Chapter 30Hindi ko alam kung kikiligin ako. Nakasumbrero si Jinx at nakasuot ng shades. Pormado. Hindi kagaya ng nakaraang araw. Naka-jacket nga siya ng leather ng parang kay Coco Martin. Kahawig niya talaga si Daniel Padilla. Tahimik ang lahat nang nagsimula na siyang tumugtog ng gitara. Always Be My baby na version ni David Cook ang kanyang kakantahin.We were as one babeFor a moment in timeAnd it seemed everlastingThat you would always be mineNapalakpak ang mga kasamahan naming magsasaka nang marinig nila ang boses ni Jinx. Maganda ito. May nakakakilig siyang tono. Boses lalaking lalaki. Kahit hindi ko man nakikita ang kanyang mga mata ramdam ko sa boses niya yung emosyon. Alam ko namang pansamantala lang muna kaming magkakasama. Maaring babalik siya sa US o manatili siya sa tabi ko ngunit pinaghahandan ko na magkakalayo talaga kami kapag kami na ay nasa kolehiyo kahit sabihing matagal pa naman iyon.Now you want to be freeSo I'm letting you flyCause I know in my heart babe
CHAPTER 31Dumating ang JS Prom namin. Iyon ang kinatatakutan ko. Hindi ako makasasama dahil wala naman akong maisusuot at hindi rin ako makapagbibigay ng aming contribution. Hindi rin naman nagsasalita si Jinx. Tahimik lang siya na walang ka-inte-interes na yayain ako. Nahihiya naman akong ako ang una sa kanyang magsabi na gusto ko rin sanang maranasan ang pagkakaroon ng JS. Siguro kaya siya hinid na nagsabi pa dahil nagsasawa na siya sa akin. Isa pa si Juvie kasi ang nakikita kong kapareha niya sa ensayo nila sa kanilang cotillion kaya ayos lang sa kanya na hindi ako dadalo sa JS namin. Nalulungkot akong nanonood sa kanilang ensayo. Napabuntong hininga ako. Iniisip kong mala-cinderella sana akong gown ko. Yung sasayaw kami ni Jinx na pakiramdam ko kami lang ang nasa bulwagan. Napakasarap na imahinasyon. Kung sana kagaya lang ako ni Juvie na may pera siguro mae-enjoy ko rin ng husto ang aking kabataan. Minabuti kong pumasok na lang sa aming classroom kasama ng dalawang babae na kakla
Chapter 32“Baby ko, mauna na ako uuwi mamayang hapon ha? Mamimili pa kasi ako ng mga gagamitin ko sa JS. Hindi na kita maiaangkas pa pauwi.”“Okey lang. Naiintindihan ko.” sagot ko. Nagtatampo man ngunit anong karapatan ko?Naglakad akon umuwi mag-isa. Lungkot na lungkot dahil bukas na ng gabi ang JS ngunit tuluyan nang naglaho ang pag-asa kong maging memorable ang gabing iyon sana sa amin ni Brad. First dance ko sana siya. Sayang talaga.Pagdating ko sa bahay ay may inaayos ni Nanang mga de lata at mga kung anu-anong groceries sa mesa.“Namili kayo Nang?”“Hindi. Ano naman ipapamili ko sa mga ganito kamahal na groceries. Itong isang de-lata nga na ito may nakalagay pang 180 pesos. May ganito pala kamahal na de-lata anak?”“Galing kay Jinx ba ang mga ito? Ibig sabihin dumaan siya ngayon?”“Anong ngayon? Dati pa ang mga ito.”“Pero noong nakaraang linggo pa ‘yun ah.” Nagtataka ako.“Hindi ah, noong isang araw lang ito na idinaan niya. Hindi ko lang nailabas dahil sa dami ng aking gina
Chapter 33Kalahating araw lang ang pasok namin sa school ngunit hindi pumasok si Jinx. Hindi rin naman niya sinasagot ang text ko kung bakit. Naisip kong baka nga naghahanda para sa JS nila mamayang hapon. Bago ako umuwi ay nakita ko kung gaano kaganda ang bulwagan na paggaganapan nila ng JS. May dance floor na napapalibutan ng maraming mesa na uupuan ng mga dadalong mag-aaral para sa JS. May mga naglalagay ng mga bulaklak. Nagmumukha itong parang nasa isip kong bulwagan na pagsasayawan ng Prince Charming at favorite kong Disney Princess na si Cinderella. Napabuntong-hininga ako. Nakaramdaman ako ng inggit pero hanggang pangarap lang naman kaming walang kakayanan na dumalo sa mga ganoon.Pag-uwi ko sa bahay ay naroon si Nanang na nakahiga sa duyan at nakikinig ng panradyong drama sa silong ng malaking puno ng mangga sa harap ng bahay. “Oh dumating ka na pala anak. Magpalit ka na para makakain na tayo ha?”“Opo Nang. Kumain na ho ba kayo?”“Hindi pa kasi hinihintay kita. Ang tatang m
