Kinabukasan…Nagising si Thessa dahil sa sunod-sunod na mensahe mula sa kapatid niyang si Sofia.Nang binuksan niya ang mensahe na ipinadala sa kanya, nakita niyang trending na naman ang magkasintahang sina Carlo at Trixie. Kung tutuusin pangatlong trending na iyon.Sumandal siya sa pinuno ng higaan at sinuri ang mga tala na pinakatanyag na mga paksa, para bang naghahanap ng sagot sa isang palaisipan.Isa sa mga sinuri niya ay…#Sa isang tahanan, Ang Ginoo at ang Dalaga: Mga pahiwatig ng magandang pangyayari.#Ang bagong bulaklak: Pag-ibig na ibinunyag sa gitna ng gabi.#Ang matamis na Pag-ibig ng Ginoo: Ang matamis nitong halaman na strawberry.Naging matiwasay ang puso ni Thessa, pinaghusayan niyang binasa ang bawat tala at pinagmasdan ang mga komento nakakuha ng atensyon ng marami.“(Iha, bakit ang saya-saya mo, parang ang sarap-sarap ng pakiramdam mo, ikaw ba at ang Ginoo ay…hehehe)” komento ng isa.“(Aba, nagkatotoo na ang aking inaasam! Ang aking pinagpilian ay nagtagumpay!)” “
“Nakarating na ba ang mga bata sa kanilang paaralan?” Tanong ni Carlo habang nakakusot ang kanyang noo.“Opo Boss, inihatid po sila mismo ni Thessa.” Sagot niya.Bahagyang itinaas at ikinaway ni Carlo ang kanyang kaliwang kamay, at iniutos na lumabas ng isang kasama.“Boss Carlo, mukhang hindi maganda ang iyong pakiramdam, nais mo bang tawagin ko si Dr. Rey?” tanong ni Dylan.“Ayos lang ako.” Mahinang sagot ni Carlo.Nanaig ang katahimikan sa opisina. Nang pumunta si Carlo sa drawer niya upang kumuha sana ng panlunas sa sakit ng ulo, napabuntong hininga siya ng makitang wala na pala itong laman.Nagbukas si Carlo ng panibagong bote ng gamot. Napansin niyang sa nakaraang dalawang taon, palala ng palala ang sakit ng ulo niya, halos umaasa na lamang siya sa mga gamot para maibsan ang matinding sakit.Makalipas ang sampung minuto, ay hindi parin mawala ang sakit ng ulo niya. Ngayon, kahit pa ang pampaibsan ng sakit ay hindi na ito umi-epekto sa kanya.Naubos na rin ang insensong ibinigay
Nais ni Dylan na hilingin kay Thessa na manatili, ngunit diretso itong umalis. Bahagyang dumilat si Carlo at sinundan ng tingin ang likuran ni Thessa nang hindi man lang lumilingon.Bumalik si Dylan sa loob ng ward at nang makita niyang nakasandal sa sofa si Carlo at nakahiga, nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang ang lalaki ay hindi narinig ang mga salitang iyon.Nang makababa si Thessa sa palapag ng ospital, kung saan hinihintay na siya ng kanyang driver sa gilid ng kalsada.Nang makasakay na siya sasakyan ay muli niyang pinag-isipan ang mga pangyayari sa araw na iyon.Ang huling kliyente na pinakuha niya kay William ay ang ama ni Mark Dee Roa. Kung saan humihingi ito ng tulog mula sa J's Laboratory para sa kanyang anak na kakadiskubre pa lamang.Nagkataon lang na nasa White House siya kaya pumunta siya sa ospital para dalawin ito.Nang siya'y nasa kolehiyo pa, ang kalusugan ni Mark Dee Roa ay di-lubos na mainam. Patuloy siyang pumapasok sa mga pansamantalang trabaho sa buong t
