JADE’S POVI L A N G . . . beses siyang kumurap-kurap dahil baka namamalik-mata lang siya. Papasok na kasi sana siya sa trabaho. Pero natigilan siya sa may pintuan nang makita niya si Red na nakatayo sa may labasan nila. Nakapamulsa ito habang sinisipa-sipa ang maliliit na bato sa kinatatayuan nito.Nang marahil ay maramdaman nito ang prisensya niya ay agad itong nag-angat ng tingin. Awtomatikong itong ngumiti nang makita siya.Talaga ba kayang tototohanin nito ang sinabi nito kahapon?FLASHBACK:Hanggang sa magkapaalamanan sina Mang Ino at Red ay hindi na siya lumabas mula sa pinagtataguan niya sa kusina.Masyado pa siyang overwhelmed sa mga narinig at nalaman niya.“Isa lang sana ang hihingin ko sa’yo Red,” narinig niya pang hirit ni Mang Ino bago tuluyang umalis ang binata.“Ano po ‘yon?” tanong naman ng huli.“Mabuting bata si Jade. Masyado lang mahirap at masakit ang mga pinagdaanan niya sa buhay, kaya siya ganyan. Sana ay kahit na ilang beses ka niyang itaboy o ipagtulakan
JADE’S POV“P S T ! . . . Jade!” pabulong na tawag sa kanya ng isa sa mga katrabaho niyang si Pia sa patahian.“So ano nga ang chika?” Tanong nito nang ganap na makalapit sa kanya.“Tungkol saan?” Kaswal niyang tanong habang abala sa pagsusukat ng tela.“’To naman para namang ano. Tungkol sa inyo ni Pogi. Jowa o manliligaw pa lang?” tila kinikilig pa nitong tugon habang nakatingin sa gawi ni Red.Sinundan niya rin ang tingin nito. Nakita niya ang binata na mukhang seryosong-seryosong nakikinig habang tinuturuan ng isa pa niyang katrabaho tungkol sa mga klase ng tela.Nagpasya na lang kasi siyang ituon ang atensyon niya sa trabaho. Tutal naman ay mukhang wala itong balak na umalis gaya ng paulit-ulit niyang sinasabi, kaya hinayaan na lang niya ito.Siguradong mapapagod din ito kapag nalaman nito kung gaano siya ka-busy na tao.“Wala. Hindi kami magka-ano-ano,” mataray niyang tugon tsaka muling ibinalik ang pansin sa pagsusukat.“Hmft! Ang damot mo sa chika! Hindi ko naman si
CHAPTER 73RED’S POVH E . . . saw how Trinity glanced at his phone screen before she turned away. Kaya alam niyang alam nito kung sino ang tumatawag na iyon.He ignored the call and planned to ran after her, pero muli lang nagring ang telepono niya.Rian Calling...He let out a harsh sigh.Kilala niya ang ugali ng babaeng walang tigil na tumatawag sa kanya. She will not stop until he answers.Kaya para matapos na at makabalik na siya kay Trinity, sinagot na lang niya ang tawag. He didn’t want anymore interruptions after this.Hindi niya kasi magawang i-off ang cellphone dahil baga tawagan siya ng kampo for emergency. Kung alam niya lang, he should have set up a different phone line for work. Ayaw niya naman kasi ng dala-dalawang cellphone dahil bukod sa hassle ay nakakalito iyon.Napapalatak siya.“What is it?” iritado niyang bungad pagkasagot na pagkasagot niya.“Hello? Miggy?! Finally! You answered! Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot! ‘asan ka ba?!” singhal din ni
RED’S POV M G A . . . bandang alas tres ng hapon nang matapos ang trabaho ni Trinity sa patahian. “’Yong sa hem at sleeves ‘wag n’yo na muna galawin. Susubukan kong humanap ng pwede nating gamitin na pang-lining,” habilin nito sa mga kasama. “Sige, Jade. Mag-cut out na lang muna kami ng mga outline, tapos ‘pag may nahanap kang lining ngayon, bukas nating ikabit lahat,” sagot naman ni Pia. Tumango naman ang dalaga. He stood by the door as he listened to their conversation. Wala siyang gaanong naiintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga ito, but he cannot help but watch Trinity in awe as she works. She seemed so indulged to her craft at mukhang alam na alam nito ang ginagawa. To him, that is appealing. “Asa’n na ba si Aira? ‘kala ko ba sasama ‘yong bruhang ‘yon? Aira!” maya maya ay sigaw ng dalaga habang sumisilip pa sa loob. “Present! Grabe sa bruha Ate Jade a,” malakas na sagot naman ng tinatawag nito ‘tsaka patakbong lumalapit sa kinaroroonan kay Trinity. “Tagal mo,” sita nito
