“Nakarating na ba ang mga bata sa kanilang paaralan?” Tanong ni Carlo habang nakakusot ang kanyang noo.“Opo Boss, inihatid po sila mismo ni Thessa.” Sagot niya.Bahagyang itinaas at ikinaway ni Carlo ang kanyang kaliwang kamay, at iniutos na lumabas ng isang kasama.“Boss Carlo, mukhang hindi maganda ang iyong pakiramdam, nais mo bang tawagin ko si Dr. Rey?” tanong ni Dylan.“Ayos lang ako.” Mahinang sagot ni Carlo.Nanaig ang katahimikan sa opisina. Nang pumunta si Carlo sa drawer niya upang kumuha sana ng panlunas sa sakit ng ulo, napabuntong hininga siya ng makitang wala na pala itong laman.Nagbukas si Carlo ng panibagong bote ng gamot. Napansin niyang sa nakaraang dalawang taon, palala ng palala ang sakit ng ulo niya, halos umaasa na lamang siya sa mga gamot para maibsan ang matinding sakit.Makalipas ang sampung minuto, ay hindi parin mawala ang sakit ng ulo niya. Ngayon, kahit pa ang pampaibsan ng sakit ay hindi na ito umi-epekto sa kanya.Naubos na rin ang insensong ibinigay
Nais ni Dylan na hilingin kay Thessa na manatili, ngunit diretso itong umalis. Bahagyang dumilat si Carlo at sinundan ng tingin ang likuran ni Thessa nang hindi man lang lumilingon.Bumalik si Dylan sa loob ng ward at nang makita niyang nakasandal sa sofa si Carlo at nakahiga, nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang ang lalaki ay hindi narinig ang mga salitang iyon.Nang makababa si Thessa sa palapag ng ospital, kung saan hinihintay na siya ng kanyang driver sa gilid ng kalsada.Nang makasakay na siya sasakyan ay muli niyang pinag-isipan ang mga pangyayari sa araw na iyon.Ang huling kliyente na pinakuha niya kay William ay ang ama ni Mark Dee Roa. Kung saan humihingi ito ng tulog mula sa J's Laboratory para sa kanyang anak na kakadiskubre pa lamang.Nagkataon lang na nasa White House siya kaya pumunta siya sa ospital para dalawin ito.Nang siya'y nasa kolehiyo pa, ang kalusugan ni Mark Dee Roa ay di-lubos na mainam. Patuloy siyang pumapasok sa mga pansamantalang trabaho sa buong t
Tinawag ni Thessa ang kanyang dalawang kambal na anak at inutusan upang sumakay na sa sasakyan, ngunit hindi niya namalayan na ang munting batang si Bella ay naka kapit pala sa binti ng pantalon ni Carlo.Pagkaluhod ng lalaki, ang manipis niyang mga labi ay dumampi sa isang nakapatong na matamis at malapot na malagkit. Bahagyang kumislap ang kanyang mga matang itim, at hindi niya namalayang napatingin siya kay Thessa.Sa tabi ng kanyang labi, ay ang kending kinagat ni Thessa kanina lamang.Kahit na hindi pa gaanong kagusto ni Bella itong si Carlo ngayon, ngunit naisip niya ang habilin ng kanyang Ina sa kanya, na dapat ibahagi ang mga magagandang bagay sa iba.Ang kanyang Ina at mga kapatid niya ay nakatikim na ng matamis na kending iyon.Kaya kahit paman labag sa kanyang kalooban, hinayaan ng munting si Bella na matikman ito ng Tito Carlo niya. “Kagat.” matigas na wika ni Bella.Malapad na ibinuka ni batang babae ang kanyang bibig upang maipakita rito.Sumalubong sa ilong ng lalaki a
Dahil sa mga salitang binitawan ni Thessa, sumabog ang galit ni Carlo.Isang hakbang ang kanyang inilapat, ang buong karisma ay nagpapahayag ng matinding pagkondena dahil sa paulit-ulit na pag atake kay Trixie.“Napag-alaman na ang katotohanan hinggil sa huling pangyayari, si Trixie ay walang sala.” Matigas na boses ni Carlo.Puno ng galit at paghihiganti ang mga salitang sinabi ni Thessa: “Bawat ebidensyang aking nakalap ay isang katibayan ng pagkakasala ni Trixie.” aniya.Kung hindi sana nakailam si Carlo at tinulungan niyang maalis ang paratang, malamang nasa bilangguan na ngayon si Trixie, muling nagkakaisa kasama ang kanyang pamilya.“Kung napatunayang siya nga ang may sala, hindi ko siya pagtatakpan. Ngunit ang katotohanan ay hindi ganoon, Thessa, hindi natin dapat paratangan ng kasalanan ang isang inosente dahil lamang sa isang bata.” sagot ng lalaki.“Maling paratang sa isang inosente?” “Ha!” ani Thessa.Naniniwala si Thessa na lubos na naimpluwensyahan ni Trixie ang lalaki.
Ang batang babae ay nakasuot ng tsinelas at lumapit sa kama upang tingnan ang Tito Carlo niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamausisa.Ikiniling ni Bella ang kanyang ulo at bahagyang tumingin sa kanya, “Si Tito ay may sakit.” Aniya.Kahit nakakatakot ang dami ng karayom na nakatusok sa katawan ng lalaki, ngunit hindi na masakit ang ulo niya.Hawak ng batang babae ang isang bote ng gatas gamit ang kanyang bibig, isinandal ang kanyang mga kamay sa gilid ng kama, at umakyat gamit ang kanyang maikling mga binti.Bahagyang umupo ang batang babae na nakakrus ang mga binti sa tabi ni Carlo, hawak ang bote ng gatas umiinom siya habang nakatingin sa mga karayom na pilak na nakatusok sa katawan ng lalaki, at tahimik na naghihintay sa pagdating ng kanyang Ina.Dumating si Thessa at agad na nakita ang isang mapayapang tanawin.Ang kanyang anak na babae ay nakahiga sa tabi ni Carlo habang umiinom ng gatas, ang ulo, kamay, at dibdib ng lalaki ay puno ng pilak na karayom na kanyang inilagay, a
Parang nabalot ng kawalang-kaya si Thessa, ang kanyang kaluluwa’y tila naglalayag sa dagat ng kawalan. Bago siya umalis, nagbigay siya ng payo sa lalaki, na magpatingin ito sa doktor.Patindi ng patindi ang sakit ng kanyang ulo, tila ba parang isang bulkan na malapit ng sumabog. Kung magpapatuloy siya sa ganitong kalagayan, madali siyang malilito sa pag-iisip.Tahimik na pinapanood ng lalaki ang pag-alis ni Thessa.Ang silid ay nanatili pang amoy-gatas mula sa inumin ng batang babae, at may banayad na halimuyak din ng sabon na ginagamit ng dalawang anak niyang lalaki, na kasing bango ng kanilang Ina.Bagama't isang silid panauhin iyon, ay nakaramdam siya ng antok, isang pakiramdam na matagal na niyang inaasam. Unti-unting nanakop sa isipan niya, hanggang sa tuluyan siyang makatulog.Kinabukasan, iyon ang unang beses sa mahabang panahon na nakatulog si Carlo ng mahimbing.Pagbaba niya, abala na sina Kenzo, Kerby at Bella sa agahan, maayos at tahimik na kumakain ang tatlong mga bata, a
Bihira lamang maglambing sa kanya ang batang si Kenzo, kaya't napayuko si Thessa at tinanong siya, “Bakit, anong problema?”“May sakit si Tatay, pwede po bang hindi na muna ako pumasok ngayon? Dito nalang ako at samahan siya.” Paglalambing na boses niya sa Ina.“Gusto ni Kenzo na alagaan ang kanyang Tatay,” sabi ni Thessa habang bahagyang nakagat ang labi.“Masaya si Nanay, ngunit kailangan mong pumasok sa klase, aalagaan naman si Tatay ng mga kasambahay pag-uwi niya sa bahay.” Mahinahong wika ni Thessa.Kung sakaling may hindi inaasahan, naroon naman si Trixie para tumulong.Napayuko si Kenzo dahil sa pagkadismaya. Mahinang bulong niya, “Pero gusto kong makasama sina Bella at Nanay, at gusto ko rin alagaan si Tatay.” aniya.Mula sa pagyuko. nag angat ng tingin si Kenzo, puno ng pag-asa ang nasa kanyang mga mata. “Nanay, hindi ba talaga pwedeng dito na lang si Tatay?” mapait na tanong niya sa Ina.Nang marinig iyon ni Carlo, lumingon ito sa kanila.Banayad na sinag ng umaga ang bumaba