Tinawag ni Thessa ang kanyang dalawang kambal na anak at inutusan upang sumakay na sa sasakyan, ngunit hindi niya namalayan na ang munting batang si Bella ay naka kapit pala sa binti ng pantalon ni Carlo.Pagkaluhod ng lalaki, ang manipis niyang mga labi ay dumampi sa isang nakapatong na matamis at malapot na malagkit. Bahagyang kumislap ang kanyang mga matang itim, at hindi niya namalayang napatingin siya kay Thessa.Sa tabi ng kanyang labi, ay ang kending kinagat ni Thessa kanina lamang.Kahit na hindi pa gaanong kagusto ni Bella itong si Carlo ngayon, ngunit naisip niya ang habilin ng kanyang Ina sa kanya, na dapat ibahagi ang mga magagandang bagay sa iba.Ang kanyang Ina at mga kapatid niya ay nakatikim na ng matamis na kending iyon.Kaya kahit paman labag sa kanyang kalooban, hinayaan ng munting si Bella na matikman ito ng Tito Carlo niya. “Kagat.” matigas na wika ni Bella.Malapad na ibinuka ni batang babae ang kanyang bibig upang maipakita rito.Sumalubong sa ilong ng lalaki a
Dahil sa mga salitang binitawan ni Thessa, sumabog ang galit ni Carlo.Isang hakbang ang kanyang inilapat, ang buong karisma ay nagpapahayag ng matinding pagkondena dahil sa paulit-ulit na pag atake kay Trixie.“Napag-alaman na ang katotohanan hinggil sa huling pangyayari, si Trixie ay walang sala.” Matigas na boses ni Carlo.Puno ng galit at paghihiganti ang mga salitang sinabi ni Thessa: “Bawat ebidensyang aking nakalap ay isang katibayan ng pagkakasala ni Trixie.” aniya.Kung hindi sana nakailam si Carlo at tinulungan niyang maalis ang paratang, malamang nasa bilangguan na ngayon si Trixie, muling nagkakaisa kasama ang kanyang pamilya.“Kung napatunayang siya nga ang may sala, hindi ko siya pagtatakpan. Ngunit ang katotohanan ay hindi ganoon, Thessa, hindi natin dapat paratangan ng kasalanan ang isang inosente dahil lamang sa isang bata.” sagot ng lalaki.“Maling paratang sa isang inosente?” “Ha!” ani Thessa.Naniniwala si Thessa na lubos na naimpluwensyahan ni Trixie ang lalaki.
Ang batang babae ay nakasuot ng tsinelas at lumapit sa kama upang tingnan ang Tito Carlo niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamausisa.Ikiniling ni Bella ang kanyang ulo at bahagyang tumingin sa kanya, “Si Tito ay may sakit.” Aniya.Kahit nakakatakot ang dami ng karayom na nakatusok sa katawan ng lalaki, ngunit hindi na masakit ang ulo niya.Hawak ng batang babae ang isang bote ng gatas gamit ang kanyang bibig, isinandal ang kanyang mga kamay sa gilid ng kama, at umakyat gamit ang kanyang maikling mga binti.Bahagyang umupo ang batang babae na nakakrus ang mga binti sa tabi ni Carlo, hawak ang bote ng gatas umiinom siya habang nakatingin sa mga karayom na pilak na nakatusok sa katawan ng lalaki, at tahimik na naghihintay sa pagdating ng kanyang Ina.Dumating si Thessa at agad na nakita ang isang mapayapang tanawin.Ang kanyang anak na babae ay nakahiga sa tabi ni Carlo habang umiinom ng gatas, ang ulo, kamay, at dibdib ng lalaki ay puno ng pilak na karayom na kanyang inilagay, a
Parang nabalot ng kawalang-kaya si Thessa, ang kanyang kaluluwa’y tila naglalayag sa dagat ng kawalan. Bago siya umalis, nagbigay siya ng payo sa lalaki, na magpatingin ito sa doktor.Patindi ng patindi ang sakit ng kanyang ulo, tila ba parang isang bulkan na malapit ng sumabog. Kung magpapatuloy siya sa ganitong kalagayan, madali siyang malilito sa pag-iisip.Tahimik na pinapanood ng lalaki ang pag-alis ni Thessa.Ang silid ay nanatili pang amoy-gatas mula sa inumin ng batang babae, at may banayad na halimuyak din ng sabon na ginagamit ng dalawang anak niyang lalaki, na kasing bango ng kanilang Ina.Bagama't isang silid panauhin iyon, ay nakaramdam siya ng antok, isang pakiramdam na matagal na niyang inaasam. Unti-unting nanakop sa isipan niya, hanggang sa tuluyan siyang makatulog.Kinabukasan, iyon ang unang beses sa mahabang panahon na nakatulog si Carlo ng mahimbing.Pagbaba niya, abala na sina Kenzo, Kerby at Bella sa agahan, maayos at tahimik na kumakain ang tatlong mga bata, a
