“Ilang taon kana ba, para humawak ng mabigat na bagay?” Malumanay na tanong ni Carlo sa munting bata na Babae.Naramdaman ni Bella na may humawak sa kanyang kahigpitan ng damit, at sa sumunod na sandali, ay biglang umalis ang kanyang mga paa sa lupa.Paano siya lumipad na parang galing sa hangin? Nagtataka sa sarili.Nagulat na lamang si Bella, sinipa ang kanyang maikling mga binti, at tumingin pataas nang may hindi maipaliwanag.“Ahh, ang masamang tiyuhin ko pala ang sumalo saakin”Nang makita ni Carlo na malapit nang mahulog si Bella, ay hindi parin nito binitawan ang malaking unan na nasa kanyang mga kamay. Ang matigas na tingin ni Carlo ay eksaktong kapareho ng kay Thessa, at nagalit siya.“Masyado pa siyang bata, at hinahayaan mo lang siyang humawak ng mga bagay, paano kung mahulog siya?” Matigas na boses ni Carlo.Kakatapos lang non ni Thessa magtayo ng isang tolda kasama ang kapatid na si Sofia, at nang lumingon siya, narinig niya ang isang matigas na boses ni Carlo.Nakita niy
Matagumpay nilang naitayo ang kanilang tolda.Nagsimula nang ilipat ng tatlong bata ang kanilang mga laruan sa loob ng tolda, na parang mga munting sisiw.Si Kerby at Kenzo ay nagpapasa-pasahan ng mga laruan sa labas, samantalang si Bella ay masayang nag aayos ng mga laruan sa loob ng tolda, suot pa nito ang kanyang nakakatuwang makulay na medyas.Nang matapos na sila, ang tatlong bata ay namula ang mga pisngi sa sobrang pagod at init. Kaya't si Thessa ay nagmamadaling kumuha ng tubig para sa kanila, si Trixie naman ay mukhang malungkot at nagtatampo habang hawak ang saranggola. Kumaway siya kay Kenzo at sinabi, “Kenzo, ayaw mo bang magpalipad ng saranggola? Ibinaba na ng tita ang saranggola.” nahihiyang tanong sa bata.Si Kerby ay nagtanggal na ng kanyang suot na sapatos at agad na pumasok sa loob ng tolda, sina Bella naman ay lumingon para tignan ang kanyang kapatid.Si Kenzo, na magtatanggal palang sana ng kanyang sapatos ay biglang napahinto at tinignan ang saranggola sa mga kamay
Makalipas ang ilang minuto ng paglalaro, ang dalawang bata ay napagod.Nang hindi na gaano kainit ang araw sa labas, naisipan ni Thessa na ilabas ang dalawang bata mula sa tolda, nang makalabas ang dalawa, nakita ni Kerby ang mga kaklase niya mula sa kindergarten, agad na humingi ito ng pahintulot sa kanyang ina, at nang pinayagan siya ay dinala niya rin si Bella upang maglaro kasama sila. Ngunit bago sila umalis at maglaro, hinikayat rin nila ang kapatid na si Kenzo.Sandaling sinulyapan ni Thessa ang direksyon nila, at pagkatapos ay mabilis ring umiwas ang kanyang tingin at walang pakialam na nagsabi, “Sana ikasal na ang dalawang ‘yan.” Matigas na boses ni Thessa.Mas maganda kung magkasama na ang dalawa, at magkaroon ng maraming anak. Huwag lang itong makipag-agawan sa Kanya para sa kustodiya ng dalawang bata.Habang si Sofia ay nakaramdam ng pag-aalala: “Thessa, gusto mo ba talagang agawin ang dalawang bata sa kanya? Sa loob ng maraming taon ang pamilyang Davilla ay laging nangung