Chapter 34“Anak, mag-enjoy ka lang ha? Hindi ko alam kung hanggang kailan ito pero gusto kong i-enjoy mo ang bawat sandali.”“Kinakabahan talaga ako, Nang.”“Okey lang na kabahan ka anak. Ako man din ay kinakabahan ngunit isipin natin na bihira lang mangyari ito sa buhay mo, sa buhay natin kaya wala kang dapat gawin kundi ang mag-enjoy lang.”Alam kong marami pang gustong sabihin si Nanang sa akin ngunit kulang siya ng tamang salita para magamit niya. Hindi siya nakapag-aral kaya naiintindihan kong mas kinakabahan pa at nahihiya siya. Ako na mas may narating sa pag-aaral ang dapat nang aalalay sa kanya.Ginagap ko ang kanyang butuhan at magaspang na palad.“Tara na ho…”Bababa pa lang sana kami at bubuksan ang pinto ngunit nauna nang nagbukas ito. Nakita kong nakatayo roon si Jinx. Nakasuot ng asul na Americana at kulay blue rin ang kanyang pantalon. Puti ang kanyang panloob na binagayan din niya ng asul na tuxedo. Napaka-gwapo ng mahal ko. Lumabas ang pagiging mukhang expensive nito
CHAPTER 35May this affair forge bonds among all of us. May the fruit of this fulfilling activity be ours not only as keep safe but as wisdom, as an experience, as a piece of the magnificent gift named “life”. Ladies and gentlemen, let us welcome our participants in they dazzling gown and stunning americanas!”At nagsimula ang tugtog. Hinawakan ni Jinx ang kamay ko. Simula na ang isang gabing hindi ko nakita sa aking pangarap. Isang gabing inihanda at inihahandog ng lalaking patuloy na sumosorpresa sa akin. Nagtinginan kami.Lumakas ang kabog ng aking dibdib.Nagkangitian kami.Nakatulong iyon para ako’y tuluyang marelax.Natapos na ang lahat sa kanilang paglalakad. Pinatay ang ilaw. Nagulat ang lahat. Akala nila nagka-brown out. Hanggang sa tumahimik sila nang alam nilang sadyang pinatay lamang iyon para mas makita ang sinag ng spotlight na noon ay nakatutok sa amin. Bukod sa spotlight, ang mga nakasinding kandila na hawak ng mga participants na siyang nakahilera sa dadaanan naming
CHAPTER 36Lahat ay nagkakasiyahan na sa gabing iyon. Alam kong hindi alam ng aming mga teachers na may nakahalong alak sa aming mga inumin. Walang gustong mag-report dahil lahat ay nag-eenjoy. Ngunit mababanaag sa mukha ang pamumula. May mga nalasing na. Hindi mapigil ang ilan sa pagsasayaw. May mga nasuka. Dahil doon ay pinatigil ng aming Principal ang aming kasiyahan. Tinapos ang gabi na hinubad ko ang sapatos ko at tumakbo kami ni Jinx papunta sa kanyang sasakyan dahil nagkakaroon na raw ng imbestgasyon kung bakit nagka-gano’n.Dahil tipsy, pakiramdam ko mas nagiging wild na kami ni Jinx. Kung saan niya ako dadalhin wala akong pakialam. Tama si Nanang, nalasing ako ng kaligayahan ng gabing iyon. Nalula ako sa binigay nitong kaibahan at hindi ko na kontrolado pa ang aking nararamdaman. Sumusunod na lang ako kay Jinx sa kanyang lahat ng gustong gawin. Naging alila ako ng pagtitiwala sa kanya. Dahil nakainom, handa na ang loob ko sa kahit anong mangyari sa pagitan naming dalawa.Nang
Chapter 38Tinungo ko ang shower. Hinayaan kong iagos ng maligamgam na tubig ang aking nerbiyos. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para pakalmahin ang aking sarili. Hanggang sa naramdaman kong umiinit ng umiit ang tubig na parang nakakapaso na sa balat. Umuusok ito. Ganito ba kainit ang tubig ng mga mayayaman?Binuksan ko kasi ang pulang faucet. Napaisip ako. Baka nga hot ang ibig sabihin ng pula. Pinihit ko ang asul. Pinakiramdaman ang tubig. Hayon, okey na. Napangiti ako. Ganito ba talaga kapag galing sa hirap at sa tubig sa poso o kaya sa mga irigasyon lang naliligo?Muli kong hinayaan ang tubig na umagos lang sa hubad kong katawan. Gusto kong kalmado na ang aking isip at puso pagbalik ko sa kanya. Dapat nakahanda na ang kalooban ko pagbalik ko sa piling niya. Gusto kong hindi nangingibabaw ang takot ko at excitement sa performance sa aming unang pagtatalik. Lahat ng aking pagtatanggi noon ay parang kumunoy na hinigop ng pagmamahal ni Jinx. Hindi na ako makatatatanggi pa. Gusto kong
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa