JADE’S POV“A T E J A D E?” . . . untag ni Aira sa malalim niyang iniisip.“O-O, Aira, a-ano nga ulit ‘yong sinasabi mo?”, tanong niya habang pinipilit na pinapakaswal ang tono niya.Basta siyang dumampot ng tela at nagkunwaring inaayos ang pagkakarolyo n’on.Magmula nang makabalik siya galing sa party ng ate niya n’ong isang gabi, ay madalas na siyang matulala. Para kasing paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang mabagal na paglalakad ng fiancè ng ate niya, hanggang sa nalaman niya ang tunay nitong pagkatao at habulin siya ng habulin.Nanariwa sa kanya ang mga takot na akala niya ay naibaon na niya ng tuluyan sa limot. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng dalaga kaya tiningnan niya ito at pilit na ngumiti.“Ang lalim a,” pabiro niyang sabi.“Kahit anong pamemeke mo, alam ko hindi ka okay,” sabi pa ni Aira.Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay itinuloy niya ang pag-iinspeksyon at pagrorolyo ng mga tela.Pero hinawakan ng dalaga ang kamay niya kaya napahinto siya.“Gusto mo b
RED’S POV P A R A . . . itong nakakita ng multo sa itsura nito. Widely opened eyes, stiff and face as white as ghost. Ganyan ang itsura ni Trinity nang mapagbuksan siya ng pinto. “Please, let’s talk,” pakiusap niya. Nang mukhang makabawi ito sa wakas, ay agad na napalitan ng galit ang ekspresyon nito. “Go away!” Galit nitong tugon sabay malakas na kinabig ang pinto para pagsar’han siya. Pero mabilis na pinigil niyang pinto gamit ang isang kamay. “Five minutes. I only need five minutes of your time,” he insisted, almost desperate “Umalis ka. Kung hindi ay tatawag ako ng pulis para ipakulong kang hay*p ka!” galit nitong tugon sabay muling pilit na sinubukang pagsarahan siya ng pinto. Pero muli niya rin lang pinigil iyon. “Five minutes. Pagkatapos n’on...h-hindi na kita gagambalain ulit. Kahit kailan. P-Pangako,” pilit niya kahit na medyo nag-aalangan sa huling sinabi niya. Wala pa siyang naalalang pagkakataon sa tanang buhay niya na nakaramdam siya ng ganitong desperasyon, pa
CHAPTER 65 DALAWANG ILOGJADE’S POVW H E N . . . she first saw her sister’s fiancè, she thought he was familiar. Para bang nakita na niya ito before that night, pero hindi niya maalala kung saan. Even her cousin, Scarlet said the same thing.And when she found out na ito ang lalaking nanamantala sa kanya, she thought that is why she had that feeling of familiarity.Alam niya na kung sakali mang malasin na naman siya at magtagpo muli ang landas nila ng lalaking iyon, alam niya kung ano ang mararamdaman niya. Anger, fear, disgust, everything unpleasant.But that is not the case when she first saw Red coming through the double door, walking on the red carpet like a prince who is ought to meet his princess. The feeling was more like...like anticipation, excitement, the very same feeling one has when they see their idol celebrity. Kaya nga hindi niya talaga inakala na ito ang lalaking pinakamumuhian niya, not until ito mismo ang makakilala sa kanya.But seeing him right next to her son,
JADE’S POV I G I N A L A . . . niya ang paningin sa kabuuan ng kusina. Katatapos niya lang maghugas at magligpit. Sumilip siya sa sala para tingnan kung naroon pa sina JM at Aling Patty. Pero hindi na niya nakita ang mga ito. Napatingin siya sa wallclock. Alas dyes na pala ng gabi. Malamang ay tulog na ang mga ito. Sandali siyang nag-isip kung ano ang pwede niyang gawin pampaantok. Usually kasi sa mga ganitong oras, busy na siya sa coffee shop kaya sanay siya na gising sa mga ganitong oras. Kaya lang ipinagpaalam nga siya ni Macoy na hindi muna makakapasok ng ilang araw, kaya ‘eto siya’t nagpapaikot-ikot ng lakad sa maliit nilang sala dahil sa pagkabagot. Nagpasya siyang lumabas para magpahangin, baka sakaling dalawin siya ng antok kapag nakapaglakad-lakad siya. Pero hindi pa siya ganap na nakakalabas ng pintuan ay natigilan siya nang makitang nakatalikod at nakaupo si Macoy sa may tapat mismo ng bahay nila. Nakasuot ito ng basketball jersey at mukhang kagagaling lang maglaro.