“Nay!”Si Kerby ay hinahabol ang kanyang kapatid na babae patungo sa kanyang Ina, at si Kenzo ay tumakbo rin palapit. Ang tatlong bata ay uhaw na uhaw na kaya’t pinainom ito ng tubig ni thessa.Nagtataka naman ang ibang pamilya at nakatingin sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala sa malakas na boses na narinig niyang tawag ni Kerby.“Siya ba yung dating asawa ni Mr. Carlo at lihim na ikinasal?” “Siguro ayaw niyang ipakilala ang asawa niya dahil ayaw niyang makita ng iba ang kagandahan niya?” Nagbubulungan ang lahat ng nakakita sa kanila at parang biglang nag kaunawaan.Kung may ganito silang kagandahan sa kanilang pamilya, segurado hindi niya hahayaang makita siya ng ibang lalaki. Nanlamig ang mukha ni Trixie, at ang tingin niya kay Thessa ay parang isang matalim na kutsilyo, handang sumugod ano mang oras. Ramdam niya ang unti-unting lason ng patalim ang tumutusok sa kanyang dibdib sa harapan. Sa harap ng iba, agad siyang nagbigay ng maskara ng kabutihan at kagandahan, pero sa loo
Halata namang mas gusto ni Kerby si Thessa bilang tunay niyang Ina. Gusto rin ito ni Kenzo pero masyadong mahilig sa laro ang bata, at madali lang ito makuha sa isang bagong laruan.Mga laruan ng mga bata..Kung makakakuha pa siya ng dalawang magagandang pamangkin, makukuha niya ang lahat ng kanilang laruan.Ang pamilya nila Sofia ay may mga kumpanya na nakikipagtulungan sa mga pangunahing tatak ng laruan. Isang tawag lang nito ay makakakuha ka ng kasing dami ng gusto mo.Si Bella ay nakasandal sa bisig ng kanyang ina, hinimas ang kanyang tiyan at nagsalita ng boses bata, “Nanay, kumakanta ang tiyan ko.” Pagbibirong wika sa kanyang Nanay.Binigyan siya ng matamis na halik ni Thessa at malumanay na sinabi, “Sige Anak. Dadalhin kana ni Nanay sa paghahapunan.”Hawak naman nag dalawang kamay ni Sofia ang dalawang pamangkin niya, at agad na sumunod kay Thessa papunta sa restaurant.Habang si Carlo naman ay nakapag-ayos na ng sasakyan para kay Trixie, at nang maka punta na siya agad sa kump
Tinawagan ni Trixie ang numero na ginagamit ni Carlo sa trabaho.Konektado pala ang telepono sa computer nang mga oras na iyon, at ang lahat ng katrabaho niya ay nakatuon sa pagbabasa ng mga dokumento ng ulat.Nang tumawag si Trixie, para bang isang kuryente ang dumadaloy sa puso ng taong nagsasalita, nanginginig ang kanyang mga kamay, at dali daling sinagot ang telepono.Nang marinig ang boses ni Thessa, eksaktong mga salita ang “Unang halik” “Unang gabi” “Unang kasal” at “Unang pagiging Ama…. Ang narinig niya.Mas lalo pang naging malinaw ang mga sumusunod na sinabi.Si Dylan ay napayuko na lamang at maging ang iba pang empleyado, hindi nila magawang tumingin sa mga mukha ni Carlo dahil sa sobrang lungkot nito. Sa isang iglap.Binaklas ng lalaki ang ballpen sa kamay niya, at nabali ito sa dalawa.Agad namang ibinaba ni Dylan ang tawag sa telepono! Ang sound-system sa meeting room ng Davilla's group ay napakaganda, kaya't pati ang paghinto, at pahinga ni Thessa ay malinaw na narini
“Nandito na si Papa,” Wika ni Carlo. At nang makita siya ng dalawang bata, ay bumalik rin ito sa pagtulog.Nang matapos siyang maligo ng malamig na tubig, ay lumabas na rin ito ng banyo. At ng biglang tumunog ang doorbell.Isang matalinong robot sa hotel ang nagpadala ng isang mangkok ng hangover soup. Ang kanyang mga mata ay parang may mga alon ng lungkot at pagka dismaya na dumadaloy sa kanyang puso, walang kahit na anong emosyon niyang isinara ang pinto ng kwarto.Nakita iyon ni Thessa, at nakahinga ng maluwag sa kabilang banda. Kahit hindi kinain ni Carlo ang hangover soup na ibinigay, ay nakita niyang maayos na ang itsura nito, napanatag si Thessa na ma-alagan niya ng maayos ang mga bata. Habang yakap-yakap ang anak na babae na masarap at malambot, ay natulog narin sila hanggang mag umaga.Kinabukasan.Dinala ni Thessa ang anak na Babae upang hanapin ang kanyang dalawang kapatid, ngunit ilang oras din ang nakalipas ay walang nagbukas ng pinto.Nang magtanong ito sa harap ng mesa