Bakit nga ba siya matutulog? Tanong ni Thessa sa sarili nang may pagtataka.Ganap na nagulantang si Thessa sa mga sinabi nito kaya't sandali siya natigilan.Nang maihatid ni Dylan ang mga gamit ng lalaki, mabilis siyang umikot at tumakbo nang mas mabilis pa sa isang kuneho.Batid ng Diyos kung gaano halos sumabog ang puso niya nang tawagan siya ng kanyang “Maliit na Amo” para humingi ng pahintulot na umalis! Ang amo at ang sekretarya ay sabay na humihingi ng pahintulot para umalis?“Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, ipinagmamalaki ko ito habang buhay!” wika ng masayahing si Dylan.Kalmadong dinala ni Carlo ang kanyang maleta sa silid, at hindi niya nakalimutang tumango at bumati kay Thessa bago niya isinara ang pinto.“???” Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Thessa.Pagkalabas ni Carlo ng banyo, nang kunin niya ang kanyang damit na pantulog, natagpuan niyang dala pala ni Dylan ang itim na pantulog na binili para sa kanya noon ni Thessa.Sandaling natigilan ang kany
Bahagyang pinaikot-ikot ng Binata ang kanyang matulis na mga mata, sinasadyang magsalita ng may kahulugan.“Ang salitang “minamahal” ay masyadong payak. Hindi nito maipapahayag ang lalim ng aming pagmamahalan. Mas tama na sabihing ako ang kanyang paborito.” Wika ng Binata.Siya lamang ang nag-iisang pinaka bata na itinuturing kapatid ni thessa, paano naman siya hindi magiging paborito? Bawat salita ay parang nababalot ng matamis at nakakaakit na asukal, tila lahat ng sinabi niya ay parang makatotohanan.Pagkatapos magsalita ng binata. Tiyak na magiging kasing dilim ng tinta ang mukha ni Carlo.Sa sandaling iyon, sino pa kaya ang makakaalala na humingi ng gamot para tanggalin ang peklat ni Green Tea? Tila nawala na isipan ang pangunahing layunin ng kanilang pagpunta.Unti-unting inayos at naka relax si Carlo.Hindi niya pinalampas ang katalinuhan sa mga mata ng Binata. At sinundan niya ang mga sinabi nito para maipakita ang kanyang nararamdaman. Tamuyo si Carlo.“Dahil ayaw namang ma
“Talaga bang seryoso ka sa huling katanungan?” Nagtataka at bahagyang nanggigil ang boses ni Thessa.Ang tatlong tanong na ibinato ng kanyang nakababatang kapatid sa kabilang linya ng telepono ay isang malinaw na pagkakaiba sa karaniwang pananalita nito. Ngunit ang nagtanong ay hindi nakakita ng anumang mali sa kanyang tanong.“Bakit parang nahihirapan kang sagutin?” Patuloy na tanong ng Binata, nang makita niyang hindi pa ito sumasagot.Tumitig ang matatalim at malinaw niyang mga mata sa mga mata ng lalaking nasa harapan niya. Parang sumi-simula ang galit at pagkadismaya sa mga mata nito, na para bang ibunubuhos ang lahat para kay Thessa.Ang binata ay may mukhang mala anghel, perpekto at kaakit-akit. Ang kanyang mga tampok ay tila hinuhubog ng mga Diyos, na may mga mata na nagniningning ng pagkamausisa at isang ilong na matayog na parang tuktok ng bundok. Nag tutugma ito sa mga panlasa ng mga babae sa panahon ngayon.Kahit na ito'y hindi na bata, ang kanyang mukha ay nag niningning
Ang mga abalang araw na nagdaan ay naglagay ng malalim na gulo sa kanyang mga kaisipan. Si Thessa ay naglalakbay sa pagitan ng kasalukuyan at nakaraan, na parang isang bangka na naglalayag sa dagat ng kanyang mga sariling alaala. Naisip niyang nanaginip na naman siya. Isang panaginip na puno ng mga alaala. Napanaginipan niya ang limang taong ng nakaraan ng pagsasama nila ni Carlo… “Asawa ko, bakit hating gabi kana nakauwi? Nakatulog na ako sa kakahintay.” mahinang bulong ni Thessa. Ngunit