Bihira lamang maglambing sa kanya ang batang si Kenzo, kaya't napayuko si Thessa at tinanong siya, “Bakit, anong problema?”“May sakit si Tatay, pwede po bang hindi na muna ako pumasok ngayon? Dito nalang ako at samahan siya.” Paglalambing na boses niya sa Ina.“Gusto ni Kenzo na alagaan ang kanyang Tatay,” sabi ni Thessa habang bahagyang nakagat ang labi.“Masaya si Nanay, ngunit kailangan mong pumasok sa klase, aalagaan naman si Tatay ng mga kasambahay pag-uwi niya sa bahay.” Mahinahong wika ni Thessa.Kung sakaling may hindi inaasahan, naroon naman si Trixie para tumulong.Napayuko si Kenzo dahil sa pagkadismaya. Mahinang bulong niya, “Pero gusto kong makasama sina Bella at Nanay, at gusto ko rin alagaan si Tatay.” aniya.Mula sa pagyuko. nag angat ng tingin si Kenzo, puno ng pag-asa ang nasa kanyang mga mata. “Nanay, hindi ba talaga pwedeng dito na lang si Tatay?” mapait na tanong niya sa Ina.Nang marinig iyon ni Carlo, lumingon ito sa kanila.Banayad na sinag ng umaga ang bumaba
Pagkaraan ng apat na taon, isang di-inaasahang pagbabalik ng isang umiikot na baril ang naghihintay sa kanya.Higit na kinaiinisan ni Thessa ang pagbubunyag ng kanyang lihim na pag-aasawa kay Carlo, kumpara sa tsismis na “Panliligaw sa may asawa.”Kaya simula sa araw na iyon, “Dating kasintahan” na ang nagiging lebel niya o tinatawag sa kanya saan man siya magpunta.Bumalik si Thessa sa kanyang silid para makapagpahinga.Dahil nasa laboratoryo na rin naman siya, naisipan niyang tignan ang kalagayan nina Mark Dee at ng dalaga para mapabilis ang pag-aayos ng plano ng kanilang paggamot.Sa kabilang banda. Parang binagsakan ng langit ang sekretaryang si Dylan.Kakausap palang niya sa public relations team patungkol sa isang trending topics, pero biglang nawala ang lahat ng balita tungkol kina Thessa at Carlo sa internet!Nangilabot si Dylan sa biglaang pagka bura ng balita, at maging ang pangalan ni Thessa ay hindi na mahanap sa buong internet! Misteryoso ang pagkawala nito, para bang isa
Nag-aalab ang balita tungkol sa isang malaking iskandalo na kinasasangkutan ng asawa ng Presidente ng Davilla's Group. Sinasabing nagkaroon ito ng isang lihim na relasyon sa isang lalaki.Samantala lumabas din sa balita tungkol sa dating asawa ni Carlo. Nakatanggap ng impormasyon ang publiko na palihim na nagkita ang dating asawa ni Carlo sa isang lalaking hindi niya asawa. Marami ang nag-isip kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang relasyon. Ang mga pangyayaring ito ay nagdulot ng pag-uusap sa publiko, lalo na sa mga social media. Marami ang nagpahayag sa kanilang opinyon at haka-haka tungkol sa mga kaganapan.Napako ang mga mata ng lahat sa tatlong sunod-sunod na trending topics. Isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa silid, walang sinuman ang nagtangkang magsalita.Nang kumatok at pumasok si Dylan, nadatnan niyang mahinahong pinapakain ni Carlo si Bella. Nakangiting kumaway naman ang munting bata, puno ng sigla.Nang mapansin ang pagkabalisa at panlulumo sa