Si Thessa ay nanatiling nakatayo at walang anumang emosyon.Bahagyang nag-vibrate ang kanyang telepono, at sinagot ang tawag. Lalo pang huminahon ang kanyang mga kilay.“Kailan ba ang iyong pagbabalik?” tanong nang isang boses matanda.“Yan din ang iyong sinabi noong nakaraang pagkakataon. Lubos na kaming nanabik ni Bella sa iyong pagbabalik.” Aantayin na lamang nito ang kanyang pagpasok sa tahanan.May bahagyang siwang ang nakabukas na bintana sa likurang upuan ng kotse, at ang isang lalaki na naka pwesto sa loob ay nagpapakita ng marangal na awra.Isang malamig na hangin ang dumaloy, dala ang isang mahinang pagtawa na nagpaparamdam kay Thessa, na para bang niloloko siya. Pagkatapos maligo, ay tiningnan muli ang kotse sa baba, at wala na ito, nanlumo at naisip na ilusyon lamang iyon.Tumingala sa kalangitan, walang kahit na isang bituin, at puno ng pag-iisip. Ang payo ng abogado sa kanya ay unahin ang mga bata.Alam ng lahat kung gaano kalakas ang pamilyang Davilla, at walang ibang
Lumapit si Trixie at hinila ang damit ni Carlo, ang boses niyay malambing at mapang-akit.“Thessa… bagama't ginagamit niya ang panlilinlang upang maisakabilanggo ang aking pamilya, hindi ko siya napagbintangan. Naniniwala parin ako sa kawalang-sala ng aking pamilya. Ang katotohanan, bagaman maaaring magpaliban, ay tiyak na nagpapakita rin sa takdang panahon.” bulong sa sarili.“Carlo, wala na akong maaasahan at ikaw nalang ang meron ako ngayon, hindi mo naman ako pababayaan, di ba?” aniya.Si Carlo ay umiwas ng tingin sa kanya.Hindi man lang niya tinangkaang hawakan ang laylayan ng damit nito, at mabilis siyang umatras ng dalawang hakbang para makalayo.Malamig na sinabi ng lalaki, “Trixie, bumalik ka na muna.” aniya.Narinig nila ang mga yabag ng mayordoma at ng mga katulong na pababa ng hagdan. Kinagat ni Trixie ang labi niya at dahan-dahang hinila ang tali ng kanyang suot na pantulog.Naging mas mabilis ang kilos ni Carlo, lumingon siya at umatras sa silid-aklatan at isinara ang p
“...Akoy nag-iisa lamang.”Ang boses ng babae ay napakagaan, ngunit ang bawat salita nito'y bumagsak sa puso ni Carlo, nagdulot ito ng bigat na parang isang libong libra, at ang kanyang puso ay tila hinihila ng isang di-nakikitang pwersa.Matatalim ang mga kilay ng lalaki at bahagyang nakasandal sa silya ng silid-aklatan, maging ang mga mahabang binti nito ay walang pakialam na nakasandal, bahagyang nakabukas ang dalawang batones ng kanyang kamiseta na nagpapakita ng isang awra.Ang pag-amin ng babae na nag-iisa siya sa ospital, parang isang bulong na tila yelo ang lamig na tumutusok sa puso ni Carlo. Isang di-maipaliwanag na init ang sumabog sa kanyang dibdib, at nagdulot ng sandaling paghinga at nagpainit sa kanyang paligid.Napahinto si Carlo sa kanyang paghinga, ang tanong ay halos isang bulong, “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Thessa, “Paulit-ulit kitang tinawagan, ngunit hindi mo sinasagot.” Aniya.“Bakit ka nasa ospital?” Tanong mul