hindi siya lubos na nagkakamalay. Ang kanyang boses ay malambing at maamo, ay tila naglalakbay sa pagitan ng panaginip at ng katotohanan. Nakahiga si Thessa at nakatulog agad nang dumampi ang kanyang ulo sa unan. Ang katawan ay tila hinahanap ang kaligtasan ng tulog, Naiwan si Carlo na nakatayo, ang kanyang katawan ay tila nag-uukit sa bawat paggalaw ni Thessa. Naningkit ang kanyang mga mata, at tumingin sa babaeng nakahiga sa kama. Ang kanyang isip ay naglakbay pabalik sa nakaraan, nagtatano
“Isipin mo ng mabuti, at hihintayin ko ang sagot mo mamaya.” ito ang huling sinabi ni Thessa sa lalaki.Tahimik na sumandal si Carlo sa dingding, bahagyang nakayuko ang kanyang tuhod, at ang kanyang makapal at mahabang mga pilik mata na parang itim na mga pamaypay ay nagbigay ng mahinang anino, at tumingin siya sa lupa ng matagal.Nagmamadaling umalis si Thessa kasama ang babaeng katulong.Biglang lumala ang kalusugan ng babaeng si Fatima, at nagsimulang bumaba ang iba't-ibang mga taga pahiwatig ng kanyang kalagayan. Para bang nawalan na ito ng ganang mabuhay.Nang makabalik si Thessa sa ward ng dalawang kambal ay hating gabi na.Nadatnan niyang maagang natulog ang mga ito.Sa loob ng ward, wala nang bakas ni Carlo.Tinakpan ni Thessa ng kumot ang mga bata at akmang hihiga na siya sa sofa para magbantay nang marinig niya ang paggalaw mula sa balkonahe.Sa madilim na sulok, nakatayo ang isang lalaking manipis ang suot, at nakatingin sa kanya. Nakaramdam ng takot si Thessa at malakas an
Halos mabuwal siya, ang kanyang maliit na katawan ay tila lumulutang sa hangin.Napatayo si Thessa at William, parehong nag-aalala. Sa isang iglap, sabay nilang inangat si Bella at dinala siya sa kama.Mabilis na hinubad ng munting bata ang kanyang suot na sapatos at agad na sumiksik sa bisig ng kanyang Ina. Nakasuot ng medyas, humihingi ng yakap.Kinuha ni William ang hindi pa tapos na pagkain sa kama. Ang kanyang mga galaw ay mahusay at natural lang, nakatingin siya sa isang Ina at munting batang babae ng may malumay at mainit na mga mata.“Bella, magpakabait ka, may sakit pa si Nanay mo, hindi pa kita mahahawakan anumang oras. Dadalhin ka ni Tito mo pabalik sa kwarto mamaya para magpahinga, okay?” mahinahong sabi ni Thessa, ang boses niya ay may bahid ng pagod at lambing.Tumango ng masunurin ang munting si Bella, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-unawa. Mabilis siyang lumayo sa mga bisig ng kanyang Ina.Niyakap ni Thessa ang kanyang munting supling at hinalikan, ang kanyang bose
Nais sanang bulalas ni Thessa: Nagdadalang tao ako sayo! Ngunit ang matinding pagdurusang nararamdaman niya sa kanyang sinapupunan ang nagpahina sa kanyang mga bisig upang bumagsak.Ang pagod na kanyang dinanas sa nakalipas na dalawang araw ay nagdulot ng kanyang kawalan ng malay.Naramdaman niyang bumagsak siya sa isang malamig na yakap. May naririnig siyang mahinang bulong na puno ng pag-aalala at kaba, tila boses ni Carlo, ngunit hindi niya mawari.Ang kanyang utak ay nag-aalinlangan, napaka imposible ng kanyang iniisip. Dahil sa hindi siya gusto ni Carlo, at kinasusuklaman siya nito. Tanging si Trixie lamang ang nasa puso ng lalaki.“Propesor Thessa, gising na po kayo!” boses ng isang assistant.Ngunit ang kanyang isip ay naguguluhan pa rin. Paanong…Ang katulong na nagbabantay sa tabi ni Thessa, ay nakahinga na rin ng maluwag matapos magkamalay ni Thessa. Sa gilid, naroon ang ilang doktor na nakasuot ng uniporme.Tunay at talagang makikita sa kanilang mga mata ang pag-aalala ni
