, ayokong gawin kay Kasper to."Mia, may nagawa ba kong mali. Can you please tell me, bakit ka ganyan?" malumanay nyang tanong. Kasper is looking so down right now. Mukhang hindi sya nakatulog dahil kahit makapal ang glasses nya ay kita kong namumula ang ilalim ng mata nya."Wala, pagod lang ako. Pwede ba, sige na aalis na ko" sabi ko.
Amilia's POV."Mia, anak! Anong ginawa mo, hindi mo dapat ginawa yun!" napahinto ako sa pag aayos ng kama ni papa ng magsalita ito.Naka wheel chair na si papa at papalapit na sya sakin. Hindi ko na kailangan pang manghula, malamang nalaman nya na din finally ang nangyari sa amin ni Kasper."Akala ko, busy lang masyado si Dylan sa eskwelahan kaya hindi sya dumadalaw, kung hindi ko pa nalaman kay Dawson na lumipad na papuntang amerika si Dy-Nabitawan ko yung unan na hawak ko."Pumunta na ng amerika si Kasper?" wala sa sarili kong tanong.
Amilia's POV.Nanghihinayang akong bumaba ng taxi. Pano ba naman kasi, nakakahinayang yung pinambayad ko. Ano ba naman kasi tong main branch ng Pendleton Bank, walang dumadaan na jeep or bus or tricycle e di sana nakatipid ako. Kung wala kang sasakyan mapipilitan ka talagang mag taxi or uber, like me.Waaaah! Magtitipid ako ng husto ngayong week na to. Tumingala ako sa magandang building na nasa harap ko."Wow ang yaman talaga nila Tito Dawson" hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng building na to. Parang sinasabi lang naman nila sa buong mundo na mayamang mayaman sila.
Amilia's POV."Amilia Selene Torres!" sigaw ni Alice sakin.Nagtakip ako ng unan sa mukha ko. Pansin nyo naman kung gaano kabungangera yang kaibigan ko diba?"Hindi mo to bahay! Umuwi ka dun sa bahay mo kung di ka babangon dyan ngayon mismo!" sigaw nito.Napilitan naman akong tumayo at sumimangot sa kanya. Nandito ako ngayon sa bahay nya at guess what 9pm na! Diba may usapan kami ni Dylan na pupunta ako ng 5?Well, kinain na ko ng kaba at sobrang natakot na sa papasukin ko. Hindi ako nakapunta at ngayon? Nagtatago ako sa bahay ni Alice, dahil alam kong alam ni Dylan na nandoon lang ako."Oh ano? Gaganyan ka na lang! Hoy Amilia, naku madi disappoint sayo si tito nyan! Ito na, chance mo na to diba?" pagpapatuloy ng sermon ni Alice."Chance? Saan ang chance doon?" bored kong sagot sa kanya."Pakakasalan ka na nya. My goodness! Nung kinuwento mo sakin kagabi yun, hindi talaga ako dapat maniniwala, aside sa mabigat sa kalooban ko dahil love of my life ko si Dylan, hindi kasi kapani-paniwal