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa silid ng kumperensya. Para bang nakakapit ang bawat tao sa kanilang mga upuan, nag-aabang sa susunod na mangyayari.Walang naglakas loob na huminga, bawat tao ay nakatitig sa harap, habang ang kanilang mga mata ay naglalaman ng kaba at pag-aalala.Biglaang pagkatok ang sumira sa nakakapanghinang katahimikan.Isang babaeng katulong, ang pumasok hawak-hawak ang munting batang babae, walang suot na sapatos at ang mga mata'y namumula. Halata sa babaeng katulong ang takot at pagkabalisa, habang nanginginig ang boses niya.“Mr. President, nagising po ang dalagita, at tumakbo palabas ng silid-pahingahan, umiiyak habang hinahanap po kayo.” Wika ng katulong.Walang pag-aalinlangan na tinawag ng katulong na “dalagita” ang munting si Bella, parang natural na itinuturing itong totoong anak ng lalaki, hindi naman ito iniwasto ni Carlo.Nabasag ang nakakabinging katahimikan sa silid ng kumperensya. Ang maliit na batang babae, ang mga matang puno ng luha,
Sa labas ng pinto, naroon ang babaeng katulong ni Dylan.Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Carlo na karga-karga ang isang napakagandang munting bata.“President, Carlo!” sambit niya, halata ang pagkagulat sa boses.Hindi man lang natakot ang munting batang babae sa estranghero. Ngumiti siya at kumaway sa babaeng katulong. Ang kanyang malambot at kaibig-ibig na itsura ay agad na nagpatunaw sa puso ng babae.Sa loob ng wala pang isang oras…Kumalat sa buong Davilla's Group ang balita na dumating ang Presidente kasama ang isang batang babae na mahigit isang taong gulang pa. Lahat ng mga grupo ng mga tsismosa sa loob ng kumpanya ay nag-uusap tungkol dito.[Sino ba ang nakakita sa bata? Kamukha niya ba niya si Mr. President?] bulungan pa nila.[“Nakita ko na siya! (Wika ng isang tauhan) para siyang isang anghel, napakaganda at sobrang puti ng balat nito. At ang mga mata niya, parang makinang na itim na ubas! Mahinahon pa siyang magsalita, tapos ang lambing niya, tinawag niya akong a
Kumuyom ang kamao niya sa gilid ng kanyang pantalon, ang mga ugat sa braso ay tila sasabog sa sobrang pagpipigil, at bawat salitang binitawan niya ay puno ng nag-aalab na galit.Ebidensya? Anong ebidensya? Bahagyang tanong ng lalaki.Napa balik siya sa realidad dahil sa mga sinabi ng lalaki, pero naguguluhan parin si Thessa, hindi niya mawari kung ano ang tinutukoy nito.Nagtataka siyang tumingin kay Carlo, parang nagtatanong kung anong klaseng istorya ang nasa isip nito.Tumagal bago na unawaan ni Carlo ang ibig sabihin ni Thessa. Napako siya sa kanyang kinatatayuan, parang nabingi sa biglaang pag-unawa. Ang katahimikan ay unti-unting nag-uumapaw mula sa kanyang puso, at nagpapakita sa kanyang mga mata bilang luha.Kung naisip lang sana nang mabuti, dapat ay nagpatunay muna ito bago mag-akusa. Alam sana nito na hindi pa siya muling nag-asawa.Ngunit hindi naman nag-imbestiga si Carlo at basta-basta na lamang siyang inakusahan ng “Kasalanan.” Napaka pamilyar ng ganitong eksena para s
Nang makasakay si Carlo sa elevator.Agad na nakapansin si Antonio, para bang nakakita ito ng multo. Isang sulyap kay Thessa ang sumunod.Alam ni Antonio na balak ng kapatid niyang babae na pakasalan si Carlo pagkatapos nito sa kolehiyo. Narinig niya itong binanggit ng dalawang beses. Sa isang biglaang kilos, lumapit siya at tumayo sa harapan ni Thessa.Walang pakialam na sinalubong ni Carlo ang tingin ni Antonio Reyes. Tumayo siya ng matiwasay, tila hindi man lang pinapansin ang presensya ng binata. Mas lalong lumamig ang ekspresyon niya, parang isang nagyeyelong hangin na dumadampi sa mukha ni Antonio.Hindi inaasahan ni Thessa na makikita niya si Carlo sa lugar na iyon. Parang kailan lang, tatlong oras pa lamang ang nakalipas mula ng umalis siya sa bahay niya.Mabilis na sinapit ni Thessa ang manggas ni Antonio at hinila niya palayo sa paningin ni Carlo.Nahagip ng mga mata ni Carlo ang ginawa ni Thessa. Parag ipinagtatanggol niya ang gwapong binata na lalaki, nagbigay siya rito ng