“Hindi na muling mag-aasawa si Nanay, anak… Nais ko na lamang mamuhay ng tahimik kasama kayo nina Kenzo at Bella. Gusto mo ba iyon, Kerby?” Mahinahong sinabi ni Thessa sa lalaking anak. Hindi kaagad nakasagot si Kerby, subalit alam niya sa kanyang sarili na gusto niya rin iyon. Gustong-gusto. Kapareho lang din iyon ng sinabi ng ama. Na kahit ano pa mang mangyari, ito ay mananatiling ama ni Kerby at Kenzo at ang kanilang ina ay mananatiling kanilang ina. Bukod pa rito, mayroon din silang maganda at mapagmahal na tiyahin.Nang maisip na araw-araw na nitong makakasama ang nakababatang kapatid na babae ay biglang nawala ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Kaya naman ay gumuhit ang masayang ngiti sa kanyang mga labi at sunod-sunod ang naging pagtango niya sa ina. “Opo, Nanay! Gustong-gusto ko po iyon!” Hindi na mapigilan pa ang tuwa sa boses ng bata.Nakahinga ng maluwag si Thessa sa naging sagot ng anak. Bagama't mayroon siyang kaunting kumpiyansang papayag si Kerby na s
Nang dalhin ni Thessa ang tatlo niyang anak sa malawak na amusement park ng mga katuwaan, pumaroon din sina Trisha kasama ang anak niyang si Nathan. Mayroon silang mahalagang pagpupulong sa kumpanya ng mga Riverra kaya't nagpasya itong manatili na muna sa isang hotel.Dalawang adulto at apat na musmos ang lubos na nasiyahan sa lahat ng nakakalugod na pasilidad ng parke ng mga bata. Paglabas nila, kapwa ang mga matatanda at mga bata ay puno ng saya at magagandang alaala.Kagagaling pa lamang ni Thessa magpaalam mula kina Trisha at sa mga kasamahan ng biglang tumunog ang cellphone number niya, isang mensahe galing kay Benjamin.Isang nakakagulat na balita ang kanyang narinig: napalaya na si Trixie, sa tulong ng makapangyarihang angkan ng mga Davilla.Habang papalubog ang araw, ang ginintuang sinag nito ay dumampi sa katawan ni Thessa, na para bang isang sagradong belo na naghahatid sa kanya ng karangalan at kadakilaan.Napukaw ng kanyang kagandahan ang pansin ng mga turistang nakapaligi
Subalit ang ebidensyang ipinasa ni Thessa ay taliwas sa resulta ng imbestigasyon. Natulala na lamang si Dylan sa kung saan dahil hindi niya alam kung paano niyang ipaliliwanag kay Carlo ang lahat. Sa kabilang banda, nakatayo si Carlo sa kanyang harden. Ang kanyang mga mata ay nasa malayong parte kung nasaan nakatanim ang mga inaalagaang rosas.Iyon ay isang klase ng rosas na galing pa sa bansang Pransiya, ang rosas ay isang bihirang kulay itim na lila na mayroong napakagandang disenyong talaga namang mabibighani ang sinumang makakita lalo na sa tuwing ito'y aamuyin. Ang mga rosas na iyon ay si Thessa pa ang personal na nagtanim ilang araw bago ang kanilang kasal. Sa paglipas ng mga taon heto at masagana na itong namumukadkad. Ang kambal na sina Kerby at Kenzo at nakasunod lamang sa isang katiwala, dala-dala ng mga ito ang plastik na takure na ginagamit sa pandidilig at may pag-iingat nilang dinidiligan ang mga halaman, lalo na ang rosas.“Mr. Carlo? Mr. Carlo? Mr. Carlo?” Sunud-sun
Kumunot ang noo ni Thessa at masama ng tingin sa lalaki.“Tinatawag ka ng anak mo.” aniya.Ibinaba ng lalaki ang kanyang paningin sa bunsong supling, at agad na nagpahayag, “Tay, maaari ko bang isama si Bella kina lolo at lola? Gusto ko siyang ipakilala.”Tunay ngang ang pagmamahal nito sa kanyang kapatid ay mas lalong lumalalim.Ngunit sa pagkakataong iyon, marahang hinila ni Kerby ang kamay ng kanyang kapatid at bahagyang nag-aalala ang kanyang tinig, “Hindi, ang ating kapatid ay maliit pa lamang at kailangan niyang manatili sa kanyang Ina.” Masusing tiningnan ng Lalaki ang panganay nitong anak.Namataan ang pagka dismaya sa mga mata ng bunsong anak, ngunit agad din itong napalitan ng ningning, “Kung gayon, bakit hindi natin isama si Nanay at Bella?” Isang mahinang usal na halos hindi marinig, “Hindi naman ito ang unang pagdalaw ni Nanay kina lolo at lola, Nay, sumama ka sa amin sa lumang bahay!” boses ni Kenzo.Kung ikukumpara ito sa saya at pag-asang sumisimbolo sa kanyang mga m
