[Amelia]PAGKATAPOS magbihis ni Amelia ay agad na lumabas siya ng kwarto. Sasama siya ngayon kay Nelson papunta ng Divisoria. Makakabili na rin siya ng bagong panty at bra!Nagtataka na nilibot niya ng tingin ang kusina, kanina lang ay narito si Nelson. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? "Wag niyang sabihin na umuwi siya! Nangako siya sa akin na sasamahan ako ngayon eh!" Maktol niya.Napahawak siya sa dibdib ng pagpihit niya ay nasa harap na niya ang amo niya. Seryosong nakatingin ito sa kanya kaya naman napalunok siya. Sinong hindi mapapalunok eh nagtagal ang tingin nito sa kanyang labi!Lumayo siya ng kaunti.... baka mamaya ay manghalik 'to! Naku po, mahirap na! Nasaan na ba kasi ang Nelson na 'yon!Iniwas niya ang tingin sa binata ng magsalubong ang mata nila, pinagdikit niya rin ang labi niya, yong tipo na parang tinatago..."Mabuti at nakabihis ka na. Tara na at aalis na tayo." Ani Damon saka tumalikod.Teka, aalis daw? Nabibingi na ba siya? Eh si Nelson ang kasama niya at saka ma
[Amelia]TUMAYO at sumandal si Amelia sa pader kung saan malapit sa pinto. Dito muna siya habang inaabangan ang paglabas ng amo niya. Isang may katandaan na babae ang lumapit sa kanya, mukhang instikta at kamukha pa ni Miss Minchin sa princess Sarah! Napatayo tuloy siya ng tuwid."Miss, ano ang ginagawa mo rito? Wala bang nagsabi sayo na bawal rito?" Mababa ang tono na tanong ng matanda.Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay sisigaw ito at tataasan siya ng kilay pero hindi naman pala. Sa klase ng pagsasalita nito ay mukha itong mabait."Ah... eh... kasi po may hinihintay po ako." Kung pwede lang umalis dito ay kanina pa niya ginawa, nakakainip kayang tumayo at maghintay, pero dahil nakakatakot ang amo niya ay hindi siya pwedeng umalis, baka mamaya ay mabugahan pa siya ng apoy, o kaya naman ay halikan na naman siya—sininok siya.'Naku, Amelia! Alisin mo na sa utak mo ang halik na 'yon!' Ani ng utak niya."Miss, ang kwartong 'yan," itinuro ng matanda ang pinto kung saan pumasok ang b
[Amelia]SA TABI DAW NG AMO NIYA!Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito. Alam naman niya na walang ibig sabihin 'yon pero bakit nakaramdam siya mg tuwa? Diyos ko! Hindi kaya may virus ang laway ng amo niya kaya may nararamdaman siya sa dibdib niya na kakaiba?"Tutulala ka nalang ba d'yan?" Tanong ng amo niya. Kaya naman nagmamadali siyang umupo sa katabing upuan nito.Inikot pa niya ng konte ang upuan para hindi siya mapaharap sa katabing amo, naiilang kasi siyang titigan ang nakatagilid nitong mukha, baka mamaya ay bigla itong lumingon sa kanya."May meeting ako mamaya, hintayin mo ako dito." Inikot ni Damon ang upuan ng dalaga para iharap sa kanya. "Wag kang lalabas ng opisina ko at hindi ka makikipag usap sa kahit na sino, naiintindihan mo ba?"Kagat ang labi na tumango siya sa amo niya. Gusto man niyang iiwas ang mata ay hindi niya magawa. Para siyang hinihigop ng kulay itim nitong mata at dinadala sa lugar na sila lang dalawa—teka, saan niya naman niya nakuha a
[Amelia]'KUNG SINO KA MANG ESPIRITO KA AY LUMAYAS KA SA KATAWAN NG AMO KO!' 'Yan ang kanina pa na sinasabi ng utak niya. Alam niya na magandang pagbabago ang pagngiti ng amo niya, pero hindi maganda 'yon para sa puso niya!"Relax, Amelia! Kumalma ka, crush is paghanga kaya wag kang masyadong matakot." Kausap niya sa sarili.Muntik na siyang himatayin kanina dahil sa sinabi ng amo niya.Maganda daw siya-ay hindi pala, napakaganda daw niya! Kaya naniniwala siyang nasapian 'to eh!Una, nagawa nitong tumawa at ngumiti! Tapos pangalawa, pinakain siya bigla sa mamahaling restaurant! At pangatlo ay pinuri siya!Huminto ang sasakyan ng amo niya sa isang malaki at sikat na Mall na para lamang sa mayayaman."Baka naman hindi ka na naman sumunod, Amelia." Sabi ni Damon sa dalaga.Napalabi siya bago lumabas ng sasakyan. Sumunod siya sa amo niya. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan ang mamangha. Mas malawak pala kapag nakapasok ka. Bawat madaanan nilang bagay ay halatang mamahalin at maganda
