[Amelia]PINAHID niya ang luha ng kusang tumulo iyon sa kanyang mata. Hanggang ngayon ay napakasakit pa rin sa kanya. Kinuha niya ang kapunit ng litrato-kung nasaan ang kanyang ama."Tay, masaya ka na ba ngayon?" Kinagat niya ang labi at muli na naman napaluha. Sobrang bigat sa dibdib. Alam niya na kahit ang kanyang ina ay ganito rin ang nararamdaman.ARAW NG LINGGO. Hindi sila magkandaugaga ni Miss Neil sa dami ng kanilang niluluto. Ngayon kasi darating ang mga kaibigan ni Sir Damon.Ibig sabihin ay makikita niya 'yong artista na idol ng bunso niyang kapatid?Impit siyang napatili. Sisiguraduhin niya na makakahingi siya ng autograph dito kapag wala ang amo niya, para may maibigay siya kay amy pag uwi niya. Tiyak na matutuwa ang kapatid niya!Iba't ibang putahe ang niluto nila ni Miss Neil. Marami din nakahanda na Iba't ibang klase ng alak na alam niya na mamahalin. Natakot pa nga siya na hawakan ang mga 'yon dahil baka dumulas sa kamay niya at mabasag.Di napaglamayan pa siya ng maaga
[Amelia]RINIG niya ang usapan ng mga ito. Pati ang pagbibiro ng mga ito sa lalaking gwapo na seryoso kanina ay panay na ang ngiti ngayon. Natatandaan niya ito. Ito ang groom sa dinaluhan nilang kasal ng amo niya.Nakahinga siya ng maluwag ng matapos sa paglilinis. Pagdating sa kusina ay umupo siya at napabuga ng hangin."Ano na naman ang kinakagalit no'n. Grabe! Parang balak na akong sakalin kung makatingin." Tukoy niya sa among binata."Hi, Amelia." Napatayo siya sa gulat ng makita ang kaibigan ng amo niya. Pagkakatanda niya ay Liam ang pangalan nito."Hello po, Sir Liam." Magalang na bati niya. Mabuti pa ito at nagagawang ngumiti, hindi katulad ng amo niyang palagi nalang masama ang tingin.Nakangiting umupo ang lalaki sa kaharap niyang silya. Siya naman ay maang na nakatingin dito. Tumikhim siya. "Sir Liam, pwede magtanong?" Nakangiti na tumango sa kanya ang binata—teka, binata pa kaya talaga ito?"Ano ang sikreto ng mga gwapo?" Mahinang tanong niya. Malakas na natawa si Sir Li
[Amelia]SINAMPAL niya ito! Hindi siya papayag na sabihan siya nito ng malandi. Wala siyang nilandi at wala itong karapatan na paratangan siya na nangangati siya! "A-Ang bastos ng bunganga mo, Sir Damon! Kahit kailan ay hindi po ako nangati—uhmmp!" Natigil siya sa pagsasalita ng biglang bumaba ang ulo ng amo niya at sakupin ang labi niya.Nanlaki ang mga mata niya. Pinaghahampas niya ito at pilit na itinutulak ito pero hindi man lang niya nagawa na maalis ang labi nito sa labi niya.Halos hindi na siya makahinga dahil hindi pinakawalan ni Sir Damon ang labi niya! Nilagay pa nito ang kamay sa likuran ng kanyang ulo para idiin ang labi nito sa kanya. Ramdam niya ang pagyakap ng lamig sa katawan niya dahil ang tuwalya na nakabalot sa kanyang katawan ay wala na! Sumagap siya ng hangin ng bitiwan siya nito."That was the definition of cocky, Amelia." Anito habang nakatingin sa mga mata niya bago siya iniwan.Hindi siya nakapagsalita. Napaupo siya habang nanginginig ang katawan sa sobrang
[Amelia]"YOU driving me crazy, Amelia. So crazy that's why I'm doing this thing." Paos na sambit ng binata bago siya muling hinalikan.Gusto niyang hampasin at itulak ito pero hindi niya magawa. May kakaiba sa pakiramdam niya na hindi niya matukoy na kung ano. Bago sa kanya ang pakiramdam na 'to.Nang muling sumisid ang dila nito sa loob ng bibig niya ay napapikit siya at mahinang napadaing. Namilipit ang daliri niya sa paa ng maramdaman ang kakaibang kiliti na dulot ng paglalaro nito sa tuktok ng dibdib niya.Alam niyang mali pero hindi niya magawang pigilin ito. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman niya?Bakit pakiramdam niya ay nasa ilalim siya ng isang hipnotismo at walang magawa—o iyon ang gusto ng kanyang katawan?Binitiwan ng binata ang mga kamay niya at tumigil sa paghalik. Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. "Kiss me back, Amelia. Lalo mo akong baliwin sa mga halik mo" Nakikiusap ang mga mata nito na hindi niya magawang tanggihan!"S-Sir, uhmmm.
