Share

THE REVENGE OF MY NERD HUSBAND
THE REVENGE OF MY NERD HUSBAND
Author: KayeEinstein

Chapter 1

AMILIA

Flashback: 10 years ago.

Bumaba ako ng taxi na sinakyan ko at bumungad sakin ang napaka gandang eskwelahan na ito. Sa structure pa lang alam mo na, na mga elite people o sobrang yayaman lang talaga ang nakakapasok dito.

Lumakad na ko papunta sa main gate at sinalubong ako ng higit sa sampung security guard! At hindi sila yung tipo ng security guard na nakikita mo lagi, ang mga ito naka suit na itim lahat.

Wow! Pati sa security guard, high class.

"Excuse me miss, how may we help you? This school is a private property" sabi nung isang guard sakin.

Ang taray, umi english si Kuya!

"Hi mga kuya, nandito ako for Mr. Torres. Teacher sya dito, anak nya ko at first day ko ngayon. Transferee ako kaya wala pa kong ID" pagpapaliwanag ko.

"Sige wait lang miss ha, paki tanong nga sa faculty kung may kilala silang, ano nga palang pangalan mo miss?" tanong nung isa sakin.

Ugh! Bakit pa kasi kailangang itanong yun? Napag iwanan na ng ilang dekada ang pangalan ko! I sighed before I answered.

"Amilia Selene Torres po" sabi ko.

Inulit nyo yung pangalan ko sa may radyo nila.

Gumilid kami dahil may magandang sasakyan na papasok sa gate.

"Nandito na si Mr. Pendleton, pakibuksan na ang gate" sabi nung isang guard na nagmamadali.

Mukhang bigatin yung nasa kotse dahil natataranta sila. Teacher kaya o baka yung principal?

Nung bumukas yung gate ay pumasok na ang sasakyan at sinarado na ulit yun kaya naghintay na ulit ako.

Narinig kong nag beep yung radyo nung isang security kaya kinuha nya ito at tila may kinakausap doon.

"Ano po mga kuya? Forever is not enough po ba sa paghihintay ko dito?" tanong ko. Ang init kaya dito sa labas!

Hindi kaya inalagaan ng mama ko ang kutis ko para lang sirain ko ng ganito. Ito na nga lang ang naiwang pamana nya sakin.

"Okay na miss, pasensya na at nag iingat lang. Pumasok ka na at nasa faculty room daw po si Mr. Torres" sabi nito sakin.

"Okay, saan po pala yung faculty?" tanong ko.

"Yung gold na building sa loob sa may likod ng gymnasium"

"Sige, salamat mga kuya! By the way, ang gaganda ng outfits nyo" sabi ko at nag wave pa sa kanila pero weird naman nila akong tiningnan.

Pagpasok ko sa loob ay halos mapanganga ako. Eskwelahan ba talaga to?

Binasa ko ang nakalagay na pangalan ng university sa taas.

Vistoun University

Sabi ni papa kahit university ang nakalagay dyan, hindi lang university meron dito. From pre-school to college tong school na to! Ang bongga diba?

VU is a very popular school dito sa bansa. Ang daming naghahangad na makapasok dito pero hindi lahat pwede. Mga sobrang yayaman at malalakas lang ang koneksyon ang nakakatungtong at nakakapag aral sa eskwelahan na to. Come to think of it, sino ba namang tao ang magbabayad quarterly ng half a million para sa tuition fee?

Maswerte lang ako dahil teacher si papa dito at hindi lang basta teacher dahil kilala syang professor kaya napakiusapan nya ang admins na dito na lang ako mag aral.

Napangiti ako, walang wala ito sa school ko dati, sa laki pa lang at ganda ng building.

Habang naglalakad ako ay nadaanan ko ang building ng iba't ibang year level. May soccer field din at swimming pool. Mayroon ding park at playground sa loob. Ang laki din ng parking lot at napaka sossy ng cafeteria dahil yung mga nagse serve doon ay mga high class chef talaga.

Sa wakas narating ko na din ang faculty building. Nakarating ako ng 4th floor at doon ko lang nahanap ang office ni papa.

FERNANDO TORRES

Literature Professor

Kumatok ako at binuksan ko agad yun.

"Hi papa!" bati ko sa kanya. Nakita kong nagliligpit sya ng mga folders sa mesa nya. Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Hi Amilia, my favorite daughter" sabi nya. Sumimangot ako at lumapit sa kanya. Hinalikan ko sya sa pisngi.

"Papa naman, Mia na lang atsaka ako lang kaya anak mo, ikaw talaga" sabi ko kaya tumawa sya at ti-nap ang ulo ko.

"Dalaga na nga ang anak ko pero wala ka pa bang boyfriend?" tanong nito sakin.

"Papa!" inis kong baling dito.

"What? I'm just asking" sabi nya.

"Wala, wala akong boyfriend" sagot ko.

"Why? Ang dami namang nanliligaw sayo. Don't tell me pihikan ka din like your mom?" he asked.

"Let's say that, pero papa ang gusto ko kasi yung magiging boyfriend ko, katulad mo, wala pa akong nakikita kaya wala pa" sagot ko. He smiled widely because of my answer.

"O sya, may klase na ko at ikaw rin hanapin mo na ang room mo para hindi ka ma late. Ito ang schedule mo" sabi nya sakin at inabutan ako ng pink na card kung saan nakasulat ang subject, oras, at room na dapat kong puntahan.

"Sige po pa, bye! Thank you" sabi ko at tumalikod na.

