CHAPTER 73RED’S POVH E . . . saw how Trinity glanced at his phone screen before she turned away. Kaya alam niyang alam nito kung sino ang tumatawag na iyon.He ignored the call and planned to ran after her, pero muli lang nagring ang telepono niya.Rian Calling...He let out a harsh sigh.Kilala niya ang ugali ng babaeng walang tigil na tumatawag sa kanya. She will not stop until he answers.Kaya para matapos na at makabalik na siya kay Trinity, sinagot na lang niya ang tawag. He didn’t want anymore interruptions after this.Hindi niya kasi magawang i-off ang cellphone dahil baga tawagan siya ng kampo for emergency. Kung alam niya lang, he should have set up a different phone line for work. Ayaw niya naman kasi ng dala-dalawang cellphone dahil bukod sa hassle ay nakakalito iyon.Napapalatak siya.“What is it?” iritado niyang bungad pagkasagot na pagkasagot niya.“Hello? Miggy?! Finally! You answered! Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot! ‘asan ka ba?!” singhal din ni
RED’S POV M G A . . . bandang alas tres ng hapon nang matapos ang trabaho ni Trinity sa patahian. “’Yong sa hem at sleeves ‘wag n’yo na muna galawin. Susubukan kong humanap ng pwede nating gamitin na pang-lining,” habilin nito sa mga kasama. “Sige, Jade. Mag-cut out na lang muna kami ng mga outline, tapos ‘pag may nahanap kang lining ngayon, bukas nating ikabit lahat,” sagot naman ni Pia. Tumango naman ang dalaga. He stood by the door as he listened to their conversation. Wala siyang gaanong naiintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga ito, but he cannot help but watch Trinity in awe as she works. She seemed so indulged to her craft at mukhang alam na alam nito ang ginagawa. To him, that is appealing. “Asa’n na ba si Aira? ‘kala ko ba sasama ‘yong bruhang ‘yon? Aira!” maya maya ay sigaw ng dalaga habang sumisilip pa sa loob. “Present! Grabe sa bruha Ate Jade a,” malakas na sagot naman ng tinatawag nito ‘tsaka patakbong lumalapit sa kinaroroonan kay Trinity. “Tagal mo,” sita nito
JADE’S POVM A Y . . . pakiramdam talaga siya na sinadya ni Aira na kunin ang pitaka niya para siguruhing hindi sila makakaalis ni JM. Totoong binalak niyang iwanan na lang ang kaibigan at mag-commute na lang sila ng anak. As much as possible kasi ay ayaw niyang magkaroon ng close encounter ito at si Red. Hindi siya handa para doon.Pero nang hanapin niya ang pitaka niya para sana kumuha ng pamasahe, ay hindi niya iyon nakita sa bag na dala. Mabuti na lang at naging ugali niya talaga ang i-check muna ang laman ng pitaka bago siya sumakay ng kahit na anong pampublikong sasakyan. Minsan na kasing nangyari sa kanya na sumakay siya ng tricycle, tapos kulang pala ang pamasahe niya. Abot-abot ang kahihiyang inabot niya mula sa driver ng tricycle, kaya mula noon ay inugali na niyang magcheck muna ng perang dala.Wala siyang choice kung di ang bumalik kung saan nakaparada ang kotse ni Red.Gaya ng hula niya, naroon nga ang pitaka niya. Alam niya kasing dala-dala niya talaga iyon. Chin
JADE’S POVM A H I G P I T . . . ang naging paghawak niya sa kamay ni JM nang pumasok sila sa mataong lugar.“O, JM, ano’ng sabi ni Mama sa’yo kapag nasa mataong lugar?” tanong niya sa anak.“Hawak lang kay Mama, huwag bibitaw. Huwag sasama sa hindi kilala,” pag-eenumerate nito ng mga habilin niya.Napangiti niya.“Very good. O, ‘lika na,” aniya sabay pisil ng bahagya sa pisngi nito.Nagsimula na silang mag-ikot ni Aira, habang karay-karay niya si JM. May pagmamadali ang bawat kilos niya dahil kailangan nilang matapos ang agenda nila roon sa loob ng ilang oras lang.May pasok pa kasi siya sa coffee shop mamayang alas otso. Mabuti nga at napakiusapan niya pa ang manager niya na payagan siyang pumasok ng late ng isang oras.Para silang nag shop hopping dahil halos lahat yata ng tindahan ng textile at abubot ay pinasok nila.Maya’t maya niyang nililingon si JM dahil baka mamaya, hindi na pala anak niya ang hawak niya. Kung may pagpipilian lang talaga siya ay hindi niya isasa
