[Amelia]NAGMULAT siya ng mata ng huminto ang sasakyan. Nakauwi din sila sa wakas. Mabagal ang kilos na bumaba siya ng sasakyan ng amo niya. Hindi niya ito nilingon at tuloy-tuloy na pumasok. Nang muntik siyang mabuwal dahil sa panginginig ng katawan ay maagap siyang nahawakan ng amo niya na nasa likuran na pala niya.Agad na humiwalay siya rito at naglagay ng distansya sa pagitan nila."Hindi ka na dapat sumama kung hindi maganda ang pakiramdam mo." Seryosong wika ni Sir Damon. Hindi siya nagsalita at nagyuko lang ng ulo. Paano naman nito nalaman na masama ang pakiramdam niya?"Use your fùcking brain, Amelia. Ganyan ka ba talaga katanga? Sinama kita para may alalay ako, pero ako pa ang nag-adjust dahil sayo." Kumibot-kibot ang labi niya. Nagsimulang manlabo ang mata niya dahil sa mga sinabi nito.Bakit parang kasalanan pa niya? Wala naman siyang sinabi na umuwi sila. Hindi niya pinaalam ang kalagayan niya dahil baka magalit 'to. Bakit palagi nalang siyang mali sa paningin nito?Sak
[Amelia]"HOW'S your feeling now, Amelia?" Tanong ni Damon."Mabuti na po, Sir." Magalang na sagot niya na hindi tumitingin dito. "That's good to hear." Akala niya ay wala ng ibang sasabihin ang amo niya pero mali siya. "Next time, change your clothes before you sleep. Mahirap bihisan ang isang tulog." Nag-angat siya ng tingin sa sinabi nito. "P-Po?" Kabadong tanong niya. Wag naman sana! Tinukod ni Damon ang siko sa dining table at nangalumbaba na tumingin ng diretso sa mga mata niya. "Ang hirap mong bihisan." Muntik na n'yang mabitiwan ang baso na hawak. Tama nga ang pagkakaintindi niya! Nagbukas-sara ang ilong niya sa inis. Nag-iinit din ang mukha niya sa hiya, pakiramdam niya ay kumain siya ng sampong kilong sili!"No worries, Amelia, hindi naman ako interesado sayo." Tumayo ang binata. "Wala namang maganda sa katawan mo." Dugtong pa nito bago tuluyang umalis.Halos madurog ang baso sa kamay niya dahil sa higpit ng hawak niya. Walanghiya talaga! Dapat pala ay binato na niya ito
[Amelia]"BAHALA siya sa buhay niya. Siya naman ang kakain ng niluto niya." Bubulong-bulong na sabi niya bago nahiga sa kama. Hindi pa nag iinit ang katawan niya sa higaan ng may kumatok. Pagbukas niya ng pinto ay nakabusangot na mukha ng amo niya ang bumungad sa kanya."May kailangan ka, Sir?" Tanong niya.Tumikhim ang amo niya at hindi makatingin ng diretso sa kanya. "I... I can't cook, alam mo naman 'yon, di'ba?" Tumango siya."Bakit iniwan mo ako? Alam mo naman na hindi ako marunong magluto?" May inis sa boses na tanong nito.Umawang ang labi niya. "Eh Sir, ang sabi mo sa akin kanina hindi mo ako kailangan-""Hindi naman talaga kita kailangan!" Napapikit siya ng sumigaw pa ang binata. Wow naman, magkaharap lang kaya sila, bakit kailangan sumigaw?"Damn it! Bakit ba sumasagot ka pa? Ako ang amo dito kaya sumunod ka nalang. Now help me to cook and stop talking!" Sabi pa nito bago siya tinalikuran.Napabuga nalang siya ng hangin. Bakit naging kasalanan pa niya? Hindi nalang kasi am
[Amelia]PINAHID niya ang luha ng kusang tumulo iyon sa kanyang mata. Hanggang ngayon ay napakasakit pa rin sa kanya. Kinuha niya ang kapunit ng litrato-kung nasaan ang kanyang ama."Tay, masaya ka na ba ngayon?" Kinagat niya ang labi at muli na naman napaluha. Sobrang bigat sa dibdib. Alam niya na kahit ang kanyang ina ay ganito rin ang nararamdaman.ARAW NG LINGGO. Hindi sila magkandaugaga ni Miss Neil sa dami ng kanilang niluluto. Ngayon kasi darating ang mga kaibigan ni Sir Damon.Ibig sabihin ay makikita niya 'yong artista na idol ng bunso niyang kapatid?Impit siyang napatili. Sisiguraduhin niya na makakahingi siya ng autograph dito kapag wala ang amo niya, para may maibigay siya kay amy pag uwi niya. Tiyak na matutuwa ang kapatid niya!Iba't ibang putahe ang niluto nila ni Miss Neil. Marami din nakahanda na Iba't ibang klase ng alak na alam niya na mamahalin. Natakot pa nga siya na hawakan ang mga 'yon dahil baka dumulas sa kamay niya at mabasag.Di napaglamayan pa siya ng maaga