Ang umiinog na restaurant sa tuktok ng gusali ay isa sa mga sikat sa White House. Karamihan sa mga bisita nito ay mga kilala sa bansa. Katulad na lamang ng mga bosses, mga malalaking personalidad sa larangan ng industriya at ang mga kabataang laki sa layaw o mas kilala sa kasalukuyang henerasyon bilang ‘rich kids’. Pagdating ni Thessa, naroon na rin si Antonio Reyes. Ang kapatid nitong si Maxine Reyes ay dating kaklase niya sa kolehiyo. Malaki ang utang na loob niya rito dahil sa isang tulong na ibinigay. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay pumanaw na dahil sa sakit na kanser. Bago ito namatay, may huling pabor ito na hiniling kay Thessa.Kung sakaling humingi ang kapatid nitong lalaki balang araw, sana'y tulungan niya ito para sa ikabubuti nito. Iyon ang nais nitong kapalit ng tulong nito. Alam din ito ni Antonio.Iyon din ang isa sa mga dahilan ng pagpunta ni Thessa.Parang isang multo at halos payat na payat na itong si Antonio, halata sa mga mukha ang pagod at ilang araw ng hind
Sa puntong ito, na pilitan na lamang si Trixie na sumuko sa lalaki.Naramdaman niya ang kawalang kibo sa bawat salitang lumalabas mismo sa bibig ng lalaki, kaya't pansamantala niyang binago ang kanyang diskarte, siyay nagkukunwaring nagpapahinga.“Carlo, mas mabuti kung wala ka ngang nararamdaman para sakin!” aniya.“Lagi kitang itinuturing kong matalik na kaibigan, ngunit sabi ng mga karamihan na sobrang mo daw akong alaga dahil may gusto ka sa akin, at halos mapaniwala na rin ako.” sunod niya pa.“Napadali ang aking pagkilos kanina, at batid kong hindi angkop ang aking nagawa. Magkakaibigan pa rin naman tayo sa hinaharap at hindi mo rin ako iiwan, hindi ba? Tanong niya sa lalaki.Nag-alinlangan si Trixie na sabihin ang huling katanungan na nasa kabilang linya, kinakabahan siya habang tinatanong ito sa lalaki at baka palayasin siya sa pamamahay nila at putulin ang kanilang ugnayan.Muli naman siyang sinagot ng lalaki, sa walang pagbabagong malamig nitong boses. “Oo.” Aniya.Napahinga
Nais sana ni Thessa na iwaksi ang mga kamay ng lalaki, ngunit wala siyang sapat na lakas.Hindi naman malakas ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang mga kamay, ngunit bahagya parin itong namumula.Napakunot noo si Carlo sa kahinaan ng babae, at bahagya niyang binitawan ang pagkakahawak.Kinamtan ni Thessa ang pagkakataon para makawala sa pagkakahawak nito.“Oo nga! Mahilig akong magpaligoy-ligoy kapag nagsasalita, pero hindi ako marunong magmura. Kung gusto mong subukan, wala akong problema na tulungan ka!” matigas na boses ni Thessa.Marahas na hinila ni Thessa ang kwelyo ng nightgown ng lalaki, inihayag ang pamumulang marka sa balat nito. Parang mga haplos ng apoy, pula at bahagyang namamaga. “Tulad ng inaasahan ko.” Bulong niya sa sarili.May mga pagdududa nga si Thessa, ngunit ang mga ito'y isang marka ng allergy.Ngunit sa loob ng limang taon nilang pagsasama, palagi namang malusog ang lalaki ayon sa mga resulta ng kanyang taunang medical check-up. Walang kahit isang menor de edad