JADE’S POVH A L O S . . . magka-stiff neck na siya sa kakalingon sa labas ng bintana. Umiiwas kasi siya sa posibilidad na magtama na naman ang paningin nila ng lalaking nagmamaneho sa tabi niya. Tanging mahinang musika na nanggagaling sa radyo lang ang pumupuno sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Nagsisimula nang dumilim ang paligid. Mukhang ngang uulan pa. Napatingin siya sa digital clock sa dashboard ng kotse. Alas siete na ng gabi, at malayo pa sila sa kanila. Rush hour at mabigat ang daloy ng trapiko. Siguradong hindi na siya aabot sa trabaho niya sa coffee shop. Nilingon niya ang kaibigan na nasa backseat at abala sa pag-i-scroll sa telepono nito. “Aira,” pabulong niyang tawag dito sabay mabilis na sinulyapan ang natutulog na anak. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Mukhang napagod talaga ito. “’Te?” sagot naman ng tinawag niya. “May load ka ba?” tanong niya ulit. “Pangtawag o text?” “E tawag sana,” nahihiya niyang sagot. “Teka saglit, check ko,” Pagkasabi niyon ay mab
RED’S POVT H E R E . . . are quite a few things that have been bothering him since that day na sinamahan niya sina Trinity sa lakad nito.Una, ay ang pagkakatuklas niya na hindi lang isa, hindi lang dalawa, kung di marami ang trabaho ni Trinity para lang masuportahan ang anak nila. Bilang lalaki, that did not exactly made him feel proud. Gusto niyang magmura nang marinig niya iyon, pero pinigil niya ang sarili dahil naroon si JM.Pangalawa at ang hindi niya pinakamakalimutan sa lahat ay ang sinabi ng anak niya.“Inipon ko po ‘yong pera para may pangbayad tayo ‘pag na-ospital na naman ako,”He remember his son saying those words.Ano kaya ang ibig nitong sabihin na na-ospital na naman? May sakit kaya ang anak niya? Now that he thinks of it, medyo maputla at may kapayatan nga ang bata n’ong nakita at nakasama na niya ito ng malapitan.Nag-alangan lang siyang itanong kay Trinity, dahil baka iba ang maging dating niyon sa dalaga at ikasama pa ng loob nito.Pero hindi talaga wa
JADE’S POVH I N D I . . . niya mabilang kung ilang beses na siyang panakaw na sumulyap kay Red magmula kanina nang umalis sila sa kanila. Kanina pa kasi ito tahimik at mukhang seryoso. Hindi niya tuloy malaman kung galit ba ito o may nagawa siyang hindi nito nagustuhan.Bumuntong hininga na naman ito. Hindi na rin niya mabilang kung nakailang buntong hininga na ito magmula nang umalis sila sa kanila.Hindi naman sa apektado siya, pero sana lang kasi hindi na lang ito nagpumilit na ihatid siya, kung labag din naman sa kalooban nito iyon.Hanggang sa makarating sila sa coffee shop ay hindi pa rin nagsasalita ang lalaki.Narinig niyang hinila na nito ang parking brake, pero hindi muna siya bumaba.Talagang hindi niya matiis na hindi ito tanungin kung bakit bigla itong nanahimik.“Galit ka ba sa’kin?” iritadong tanong niya.Kunot ang noo nitong nilingon siya.“Of course not, ba’t mo naman naisip na galit ako?” tanong din nito.Marami pa sana siyang gustong sabihin at itanong.
RED’S POVN A K I T A . . . niya ang pagtakas ng kulay sa mukha ni Trinity habang nakatingin ito sa grupo ng mga babaeng dumating.“I thought people were just making up those weird stories about you, and yet here you are,” may pang-iinsultong sabi ng isa sa apat na babae. Tiningnan nito ng may pandidiri at panunuya ang dalagang nasa likod ng kahera.“Totoo nga ang chismis, hindi ka lang basta sumadsad sa lupa, naibaon ka pa sa putikan,” dagdag pa ng parehong babae na sinundan ng matitinis na tawanan ng mga kasama nito.Sa tantiya niya, kung hindi pareho, ay hindi nalalayo ang edad ng mga ito kay Trinity.“A-Ahm, Hi mga Mam! Excuse me po! Dito na po kayo sa’kin. I’ll help you with your orders,” agad na agaw n’ong kasama ng dalaga na nagngangalang Aldrin, sa atensyon ng grupo.Binigyan nito ng nagpapaunawang tingin si Trinity bago binalingan ang mga customer na nagsimula ng magbigay ng kani-kanilang order.Kita niya ang magkakahalong pagkaasiwa, hiya at kaba na nakaguhit sa mukha ng da