JADE’S POVM A H I G P I T . . . ang naging paghawak niya sa kamay ni JM nang pumasok sila sa mataong lugar.“O, JM, ano’ng sabi ni Mama sa’yo kapag nasa mataong lugar?” tanong niya sa anak.“Hawak lang kay Mama, huwag bibitaw. Huwag sasama sa hindi kilala,” pag-eenumerate nito ng mga habilin niya.Napangiti niya.“Very good. O, ‘lika na,” aniya sabay pisil ng bahagya sa pisngi nito.Nagsimula na silang mag-ikot ni Aira, habang karay-karay niya si JM. May pagmamadali ang bawat kilos niya dahil kailangan nilang matapos ang agenda nila roon sa loob ng ilang oras lang.May pasok pa kasi siya sa coffee shop mamayang alas otso. Mabuti nga at napakiusapan niya pa ang manager niya na payagan siyang pumasok ng late ng isang oras.Para silang nag shop hopping dahil halos lahat yata ng tindahan ng textile at abubot ay pinasok nila.Maya’t maya niyang nililingon si JM dahil baka mamaya, hindi na pala anak niya ang hawak niya. Kung may pagpipilian lang talaga siya ay hindi niya isasa
JADE’S POVH A L O S . . . magka-stiff neck na siya sa kakalingon sa labas ng bintana. Umiiwas kasi siya sa posibilidad na magtama na naman ang paningin nila ng lalaking nagmamaneho sa tabi niya. Tanging mahinang musika na nanggagaling sa radyo lang ang pumupuno sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Nagsisimula nang dumilim ang paligid. Mukhang ngang uulan pa. Napatingin siya sa digital clock sa dashboard ng kotse. Alas siete na ng gabi, at malayo pa sila sa kanila. Rush hour at mabigat ang daloy ng trapiko. Siguradong hindi na siya aabot sa trabaho niya sa coffee shop. Nilingon niya ang kaibigan na nasa backseat at abala sa pag-i-scroll sa telepono nito. “Aira,” pabulong niyang tawag dito sabay mabilis na sinulyapan ang natutulog na anak. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Mukhang napagod talaga ito. “’Te?” sagot naman ng tinawag niya. “May load ka ba?” tanong niya ulit. “Pangtawag o text?” “E tawag sana,” nahihiya niyang sagot. “Teka saglit, check ko,” Pagkasabi niyon ay mab
RED’S POVT H E R E . . . are quite a few things that have been bothering him since that day na sinamahan niya sina Trinity sa lakad nito.Una, ay ang pagkakatuklas niya na hindi lang isa, hindi lang dalawa, kung di marami ang trabaho ni Trinity para lang masuportahan ang anak nila. Bilang lalaki, that did not exactly made him feel proud. Gusto niyang magmura nang marinig niya iyon, pero pinigil niya ang sarili dahil naroon si JM.Pangalawa at ang hindi niya pinakamakalimutan sa lahat ay ang sinabi ng anak niya.“Inipon ko po ‘yong pera para may pangbayad tayo ‘pag na-ospital na naman ako,”He remember his son saying those words.Ano kaya ang ibig nitong sabihin na na-ospital na naman? May sakit kaya ang anak niya? Now that he thinks of it, medyo maputla at may kapayatan nga ang bata n’ong nakita at nakasama na niya ito ng malapitan.Nag-alangan lang siyang itanong kay Trinity, dahil baka iba ang maging dating niyon sa dalaga at ikasama pa ng loob nito.Pero hindi talaga wa
JADE’S POVH I N D I . . . niya mabilang kung ilang beses na siyang panakaw na sumulyap kay Red magmula kanina nang umalis sila sa kanila. Kanina pa kasi ito tahimik at mukhang seryoso. Hindi niya tuloy malaman kung galit ba ito o may nagawa siyang hindi nito nagustuhan.Bumuntong hininga na naman ito. Hindi na rin niya mabilang kung nakailang buntong hininga na ito magmula nang umalis sila sa kanila.Hindi naman sa apektado siya, pero sana lang kasi hindi na lang ito nagpumilit na ihatid siya, kung labag din naman sa kalooban nito iyon.Hanggang sa makarating sila sa coffee shop ay hindi pa rin nagsasalita ang lalaki.Narinig niyang hinila na nito ang parking brake, pero hindi muna siya bumaba.Talagang hindi niya matiis na hindi ito tanungin kung bakit bigla itong nanahimik.“Galit ka ba sa’kin?” iritadong tanong niya.Kunot ang noo nitong nilingon siya.“Of course not, ba’t mo naman naisip na galit ako?” tanong din nito.Marami pa sana siyang gustong sabihin at itanong.