RED’S POV“B I G A Y . . . mo sa’kin ang lahat ng kaso na naka-assign kina Col. Mariano at Col. Granadino. I-rereview ko ang updates bago ako mag-leave,” wika niya sa sundalong nakatayo sa harapan ng lamesa niya, habang abalang nagbubuklat ng mga pahina ng case reports na inaaral niya.“Yes, Sir,” sagot naman nito.Abala pa rin siya sa ginagawa nang may kumatok ng dalawang beses sa pinto ng opisina niya.“Come in!” Malakas niyang sabi nang hindi nag-aabalang alisin ang pansin niya sa mga nire-review ng dokumento.“Sir!” narinig niyang tawag ng sundalong kausap niya kaya siya napaangat ng tingin.Pero hindi pala ito sa kanya nakaharap kung di kay Daniel na siyang dumating.Tinanggap naman ng huli ang pagsaludo ng batang sundalo ‘tsaka siya nito binalingan at nagbigay-pugay rin.“Kung busy ka, pwede akong bumalik na lang mama---”“No, I’m almost done,” putol niya agad sa sinasabi sana nito.Makahulugan ang naging paraan ng pagtingin nito sa kanya, kaya alam niyang naroon ito bilang kaib
JADE’S POV“O M G . . . Ate Jade! Balitang-balita sa baranggay na may poging lalaki na dumalaw sa’yo rito n’ong isang araw, how chrew?!” malakas na bungad agad ni Aira habang dire-diretso pumapasok sa bahay nila.Agad niya itong sinenyasan na huwag masyadong mag-ingay dahil baka marinig na naman sila ng mga chismosa nilang kapitbahay.“Ingay mo!” Pabulong niyang sita rito sabay hinila ito papasok sa kusina.Mabuti na lang at siya na lang ang tao sa bahay dahil nakapasok na sina Macoy, Aling Patty at JM.Naghahanda na nga rin dapat siya para sa pagbalik niya sa patahian, nang bigla na lang dumating si Aira.“Wait, so totoo nga?” tanong ulit nito sa mas mahina nang boses.“Na ano ba?” “Na may poging dumalaw sa’yo rito n’ong isang araw?”She rolled her eyes. Wala talagang nakakaligtas mga mata ng mga marites sa baranggay nila.“Hindi,” mariin niyang tanggi.“Hindi totoo na pogi o hindi totoong may dumalaw sa’yo?” pangungulit nito.Tinalikuran niya ito para humarap sa maliit
JADE’S POVK U L A N G . . . na lang ay mag-usok ang ilong at tenga niya sa inis, habang nakaupo siya sa tapat ng lamesa ni Mang Ino sa Baranggay Hall.Habang si Red naman ay prenteng nakaupo, halos isang metro ang layo sa tabi niya. Kaswal na kaswal at walang bahid ni kaunting na kaba ang itsura nito, habang naka-de otso pa ng upo at pinagkrus din ang mga braso sa tapat ng dibdib.Kahit na sa harapan ito nakatingin ay inirapan niya pa rin ito. Nakakainis na nga na inabala na naman siya nito, mas lalo pa siyang naiinis sa itsura nitong mukhang hindi apektado.Nagawi ang tingin niya sa may bintana ng baranggay. Natigilan siya at napakunot ng noo nang makita ang ilang kababaihan na sumisilip-silip sa doon, habang tila kinikilig pa.Pati sa may pintuan, bata, matanda, pati bakla, ay may nakiki-usyoso.Sinundan niya ang tingin ng mga ito at iisa lang ang nakita niyang tinutumbok ng nga iyon. Ang lalaking ipinababaranggay niya.“Pwede nang ihanay kina James Reid ‘yong ex mo sa tindi
JADE’S POVW A L A . . . na sila sa baranggay hall, pero pakiramdam ni Jade ay naroon sila para sa isang paglilitis. Pinaupo ni Mang Ino ng mag-isa si Red sa kahoy na sofa. Habang siya naman an sa armchair na yari din sa kahoy nito pinaupo. Kumuha naman ng stool si Mang Ino at pumwesto sa kabilang ibayo ng lamesa, sa tapat ni Red. Pinagkrus nito ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at matamang pinakatitigan ang binata. Ganoon lang ito magmula nang dumating sila galing sa baranggay. Ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita at nanatili lang na nakatitig kay Red na para bang gusto nitong tunawin ang huli. Hindi niya naman masabi kung ano ang nasa isip ng binata. Wala kasi siyang nababasang kahit na anong emosyon sa mukha nito. Tuwid na nakaupo lang ito habang nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang hita, na para ba itong isang sundalo na nasa harap ng superior nito. Teka, e sundalo nga pala itong kumag na ‘to, aniya sa isip. “Red,” sa wakas ay nagsalita na