[Amelia]RINIG niya ang usapan ng mga ito. Pati ang pagbibiro ng mga ito sa lalaking gwapo na seryoso kanina ay panay na ang ngiti ngayon. Natatandaan niya ito. Ito ang groom sa dinaluhan nilang kasal ng amo niya.Nakahinga siya ng maluwag ng matapos sa paglilinis. Pagdating sa kusina ay umupo siya at napabuga ng hangin."Ano na naman ang kinakagalit no'n. Grabe! Parang balak na akong sakalin kung makatingin." Tukoy niya sa among binata."Hi, Amelia." Napatayo siya sa gulat ng makita ang kaibigan ng amo niya. Pagkakatanda niya ay Liam ang pangalan nito."Hello po, Sir Liam." Magalang na bati niya. Mabuti pa ito at nagagawang ngumiti, hindi katulad ng amo niyang palagi nalang masama ang tingin.Nakangiting umupo ang lalaki sa kaharap niyang silya. Siya naman ay maang na nakatingin dito. Tumikhim siya. "Sir Liam, pwede magtanong?" Nakangiti na tumango sa kanya ang binata—teka, binata pa kaya talaga ito?"Ano ang sikreto ng mga gwapo?" Mahinang tanong niya. Malakas na natawa si Sir Li
[Amelia]SINAMPAL niya ito! Hindi siya papayag na sabihan siya nito ng malandi. Wala siyang nilandi at wala itong karapatan na paratangan siya na nangangati siya! "A-Ang bastos ng bunganga mo, Sir Damon! Kahit kailan ay hindi po ako nangati—uhmmp!" Natigil siya sa pagsasalita ng biglang bumaba ang ulo ng amo niya at sakupin ang labi niya.Nanlaki ang mga mata niya. Pinaghahampas niya ito at pilit na itinutulak ito pero hindi man lang niya nagawa na maalis ang labi nito sa labi niya.Halos hindi na siya makahinga dahil hindi pinakawalan ni Sir Damon ang labi niya! Nilagay pa nito ang kamay sa likuran ng kanyang ulo para idiin ang labi nito sa kanya. Ramdam niya ang pagyakap ng lamig sa katawan niya dahil ang tuwalya na nakabalot sa kanyang katawan ay wala na! Sumagap siya ng hangin ng bitiwan siya nito."That was the definition of cocky, Amelia." Anito habang nakatingin sa mga mata niya bago siya iniwan.Hindi siya nakapagsalita. Napaupo siya habang nanginginig ang katawan sa sobrang
[Amelia]"YOU driving me crazy, Amelia. So crazy that's why I'm doing this thing." Paos na sambit ng binata bago siya muling hinalikan.Gusto niyang hampasin at itulak ito pero hindi niya magawa. May kakaiba sa pakiramdam niya na hindi niya matukoy na kung ano. Bago sa kanya ang pakiramdam na 'to.Nang muling sumisid ang dila nito sa loob ng bibig niya ay napapikit siya at mahinang napadaing. Namilipit ang daliri niya sa paa ng maramdaman ang kakaibang kiliti na dulot ng paglalaro nito sa tuktok ng dibdib niya.Alam niyang mali pero hindi niya magawang pigilin ito. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman niya?Bakit pakiramdam niya ay nasa ilalim siya ng isang hipnotismo at walang magawa—o iyon ang gusto ng kanyang katawan?Binitiwan ng binata ang mga kamay niya at tumigil sa paghalik. Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. "Kiss me back, Amelia. Lalo mo akong baliwin sa mga halik mo" Nakikiusap ang mga mata nito na hindi niya magawang tanggihan!"S-Sir, uhmmm.
[Amelia]PAGKATAPOS magbihis ni Amelia ay agad na lumabas siya ng kwarto. Sasama siya ngayon kay Nelson papunta ng Divisoria. Makakabili na rin siya ng bagong panty at bra!Nagtataka na nilibot niya ng tingin ang kusina, kanina lang ay narito si Nelson. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? "Wag niyang sabihin na umuwi siya! Nangako siya sa akin na sasamahan ako ngayon eh!" Maktol niya.Napahawak siya sa dibdib ng pagpihit niya ay nasa harap na niya ang amo niya. Seryosong nakatingin ito sa kanya kaya naman napalunok siya. Sinong hindi mapapalunok eh nagtagal ang tingin nito sa kanyang labi!Lumayo siya ng kaunti.... baka mamaya ay manghalik 'to! Naku po, mahirap na! Nasaan na ba kasi ang Nelson na 'yon!Iniwas niya ang tingin sa binata ng magsalubong ang mata nila, pinagdikit niya rin ang labi niya, yong tipo na parang tinatago..."Mabuti at nakabihis ka na. Tara na at aalis na tayo." Ani Damon saka tumalikod.Teka, aalis daw? Nabibingi na ba siya? Eh si Nelson ang kasama niya at saka ma