RED’S POVN A K I T A . . . niya ang pagtakas ng kulay sa mukha ni Trinity habang nakatingin ito sa grupo ng mga babaeng dumating.“I thought people were just making up those weird stories about you, and yet here you are,” may pang-iinsultong sabi ng isa sa apat na babae. Tiningnan nito ng may pandidiri at panunuya ang dalagang nasa likod ng kahera.“Totoo nga ang chismis, hindi ka lang basta sumadsad sa lupa, naibaon ka pa sa putikan,” dagdag pa ng parehong babae na sinundan ng matitinis na tawanan ng mga kasama nito.Sa tantiya niya, kung hindi pareho, ay hindi nalalayo ang edad ng mga ito kay Trinity.“A-Ahm, Hi mga Mam! Excuse me po! Dito na po kayo sa’kin. I’ll help you with your orders,” agad na agaw n’ong kasama ng dalaga na nagngangalang Aldrin, sa atensyon ng grupo.Binigyan nito ng nagpapaunawang tingin si Trinity bago binalingan ang mga customer na nagsimula ng magbigay ng kani-kanilang order.Kita niya ang magkakahalong pagkaasiwa, hiya at kaba na nakaguhit sa mukha ng da
JADE’S POV“S T O P !” . . . Tila kulog na dumagundong ang boses ni Red sa buong coffee shop. Natigilan ang lahat. Pumagitna ito sa kanila ni Chloe matapos ang ilang sandaling pag-awat. “Both of you! Just stop!” ulit nito. Mas mahina na iyon kaysa sa kanina, pero nanatili pa ring ma-awtoridad ang tono nito. Inayos niya ang buhok na nagkagulo-gulo dahil sa pananabunot ng dati niyang miyembro sa Queens. Pinukol niya ang grupo ng mga ito ng matalim na tingin. Hindi siya nagagalit sa mga pagpaparinig nito sa kanya. Mas ipinagpuputok ng butchi niya ay ang panggugulo nito sa lugar kung saan siya nagtatrabaho, much more, sa harap ni Red. Sigurado siyang narinig ng lalaki ang lahat ng sinabi ng mga ito. At iyon ang pinaka-ikinagagalit niya sa lahat. “You evil wench! Ang baba na nga ng pinagbagsakan mo, ang yabang mo pa rin!” sigaw ni Chloe sabay duro pa sa kanya. Umakto itong susugurin siyang muli pero agad na itong pinigil ni Red. “Now that’s enough from you, young lady! Kung hin
JADE’S POV“A R E . . .you sure na hindi mo na ipapakilala ang mag-ama sa isa’t isa, TJ?” Tanong ni Scarlet sa kanya. Naikwento na niya sa pinsan ang lahat nga nangyari, pati na ang unfortunate event sa coffee shop. Naroon din ito ngayon para pangasiwaan ang pagtatahi ng mga Filipiniana na gagamitin sa oathtaking ceremony ng Tito Billy niya. Ito kasi ang nahalal na bagong Mayor ng Lungsod ng Maynila. Kahit na medyo nagulat sa tanong ng pinsan niya, ay umakto siyang hindi apektado at itinuloy lang ang pagguhit ng mga pattern sa manila paper. “A hundred and one percent,” paniniguro niya. “Don’t you think you’re being a little unfair? I mean, no matter what the circumstances were, mag-ama pa rin sila. I would understand if masamang tao nga talaga si Red, but he is not right? In fact, he tried his best to---” “I will not change my mind,” putol niya sa sinasabi nito ng may pinalidad sa tono. “It has been me and JM since day one,” aniya ‘tsaka nag-angat ng tingin para tingnan ng diret
RED’S POV“A G A I N ! ! !”Malakas niyang sigaw sa mga bagong miyembro ng Special Force at sinundan iyon ng maiksing pagpito.Sa hindi niya na mabilang na pagkakataon ay inulit naman ng nga ito ang drill na pinapagawa siya.Takbo rito, takbo roon. Gulong dito, gulong doon. Gusto niyang makita na maperpekto ng mga ito ang lahat ng drills, bilang paghahanda sa mga misyong susuungin nila.Pero nang tumingin siya sa timer na hawak niya sa kaliwang kamay ay hindi siya kuntento.Muli niyang hinipan ang pito.“AGAIN!!!” sigaw niya ulit.These days, he had been very irritable. Aware naman siya. At alam niya kung bakit. To avoid lingering in the memory, isinubsob niya ang sarili sa trabaho magmula nang makabalik siya.May nakita ulit siyang mali sa ginagawa ng mga sundalo, kaya muli siyang pumito.“AGAIN!!!” sigaw niya.Agad siyang napalingon nang may biglang tumapik sa balikat siya.Nakita niya si Daniel na tumabi sa kanya, habang nakatanaw sa mga sundalong hinihingal na sa paulit-ulit niy