[Amelia]NATIGILAN siya. Ibig sabihin pala ay hindi ganito kasama ang ugali ng amo nila dati? Nagbago lang ito dahil sa nangyari sa pamilya? Tumango-tango siya. Kaya pala."Basta kapag nakapagtapos ako, liligawan kita. Isang taon nalang ang hihintayin ko para makapagtapos." Seryoso ang mukha na tumingin ito sa kanya."Tigilan mo nga ako, Nelson. Wala kang mapapala sa akin. Kasi magpapayaman muna ako sa pagtatrabaho." Seryoso din na sabi niya.Nagkamot ito sa ulo. "Ah, basta. Liligawan kita. Bahala ka." Ani ni Nelson saka malakas na tumawa."Ewan ko sayo. Ang kulit mo!" Sarap kutusan. Paulit-ulit nalang ganito. Napailing nalang siya."Sige na, d'yan ka na. Balik na ako sa loob dahil baka ibaon kita d'yan kasama ng mga halaman." Inis niya na sabi dito pero tinawanan lang siya nito."Bye, Amelia ko. Labyu!" Nalukot ang mukha niya habang naglalakad ng marinig ang sinabi nito. "Baliw na talaga siya." Aniya habang naglalakad.Napangiwi siya ng bumangga siya sa matigas na dibdib. Nag-angat
[Amelia]ISANG buwan na siya rin siya dito sa mansion. Hindi makapaniwala si Miss Neil at Nelson na magtatagal siya dahil karamihan ng pumapasok dito ay hindi umaabot ng dalawang linggo.Nakangiti siya habang hinahalo niya ang niluluto niya. Kahit siya rin naman ay hindi makapaniwala.Pero tulad nga ng sinabi niya ay kakayanin niya at tatagal siya rito. Sulit ang pagtitiis at pagod niya para sa pamilya niya. Hindi na talaga kailangan magtrabaho ng nanay niya at makakapag aral na ng tuloy-tuloy ang mga kapatid niya. At para sa future nila ay mag iipon siya para makapag simula ng maliit na negosyo balang araw."Ngiting-ngiti ka, Amelia. Anong meron?" Tanong ni Nelson sa kanya. Kadarating lang nito galing sa hardin.Bago humarap dito ay pinatay na niya ang apoy saka umupo."Nagtatanong kapa, di'ba nga isang buwan ko na ngayon dito saka makukuha ko na ang kabuuhang sahod ko." Hindi muna siya uuwe ngayon dahil itatabi niya ang sahod na tira. Iyon na ang napag usapan nila ng nanay niya."Iyo
[Amelia]"S-SIR..." Nag iba ang pakiramdam niya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa tainga niya. Ngayon lang niya naranasan ang ganito at hindi niya alam kung bakit.Tumingin siya sa puson niya ng maramdaman na may tumutusok do'n na matigas na bagay.Nanlaki ang mata niya ng ma-realize kung ano ang bagay na 'yon.Mabilis na itinulak niya ang amo niya at nagmamadali na umahon. Nagmamadali siya tumakbo pabalik sa kwarto niya. Gusto niya maiyak ng maalala ang pagkadikit ng bagay na 'yon sa puson niya.Noong una ay nakita lang niya, tapos naupuan, tapos ngayon sa puson na niya dumikit! Pumasok siya ng banyo at agad na nagbanlaw.Bakit ba palagi nalang nangyayari ito sa kanya?! Madilim ang mukha ng amo niya sa kanya kanina, sigurado siya na galit na naman ito at baka malintikan na naman siya bukas.Kapag minamalas ka nga naman!Bakit naman kung kailan siya nag swimming ay saka naman din nito naisipan na magswimming.Namula siya ng maalala ang bagay na tumutusok sa puson niya kanina.