[Amelia]"ARAY! SORRY NA!" D***g ni Nelson.Piningot lang naman niya 'to ng madiin, iyong tipo na matatanggal na ang tenga nito. "Sorry na sabi eh, huwag ka ng magalit-""Paanong hindi ako magagalit? Nangako ka sa akin na sasamahan mo 'kong mamili sa Divisoria, tapos bigla ka nalang uuwi ng hindi nagsasabi!" Sabagay, naging masaya din naman ang araw niya kasama ang amo niya-teka, ano ba ang sinasabi niya? Paano naging masaya, eh nasapian nga ito."Sorry na talaga, Amelia ko. Inutusan kasi ako ni Sir Damon na umuwi ng maaga. Ang sabi niya ay siya na ang bahala sa'yo." Nakangiwing sabi ni Nelson habang hawak ang tenga.Ang amo daw niya ang bahala? Napasimangot siya ng maalala ang nangyari. Tama si Sir Liam, daig pa nila ang nag-date.Pareho silang nagulat ni Nelson ng biglang lumitaw ang amo nila, nakatayo ito at nakatingin sa kanila ng madilim ang mukha.Sabay silang napalunok ni Nelson dahil sa takot at gulat."Nag uusap lang po kami ni Nelson, Sir Damon, hindi po kami naglalandian,
[Amelia]MALAKAS na humalakhak siya. "Naku, Sir Damon, malabo ang sinasabi mo." Halos maiyak siya sa kakatawa. Nagpapatawa ba itong amo niya? Siya mahalin ito?Malabong mangyari 'yon.Natigil siya sa pagtawa ng makita na seryoso ang mukha ng amo niya."Malabo? Bakit? May mahal ka na bang iba?" Galit ang ekspresyon ng mukha ng amo niya. "Sabihin mo sa akin kung sino, Amelia?" Napalunok siya. Bakit parang pakiramdam niya ay may nasabi siyang hindi maganda, kaya naman parang kakain ng buhay ang amo niya ngayon."Sir—""Tell me who is he! Damn it!" Tumayo si Damon at pinukpok ang kamao sa mesa."Sino ang lalaking mahal mo, Amelia? Sa pagkakaalam ko ay wala kang nobyo? Kayo na ba ni Nelson?" Agad na umiling siya. "Magkaibigan lang po kami ni Nelson, Sir Damon... saka wala po akong mahal." Nagyuko siya ng ulo, ayaw niya magkasalubong ang mata nila, nakakatakot kasi ang tingin nito ngayon.Samantalang kanina lang ay tumatawa pa ito.Nakahinga ng maluwag ang binata. "Mabuti naman." Umupo ito
[Amelia]KAKAPIKIT lang niya ng makarinig ng malakas na mura ng kung sino."The fuck, Amelia! What are you doing?!" Dumilat siya at naupo. Pilit niyang inaaninag ang mukha ng taong papalapit sa kanya. Bakit kasi ang dilim sa parteng 'to? Hindi tuloy niya masyadong makita ang mukha ng taong parang pamilyar sa kanya.Niyakap niya ang sarili ng umihip ang hangin. Nilamig siya bigla. Napangiti siya ng tuluyang makita ang mukha ng amo niya dahil sa liwanag ng buwan."I-Ikaw pala, Sir Damon. Anong ginagawa mo dito?" Medyo paos ang boses na tanong niya. Sobrang nahihilo siya at tila ba umiikot ang paligid niya.Ilang beses siyang kumurap habang nakatingin sa amo niya. Bakit parang may kakaiba ang tingin nito sa kanya?"Ikaw ang dapat tanungin ko n'yan, Amelia. Anong ginagawa mo dito ng n*******d?" Tinakpan niya ang dibdib gamit ang kamay. N*******d pala siya! Bakit ngayon lang niya naalala 'yon!"A-Alam mo naman pala na n*******d, eh bakit tumitingin ka?" Nag iwas ng tingin ang amo niya at
[Amelia]UMAYOS ng tayo ang amo niya. Dumaan ang kakaibang kislap sa mata nito habang sinusuklay ang malambot na buhok. Bakit ang gwapo talaga nito kahit may pilat sa mukha? Bakit ang swerte niya dahil palagi niyang nakikita ang kagwapuhan nito?Gusto niyang sampalin ang sarili. Ano bang sinasabi niya? Ano ba 'tong nangyayari sa kanya at kulang nalang ay maglaway siya.Sumilay ang mapang akit na ngiti sa labi ni Sir Damon. "Paano kung mahal na nga kita? Anong gagawin mo?" Akala niya ay magaling siyang mang asar. Pero mukhang mas magaling ang amo niya.Hindi siya nakapagsalita. Tanging panlalaki ng mata ang nagawa niya. Alam din niya na namumula ngayon ang pisngi niya."S-Sir, naglalandian na ba tayong dalawa?" Kanda-utal na tanong niya. Ano ba kasing tawag sa ginagawa nila ngayon? Nahigit niya ang hininga ng ikutin nito ang kinauupuan niya at iharap rito. Pinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya at saka may ngiti sa labi na inilapit ang mukha sa kanya."Higit pa sa