"Amilia" tawag nya sakin. Hinarap ko sya ng nakasimangot. "Mia pala" sabi nya at tumawa. "Welcome to Vistoun University"

I smiled at him once again bago ako tuluyang lumabas ng opisina nya.

Actually dream ko din talagang makapasok sa university na to. 4th year highschool na ko ngayong taon na to. Kahit na graduating na pinush ko talagang dito grumaduate ng highschool at sana dito na din makapag college. Why? Because as I said, Vistoun is one of the best college here in the Philippines. Nangunguna sila sa pagpo produce ng mga sikat na artista at modelo, ganoon na din sa mga kilalang tao sa larangan ng sports, medisina, at business.

If I haven't told you yet, I am doing gymnastic at gusto kong makasali sa mga world gymnastic competition. Gusto ko ring maging model at alam kong ang eskwelahan na ito ang makakatulong sakin.

Sabi nga nung iba, kung walang Vistoun sa resumè mo, bakit ka pa mag a-apply. Totoo naman, mas malaki ang chance ng mga nanggaling sa Vistoun ang matanggap sa trabaho.

I am planning to take Fine Arts in college. Okay din yun dahil simula highschool hanggang college dito ay may dalawa kayong extra subject na all about modelling and acting. So alam mo na ngayon why they produced the country's finest actors and actresses.

Dumaan muna ako sa restroom dahil naiihi ako. I looked at myself in the mirror and smiled. This will be a great day.

Naisipan ko munang pumasok sa gymnasium para makita sana ang mga gymnastic equipments nila.

Papasok na sana ako ng may bumangga saking mga babae. Nagsilaglagan sa lapag ang mga gamit ko at maski ako ay natumba.

I looked at them, hoping that they will apologize for bumping me or let's say for pushing me pero sa halip ay nagtawanan pa sila.

"Miss, wag kang paharang-harang dito" sabi nung isang babaeng may mahaba at itim na buhok.

"Tara na girls, wag na tayo mag aksaya ng panahon sa mga basura" sabi nung short hair na babae.

Lahat sila nagtawanan pa ulit before they turned their backs on me and they even sashayed! For heaven sakes! Akala mo naman ang gaganda!

Naku kung hindi lang ako bago dito pagsasabunutan ko yung mga yun! Nakakahiya lang din kasi kay papa kaya ayokong gumawa ng gulo.

Tatayo na sana ako nung matumba ako muli. Wala kasi akong bwelo.

"Need a hand?" napatingin ako sa kamay na nasa harapan ko at dumako ang tingin ko sa lalaking nag aalok nun.

Maputi, chinito, matangkad din sya pero ang baduy nya pumorma. Idagdag mo pa ang mala harry potter nyang salamin.

Kumapit ako sa kamay nya para makatayo.

Nagulat ako nung yumuko sya at pinagpupulot ang mga gamit ko na nasa lapag. Nung mapulot nya lahat yun ay inabot nya sakin yun at ngumiti.

"You better be careful, ganyan talaga sila Natalia and her friends" sabi nito sakin.

"Salamat" sabi ko bago ngumiti sa kanya.

"No problem! So bago ka dito? Di pa kasi kita nakikita before" he started.

Sa way ng pagsasalita nya at pag i english nya parang lumaki talaga sya sa ibang bansa pero okay naman yung pagtatagalog nya and his english accent is making him more cooler.

"Transferee ako! Anak ako ni Professor Torres. I am Mia by the way" sabi ko at inilahad ang kamay ko for him to shake.

"Mia what?" he asked, maybe asking for my surname.

Here we are again with my super cute name!

"Amilia Selene Torres pero kapag tinawag mo kong Amilia, banned ka na sakin" sabi ko.

Tumawa sya kaya napangiti ako. He's so old fashion pero alam kong mabait sya.

Tinanggap nya ang kamay ko, finally!

"Nice meeting you Mia. I'm Dylan Kasper Pendleton" sabi nya.

"Pendleton?! Yung nakasakay sa sasakyan kanina?! Wow ang cool mo! Marunong ka na mag drive?" tanong ko.

"Kailangang matuto" sabi nya bago humawak sa batok nya.

"Oh! Rich kid nga pala ang mga tao dito, what do I expect? Pero ano ba ang dapat itawag ko sayo?" tanong ko sa kanya.

"Well, ang nakakarami dito ang tawag sakin ay nerd at baduy pero yung mga bilang na kaibigan ko, Dylan ang tawag sakin" sagot nya.

Kumamot ako ng ulo. Mukhang nakakaranas ng matinding bullying ang isang to.

"Ay wag na yun! Kasper! Kasper na lang ang itatawag ko sayo para unique" sabi ko.

"Ikaw ang bahala" sagot nya.

"Friends na tayo ah?" sabi ko.

"Oo naman" he answered and smiled at me.

"Dylan! Dylan!" napatingin ako sa isang babae na tumatakbo sa direksyon namin.

"Oh, bakit Keisha?" tanong ni Kasper nung makalapit ito samin.

"Ah y-yung report ko nandoon na sa table mo" sabi nito.

"Okay salamat! By the way Keisha, this is Mia, transferee sya dito. Mia this is Keisha. Sya ang vice president ng Student Government dito" pag iintroduce saming dalawa ni Kasper.

"Hi Mia! I hope we get along!" nakangiting sabi sakin ni Keisha.

"We will" I answered while shaking her hand.

That day I met Kasper and Keisha whom I never thought will be a important part of my life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status