Si Thessa ay suminghal ng isang ngisi: “Wala akong pakialam diyan.” Tumalikod ito at naglakad palayo ng hindi na lumingon muli.Bago ito umalis, ipinag-utos niya sa mga bodyguard na huwag papasukin ang lalaki kapag dinala nito ang mga bata.Carlo: “...” Walang imik.Nakita ni Kerby ang pagbabalik ng kanyang Ina mula sa harapan ng kanilang tahanan, nag-iisa. “Nay, aniya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka, “Nasaan si Tatay?”Yumuko si Thessa at marahang hinaplos ang maitim at malambot na buhok ng kanyang anak, “May pinadala lang ang iyong ama sa ospital,” wika niya, “Babalik rin ito mamaya upang sunduin kayo.”Si Kerby ay matalino at sensitibo mula pagkabata, bigla nitong naalala ang isang boses na naririnig niyang umiiyak.Isang tanong ang bumuo sa kanyang labi, “Si Tita, Trixie ba iyon?” Tanong niya sa sarili.Tumango naman si Thessa, hindi niya ito itinago sa anak niya.Mahigpit na hinawakan ni Kerby ang kamay ng kanyang Ina, isang matinding pighati ang sumasalamin sa kanyan
Ngunit sa mga sandaling iyon.Ang isipan ni Lalaki ay nakatuon lamang kay Thessa. Isang matinding antipatiya ang nararamdaman nito mula sa babae, hindi mawala-wala ang matinding pag-ayaw na nadarama nito mula sa kanya, isang bigat na palagi niyang nadadala nitong mga nakaraang araw pa.Ang mainit na kamay na nakadapo sa kanyang pulso ang siyang dahilan ng di komportableng pakiramdam ni Thessa. Ang mga salitang binitawan ng lalaki ay tila nag-aapoy at nakakasakal sa kanyang dibdib. Walang pagaalinlangan malakas niya itong tinulak palayo at napunta sa ilalim ng puno.Masyadong biglaan ang pagkilos ni Thessa. Hindi agad nakasagot ang lalaki, ngunit nang makabawi ito, nasa puno na siya, nakasandal sa puno ng kahoy dahil sa pagtulak ni Thessa.Matalim itong tinitigan ni Thessa, at ang boses niya ay puno ng sarkasmo, “Kahihiyan? Nagkamali siya, at naghahanap ako ng hustisya! Sa tingin mo ba ito ay isang kahihiyan?” galit na boses ni Thessa.Malinaw at gwapo ang kilay ng lalaki. kapag ito
Sinuri ni Carlo ang mahahalagang punto mula sa kanyang mga sinabi at halos naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Nais niyang kumuha ng isang tao upang ma imbestiga ang bagay na iyon.“Kung talagang siya ang may kasalanan, bibigyan kita ng katarungan.” Anito sa babae.“Ngunit kung gayon nga…”Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang salita. Si Trixie ay sobrang nakosensya at halos hindi ito matingnan ang lalaki sa mata, ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak at hindi na tumigil.Isang awit ng kaarawan ang nasa likod ng bakuran.“Mauna ka nang umuwi.” sabi ni Carlo sa kanya.Nanlaki ang mga mata ni Trixie, na puno ng gulat at may mga luhang nag-uumpisa nang tumulo sa mga sulok ng kanyang mga mata. Alam niya na si Carlo ay isang maginoo, isang taong magalang at mabuting pakitunguhan ang lahat ng tao at bagay.“Hindi ba't sasama ka sakin pauwi?” tanong nito sa lalaki.Inayos niya ang sarili niya kanina para lang ito'y magmukhang kawawa at mahina, para kaawaan siya ng lalaki, n