[Amelia]RINIG niya ang usapan ng mga ito. Pati ang pagbibiro ng mga ito sa lalaking gwapo na seryoso kanina ay panay na ang ngiti ngayon. Natatandaan niya ito. Ito ang groom sa dinaluhan nilang kasal ng amo niya.Nakahinga siya ng maluwag ng matapos sa paglilinis. Pagdating sa kusina ay umupo siya at napabuga ng hangin."Ano na naman ang kinakagalit no'n. Grabe! Parang balak na akong sakalin kung makatingin." Tukoy niya sa among binata."Hi, Amelia." Napatayo siya sa gulat ng makita ang kaibigan ng amo niya. Pagkakatanda niya ay Liam ang pangalan nito."Hello po, Sir Liam." Magalang na bati niya. Mabuti pa ito at nagagawang ngumiti, hindi katulad ng amo niyang palagi nalang masama ang tingin.Nakangiting umupo ang lalaki sa kaharap niyang silya. Siya naman ay maang na nakatingin dito. Tumikhim siya. "Sir Liam, pwede magtanong?" Nakangiti na tumango sa kanya ang binata—teka, binata pa kaya talaga ito?"Ano ang sikreto ng mga gwapo?" Mahinang tanong niya. Malakas na natawa si Sir Li
[Amelia]SINAMPAL niya ito! Hindi siya papayag na sabihan siya nito ng malandi. Wala siyang nilandi at wala itong karapatan na paratangan siya na nangangati siya! "A-Ang bastos ng bunganga mo, Sir Damon! Kahit kailan ay hindi po ako nangati—uhmmp!" Natigil siya sa pagsasalita ng biglang bumaba ang ulo ng amo niya at sakupin ang labi niya.Nanlaki ang mga mata niya. Pinaghahampas niya ito at pilit na itinutulak ito pero hindi man lang niya nagawa na maalis ang labi nito sa labi niya.Halos hindi na siya makahinga dahil hindi pinakawalan ni Sir Damon ang labi niya! Nilagay pa nito ang kamay sa likuran ng kanyang ulo para idiin ang labi nito sa kanya. Ramdam niya ang pagyakap ng lamig sa katawan niya dahil ang tuwalya na nakabalot sa kanyang katawan ay wala na! Sumagap siya ng hangin ng bitiwan siya nito."That was the definition of cocky, Amelia." Anito habang nakatingin sa mga mata niya bago siya iniwan.Hindi siya nakapagsalita. Napaupo siya habang nanginginig ang katawan sa sobrang
[Amelia]"YOU driving me crazy, Amelia. So crazy that's why I'm doing this thing." Paos na sambit ng binata bago siya muling hinalikan.Gusto niyang hampasin at itulak ito pero hindi niya magawa. May kakaiba sa pakiramdam niya na hindi niya matukoy na kung ano. Bago sa kanya ang pakiramdam na 'to.Nang muling sumisid ang dila nito sa loob ng bibig niya ay napapikit siya at mahinang napadaing. Namilipit ang daliri niya sa paa ng maramdaman ang kakaibang kiliti na dulot ng paglalaro nito sa tuktok ng dibdib niya.Alam niyang mali pero hindi niya magawang pigilin ito. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman niya?Bakit pakiramdam niya ay nasa ilalim siya ng isang hipnotismo at walang magawa—o iyon ang gusto ng kanyang katawan?Binitiwan ng binata ang mga kamay niya at tumigil sa paghalik. Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. "Kiss me back, Amelia. Lalo mo akong baliwin sa mga halik mo" Nakikiusap ang mga mata nito na hindi niya magawang tanggihan!"S-Sir, uhmmm.