Ang mga hibla ng buhok sa kanyang noo ay bahagyang basa pa rin, at dahan-dahang dumudulas ito sa kanyang kwelyo, sumusunod sa kanyang malumanay na mga kurba.Nang lumabas siya, handa ng magtungo sa kanyang silid si Thessa upang magpalit ng damit, ngunit nahinto dahil sa lalaki nag-aabang na nakaharang. Malalim at matatag ang kanyang tinig, “Kilala mo ba si Propesor T?” Tanong ni Carlo.Tiningnan siya ni Thessa ng hindi tumatanggi.Sa ilalim ng malabong liwanag ng silid, ang pares ng kanyang mga mata ay nagniningning ng kakaibang liwanag, lubos na naiiba sa liwanag ni Propesor T, animo'y sumasalamin sa sinag ng buwan sa labas ng bintana.Lumapit si Carlo sa kanya ng dahan-dahan, ang kanyang magagandang mga mata ay bahagyang naglalaman ng mga luha, at titig na titig ito sa kanya.“Ang sugat sa mukha ni Trixie ay lubhang malalim.” Panimula ng lalaki.“Narinig kong ang bagong gamot pangpaganda ni Propesor T ay mabilis na nakakapagpagaling ng balat. Maari kabang…” ang huling bahagi ng kan
Naglakad si Carlo sa mahabang pasilyo ng ospital, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa isang puntong hindi niya alam kung saan. Ang kanyang isip ay abala sa pag-iisip kung nasaan si Propesor T.Ang pangalang Propesor T ay palayaw ni Thessa, at tanging ang mga taong nasa kompanya ang nakakaalam kung sino si Propesor T. At yun nga ay si Thessa.“Nauna pa si Mr. Carlo kaninang umaga para magtanong tungkol sa oras ng konsultasyon ni Propesor T. Gusto niyang humingi ng tulong rito para gamutin ang isang pasyente.”“Ito ang impormasyon ng pasyente.” “Ang pasyente ay nagtamo ng pinsala sa mukha na nag-iwan ng peklat. Maraming cosmetic procedures ang kanyang sinubukan, pero hindi parin siya naka recover, kaya pumunta siya sa ating laboratoryo.”Inabot ng assistant ang isang dokumento.Siya lang ang iilang tao na nakakaalam sa tunay na relasyon nina Thessa at Carlo.Nang buklatin ni Thessa ang file. Hindi na siya nagulat pa nang makita niya ang pangalan ni Trixie.Naisip ni Thessa na dahil sa
Tumango si Thessa at maingat niyang inilagay si Kerby sa kama sa kaliwa. Sunod naman ay si Carlo na maingat ding inilagay si Kenzo sa kabilang kama.At agad na dinala ang dalawang bata sa pagsusuri.Sumulyap ang katulong sa lalaki, at sa harap niya mismo ay tinawag niya si Thessa at sinabing, “Ginang Thess, gusto kang makita ng Propesor sa opisina niya.” Anito.Nanatili si Carlo sa labas ng silid ng pagsusuri.Matapos magpalit ng damit, personal na sinuri ni Thessa ang dalawa niyang anak.Kilala ng lahat sina Kenzo at Kerby. Pagkatapos ng nakaraang nangyari sa kanila, kakaalis lang nila sa laboratoryong iyon, ngunit ilang sandali lang ang nakalipas sa hindi inaasahan, ay agad silang babalik.“Propesor Thess, nakuha na ang data ng gamot sa katawan ng mga bata!” wika ng katulong.“Propesor Thess, ito ang pinakabagong gamot sa dementia, imbento ito mula sa lungsod ng Moldova. Sabi nila espesyal ang gamot na ito.” Dagdag pa niya.Nang marinig iyon, agad na naglaho ang mga ngiti sa mukha