[Amelia]BIBILI siya ng mga bagong panty at bra. Iyon ang plano niya kapag sumahod siya. Kailangan niya 'yon para hindi masabi ng amo niya na maski panty at bra ay wala siyang pambili.Sa ugali ni Sir Damon ay hindi malabo na sabihin nito ang mga bagay na iyon sa kanya. Pinagpag niya ang luma n'yang tuwalya na naiwan niya sa pool. Mabuti at hindi naisipan na itapon ito ang amo niya.Ano kaya ang nakain ni Sir Damon? Bakit hindi siya nito pinagalitan at sinigawan? Nakapagtataka talaga."Amelia ko!" Inirapan niya si Nelson na kararating lang. Nakangiti na nilapag nito ang gulay sa mesa."Bakit araw-araw kang maganda, Amelia? Lalo tuloy akong nahuhulog sayo." Hirit pa ni Nelson."Alam mo, Nelson, tigilan mo 'ko sa kabobola mo, hindi ako tatablan n'yan, no!" Pakli niya na tinawanan lang ng binata. Sinamaan niya si Nelson ng tingin ng maalala ang nangyari kagabi. Lumapit siya rito at mahinang nagsalita."Ang sabi mo sa akin wala ng gumagamit ng swimming pool, eh bakit ginamit ni Sir Damon
[Amelia]TODO ngiti siyang lumabas ng kwarto, pero dahil sa hindi siya sanay sa high heels ay nawalan siya ng balanse. Akala niya ay babagsak siya pero tumama ang mukha niya sa matigas na bagay bago pa siya bumagsak sa lapag.Nanlaki ang mata niya ng makita ang amo niya na nakatingin sa kanya. Agad na umayos siya ng tayo at lumayo rito. Kailangan niya dumistansya dahil mukhang hindi maganda ang mood ng amo niya ngayon.Grabe kasi ang tingin ng mga mata nito sa kanya ngayon. Matiim at tila hinahalukay ang pagkatao niya.Hindi niya mapigilan ang sarili na purihin si Sir Damon ngayon. Para itong prinsipe sa suot na itim na tuxedo. Napakagwapo nito, tapos mabango pa. Sabagay, palagi naman itong gwapo at mabango, wala ng bago. Kaso nga lang ay nakakatakot pa rin ang awra nito sa kabila ng kagwapuhan. Paano ay masama kung tumingin, parang kakain ng tao.Habang nasa loob sila ng mamahaling sasakyan ni Sir Damon ay panay naman ang hilot niya sa sintido niya. Sa sobrang sakit ng ulo niya ay nap
[Amelia]NAGMULAT siya ng mata ng huminto ang sasakyan. Nakauwi din sila sa wakas. Mabagal ang kilos na bumaba siya ng sasakyan ng amo niya. Hindi niya ito nilingon at tuloy-tuloy na pumasok. Nang muntik siyang mabuwal dahil sa panginginig ng katawan ay maagap siyang nahawakan ng amo niya na nasa likuran na pala niya.Agad na humiwalay siya rito at naglagay ng distansya sa pagitan nila."Hindi ka na dapat sumama kung hindi maganda ang pakiramdam mo." Seryosong wika ni Sir Damon. Hindi siya nagsalita at nagyuko lang ng ulo. Paano naman nito nalaman na masama ang pakiramdam niya?"Use your fùcking brain, Amelia. Ganyan ka ba talaga katanga? Sinama kita para may alalay ako, pero ako pa ang nag-adjust dahil sayo." Kumibot-kibot ang labi niya. Nagsimulang manlabo ang mata niya dahil sa mga sinabi nito.Bakit parang kasalanan pa niya? Wala naman siyang sinabi na umuwi sila. Hindi niya pinaalam ang kalagayan niya dahil baka magalit 'to. Bakit palagi nalang siyang mali sa paningin nito?Sak
[Amelia]"HOW'S your feeling now, Amelia?" Tanong ni Damon."Mabuti na po, Sir." Magalang na sagot niya na hindi tumitingin dito. "That's good to hear." Akala niya ay wala ng ibang sasabihin ang amo niya pero mali siya. "Next time, change your clothes before you sleep. Mahirap bihisan ang isang tulog." Nag-angat siya ng tingin sa sinabi nito. "P-Po?" Kabadong tanong niya. Wag naman sana! Tinukod ni Damon ang siko sa dining table at nangalumbaba na tumingin ng diretso sa mga mata niya. "Ang hirap mong bihisan." Muntik na n'yang mabitiwan ang baso na hawak. Tama nga ang pagkakaintindi niya! Nagbukas-sara ang ilong niya sa inis. Nag-iinit din ang mukha niya sa hiya, pakiramdam niya ay kumain siya ng sampong kilong sili!"No worries, Amelia, hindi naman ako interesado sayo." Tumayo ang binata. "Wala namang maganda sa katawan mo." Dugtong pa nito bago tuluyang umalis.Halos madurog ang baso sa kamay niya dahil sa higpit ng hawak niya. Walanghiya talaga! Dapat pala ay binato na niya ito
[Amelia]"BAHALA siya sa buhay niya. Siya naman ang kakain ng niluto niya." Bubulong-bulong na sabi niya bago nahiga sa kama. Hindi pa nag iinit ang katawan niya sa higaan ng may kumatok. Pagbukas niya ng pinto ay nakabusangot na mukha ng amo niya ang bumungad sa kanya."May kailangan ka, Sir?" Tanong niya.Tumikhim ang amo niya at hindi makatingin ng diretso sa kanya. "I... I can't cook, alam mo naman 'yon, di'ba?" Tumango siya."Bakit iniwan mo ako? Alam mo naman na hindi ako marunong magluto?" May inis sa boses na tanong nito.Umawang ang labi niya. "Eh Sir, ang sabi mo sa akin kanina hindi mo ako kailangan-""Hindi naman talaga kita kailangan!" Napapikit siya ng sumigaw pa ang binata. Wow naman, magkaharap lang kaya sila, bakit kailangan sumigaw?"Damn it! Bakit ba sumasagot ka pa? Ako ang amo dito kaya sumunod ka nalang. Now help me to cook and stop talking!" Sabi pa nito bago siya tinalikuran.Napabuga nalang siya ng hangin. Bakit naging kasalanan pa niya? Hindi nalang kasi am