[Amelia]PAGKATAPOS magbihis ni Amelia ay agad na lumabas siya ng kwarto. Sasama siya ngayon kay Nelson papunta ng Divisoria. Makakabili na rin siya ng bagong panty at bra!Nagtataka na nilibot niya ng tingin ang kusina, kanina lang ay narito si Nelson. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? "Wag niyang sabihin na umuwi siya! Nangako siya sa akin na sasamahan ako ngayon eh!" Maktol niya.Napahawak siya sa dibdib ng pagpihit niya ay nasa harap na niya ang amo niya. Seryosong nakatingin ito sa kanya kaya naman napalunok siya. Sinong hindi mapapalunok eh nagtagal ang tingin nito sa kanyang labi!Lumayo siya ng kaunti.... baka mamaya ay manghalik 'to! Naku po, mahirap na! Nasaan na ba kasi ang Nelson na 'yon!Iniwas niya ang tingin sa binata ng magsalubong ang mata nila, pinagdikit niya rin ang labi niya, yong tipo na parang tinatago..."Mabuti at nakabihis ka na. Tara na at aalis na tayo." Ani Damon saka tumalikod.Teka, aalis daw? Nabibingi na ba siya? Eh si Nelson ang kasama niya at saka ma
[Amelia]TUMAYO at sumandal si Amelia sa pader kung saan malapit sa pinto. Dito muna siya habang inaabangan ang paglabas ng amo niya. Isang may katandaan na babae ang lumapit sa kanya, mukhang instikta at kamukha pa ni Miss Minchin sa princess Sarah! Napatayo tuloy siya ng tuwid."Miss, ano ang ginagawa mo rito? Wala bang nagsabi sayo na bawal rito?" Mababa ang tono na tanong ng matanda.Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay sisigaw ito at tataasan siya ng kilay pero hindi naman pala. Sa klase ng pagsasalita nito ay mukha itong mabait."Ah... eh... kasi po may hinihintay po ako." Kung pwede lang umalis dito ay kanina pa niya ginawa, nakakainip kayang tumayo at maghintay, pero dahil nakakatakot ang amo niya ay hindi siya pwedeng umalis, baka mamaya ay mabugahan pa siya ng apoy, o kaya naman ay halikan na naman siya—sininok siya.'Naku, Amelia! Alisin mo na sa utak mo ang halik na 'yon!' Ani ng utak niya."Miss, ang kwartong 'yan," itinuro ng matanda ang pinto kung saan pumasok ang b
[Amelia]SA TABI DAW NG AMO NIYA!Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito. Alam naman niya na walang ibig sabihin 'yon pero bakit nakaramdam siya mg tuwa? Diyos ko! Hindi kaya may virus ang laway ng amo niya kaya may nararamdaman siya sa dibdib niya na kakaiba?"Tutulala ka nalang ba d'yan?" Tanong ng amo niya. Kaya naman nagmamadali siyang umupo sa katabing upuan nito.Inikot pa niya ng konte ang upuan para hindi siya mapaharap sa katabing amo, naiilang kasi siyang titigan ang nakatagilid nitong mukha, baka mamaya ay bigla itong lumingon sa kanya."May meeting ako mamaya, hintayin mo ako dito." Inikot ni Damon ang upuan ng dalaga para iharap sa kanya. "Wag kang lalabas ng opisina ko at hindi ka makikipag usap sa kahit na sino, naiintindihan mo ba?"Kagat ang labi na tumango siya sa amo niya. Gusto man niyang iiwas ang mata ay hindi niya magawa. Para siyang hinihigop ng kulay itim nitong mata at dinadala sa lugar na sila lang dalawa—teka, saan niya naman niya nakuha a
[Amelia]'KUNG SINO KA MANG ESPIRITO KA AY LUMAYAS KA SA KATAWAN NG AMO KO!' 'Yan ang kanina pa na sinasabi ng utak niya. Alam niya na magandang pagbabago ang pagngiti ng amo niya, pero hindi maganda 'yon para sa puso niya!"Relax, Amelia! Kumalma ka, crush is paghanga kaya wag kang masyadong matakot." Kausap niya sa sarili.Muntik na siyang himatayin kanina dahil sa sinabi ng amo niya.Maganda daw siya-ay hindi pala, napakaganda daw niya! Kaya naniniwala siyang nasapian 'to eh!Una, nagawa nitong tumawa at ngumiti! Tapos pangalawa, pinakain siya bigla sa mamahaling restaurant! At pangatlo ay pinuri siya!Huminto ang sasakyan ng amo niya sa isang malaki at sikat na Mall na para lamang sa mayayaman."Baka naman hindi ka na naman sumunod, Amelia." Sabi ni Damon sa dalaga.Napalabi siya bago lumabas ng sasakyan. Sumunod siya sa amo niya. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan ang mamangha. Mas malawak pala kapag nakapasok ka. Bawat madaanan nilang bagay ay halatang mamahalin at maganda
[Amelia]"ARAY! SORRY NA!" D***g ni Nelson.Piningot lang naman niya 'to ng madiin, iyong tipo na matatanggal na ang tenga nito. "Sorry na sabi eh, huwag ka ng magalit-""Paanong hindi ako magagalit? Nangako ka sa akin na sasamahan mo 'kong mamili sa Divisoria, tapos bigla ka nalang uuwi ng hindi nagsasabi!" Sabagay, naging masaya din naman ang araw niya kasama ang amo niya-teka, ano ba ang sinasabi niya? Paano naging masaya, eh nasapian nga ito."Sorry na talaga, Amelia ko. Inutusan kasi ako ni Sir Damon na umuwi ng maaga. Ang sabi niya ay siya na ang bahala sa'yo." Nakangiwing sabi ni Nelson habang hawak ang tenga.Ang amo daw niya ang bahala? Napasimangot siya ng maalala ang nangyari. Tama si Sir Liam, daig pa nila ang nag-date.Pareho silang nagulat ni Nelson ng biglang lumitaw ang amo nila, nakatayo ito at nakatingin sa kanila ng madilim ang mukha.Sabay silang napalunok ni Nelson dahil sa takot at gulat."Nag uusap lang po kami ni Nelson, Sir Damon, hindi po kami naglalandian,
[Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay
[Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak
[Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka
HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito.Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita.Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito.Parang bata na napahagulhol siya ng iyak. Ma
DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.
[Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak
[Amelia]HINAWAKAN niya mukha ni Amon at hinalikan ito sa tungki ng ilong. Kailangan na niyang kumilos. Marahan ang kilos na lumabas sila sa ilalim ng mesa. Sumagap muna siya ng hangin bago nagpasya na sumilip, pero agad na bumalik siya sa pagkakatago ng makita ang isa sa hinihinala niyang tauhan ni Cassandra."Hanapin niyo ang dalawa. Tiyak na hindi pa nakakalayo ang mga 'yon—putanģ ina! Ano 'yon?!" Malakas na mura ng lalaki ng makarinig ng sunod-sunod na pagputok.Tinakpan niya ang tenga ng anak. Nanlaki ang mata niya ng makarinig ng mga yabag. Mabilis na hinila niya si Amon upang bumalik sa ilalim ng mesa.Sobra ang kaba niya ng makita ang anim na pares ng paa na nakatayo malapit sa pwesto nila. Mabuti nalang at may kahabaan ang mantel ng mesa kaya hindi sila nakikita ng mga ito. Halos takpan niya ng maigi ang bibig ni Amon huwag lang itong makapag ingay.Nanlaki ang mata niya ng marinig ang pamilyar na boses."Dennis, nasaan na sila Mando?!" Tanong ni Cassandra sa tauhan."Wala na
NANG makaalis si Frederick ay agad na binuksan niya ang pinto ng kwarto para alamin kung naka-lock ito o hindi.Halos maiyak siya sa tuwa ng malaman na hindi ito naka-lock.Nakapagtataka.Hindi ba natatakot si Frederick na tumakas sila? O kampante na ito dahil kasal sila? Inis na tinanggal niya ang singsing sa kamay at binalik ang singsing na binigay sa kanya ni Damon."Amon, tara na. Aalis na tayo sa lugar na 'to." Kahit kasal na sila ay hindi siya sasama kay Frederick sa ibang bansa.Hindi niya ito mahal at natatakot na siya rito. Ibang-iba na ito sa dating Frederick na nakilala niya.Hawak ang kamay ni Amon ay lumabas sila ng kwarto. Malawak ang bahay at wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila ng kanyang anak.Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya para hindi makalikha ng ingay."Ate mommy—" Agad na tinakpan niya ang bibig ng anak at inilagay ang hintuturo sa gitna ng labi niya, tumango naman ito na parang naiintindihan ang nais niyang iparating.Nang nasa kalagitna
LULAN ng puting van ay muli silang bumyahe ni Frederick pagkatapos nilang ikasal. Tulala siya habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak."Tumahimik ka nga!" Malakas na singhal ni Frederick na tila nabibingi sa pag iyak niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Tanggapin mo nalang, Love. Kasal kana sa akin at wala ng magagawa ang pag iyak mo." Masama siyang tumingin rito. "Kasal na nga ako sa walang hiyang tulad mo, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakita sa akin ang anak ko!" Muling binalik nito ang tingin sa daan. "Maghintay ka lang, Amelia, makikita mo rin siya." Inabot ng limang oras ang biyahe nila kaya inihinto nito ang sasakyan sa isang fast food chain para mag-drive thru lang. Hindi niya pinansin ang pagkain na inabot nito sa kanya kaya naman muli na naman itong nainis sa kanya. Sapilitan na nilagay nito ang pagkain sa kamay niya."Kumain ka, Love. Hindi ko gustong magutom ka. Alam ko na dapat ay nasa isang hotel tayo o magarang restaurant