[Amelia]PAGKATAPOS magbihis ni Amelia ay agad na lumabas siya ng kwarto. Sasama siya ngayon kay Nelson papunta ng Divisoria. Makakabili na rin siya ng bagong panty at bra!Nagtataka na nilibot niya ng tingin ang kusina, kanina lang ay narito si Nelson. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? "Wag niyang sabihin na umuwi siya! Nangako siya sa akin na sasamahan ako ngayon eh!" Maktol niya.Napahawak siya sa dibdib ng pagpihit niya ay nasa harap na niya ang amo niya. Seryosong nakatingin ito sa kanya kaya naman napalunok siya. Sinong hindi mapapalunok eh nagtagal ang tingin nito sa kanyang labi!Lumayo siya ng kaunti.... baka mamaya ay manghalik 'to! Naku po, mahirap na! Nasaan na ba kasi ang Nelson na 'yon!Iniwas niya ang tingin sa binata ng magsalubong ang mata nila, pinagdikit niya rin ang labi niya, yong tipo na parang tinatago..."Mabuti at nakabihis ka na. Tara na at aalis na tayo." Ani Damon saka tumalikod.Teka, aalis daw? Nabibingi na ba siya? Eh si Nelson ang kasama niya at saka ma
[Amelia]TUMAYO at sumandal si Amelia sa pader kung saan malapit sa pinto. Dito muna siya habang inaabangan ang paglabas ng amo niya. Isang may katandaan na babae ang lumapit sa kanya, mukhang instikta at kamukha pa ni Miss Minchin sa princess Sarah! Napatayo tuloy siya ng tuwid."Miss, ano ang ginagawa mo rito? Wala bang nagsabi sayo na bawal rito?" Mababa ang tono na tanong ng matanda.Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay sisigaw ito at tataasan siya ng kilay pero hindi naman pala. Sa klase ng pagsasalita nito ay mukha itong mabait."Ah... eh... kasi po may hinihintay po ako." Kung pwede lang umalis dito ay kanina pa niya ginawa, nakakainip kayang tumayo at maghintay, pero dahil nakakatakot ang amo niya ay hindi siya pwedeng umalis, baka mamaya ay mabugahan pa siya ng apoy, o kaya naman ay halikan na naman siya—sininok siya.'Naku, Amelia! Alisin mo na sa utak mo ang halik na 'yon!' Ani ng utak niya."Miss, ang kwartong 'yan," itinuro ng matanda ang pinto kung saan pumasok ang b
[Amelia]SA TABI DAW NG AMO NIYA!Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito. Alam naman niya na walang ibig sabihin 'yon pero bakit nakaramdam siya mg tuwa? Diyos ko! Hindi kaya may virus ang laway ng amo niya kaya may nararamdaman siya sa dibdib niya na kakaiba?"Tutulala ka nalang ba d'yan?" Tanong ng amo niya. Kaya naman nagmamadali siyang umupo sa katabing upuan nito.Inikot pa niya ng konte ang upuan para hindi siya mapaharap sa katabing amo, naiilang kasi siyang titigan ang nakatagilid nitong mukha, baka mamaya ay bigla itong lumingon sa kanya."May meeting ako mamaya, hintayin mo ako dito." Inikot ni Damon ang upuan ng dalaga para iharap sa kanya. "Wag kang lalabas ng opisina ko at hindi ka makikipag usap sa kahit na sino, naiintindihan mo ba?"Kagat ang labi na tumango siya sa amo niya. Gusto man niyang iiwas ang mata ay hindi niya magawa. Para siyang hinihigop ng kulay itim nitong mata at dinadala sa lugar na sila lang dalawa—teka, saan niya naman niya nakuha a
[Amelia]'KUNG SINO KA MANG ESPIRITO KA AY LUMAYAS KA SA KATAWAN NG AMO KO!' 'Yan ang kanina pa na sinasabi ng utak niya. Alam niya na magandang pagbabago ang pagngiti ng amo niya, pero hindi maganda 'yon para sa puso niya!"Relax, Amelia! Kumalma ka, crush is paghanga kaya wag kang masyadong matakot." Kausap niya sa sarili.Muntik na siyang himatayin kanina dahil sa sinabi ng amo niya.Maganda daw siya-ay hindi pala, napakaganda daw niya! Kaya naniniwala siyang nasapian 'to eh!Una, nagawa nitong tumawa at ngumiti! Tapos pangalawa, pinakain siya bigla sa mamahaling restaurant! At pangatlo ay pinuri siya!Huminto ang sasakyan ng amo niya sa isang malaki at sikat na Mall na para lamang sa mayayaman."Baka naman hindi ka na naman sumunod, Amelia." Sabi ni Damon sa dalaga.Napalabi siya bago lumabas ng sasakyan. Sumunod siya sa amo niya. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan ang mamangha. Mas malawak pala kapag nakapasok ka. Bawat madaanan nilang bagay ay halatang mamahalin at maganda