Share

CHAPTER 66 (YOU ARE NOT ALONE)

JADE’S POV

I G I N A L A . . . niya ang paningin sa kabuuan ng kusina. Katatapos niya lang maghugas at magligpit.

Sumilip siya sa sala para tingnan kung naroon pa sina JM at Aling Patty. Pero hindi na niya nakita ang mga ito.

Napatingin siya sa wallclock. Alas dyes na pala ng gabi. Malamang ay tulog na ang mga ito.

Sandali siyang nag-isip kung ano ang pwede niyang gawin pampaantok. Usually kasi sa mga ganitong oras, busy na siya sa coffee shop kaya sanay siya na gising sa mga ganitong oras.

Kaya lang ipinagpaalam nga siya ni Macoy na hindi muna makakapasok ng ilang araw, kaya ‘eto siya’t nagpapaikot-ikot ng lakad sa maliit nilang sala dahil sa pagkabagot.

Nagpasya siyang lumabas para magpahangin, baka sakaling dalawin siya ng antok kapag nakapaglakad-lakad siya.

Pero hindi pa siya ganap na nakakalabas ng pintuan ay natigilan siya nang makitang nakatalikod at nakaupo si Macoy sa may tapat mismo ng bahay nila.

Nakasuot ito ng basketball jersey at mukhang kagagaling lang maglaro.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Prinsesa Maria
hehehehehe second male lead syndrome hehehe
goodnovel comment avatar
Calista Dale
mukha malabo ang team red kumpara sa team macoy ah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status