JADE’S POVM A Y . . . pakiramdam talaga siya na sinadya ni Aira na kunin ang pitaka niya para siguruhing hindi sila makakaalis ni JM. Totoong binalak niyang iwanan na lang ang kaibigan at mag-commute na lang sila ng anak. As much as possible kasi ay ayaw niyang magkaroon ng close encounter ito at si Red. Hindi siya handa para doon.Pero nang hanapin niya ang pitaka niya para sana kumuha ng pamasahe, ay hindi niya iyon nakita sa bag na dala. Mabuti na lang at naging ugali niya talaga ang i-check muna ang laman ng pitaka bago siya sumakay ng kahit na anong pampublikong sasakyan. Minsan na kasing nangyari sa kanya na sumakay siya ng tricycle, tapos kulang pala ang pamasahe niya. Abot-abot ang kahihiyang inabot niya mula sa driver ng tricycle, kaya mula noon ay inugali na niyang magcheck muna ng perang dala.Wala siyang choice kung di ang bumalik kung saan nakaparada ang kotse ni Red.Gaya ng hula niya, naroon nga ang pitaka niya. Alam niya kasing dala-dala niya talaga iyon. Chin
JADE’S POVM A H I G P I T . . . ang naging paghawak niya sa kamay ni JM nang pumasok sila sa mataong lugar.“O, JM, ano’ng sabi ni Mama sa’yo kapag nasa mataong lugar?” tanong niya sa anak.“Hawak lang kay Mama, huwag bibitaw. Huwag sasama sa hindi kilala,” pag-eenumerate nito ng mga habilin niya.Napangiti niya.“Very good. O, ‘lika na,” aniya sabay pisil ng bahagya sa pisngi nito.Nagsimula na silang mag-ikot ni Aira, habang karay-karay niya si JM. May pagmamadali ang bawat kilos niya dahil kailangan nilang matapos ang agenda nila roon sa loob ng ilang oras lang.May pasok pa kasi siya sa coffee shop mamayang alas otso. Mabuti nga at napakiusapan niya pa ang manager niya na payagan siyang pumasok ng late ng isang oras.Para silang nag shop hopping dahil halos lahat yata ng tindahan ng textile at abubot ay pinasok nila.Maya’t maya niyang nililingon si JM dahil baka mamaya, hindi na pala anak niya ang hawak niya. Kung may pagpipilian lang talaga siya ay hindi niya isasa
JADE’S POVH A L O S . . . magka-stiff neck na siya sa kakalingon sa labas ng bintana. Umiiwas kasi siya sa posibilidad na magtama na naman ang paningin nila ng lalaking nagmamaneho sa tabi niya. Tanging mahinang musika na nanggagaling sa radyo lang ang pumupuno sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Nagsisimula nang dumilim ang paligid. Mukhang ngang uulan pa. Napatingin siya sa digital clock sa dashboard ng kotse. Alas siete na ng gabi, at malayo pa sila sa kanila. Rush hour at mabigat ang daloy ng trapiko. Siguradong hindi na siya aabot sa trabaho niya sa coffee shop. Nilingon niya ang kaibigan na nasa backseat at abala sa pag-i-scroll sa telepono nito. “Aira,” pabulong niyang tawag dito sabay mabilis na sinulyapan ang natutulog na anak. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Mukhang napagod talaga ito. “’Te?” sagot naman ng tinawag niya. “May load ka ba?” tanong niya ulit. “Pangtawag o text?” “E tawag sana,” nahihiya niyang sagot. “Teka saglit, check ko,” Pagkasabi niyon ay mab
RED’S POVT H E R E . . . are quite a few things that have been bothering him since that day na sinamahan niya sina Trinity sa lakad nito.Una, ay ang pagkakatuklas niya na hindi lang isa, hindi lang dalawa, kung di marami ang trabaho ni Trinity para lang masuportahan ang anak nila. Bilang lalaki, that did not exactly made him feel proud. Gusto niyang magmura nang marinig niya iyon, pero pinigil niya ang sarili dahil naroon si JM.Pangalawa at ang hindi niya pinakamakalimutan sa lahat ay ang sinabi ng anak niya.“Inipon ko po ‘yong pera para may pangbayad tayo ‘pag na-ospital na naman ako,”He remember his son saying those words.Ano kaya ang ibig nitong sabihin na na-ospital na naman? May sakit kaya ang anak niya? Now that he thinks of it, medyo maputla at may kapayatan nga ang bata n’ong nakita at nakasama na niya ito ng malapitan.Nag-alangan lang siyang itanong kay Trinity, dahil baka iba ang maging dating niyon sa dalaga at ikasama pa ng loob nito.Pero hindi talaga wa
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di